13

2106 Words
Alas diez yata nang nagising si Ulysses na ngumiti sa'kin. Nakita ko naman na nakatitig sa'min ni Sapphire at napaiwas. Ako nama'y tinuloy ang pag-aayos ng mga gamit ni Sapphire. Naliligo kasi ito sa pambatang pool. Binabantayan ko naman dahil abala rin si Manang. Kahit ayaw ng bata, wala rin naman siyang magagawa gayong kailangan niya ng bantay. Tahimik lang naman ito, yon nga lang at hindi namamansin. Naiintindihan ko naman iyon. "Sweetie..." tawag nito sa sariling anak, na lumingon lang sandali at ngumiti sa ama bago tumuloy sa ginagawa. Tumabi naman sa akin si Ulysses na lihim na napapangisi, samantalang ako rito at nambabaliwala na lang dahil sa sobrang hiya. Ayaw ko namang magsalita at baka ano pang lumabas sa sariling bibig. Paano naman kasi, at nahihiya ako sa pinaggagawa ko noon. Kahit naman naging komportable ako ay parang bumalik naman sa huwisyo ang lahat at agad akong ginapangan ng hiya. Ayaw kong magsalita ng kahit ano, hahayaan ko naman ang pagkakataon. At salamat naman at hindi iyon ang pinag-usapan namin habang nagbabantay kay Sapphire. "Ano bang gusto mong kunin?" tanong niya, makalipas ang ilang tanong kung ilang buwan na lang at pasukan na naman ulit sa susunod na school year. Hindi ko maiwasang ma-excite. Lalo na't kung hindi lang dahil sa sitwasyon namin ay baka ipinagpatuloy ko ang pangarap. "Education..." sa huli'y desisyon ko habang nakatitig kay Sapphire na nakita kong lumingon rito ngunit inignora na naman kami at lumangoy sa dulo ng maliit na pool. "That sounds interesting..." sabi niya kalaunan. Ngumiti ako at napatingin sa kamay niya. Sa maugat niyang kamay. Napabuntong hininga ako. At hinawakan iyon, nagulat ito ngunit mas nagulat ako sa sariling ginawa. "S-salamat..." kandautal na sabi ko. Lumingon siya at ningitian ulit ako. Sakto namang umahon si Sapphire kaya napabitaw ako sa pagkakahawak sa kanyang kamay. Hindi ako sigurado kung nakita ba iyon ng anak niya, ngunit pansin ko ang pagkunot ng noo niya bago nagpakandong sa sariling ama. Nahiya naman ako at pinili na tapusin na ang ginagawa bago tumitig kay Sapphire na nakatitig pala sa akin. Hindi ko naman maiwasang manliit sa ginagawad niyang titig noon. Para bang minamata niya ako sa mga pinaggagawa ko. Hindi nga lang itong nagsasalita, wala iyong tahasan niyang pagsabi sa akin na ayaw niya sa akin. Kundi dinadaan niya lang sa mga titig na yon. "Dad, ipasyal mo naman po ako sa Mall..." baling niya sa ama. Binalik niya muna ng isang beses iyong mga mata sa akin bago tinuon na nang tuluyan sa ama. Tumitig sa akin si Ulysses, parang may gustong sabihin ngunit inuna muna nito ang anak. "Bakit naman po?" galit nitong sabi pagkatapos na marinig ang desisyon ng ama. Napasinghap nga ako, at ayaw ng sumang-ayon. Ayaw ko lang talaga ng gulo kaya nagdadalawang isip ako sa pagsama sa dalawa. Hindi naman gano'n yong kadali. Ayaw nga ng bata... at mahirap ipilit iyon. "Para masaya. Ayaw mo no'n at kumpleto tayo?" pang-aalo pa niya sa sariling anak. Tumitig ng isang beses iyong bata sa akin. Saka siya napailing. Parang pinunyal naman ang puso ko ng narinig ang dahilan niya. Ang bata niya pa para maintindihan ang sitwasyon niya. Siguro kasi mag-isa siyang pinalaki ng ama, kaya gano'n. "Sapphire..." malumanay na saway ni Ulysses. "Totoo naman po.. okay naman kung tayo lang dalawa Daddy. Lumaki naman po akong walang Mommy, e." nguso nito. At yumuko. Mas lalo akong nasaktan sa narinig. Ngayon ko lang naiintindihan kung bakit gusto ni Ulysses na may tumayong mother figure sa anak niya. Ang bata pa nito para maranasan at maintindihan ang nangyayari ngayon sa kanya. Tunay ba talagang may mga inang kayang hayaan ang mga anak? Kung sigurong tunay na anak ko si Sapphire, baka ikinamatay ko pa ang pag-alis at hindi sa pag-alaga sa sariling anak. Hindi ko naman masasabing maswerte sina Clarisse at Andolf, ngunit kahit naman mga sanggol pa sila noon ay nakita ko naman kung paano silang inalagaan ni Mama. Nakikita ko iyon, at kahit wala pang muwang ang mga kapatid ko ay alam kong ramdam nila ang pagmamahal ni Mama. Si Sapphire... lumaking hindi naman yata hinawakan man lang ng sariling ina. Naiintindihan ko na ang pagtatampo niya. Ngunit hindi ko pa rin ipipilit ang sarili sa kanya. Dahan-dahanin ko, kahit na masanay na lang muna siya sa akin. "Sasamahan ko kayo..." singit ko. Inangat niya ang sariling ulo at masamang tumitig sa akin. Napakagat labi na lamang ako at pinili na tumitig kay Ulysses na napatitig din pala sa akin. Ngumiti ito kalaunan, na sinuklian ko naman. Narinig ko na lang ang pagpoprotesta ni Sapphire ngunit hindi naman nagsalita. Kinahapunan, ay naghanda na kami para umalis. Ang lapad ng ngisi ni Manang at pabalik-balik ang titig sa'ming dalawa ni Ulysses, bago nito kinintilan ng halik ang sariling alaga. Tumungo kaagad kami ng Mall, masama pa rin ang timpla ng mukha ni Sapphire ngunit pinili na lang nitong manahimik. Saka nakalimutan din naman yata kami agad nito nang nakakita ng mapaglilibangan. Nanonood naman kaming dalawa ni Ulysses. Naramdaman ko nga na ipinulupot ni Ulysses ang sariling braso sa likod ng bewang ko. Nilingon ko lang siya ng isang beses bago ako muling nanood kay Sapphire. Minsan napapangiti na lang ako kapag nakikita siyang tumatawa habang nakikipaglaro sa ibang bata. "I saw some coffee shop near the entrance. Gusto mo magkape muna tayo?" bulong niya. No'ng una ayaw ko pa ngunit nabore rin ako kalaunan. Nagpaalam muna kami kay Sapphire, para sana umalis na rin. "Ingat po!" Natawa ako ng kaonti, nang nakalimutan niyang galit nga pala siya sa akin... na ayaw niya sa akin. Siguro dahil naaliw ito sa mga pinaggagawa. Umalis naman kami ni Ulysses, hawak niya ang isa kong kamay. Naglakad-lakad lang muna kami hanggang sa napadpad ng tuluyan sa tinutukoy niyang coffee shop. Umorder lang kami ng dalawang tasa bago naupo malapit sa glass wall. "How are you feeling, Nia?" tanong niya, sa pagitan ng pagtitig sa akin at pagsimsim ng kape. Natigilan ako sa pagkakamangha ng cake na binili rin namin. No'ng una hindi ko maintindihan kung bakit kinukumusta niya ako gayong nasa iisang bubong lang naman kami. Ngunit kalaunan ay naiintindihan ko na. Siguro nga gano'n lang ito, masyadong maaalalahanin. Kahit awkward na pag-usapan iyon ay hindi ko naman maiiwasan. "O-okay lang naman... Ano... nakakagulat na hindi naman gano'n ka-ilang hindi tulad no'ng una at pangalawang beses." Sagot ko bago yumuko at sinubukan ang kape. Mas lalo tuloy na bumilis ang t***k ng puso ko. Gusto ko nga sanang iangat ang mukha ngunit pinili ko na lang na pagtuunan ng pansin ang isang slice ng cake at ng kape. "Good to hear... Nia..." tawag niya. Napilitan akong tumitig sa kanya... naghihintay sa mga sasabihin niya na nauwi sa pagkakagulat ko. Hindi ko alam kung paanong tumatakbo ang trabaho nila. Ngunit hindi ko inaasahan na dahil sa isang sitwasyon ay kailangan niyang palitan iyong station na isang oras ang byahe... mula sa himpapawid... at mula rito. "Ilang buwan?" kinakabahang tanong ko. "Isang taon?!!" halos mapasigaw ako sa narinig. Para naman akong bata na iiwanan na lang basta-basta. Hindi ko naman alam kung ano ang plano niya ngunit di'ba nga kalabisan na iyong isang taon? Lalo na sa akin na hindi pa naman nagtatagal ng isang taon doon sa bahay niya? Paano naman si Sapphire? Wala akong problema kay Manang, pero paano ang anak niya? "Bakit naman?" nagtatampong bulong ko. Narinig ko na natawa siya sa tanong ko na iyon. Ni hindi man lang naramdaman na totoong nagtatampo talaga ako. Hindi ko pa kaya, ngayon dahil nandito siya kaya nagbebehave pa ng kahit papa'no si Sapphire. Paano pag umalis na ito? Paano ako haharap sa anak niya? "I'm used to it." Irap niya... Sinubukan kong kausapin si Sapphire, sa pag-aakalang magtatampo rin ito tulad ko. Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang nalaman mula sa bibig niya na sanay na siyang ganito lagi ang sitwasyon nila. Siguro hindi naman talaga siya lumaki kay Ulysses. O baka nga sa mga Lola't Lolo niya? Hindi ko alam... pero ako habang iniisip iyon, mas lalo akong namamahay. "H-hindi mo mamimiss ang tatay mo?" kinakabahang tanong ko sa bata. "Mamimiss! Pero sanay naman po ako... saka lagi namang tumatawag si Daddy noon." Paliwanag nito at naupo sa sofa. Napailing ako at natulala habang nakaupo sa tabi niya. Hindi naman ito umalis ngunit hindi rin nagtagal ay nagdadabog na lumipat ito. Tumitig lang ako ng isang beses sa kanya bago natulala na naman. Nakatulog ako ng mga alas onse kaya hindi ko na naramdaman kung dumating man siya ng madaling araw. Nagising nga lang ako na nasa tabi ko siya at hubad ang pang-itaas habang nakayakap sa bewang ko. Napalunok ako at pumikit muna bago nagising na nang tuluyan. Tumayo ako noon para mag-ayos at tumungo na rin. Nagkagulatan kami ni Sapphire nang nagkatagpo kami sa hallway. "Si Daddy?" tanong nito. Wow! Improvement! Napangiti nga ako ng sinagot siyang tulog pa iyong Papa niya. Tumango lang ito at nilagpasa ako bago tumungo sa sariling silid siguro nito. Tinulungan ko naman si Manang, alas siete nang natapos kami at tinawag si Sapphire na ganadong kumain naman... saka umalis sa kusina. Tinulungan ko rin naman muna si Manang bago ako sumunod kay Sapphire na nanonood ng palabas sa local channel. Sinubukan kong tumabi sa kanya ngunit pinili na naman nitong bumaba at maglaro sa mga sariling laruan. Napabuntong hininga ako, at tumitig na lang sa kanya sa halip na manood sa palabas. Ang gusto ko lang naman ay magkabati kami bago umalis ang Daddy niya. Alam ko kasi na mamimiss ko iyon... at iba pa rin pag nakakausap sa personal kesa sa cellphone. Sa tingin ko, hindi ako mabobore pag kalaro at kausap si Sapphire. Sa tingin ko rin, mabait naman iyong bata. Magalang kina Manang at Ulysses. Sadyang ayaw lang nito sa akin. Siguro may tamang panahon doon. At hindi naman minamadali. Kaso kailangan kong madaliin dahil ilang linggo na lang at aalisn na si Ulysses. Parang... parang gusto ko ngang sumama. "I wanna stay with my grandparents, Daddy." Sabi nito habang nasa tabi na naman ng ama. Napabaling ako sa kanya... alam ko naman na malapit siya sa mga magulang ni Ulysses. Kaso pag umuwi ito... maiiwan na kami ni Manang dito? Mas lalo lang akong malulungkot. "You can stay here." Sabi ng ama. Tumitig ako sa kanya na nakatitig pala sa akin. Naging dahilan iyon para magtampo si Sapphire. Gusto ko man sanang kausapin kaso pati ako ay iniiwasan niya na rin... na hindi naman bago. "Papayagan ko na lang siguro," maya'y sabi ni Ulysses nang naupo kami sa isang sofa at basta na lang nagkatulalaan. Sumimangot ako na ikinatawa niya. Hindi ko alam kung payag ba talaga ako o hindi... nakakalungkot naman kasi na wala si Ulysses dito... pagkatapos wala rin iyong anak niya rito. Paano naman ako? Maliban kay Manang, sino pa ang makakasama ko rito? Mukhang mapipilitan na talagang hayaan ni Ulysses si Sapphire. Hindi makausap ng maayos iyong bata... mukhang totohanin na ang ideya niyang doon manatili sa mga Lola't Lolo. "Ulysses..." tawag ko nang umalis siya at sinundan ko sa sarili naming mga silid. Ilang buwan na lang at katapusan na nang pasukan. Pagkatapos ay enrollment na naman. Nakausap ko na sina Papa at ang mga kapatid ko kanina... okay lang naman sila, at tuloy-tuloy na iyong trabaho ni Papa. Pinadalhan ko nga kanina at gamuntik ng hindi tanggapin ni Papa. Kung alam lang nito kung magkano ang binibigay ni Ulysses sa akin... siguro malulula rin siya at mas triple ang laki kumpara sa sweldo ko noon. "Gusto kong sumama..." isang bagsakan na sabi ko nang naupo sa tabi niya, sa kama. Gulat na napatitig siya sa akin. Kagat ko naman ang pang-ibabang labi. "Bakit?" "Maiiwan ako rito..." sagot ko pa. Napabuntong hininga ito at nagsuggest ng isang bagay na hindi ko alam kung tama ba o hindi. Hindi ko alam kung kilala ba ako ng mga magulang niya. O kung Oo naman, sigurado kayang magugustuhan ako ng mga yon? Parang ayaw ko sa ideya. "Sasama na lang ako..." pilit ko pa. Mas lalong lumalim ang pagbuntong hininga niya. Hinawakan niya ako sa kamay. Sa pag-aakalang magbabago ang isip ko ngunit sigurado na kasi ako... na gusto kong sumama. "Paano ang pag-aaral mo?" "Mag-eenroll ako malapit sa'yo. Saka sabi mo, isang taon? Aabot tayo sa katapusan ng 2nd sem. Saka ako mag-eenroll ulit dito." Ngumiti ito, at tumango na ikinasaya ko... ayaw ko naman talagang maiwan dito. Kahit saan, sasama ako sa kanya... kahit saan, kahit saan siya maassign. "Ang kulit mo, Nia." Tawa niya pa. Ngumuso lamang ako at umiling.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD