15

2086 Words
Pagkatapos ng lahat-lahat, nag-aya nang umuwi si Ulysses na alam kong pagod na rin lalo na dahil kay Sapphire na hindi na nagising hanggang sa pag-uwi. Pareho pa kaming natawa nang kahit inilapag na namin siya ay tuloy pa rin ang tulog nito. Noon naman malisyusong tumitig sa akin si Ulysses na agad kong inilingan. Ginawa kong excuse ang magluto ng dinner. Na tinawanan niya, na mukhang alam niyang ginawa ko lang dahilan 'to para makaiwas sa pinag-usapan namin kanina. Hindi naman ito namilit at nagbihis muna bago muling lumabas. Nagulat nga lang ako no'ng nakita siyang topless at tanging boxer lamang ang sout. "Nia, saan ka nakatingin?" mapanuksong tanong niya sa pagitan ng halakhak. Ngumuso ako at napaiwas saka tinuloy ang pagluluto. Ngunit nanigas na lang ako nang naramdaman siyang yumakap mula sa likod ko. Tuluyan na nga akong natigilan kung hindi lang siya nanunuksong bumubulong sa akin. "Tumigil ka nga, Ulysses!" nahihiyang saway ko sa kanya. Kumalas lang ako no'ng natapos na sa pagluluto. Ngunit hindi ko naman siya mapipigilan kung nakasunod naman sa akin. Parang nanunukso pa rin. Ako nga ay napipikon na dahil sa sobrang hiya. Ayaw ko namang mag-ingay sa takot na baka magising iyong bata. Mukhang napagod sa ginawa namin. At mabuti na yong gano'n kesa buong araw na masama ang loob nito kahit na wala pa naman akong ginagawang masama. "Ang sarap nito..." ngisi niya, nakailing... bago sumubo. Kumunot ang noo ko at nakatitig ng mariin sa kanya. Kailangan ba talagang sabihin iyon? O nang-iinis lang ito? Sinubukan ko ngang tikman ang luto at hindi naman lasang kinulang sa kaalaman. Kaya hindi ko maintindihan kung para saan iyon... nawalan tuloy ako ng gana at masamang tumitig sa kanya. Iniinis ba ako nito? Masarap daw? O baka kabaliktaran. "Ayaw mo?" nagpipigil ang boses ko. Baka mabugahan ko siya... Tumigil naman siya at nagtatakang tumitig sa akin? Mas lalong naningkit ang mata ko at mas naging kuryuso. "Talaga bang masarap?" Mula sa pagtataka ay napalitan iyon ng unti-unting pagkakangisi. Tumayo siya na ikinalaki ng mga mata ko. Lalo na no'ng lumapit siya sa akin at hinalikan ako ng mariin. Namulagat na lang ako sa nangyari, at huli na para ma-realize kong dinadala niya ako sofa... lalo na roon sa pagpapahiga niya sa akin at sa pag-angat sa isang hita ko para maiangkla sa likod niya. At pwede niyang hawakan gamit ang isang braso niya. Bigla akong naasiwa sa posisyon namin ngayon. Mukha akong walang kalaban-laban. "T-teka, Ulysses! Si Sapphire!" saway ko, sa takot na baka mahuli kami ng kanyang anak na nakaganitong posisyon. "Tulog iyon..." iling niya. At diniin ang sarili sa pagitan ko saka madiing hinalikan ang leeg ko na para mapupuknat. Napapikit na lang ako at mariing napapadaing hanggang sa nakita ko na lang ang sariling bahagyang nakahubad habang umaahon doon. Makasalanan na nga yata talaga ako at hinahayaan ko ang sariling mas lalong maging makasalanan. Naririnig ko ang sariling daing, nabubuhayan at lumulubog habang nakikinig sa malagkit na pagbaon at hugot niya. Nakakaliyo na nga at nakakalimutan ko na kumakain pa kami kanina. Ngayon ay tuluyan nang sumabog. "Hindi naman ako ganito ka-adik noon." Bulong niya, habang nakadapa sa akin. Hinahapo naman akong sumang-ayon. Tulad mo, hindi naman ako ganito noon. Wala akong alam, nagpatianod lang naman ako at hindi ko sinasadyang maadik din. Pagkatapos maglinis ay pumasok na kami sa silid, at bahagyang nagpahinga. Bahagya lang kasi nagising ako ng madaling araw at naghanda para sa baon ni Ulysses, tulog pa ito ngunit hindi pa man ako nagtatagal sa labas ay naramdaman ko na lang na gising na siya. Pumasok sa kusina at hinalikan ako bago nagtoothbrush at mouthwash. Napatitig ako ng matagal sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nando'n ako sa sitwasyon na yon. Parang panaginip ang lahat. Kung sakali mang... magsawa na siya o matapos na ito.. tama lang siguro na ikondisyon ko ang sarili para sa hinaharap. Napapraning ako, para do'n, dahil wala namang assurance kung magtatagal nga ba talaga kami o hindi na. Kasi itong sa amin, nagsimula lang naman dahil sa utang namin... sa pagpayag ni Papa at sa pagbulag-bulagan ko. Kung hindi, kasama ko kaya si Ulysses ngayon? "Bye Dad..." inaantok na paalam ni Sapphire. Inayos ko naman ang mga gamit na nasa sala... naglinis ng buong araw. At kinausap sandali si Sapphire na bugnutin na naman. Saka ako tumawag sa bahay... at ganoon na lang ang gulat ko nang narinig ang iyak ni Clarisses. Naalerto ako... at parang gumuho ang mundo ko nang narinig mula sa bibig niya na may problema sa kalusugan ni Papa. Wala pang ilang araw nang umalis ako roon at malaman-laman ko na may sakit pala si Papa! Napaiyak ako, hindi makakilos. Hinihintay si Ulysses na umuwi. Kasi aalis ako, para kay Papa. Hindi ko na alam... bakit ganito? Napaka-unfair ng mundo para sa amin. Bakit si Papa na naman ngayon? Ano bang kasalanan ko? Ano bang kasalanan ng mga kapatid ko? Siguro nga, pinaparusahan kami sa kasalanang hindi naman namin ginawa... at ang bata pa nina Clarisse para maintindihan ang sitwasyon. Pakiramdam ko naging matured ang kapatid ko dahil sa sitwasyon namin ngayon. Siguro nga... minalas lang na kami lagi ang dinadapuan ng problema. "Uuwi ka?" malumanay na tanong ni Ulysses. Nahihiya akong magsabi, kasi alam ko na siya na naman ang gagastos para dito. Walang-waa ako, at wala rin akong pera para umuwi. "Kailangan ako ni Papa..." nag-iinit ang mga matang sabi ko. Natahimik ito at tinitigan si Sapphire na noo'y nakatitig sa amin kahit na may bukas na telebisyon doon sa harap niya. Pakiramdam ko kanina pa nito nararamdaman ang lungkot na nararamdaman ko. "Okay..." sabi lang ni Ulysses. Kinabukasan gano'n na lang ang gulat ko nang inabutan ako ni Ulysses nang ticket at photocopy ng itinerary. Parang gumuho naman ang mundo ko habang nakatitig sa malungkot niyang mga mata. Alam ko kasi, na hindi sigurado kung mabilis lang ako roon. Baka matagalan... o abutin ng ilang taon. Hindi ko alam... may mga kapatid pa akong maliliit kaya hindi ko rin alam kung kaya ko bang iwanan ulit ang pamilya. "Uuwi kami baka next month." Sabi niya. "Pwede namang wag muna... paano ang trabaho mo?" nag-aalangang sabi ko. "I'm planning to resign, Nia." Nalaglag ang panga ko at hindi kaagad nakapagsalita. Magsasakripisyo ba ito? "Wag mo masyadong isipin iyon, Nia. Matagal ko nang plano 'to. May mga negosyo akong hindi natutukan ng mabuti dahil sa klasi ng trabaho ko. Pero ngayon, oras na para siguro roon. Saka next year, mag-aaral na si Sapphire. Kailangan niya ang tulong ko." Napakagat labi ako, at unti-unting tumango. Siguro nga may plano na talaga ito, bago pa man ako dumating. Ang kailangan ko ngayon ay alagaan si Papa... gawan ng paraan kung paano siya papagalingin. Siguro nga, hindi para sa'kin iyon. Panandalian lamang... babayaran ko naman si Ulysses, pag nakapag-ipon na. Siguro ilang taon pa... hindi basta-bastang naiipon iyon. Kailangan ng magandang trabaho o negosyo, maliban na lang pag nanalo sa lotto. "Ate..." namumulang tawag ni Clarisse, pagkababa ko sa harap ng bahay. Nag-iyakan kami roon... si Andolf nagpipigil naman at walang masabi. May ilang nakiusyusong mga kapitbahay. "Sinabi ba ng Doctor o ni Papa iyong problema niya sa kalusugan?" tanong ko nang kumalma. "Hindi ate... hindi nila sinabi, pero narinig ko na nag-usap ang Doctor pati si Papa. Sabi may lung cancer si Papa... Di'ba, mahirap gamutin iyong cancer?" Inosenteng-inosente si Clarisse, ngunit sa kabila noon alam ko ang bigat ng mga sinabi. Paano kami nito? Kay Ulysses na naman ba ako hihingi ng tulong? Napatitig nga ako ng matagal sa cellphone, kung saan may tatlong miscalls galing lahat kay Ulysses. Gusto ko mang tawagan pero dahil sa problema. Pakiramdam ko hindi ito ang tamang panahon. "Pa!" inis na sigaw ko nang narinig ang tawa niya. Ginawang katatawanan ang sariling sakit. Hindi niya ba maintindihan na maiiwanan niya kami kapag ginawa niya lang na biro ang lahat? Paano ako? Paano ang mga kapatid ko. "Anak... paano? Wala na tayong magagawa. Maliban sa cancer, masyado na itong malala." Biro niya. Sa sobrang inis ay tinalikuran ko siya at tumungo sa bakuran bago naiinis na pinagsisipa ang mga banga'ng nando'n. Ano ba ang nakakatawa do'n?! Akala ba niya ay biro lang iyon na pwede niyang biruin kung kailan niya gustuhin? Ang sakit na nga ng ulo ko sa pag-iisip. Paano kami nito? Sa sumunod na araw, sinubukan ko namang samahan si Papa sa ibang Doctor. No'ng una ay ayaw niya, kasi dapat iyong perang gagamitin ko do'n ay pwede nang gamitin para sa budget namin. Kaso hindi ako mapapakali kung hahayaan ko nga si Papa. "Papa..." nanghihinang tawag ko kay Papa. Paano niya kaya natitiis iyon? Iyong sakit pag sinusumpong siya? Bakit hindi namin napansin iyon? Siguro magaling lang talagang magtago si Papa. Hindi ako makakapayag na ganito lang... na walang ibang solusyon. Kailangan kong makiusap sa mga charity at foundation na maaaring makakatulong sa amin. Gagawin ko ang lahat. Kaso... kahit anong gawin ko. Gano'n pa rin ang resulta. Napaiyak nga ako isang araw pagkatapos tumawag ni Ulysses, ilang buwan pagkatapos kong magdahilan na busy ako sa pagpapagamot kay Papa... hindi ko na alam, litong-lito pa rin ako. Kahit anong gawin ko, gano'n pa rin. Walang konkretong solusyon. Siguro nga, ganito na lang. Kahit ipilit ko. "Anak... please, tama na ha. Hayaan mo naman akong ubusin ang oras ko para sa inyong magkakapatid." Nanghihinang sabi ni Papa. Umiyak ako ng umiyak. Kahit sa pagtulog gusto ko nang bangungutin. Una si Mama, pagkatapos ngayon si Papa. Magna-nineteen na ako pero parang ang saklap ng taon. "Ate..." umiiyak na tawag ni Clarisse, ginising niya ako ng madaling araw. Para sabihing hindi na humihinga si Papa. Doon na... doon na ako sumabog at bumigay. Hindi ko kaya... kahit bata pa akong nang binigyan ng obligasyon... hindi ko pa rin kaya. Hindi ko pa talaga kaya. Paano ang mga kapatid ko? Paano... ako? Ilang buwan pagkatapos kong mag-nineteen ay nalaman kong lubog pa rin kami sa utang. Nabubuang na yata ako sa sitwasyon. Ginagapang ko na nga ang pagpapaaral nila Clarisse, pero gano'n pa rin. Unti-unti kaming bumabaon. Hindi ko na alam... wala na akong maisip na paraan. Pinutol ko na nga ang ugnayan kay Ulysses. Na mukhang busy naman at ipinagpapasalamat ko na hindi pa pumupunta rito para humingi ng bayad sa utang namin. Kasi ayaw ko ring makigulo sa kanila. Sumasakit lalo ang ulo ko sa nangyayari. Pwede bang tumigil na ang lahat ng 'to? Kasi hindi ko na alam... konting-konti na lang mababaliw na ako sa mga nangyayari. Paano kami aaahon kung ganitong unti-unti rin pala kaming lumulubog? Madali lang sabihin na okay lang... na may solusyon. Na hindi kami pababayaan ng Diyos. Pero, nasa pisikal na mundo tayo... at hindi pwedeng umasa lang sa swerte... sa dasal. Kailangang kumilos. "Ate... nasa labas iyong boyfriend mo." Nagmamadaling tawag sa akin ni Clarisse, nakatitig lang si Andolf at nagtataka sa itsura ko. Nabitawan ko iyong hawak na kutsilyo. Pumasok din kasi agad sa isipan ko si Ulysses. Wala naman akong ibang naging karelasyon maliban sa kanya. Siguro... siguro naisip na nitong bisitahin ako ngayon. Pagkalipas ng ilang buwan... siguro tapos na rin kung anuman ang inasikaso nito. "Nia..." tawag niya. Tama nga ako, nasa harap ko si Ulysses. Hawak-hawak sa kamay si Sapphire na matamang nakatitig sa akin. Bago lumipat iyon sa mga kapatid ko. Mas tumangkad ito ng ilang inches, mas gumanda. Ngunit kita ang pagmatured ng kaonti. Hindi na iyong mataray at laging naiinis na Sapphire na kilala ko noon. Ano kayang nangyari at parang may naaamoy akong kakaiba rito? "Kumusta?" tanong niya. "Hi..." napatitig ako kay Clarisse na mas matangkad ng kaonti kay Sapphire. Siguro kasi mas matanda ng dalawang taon sina Clarisse kesa rito. Ngumiti ito at bumitaw sa sariling ama bago sumunod sa mga kapatid ko para maglaro siguro sa harapan. "Nia... pasensya na at ngayon lang kita nabisita ulit." Nalulungkot na sabi niya. Ngumiti ako, nang malungkot. Kahit papa'no naman inisip ko noong bibisitahin niya ako. Kaso ito nga, masyado nang late. "Kumusta?" ulit niya. "Ito... sinusubukang maging matatag para sa mga kapatid ko." Iling ko. Bumuntong hininga siya at lumingon sa paligid. "Pasensya na Nia... nagkaproblema lang. Kay Sapphire." Tumango ako. Naiintindihan ko... may problema rin ako Ulysses ngunit hindi na kita ulit gagamitin ngayon. Akala ko pa naman, siya itong mang-iiwan sa akin pag nagsawa na siya... pero hindi e. Ako ang nang-iwan. Para sa papa ko, para sa mga kapatid ko. Dapat hindi ko na siya dinadamay dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD