PAGDATING sa Hotel kung saan ginaganap ang kaarawan ng Daddy ni Glenn. Kung noong una, inakala ni Nicole na mabo-boring siya doon dahil wala siyang masyadong kakilala. Bukod pa sa pinakilala na rin siya nito sa wakas sa mga magulang nito. At masaya siya dahil malugod siyang tinanggap ng mga ito. Madali siyang naging komportable sa party na iyon. Salamat sa mga kaibigan ni Glenn at kay Marisse. Ayaw din naman kasi niyang buong gabing karay nito, may mga kinakausap din kasi itong tao tungkol sa negosyo nito. "Bagay kayo, promise." Biglang sabi ni Kim. "Salamat," usal niya. "In fairness, ngayon lang namin nakitang ganyan kasaya at inspired 'yan si Glenn. Ewan ko ba, hindi namin nabalitaan na nagka-girlfriend ulit 'yan, after n'ya umuwi galing sa pag-aaral sa America." Saad ni Marisse. "Ba

