14

2105 Words
Nakalimutan ko na galit nga pala si Sapphire sa'kin. Naging okupado ako sa pagsama kay Ulysses na nakalimutan ko na kailangan din pala ako ni Sapphire. Nagdadabog nga e habang iniimpake ko siya ng mga gamit. Hindi ko alam kung excited ba talaga itong makita ang mga Lola't Lolo. Sa nakikita ko kasi parang minsan natutulala na lang ito habang nakatitig kay Ulysses. Hindi ko rin alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya... hindi ko rin alam kung gusto ba nitong sumama. So that night, kinausap ko ng masinsinan si Ulysses. Mukhang nagulat din ito sa mga napagtanto ko nitong mga nakaraang araw. Mas madalas na tulala si Sapphire, nasa huwisya lamang pag nakikita niya ang sariling ama. Kaya hindi ko na rin natiis, habang nagbibihis si Ulysses sa kanyang uniporme ay doon ko na binuksan ang usapan. "Kakausapin ko si Sapphire," maya'y sabi niya. Sang-ayon ako roon... napabuntong hininga na nga lang ako at hindi ko alam kung paano ako mapapalapit sa bata. Gusto ko itong sumama na parang hindi rin. Dahil siguro iniisip ko ang mga mangyayari pag sumama siya sa amin. Kaso, dahil sa nakita ko nitong ngiti nang tumitig ako sa kanya. O aksidenteng nahagip ng paningin ko iyong itsura niya habang naglalakad palabas ng kusina. Napagtanto ko na hindi ko naman pala pagsisisihan ang pagbubukas ng usapin kung ikakasaya naman pala niya. "What does your new place looks like, Daddy?" exicted na tanong ng bata, habang yakap nito ang malaking teddy bear. Nasa byahe na kami patungo sa airport. Kasama si Manang na nasa tabi naming pareho ni Sapphire. "Hmmm, maraming puno... probinsya, malayo sa kabihasnan." Nakangiti nitong silip sa'min. Napangiti na lang din ako at inalala sina Papa. Kinausap ko na rin sila kahapon at nakapagpaalam naman ako ng maayos. Akala ko no'ng una ay hindi ako papayagan, ngunit napagtanto ko... na matagal na pala akong wala sa puder ni Papa. "Uuwi ka naman pag bakasyon di'ba?" tanong ni Papa. "Siguro po." Hindi ako sigurado kung makakauwi ako noon. Lalo na dahil napagplanuhan na ring sumama ni Sapphire. Parang wala namang dahilan para umuwi pa. Kakausapin ko pa si Ulysses para do'n. At yon nga lang, hindi ako sigurado kung pwede ba iyon lalo na sa klasi ng trabaho niya. Makalipas ang ilang oras na paghihintay, nakarating na rin kami sa isang liblib na lugar. Halos nanibago ako, lalo na si Sapphire. Alam ko naman na malayo kami noon sa sentro ngunit hindi naman ganitong masyadong malalayo ang mga bahay. Mukhang hindi rin naman lapitin sa gulo ang lugar. Halos magkakakilala ang mga tao, pansin ko noong sumakay kami sa isang jeep na nakaparada sa terminal ng bayan. Ngumiti nga noon si Ulysses at hinila ako palapit sa kanya, nasa kabila naman si Sapphire na nakatulog sa pagod. Ako ang nagbuhat sa kanya ng bumaba kami sa isang paupahang bahay. Tulog naman ito kaya okay lang siguro kung hawakan ko man siya ngayon. Hindi ito aangal, maliban na lang pag gising. Kinaumagahan ay naghanda na ako para sa almusal. Mag-eenroll ako ngayon sa sentro at si Ulysses nama'y tutuloy sa station. Isasama ko nga si Sapphire na no'ng una ay ayaw pa. sadyang ayaw niya nga talaga. Ngunit dahil wala namang magbabantay sa kanya kaya dapat lang din na sumama siya sa akin. "Bakit kailangan pa?" bulong nito sa sarili habang naghihintay kami ng masasakyan patungo sa sentro. Maalikabok ang daan, sanay din sa init ng araw. Mabuti na lang din kahit papa'no, kahit mainit ang sikat ng araw ay malamig naman ang hangin. Hindi na kailangang magreklamo ni Sapphire sa panahon. Nang pumarada ang jeep ay sumakay na kami sa loob. Pinagtitinginan nga si Sapphire na ang cute sa sout nitong dress at hairband. May ngumiti pang matanda sa akin na ginantihan ko naman. May naglakas loob nga lang na magtanong. "Anak mo, ineng?" Papailing na sana ko kung hindi ko lang napansin ang paghigpit ng kapit ni Sapphire sa kamay ko. Takot sigurong mawala kaya gano'n na lang kahigpit ang pagkapit niya sa akin. Napabuntong hininga tuloy ako bago tumango. Kumunot ang noo niya at tumingala sa akin. Hindi ko alam kung masama ba ang pagkakatitig nito sa akin o sadyang nananaway lang. Ngunit nang umalis kami ay napansin ko ang pagngiti niya. Nahabag na naman ako roon at hinigpitan ang paghawak sa kamay niya. Nalulungkot ako... para sa batang 'to na hindi man lang kinalakihan ang tunay na ina. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit may gano'ng ina na kayang tiisin ang anak. Ang gandang bata ni Sapphire. Nagbebehave naman... at siguro nagiging masama lang dahil sa akin. "Anong gusto mong kainin?" tanong ko habang tumitingin-tingin sa maliit na cafeteria ng eskwelahan. Nasa huling clearance na ako at matatapos na ako rito. Saka naman kami uuwi at tutungo sa station ni Ulysses. Okay lang naman sigurong bumisita kahit sandali. Saka naisip ko ring paglutuan ng pagkain si Ulysses. Wala pa kaming alam kung kailan at anong oras ang out nito. Tinuro ni Sapphire ang minatamis na nasa ibaba ng mga nakadisplay. Bumili na rin ako ng tubig para sa kanya. Saka doon kami umupo sa gilid ng ibang mga mesa. May ibang napapatingin dito, nagtataka siguro sa batang kasama ko. Pinkish si Sapphire, at maputing bata. Maganda rin ang kulot nitong buhok. At mahahaba ang pilik mata. Kung hindi ko lang laging nakikita si Ulysses, baka isipin kong sa tunay na ina nagmana ang bata. Parang girl version kasi ni Ulysses si Sapphire. Magkaparehong-magkapareho maliban na lang sa balat. "Paano ako kapag nag-aral ka na?" tanong nito nang naglalakad na kami paalis sa eskwela. Maghihintay na naman kami ng jeep pauwi sa amin. At pagkatapos noon, pwede na naming lakarin mula sa bahay paupahan hanggang station ni Ulysses. "Isasama kita..." nakangiting sabi ko. Hindi naman ito umimik ngunit pansin ko ang pagpula pa lalo ng pisngi niya. Siguro okay lang naman dito iyon, wala namang ibang magbabantay sa kanya at lalong bawal sa trabaho ni Ulysses. Hindi naman siguro ako pagbabawalan sa eskwela at half day lang naman iyon. "Isasama mo ako?" ilang minuto pagkatapos kong ipaalam sa kanya iyon. Tumango ako at kumuha muli ng tubig, magkakalahating oras na kaming naghihintay doon. Wala pa ring jeep. Nag-aalala na nga ako na baka wala naman talagang dumadaan dito. "Isasama mo nga talaga ako?" ulit nito. Tinanguan ko na naman siya sa pangalawang beses bago humilig sa haligi ng waitingshed. Mabuti na lang din at hindi pa umabot ng tatlumpong minuto ay may dumaan na. May ngumiti na naman at tinanong ako kung kaano-ano ko ba iyong bata. Nagsinungaling na naman ako sa pangalawang beses. At ito lang din yata sa lahat ng kasinungalingan ko ang talagang ikinasaya ko. Nangingiti ako kapag nakangiti rin si Sapphire. Nahihiya lang siguro itong magsabi sa tunay na nararamdaman kaya gano'n na lang ang pagpipigil. Nagluto ako ng ube jam bago tinulungan si Sapphire na maligo sa maliit na bathroom. Maliit lang din itong bahay na inuupahan namin ngunit sadyang malinis. May dalawang kwarto lang din, isa ang para kay Sapphire at sa amin ang isang maliit lang din na silid. Ako, sanay sa gano'n at ewan ko na lang kay Ulysses. Nagkakasya naman kami. "Bibisitahin natin ang Daddy mo." Maya'y paalam ko sa kanya. Nakita kong nagulat ito sa sinabi ko. Kumunot tuloy ang noo ko at napatanong sa kanya kung ano ang ikinagulat nito. "First time ko pong mabibisita si Daddy sa trabaho niya." Nahihiyang sabi niya. Napangiti ako at binalot ng mabuti ang baon namin para kay Ulysses. Naninibago yata ang bata, at ako rin naman ay naninibago sa kanya. Ito lang yata sa lahat ng araw na naging normal ang pakikipag-usap niya sa akin. Nakahawak kamay pa rin ako sa kanya habang binabaktas namin ang maalikabok na daan. Hindi rin gaanong dinadaanan itong lugar ng kahit anong sasakyan. Maliban na lang sa jeep na sampung minuto bago may dumaan ulit. Nagulat ako na makitang paitaas iyong station, mahirap lakarin kung walang stamina. Kita ko nga ang paghihirap sa mga mata ni Sapphire. Maganda nga iyong lugar pero pahirapan din. "Gusto mo, sumakay ka na lang sa likod ko." Sabi ko, kagat labi. Tumitig ito sa akin. Agad na namula, namula pa dahil sa pagod. Ngumiti ako sa kanya bago naupo at nakaharap ang likod ko sa kanya. Tumagal yata kami ng ilang segundo hanggang sa naramdaman ko ang maliit niyang kamay na nakadantay na sa aking mga balikat. Ngumiti ako ng palihim at inayos siya roon. Minabuti ko na hawakan siya sa pag-upo sa takot na baka mahulog. Hawak ko rin sa isang kamay iyong baon para kay Ulysses. Ilang hakbang pa at nasa b****a na kami ng police station. May nagulat na isang police officer nang nakita kami. Nagbabasa ito ng mga papeles kaya siguro nagulat na may tao roon. "U-uhm, ano pong sa inyo Ma'am?" "Nandiyan ba si Ulysses?" nakangiting tanong ko. Tumango ito at sinamahan kami papasok. Ngunit hindi pa man kami umaapak sa malinis na sahig ay nagtanong na kaagad ito. Natawa ako ng kaonti. Sa lahat ng pwede, bakit panganay na anak pa? "Hindi... tanungin mo na lang siya kung kaano-ano niya ako. Pero itong batang nasa likod ko..." natigilan ako at narinig ang malumanay na paghinga ni Sapphire..." ... Tulog na ba?" "Opo Ma'am..." tawa nito. Napailing na lang ako at natawa sa nangyari, "Itong batang nasa likod ko nga pala, anak ni Ulysses." Sabi ko na lang. Magsasalita pa sana ito kung hindi ko lang nakita si Ulysses na may katawanang ibang katrabaho. Kumukuha ito ng mainit na tubig, para siguro sa kape o ano... parang kape, ayon sa naaamoy ko. "Sir! May bisita po kayo." Tawag nitong katabi ko. Napatitig si Ulysses na nanlaki ang mga mata bago nagmamadaling lumapit. Kinuha nito si Sapphire na tunay nga talagang tulog na. "You're here!" gulat pa ring sabi niya at lumapit para halikan ako sa harap ng mga katrabaho niya. Narinig ko ang gulat sa katabing pulis. Nahihiyang napakamot naman ako ng pisngi at tumitig kay Ulysses na buhat-buhat na ngayon si Sapphire. Nanginginig ang kamay ko nang inabot sa kanya ang supot na may lamang ube jam. Mas lalong lumapad ang ngiti nito at nilagay kaagad ang pasalubong sa itaas ng isang mesa. "SPO1, anak ko nga pala..." turo nito sa buhat-buhat, at inakbayan ako, "Girlfriend ko." Natawa iyong naghatid sa amin, parang ewan. Ngunit pakiramdam ko natawa ito para sa sarili. "Sorry Sir! Inakala ko kaninang panganay niyo po." Ginapangan ako ng hiya at napalapit kay Ulysses. Sabi ko naman kanina na pwede niyang tanungin si Ulysses. Hindi itong parang ibinalita niya sa lahat na obvious na malayo ang agwat naming dalawa ni Ulysses. Umiling lang naman si Ulysses, at parang natawa na lang sa sinabi ng isang police. Inaya naman kaagad ako ni Ulysses at pinaupo sa isang upuan. Inaya na rin nito ang mga katrabaho na kainin iyong dala ko. Muli kong kinuha si Sapphire at hinayaan siyang pagsilibihan ang mga katrabaho. Nasarapan naman sila sa kaonting baon ko. At no'ng unti-unti ng bumalik sa kani-kanilang trabaho ang mga police at kinausap ko naman si Ulysses. Wala naman siya masyadong ginagawa maliban sa pagsagot sa mga tawag. Siguro ay dahil 1st day pa lang naman. "Gusto kong isama si Sapphire sa pasukan." Sabi ko kalaunan. Nagulat ito sa desisyon ko, "Paano ka mag-aaral niyan?" "Wag ka nang mag-alala. At nagbebehave naman iyang anak mo. Hindi naman ako nahirapan kanina." Umiling siya, "Maghahanap ako ng katulong para mag-aalaga kay Sapphire. I want you to focus on your studies." Mas lalo akong umiling. Naisip ko na nga iyan, ngunit mahirap na at bago pa lang kami rito. Paano nga kung hindi naman pala mapagkakatiwalaan? "Yul, pag hindi ko naman kaya... ako na mismo ang magsasabi sa'yo." Pilit ko. Umiling ako noong may nakitang dumaang police. Nang wala na ay lumapit ako sa kanya, at tumitig kay Sapphire na natutulog sa kandungan niya. "Please?" Mas lalo siyang umiling, napabuntong hininga tuloy ako at inalala kung alin ang magpapasunod sa kanya sa akin. "Ulysses... sa kaonting panahon, nakikita ko naman kung paanong nagbebehave si Sapphire. Kaya please, pagbigyan mo na ako rito." Pakiusap ko pa. Nang hindi ko pa rin siya napilit ay nahihiyang bumulong ako sa kanya na ikinalaki ng mga mata niya. "You know how to bend my principles." Nakangising tugon niya. Pag talaga nga namang adventure ay O-oo kaagad ito. Sinabihan ko lang naman na hahayaan ko siya sa gusto niya mamayang gabi, basta hahayaan niya rin ako sa desisyon kong 'to. Pumikit na nga lang ako at napaisip sa binulong. Patay. Patay yata ako nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD