"Bakit biglaan naman yata?" tanong ni Ma'am Elsie,
Yong mga nasa malapit ay nagkanya-kanya ng tigil sa ginagawa. Siguro nagtataka sa pinag-uusapan namin ng may-ari. Napayuko na nga lang ako sa hiya at hindi nagsabi sa tunay na dahilan. Alangan namang sabihin ko na makikipag live in na ako kaya kailangan ko ng magresign? Nakakahiya na nga at ayaw ko ng dagdagan ang kahihiyan na nararamdaman ko.
Ang laking pasasalamat ko kay Ma'am Elsie sa magandang oportunidad na binigay niya sa akin rito. Kung hindi ko lang iniisip ang hiling ni Ulysses at sa magiging kapalaran ng mga kapatid nuncang papatol kaagad ako. Ayaw ko namang maghirap ang mga kapatid ko at laking konsensya pa ang dadalhin ko kapag nangyari yon.
Kaya ilang araw pagkatapos kong magpaalam ay ipinaalam ko na rin sa mga kaibigan at katrabaho na iyon na ang huling araw ko na magtatrabaho roon. Nalungkot naman sila at wala na ring nagawa sa desisyon ko.
Maliban na lang kay Glory na halata ang pagdududa ngunit hindi naman naisatinig ang nasa isipan. Na ipinagpapasalamat ko kasi ayaw ko namang sa huling gabi ko rito ay yon pa ang magiging issue.
Kinaumagahan ay maaga pa lang nakapaghanda na ako. Sabi ni Ulysses magkikita na lang daw kami sa amin at pare-pareho naming kakausapin ang bangko para mabayaran na lahat ng utang namin. Nagbago ang plano na dapat susunduin ako ni Ulysses rito mamaya dahil na rin sa hiling ko na gusto kong sumama sa kanila. Dahil huli na nga ng ipinaalam ko sa kanila na sasama ako, makikihabol na lang ako pauwi sa amin. Saka kaonti lang naman ang gamit ko at kaya kong dalhin ang mga yon.
Pagkababa ay nagulat ako ng nakita si Ulysses na nakaputing polo at pantalon, at nakashades pa. Tuloy, pinagtitinginan siya ng mga tao. Na kinasanayan ko na lang din, lalo na habang tumatagal.
"Dapat susunduin kita... pero ayaw mo naman." Simangot nito at nilagay ang mga gamit ko sa likod ng sasakyan niya.
Napanguso naman ako at hindi na lang din nagsalita. Ito kasi ang pinag-awayan namin kanina. Gustong-gusto niya akong sunduin kaso pinilit ko siyang wag na lang. Lalo na at bukas ang restaurant.
"Pa..." tawag ko ng sinundo namin siya sa eskwela nina Andolf at Clarisse. Ipinagpaalam naman ni Papa ang mga kapatid ko sa nakatokang guard. Bago kami tumungo sa bangko.
Naghintay na lang ako sa sasakyan at hinayaan sina Papa na pumasok sa loob. Hindi pa nagkakalahating oras nang lumabas sila at parang nagkakatuwaan sa pag-uusap.
"Okay na po?" tumango si Papa, isang beses pa na tumitig sa akin bago pumasok.
Hindi na rin kami nagtagal pa sa bahay at umalis din kaagad. Kailangan ding umalis ng maaga dahil may trabaho pa si Ulysses mamayang gabi. Mas lalo na tuloy akong kinabahan habang papalapit sa bahay nila. Iniisip ko pa lang ang itsura ni Sapphire. Para na akong mahihimatay sa kaba. Alam ko naman na ayaw no'ng bata sa akin. Siguro kasi alam niyang gagamitin ko lang ang tatay niya sa personal na bagay. Hindi lang naman iyon.
"Hindi ko nasabi, wala si Sapphire ngayon sa bahay. Hiniram muna nina Mama at nasa Maynila ng tatlong araw."
Humaba ang buntong hininga ko kaya narinig ko na tumawa siya at ginagap ang mga kamay ko.
"Gano'n lang talaga iyong anak ko, Nia... she hates everyone at first, pero pag nakilala ka na niya. Alam kong magugustuhan ka rin niya." Pang-aalo niya.
Ngumiti na lang din ako at huminga ng malalim hanggang sa nakapasok na kami sa loob ng compound ng bahay niya. Bukas ang ilaw sa gitnang bahay, klaro sa tumatagos na ilaw sa mga salamin. Siguro nandiyan iyong matanda na humabol kay Sapphire noon sa Ospital.
"Manang..." tawag ni Ulysses nang binuksan niya ang living room.
Nahihiyang sumunod ako at kinuha ang isang bag na nasa kamay ni Ulysses. Bago bumati kay Manang na mabait na ngumiti sa akin.
"Nia, gutom na ba kayo, hija?"
Umiling kaagad ako at tumango naman ito. Saka siya nagpaalam para tumungo sa kusina. At inaya naman ako ni Ulysses sa kabilang pasilyo patungo sa kabilang bahay kung nasa'n ang mga silid. Namumula na ang pisngi ko habang nakasunod sa kanya. Narinig ko nga lang na tumawa siya at ginagap muli ang kamay ko bago hinila sa silid, sa kwarto kung saan niya ako dinala noon.
"This will be our room. Sa ngayon, ikaw muna ang matutulog rito at may pasok ako mamayang alas siete. Enjoy your stay, Nia." Ngiti niya at nilapag sa paanan ng kama iyong mga gamit ko.
Napaiwas ako at namumulang naupo sa kama at parang napapasong napatayo rin kalaunan. Saka naglakad ng kaonti at napatigil nang nakita siyang nakatitig sa akin, para bang specimen na ine-examine kung ano itong mga ginagawa ko.
Nahihiyang ngumiti ako at napakamot sa batok bago muling naupo sa kama. Gano'n na lang ang panlalamig ko ng naramdaman siyang tumabi sa akin. Nanigas na ako ng tuluyan at hindi na nakakilos. Tuluyan na ngang natulos sa nangyayari.
"Relax..." ngisi niya.
Paano pa ako magrerelax kung nasa gilid ko siya at parang inaamoy ako, o umaambang hahalikan iyong tenga o leeg ko? Naninigas nga ako sa kaba at hiya... paano nga kung yong isang hiling niya ay ngayon na? Paano ako aakto sa naaayon? E hindi pa ako handa--- ang baho ko pa.
"Uuwi ako mamayang madaling araw." Paalam niya at lumayo.
Bumuga ako ng hangin na naramdaman niya yata kaya natawa na lang din sa huli. Ngumiti na lang din ako bago lumingon sa kanya.
"Thank you."
Napamaang siya, sinsero naman ako sa pagpapasalamat sa kanya. Kung hindi naman dahil sa tulong niya, siguro bilang na lang ang araw namin doon sa bahay na ipinundar nina Mama at Papa. Nagpapasalamat ako na nakilala ko siya. Kung hindi naman... saan ako maghahanap ng tulong?
"Nia, I am helping you because I like you." Wika nito na naging dahilan kung bakit gumapang ang pag-iinit sa buo kong mukha. Hindi na ako lumingon at niyuko na lang ang ulo.
Hinaplos niya naman ang ulo ko na parang bata lang iyong kausap niya. Mas lalo tuloy akong namula at hindi na lang inangat ang mukha. Ayaw kong makita niya na sobrang nangingilabot ako sa nangyayari. Wala pa ngang nangyayari, ito na kaagad ang epekto niya sa akin.
"Maliligo muna ako..." paalam niya.
Tumango ako at saka lang siya tumayo. Nahihiyang tumayo na rin ako ng naglakad siya patungo sa bathroom. Nang nakapasok na siya ay doon naman ako kumilos para ilagay sa gilid ang mga dalang gamit para naman hindi sagabal. At doon din ako nagdesisyon na lumabas. Dahil sa oras na lumabas siya riyan, magiging temtasyon na naman sa akin ang makikita. At baka mapahiya lang din ako sa huli.
Nagulat si Manang ng nabungara ako sa labas ng kusina, kumakanta-kanta pa nga ito habang nagluluto. Naaliw naman ako sa panonood kaya hindi ko muna dinistorbo kaso nahuli niya na akong nanonood doon.
Ngumiti ito at iminuwestro ako para pumasok na ng tuluyan. Tumabi ako sa kanya at nakitang masarap sa pangamoy ang niluluto niyang alimango. Nagutom naman kaagad ako. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nakakain ng crabs at lutong bahay pa. siguro noong buhay pa si Mama, noong okay pa ang buhay namin.
"Lagi kang kinukwento ng alaga ko sa akin." Biglang sabi niya, habang naghihintay kaming maluto na ng tuluyan ang alimango.
Nagulat naman ako sa sinabi ni Manang, hindi na rin siguro nakakapagtaka kung gano'n ang pag-approach niya sa akin kanina. Kasi kung hindi naman, at kung iyong nangyari sa Ospital lang ang pagbabasihan, kulang pa para casual akong kausapin nito.
"Totoo ngang napakabata mo pa..." dugtong niya.
Na naging dahilan kung bakit napipila ako at hindi kaagad nakapagsalita. Gusto kong malaman kung ano pa ang kinukwento ni Ulysses sa kanya. Hindi naman siguro masama... at walang harmful na usapan.
"Alam mo, iyang si Ulysses... mabait iyan, mapagmahal na anak at mapagmahal na ama. Maswerte ka at ikaw ang nagustuhan. Iyong Nanay kasi ni Sapphire saksakan ng kaartehan at mas gustong libutin ang mundo kesa alagaan ang mag-ama niya."
Nagiging madaldal na yata si Manang at ang dami kong nalalaman. Dahil sa mga binitawan niya, ngayon lang pumasok sa isipan ko ang tungkol sa Nanay ni Sapphire. Bakit kaya hindi magkasama ang dalawa? Anong dahilan? Hindi nagwork out?
"Pakiramdam ko, mabait ka namang bata at kabaliktaran ni Nancy. Alam kong maaalagaan mo sina Ulysses at ang alaga ko. Kaya siguro magaan ang loob ko sa'yo."
Ngumiti na lang ako ng malumanay at sumandal sa sink kaso muntik na akong natumba nang nakita si Ulysses na pumapasok sa kusina na tanging tuwalya lamang ang sout. Magulo at basa ang buhok. Namimintog ang bawat muscles niya sa katawan. Para siyang nagniningning. At gulat na napatitig ako sa katawan niya. Talaga... talaga namang, maswerte ako.
"Nia..." tawag niya sa akin.
Noon naman ako napakurap at napaiwas. Mabuti na lang at hindi ko napansin o narinig man lang ang panunukso sa boses niya. Kundi, mahihimatay ako sa sobrang hiya nito.
"Are you hungry?" tanong niya at dumaan sa gilid ko.
Napakagat labi ako at tumalikod para titigan si Manang na chinecheck ang ulam ngayong gabi. Naisip ko nga rin, lagi bang ganito si Ulysses? Paano kaya natitiis ni Manang? Siguro wala namang pakialam ang huli o kaya'y sanay na ito.
"H-hindi pa naman po." Sagot ko, ni hindi man lang sumulyap sa ref na narinig kong bumukas. Ayaw kong tumitig doon... nahihiya ako.
"You can use our room now, Nia. " sabi niya na lang.
Tumango ako, at naglakad paalis. Nanginginig naman ang mga tuhod ko ng nakaalis na sa kusina. Nagpahinga lang ako sandali bago tumuloy sa paglalakad. Kumuha na rin ako ng mga damit para diretso bihis na lang sa loob.
Napabuntong hininga ako noong nakita na panglalaking sabon at shampoo lang nando'n. Hindi pa ako nakakabili ng mga personal na gamit kasi wala na akong pera. Binigay ko na lahat kina Papa. At ang natira na lang sa akin ay ang mga lumang gamit. Kaya, napaisip naman ako kung paano ako kikita nito?
Naligo muna ako at inalis lahat ng pag-aalala sa isip. Saka ako nagpatuyo ng buhok at lumabas, Laking gulat ko ng nakita si Ulysses na umaaktong magsosuot ng boxer. Mas dumoble iyong panlalaki ng mga mata ko ng nakita ko sa ilaw ang puwet niya. Sa halip na matawa, ay napamura ako sa isipan. Kahit ang muscles nito sa pang-upo ay kumakaway din sa akin. Malaking temptasyon... ako na yata ang nagiging manyak dito. Wala rin akong masabi kaya mabilis akong tumalikod. Na saktong ikinatawa niya.
"Nia, you'll get used to this." Tukso niya.
Dumiin ang pagkagat ko sa sariling pang-ibabang labi bago yumuko at nahihiyang napakamot sa batok. Pagkatapos naalala ko iyong katawan niya sa kusina... all along ba ay wala siyang sout noon sa loob? Maliban sa tuwalya.
Paano pala kung wala si Manang? Paano kung kami lang dalawa?
Tumawa lang ito at gano'n na lang pagtalon ko sa gulat nang naramdaman ang init ng dibidib niya na lumapat sa likod ng batok ko. Para naman akong mahihimatay at nanigas na ng tuluyan.
"Nia... Relax." Sabi niya at pinagapang ang palad niya mula sa kamay ko patungog braso. Agad na nagsitindigan ang mga balahibo ko sa katawan. Saka lang ako natulala nang naramdaman kaagad iyong bukol na nasa likod ng tiyan ko.
Agad-agad?! Wala man lang warm up?
"I have work tonight...but I can't wait." Bulong niya at diniin na lang ang bukol bago lumayo sa akin.
Para naman akong mabubuwal sa gulat. Hindi pa rin nagsisink in sa akin na talagang ipinaramdam niya iyong pagkakasabik niya. Mas lalo tuloy naging mahirap sa alin ang sitwasyon... at nagiging temptasyon.
Kung pwede lang... kung pwede lang na pati iyong babae ay pwedeng maging manyak... I mean, iyong pwedeng sabihin iyong nasa isipan niya. Di sana'y walang mag-iinit ang puson at makakaramdam ng sabik sa bawat oras.... Dahil sa nangyari, dahil sa ginawa niya. Naging mahirap sa akin ang gabi. Hindi ako makatulog. Kahit na alas dose na ang nakalagay sa orasan, tuluyan na akong hindi dinalaw ng antok hanggang sa umuwi siya ng madaling araw. Alas sinco impunto.
Pareho pa kaming nagkagulatan nang umikot ako paharap sa kanya. Nakaitim na t-shirt siya at pants kaya hindi gaanong maaninag iyong bulto niya sa dilim.
Tumabi kaagad siya sa kama at naupo roon, saka hinaplos ang ulo ko.
"You woke up early." Sabi niya.
Napailing kaagad ako, at naupo ng maayos kahit na nahihilo ako sa walang tulog na gabi.
"Hindi ako nakatulog."
"Namamahay ka."
Sumang-ayon ako roon. Totoo ngang namamahay ako o dahil do'n sa pinaramdam niya sa akin kagabi.
Agad na bumagsak ang mga mata ko patungo sa kandungan niya. Sentro. Kung saan ko naramdaman iyong bukol kagabi.