CHAPTER 21 “Ano? Nahihibang ka na ba, Ninong? Tumigil ka nga! Tumigil ka nga d'yan sa kamanyakan mo!” mariing sigaw ko. Nababaliw na ba siya? Paano kung makita siya ni Nanay na nand'yan sa labas ng banyo? Sinundan pa talaga ako rito sa loob! “Make it fast, Ligaya. Kung hindi papasukin kita sa loob. What if may mga butas pala dito. I can't trust this!” rinig kong sabi nito. “Wala namang sumisilip sa akin dito! Ikaw pa lang! Ikaw 'yong hindi mapagkakatiwalaan dito! Umalis ka na kung hindi sisigaw ako!” pagbabanta ko sa kanya. ”Aalis na ako. But make it fast, Ligaya. Kapag hindi ka pa tapos ng limang minuto babalikan ulit kita,” ”Oo na! Umalis ka na!” Buong akala ko ay aalis na siya. Pero humirit pa talaga! “Pwede pasilip kahit konti?” ”Ninong!” Pinagpatuloy ko ang aking pagsasab

