Chapter Six

3670 Words

"ILANG araw ka naman sa Batanes, anak? Hindi ba puwedeng huwag ka na lang sumama? Napakalayo niyon, nasa dulo ka na ng Pilipinas." Nag-aalalang tanong ng Mama niya. Napangiti siya. "Mama, ngayon pa ba kayo mag-aalala. Noon ko pa naman po ito ginagawa ah? Excited nga po ako dahil ngayon lang ako makakarating sa Batanes eh!" sabi pa niya. "Ay siya! Basta, ingatan mo ang sarili mo. Teka, sana sinama mo na lang si Glenn." Natawa siya. "Mama talaga, abalang malaki ako sa tao. Alam n'yo ba na super busy 'yon? Kabi-kabila ang negosyo no'n." "Huu! Busy? Kaya pala madalas kayong magkita." Tudyo pa ng Mama niya. "Mama, break time n'ya 'yon sa ospital." Depensa niya sa sarili. "Ay siya, kelan naman siya dadalaw dito sa bahay?" tanong pa nito. "Hindi ko po alam, itatanong ko po sa kanya." sagot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD