16

2039 Words
Nagkatitigan lang kami ng ilang minuto hanggang sa inaya ko siyang maupo doon sa pinaglumaang sofa. Walang nagsasalita, pakiramdam ko hindi lang ako dito ang may malaking problema. Si Ulysses... siguradong meron din. Sino kaya ang mas may malaking problemang kinakaharap kaya ngayon? Ayaw kong magtanong... dahil alam ko, sa oras na umpisahan ko 'to. Mapipilitan akong sabihin sa kanya ang lahat-lahat. Kahit ang problemang kinakaharap ko ngayon. "Bumalik iyong tunay na ina ni Sapphire." Gulantang ako sa narinig. Naninigas at napatitig sa kanya. Natakot ako bigla. Hindi lang para sa kanya kundi pati na rin sa bata. Bumalik ba para kunin si Sapphire o bumalik para makipagbalikan kay Ulysses? Hindi ko alam, ngunit pakiramdam ko ay iyong dalawa talaga ang dahilan. Natakot ako... para magtanong pa. "And I have to deal with it. For Sapphire." Buntong hininga niya. Napakagat labi na lamang ako at tumitig sa labas, kung saan tanaw ko ang mga batang masayang naglalaro. "Ikaw... Nia, kumusta ka?" mahinang tanong niya. Inayos ko naman ang ilang hibla ng mga buhok na nalaglag sa noo ko. Ang daling sabihin na okay lang... pero hindi ko kayang sabihin iyon kung alam ko namang nahihirapan pa rin ako. Ayaw kong mandamay ng ibang tao. Ngunit hindi ko rin kayang magsinungaling. Napakabuti ni Ulysses para pagsinungalingan ko lang. Paano pag nalaman niya ito sa ibang tao? Ano na lang ang iisipin niya? Na kaya kong magsinungaling sa kanya? Na wala akong tiwala sa kanya? May solusyon... at kakayanin ko iyon. "Nagmomove on..." halos hangin na lang iyong lumabas sa bibig ko. Nagulat siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Pero pakiramdam ko wala siyang alam sa nangyari sa Papa. Naging tahimik ako no'ng namatay si Papa. Naglamay pero kaonti lang din ang nakakaalam. Walang alam iyong mga dati kong katrabaho. Iyong mga kapitbahay at malalapit lang na kamag-anak ang nakaalam sa hirap na dinanas namin noong pinaglamayan namin si Papa. "S-sa akin?" gulat na wika niya. Mas nagulat ako kesa sa reaskyon niya. Paano ako magmomove on noon? Talagang wala siyang alam na patay na si Papa, ilang buwan na ang nakalipas. Kung siguro nalaman niya ito, siguro tutulong din ito? Pero paano nga kung ngayon nalaman ko na may sarili rin siyang problema? Tama lang siguro na inilihim ko iyon sa kanya. Tama lang siguro na pinutol ko pansamantala ang tali naming dalawa. "H-hindi... kay Papa. Kinuha na siya, e. Sumama kay Mama." Mas dumoble ang gulat niya. Ilang minuto pa bago siya nakapagsalita ulit. Ganoon nga siguro, pansamantala rin siyang hindi nakibalita sa akin. Kung tutuusin, sa dami ng pera niya. Madali lang ang bumisita rito sandali. Pero naisip ko rin, may problema siya kay Sapphire. At syempre uunahin niya iyon dahil sariling kadugo niya iyon. "W-wala na ang Papa mo? Bakit, anong nangyari?" Napalunok ako at muling tumitig sa labas... nagbabakasakali na pumasok ang mga bata at matigil itong pag-uusap namin. "Lung cancer, Ulysses... malala, saka hindi lang simpleng sakit iyong dahilan ng pag-uwi ko rito." Iling ko. Nangingilid na naman ang mga luha. Natahimik ito at bumuntong hininga. Nagulat na lang ako ng hinawakan niya ang kamay ko. Mahigpit, at parang ayaw niyang pakawalan o wala siyang balak na pakawalan. "Umuwi na tayo, Nia." Para bumagsak ang lahat ng puder na tinayo ko para sana sarilinin na lang ang problema. Bumuhos ang mga luha ko. Hindi na napigilan. Kung dati, kinakaya ko. Kung dati sinasabi ko sa sarili na kailangan kong magpakatatag para sa mga kapatid. Ngayon, parang naging mahina ako sa harap ni Ulysses. Gusto kong bumigay. Ngunit natigilan ako nang naalala ang mga utang namin. Lubog pa kami sa utang. Ni wala pang isang porsyento iyong onti-onti ko nang nababayaran. Ang dali lang lumabag sa sariling desisyon. Kaso paano nga ang utang namin? Iaasa ko pa rin ba ang solusyon kay Ulysses? May sarili rin itong problema. Dadagdag pa ba ako? "Please, umuwi na tayo Nia. Isama mo ang mga kapatid mo." Unti-unti akong napailing. Kahit gustuhin ko mang bawiin ang mga kamay ay hindi pwede. Doon lang ako nagkakalakas. Doon lang ako napapahinga. Nitong mga nakaraang buwan, laging mabigat ang loob ko. Nito lang, nito lang ako nakakahinga kahit kaonti. "Hindi pwede, e." iling ko. Dapat magalit siya. Pero hindi iyon. Iniisip ko na magagalit siya dahil kailangan. Hindi ko naman sinabi noong iiwanan ko siya. Na titigil na ako sa relasyon namin. Pero ngayon... iyong pride ko. Unti-unti nang nabubuo hindi tulad noon na ang bilis nawala. "Bakit? Dahil ba sa mga kapatid mo? Nia, sabi ko naman sa'yo noon. Handa akong tumulong." Napapagod din naman ako pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako bumibigay sa kanya. Natatakot akong madamay siya. Ang dali lang talagang sumama... at kalimutan ang problema pero ayaw ko nang maging selfish ulit. "S-sa susunod." Sabi ko na lang, sumusuko na. "Bakit hindi ngayon? If you're worried about your sister and brother, I can be their guardian too. Alam mo, sasaya si Sapphire kapag ganoon." Ngiti niya. Pinunasan ko naman ang mga luha at napatitig sa labas. Sakto namang nakita ko si Sapphire na nakatitig din dito. Parang alam niyang pinag-uusapan namin siya. Tumigil nga lang noong kinalabit siya ni Clarisse. "Hindi pa pwede, Ulysses." Iling ko ulit. Napabuntong hininga siya at ginagap ang kamay ko. Hindi ko alam kung kumbinsido nga ba talaga siya sa sinabi ko o pinipilit niya na lang na intindihin ang mga desisyon ko. "Okay... hindi na kita pipilitin. Pero, Nia... bakit mo nga ba hindi tinatanggap ang tulong ko?" Kumunot ang noo ko at tumitig ng matagal sa kanya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at may natanto. "Rhea... what's up with that lady?" iwas niya sa tanong. Kumunot naman ngayon ang noo ko. Rhea? Sino si Rhea? Bakit biglang napasok sa usapan 'to? Anong kinalaman niya? "I sent you your allowance every now and then, Nia. Wala ka ba talagang natatanggap?' Namilog ang mga mata ko at napatitig na nang tuluyan sa kanya. M-may allowance? Bakit wala naman akong natatanggap? Paano niya naipapadala iyon? Thru remittances? O ATM? Wala ako noon. "Based on your reaction, I assumed that you receive nothing." Tumango ako, nag-aalangan. Iniisip ko nga kung talaga bang wala akong natanggap sa loob ng ilang buwan. Inalala ko rin kung may natatanggap ba akong extra bonus sa pinagtatrabahuan ko ngayon. Kaso ni piso ay wala. Kaya paanong nangyari iyon? Humalakhak siya ng kaonti. Iyong halakhak na parang naiinis. "Simula pa lang, nag-uumpisa na pa lang mangialam si Rhea. Nia, I sent you your allowance since the day you went home. And I think I knew now why you didn't receive it." Sino si Rhea? Nanay ba ni Sapphire?! Nanay ni Sapphire?! Nanlalaki ang mga mata ko nang napatitig sa kanya. Nangingialam? Bakit naman? Kung ganoon alam rin nito na ako ang bagong karelasyon ni Ulysses? Kaya siya nangingialam. Dapat mainis ako e kasi malaking tulong din iyong perang binibigay sa akin ni Ulysses. Ngunit sa sitwasyon ko, pakiramdam ko tama na iyong utang sa bangko na tinulong ni Ulysses. Ayaw ko na nang malaking utang. Hindi ko pa nga siya buong-buo na nababayaran. "Nia, I'm sorry for that." Lumunok lang ako at unti-unting tumango. Hindi sigurado sa ginagawa. Kaso wala rin akong maisasagot na matino. Kung tama ba ito o ewan... bahala na. Nagpaalam ako kay Ulysses na magluluto lang ako. Sinabi ko ring dito na sila mananghalian. Total naman ay sinadya ko ring damihan ang luto ngayon. Pambawi sa hindi masasarap na pagkaing inihahanda ko sa mga kapatid ko noon. Nagtitipid lang talaga. Natuwa si Sapphire na makita ang niluto kong sinigang. Nakangiti lang ako at nahuli niya iyon. Akala ko nga ay sisimangutan na naman ako nito. Ngunit hindi naman nangyari iyon. Ngumiti pa nga na sobrang inikabigla ko. "Daddy, buti pa si Ate Nia—" "Ate?!" gulat na wika ko. Ngumisi ito... mapanuksong tumitig sa akin. Ewan ko ha, naninibago ako kay Sapphire. Parang mas tumingkad tuloy ang sungay nito ngayon. Parang mas makulit. "E di Mommy—" "Mommy?!" "Ingay mo! Daddy!" sumbong niya sa sariling tatay. Natawa lang ang huli, napabuntong hininga na naman ako. "I should call you 'ate'. Kasi mas bata ka naman kay Daddy. Saka halatang baby ka pa rin. Si Daddy matured na iyan." Mas lalo akong napailing. Namumula iyong pisngi ko. Hindi sa malamang dahilan. Natatawa kasi ako na nahihiya. Talagang naninibago ako kay Sapphire. Pati pananalita nito mukhang nagmature nang kaonti. "Iyong nga, mas mabuti ka pa. Si Mama Rhea, kahit na pritong itlog e hindi marunong." Ngisi niya. Natigilan na naman ako... walang kumpirmasyon kung sino itong Rhea na 'to. Kahit alam ko namang, ito iyong tunay niyang ina. "So, I don't want to stay on her. Mas gusto ko kina Daddy at Manang. Saka, ate Nia... umuwi ka na kaya. Wala na akong iinisin e." Bumanghalit ng tawa si Ulysses. Mas lalo tuloy akong napailing. Iyong mga kapatid ko nakatitig na sa mas bata sa kanilang si Sapphire. Parang gusto nilang makinig sa sasabihin pa nito. "Nag-aaral na ako this year, Ate. Kaya kailangan ko ng tutulong sa akin. Manang is old na. While Daddy is busy. Kaya..." kibit niya. Nalaglag na talaga ang panga ko. Si Ulysses nga ay nagpipigil ng ngiti. Tumitig ako sa mga kapatid na kumunot ang noo kay Sapphire. "Pwede kayong sumama." Tukoy niya sa dalawa. Teka nga! Magbibilang ako ng ilang buwan simula nang umalis ako. At masyado yatang mabilis lumaki itong anak ni Ulysses. Parang... ewan. Kaso hindi rin nila kami mapipilit. Kahit gustuhin ko man ay hindi pwede. May mga problema pa akong kailangang solusyunan. Kung gusto ko mang sumaya... kailangang tapusin ko muna itong problema namin. "Iyong anak ng boyfriend mo, ate. Ang daldal." Iiling-iling na komento ni Clarisse nang naglalakad kami papunta sa eskwelahan. Nasa Grade 1 na silang pareho. At saka pahirapan na rin lalo na dahil hanggang gabi ang trabaho ko. "Hayaan mo na..." iling ko at inayos ng bimpo na nasa likod niya. "Iyon na nga, parang crush ni Andolf." Mapanuksong sabi niya sa akin. Lumingon ako kay Andolf na nagulat sa sinabi ng kakambal. "Tumahimik ka nga. Hindi ko kailanman sinabi iyan." Inis na saway niya kay Clarisse. Napatawa na lang ako bago sila iniwan para tumungo sa isang hardware na pinagtatrabahuan ko. Kailangan kong pagbutihan ngayon para naman may maibabayad ako sa susunod na due date. Sa dami ng kailangan kong bayaran, kailangan ko ring magtipid. Kahit pahirapan. Nang sumunod na weekend. Muling bumisita sina Ulysses. Na ikinagulat ko nang tunay. Kasi hindi ko naman iniisip na makakabisita pa sila gayong pareho kaming abala. Ewan ko nga sa kanya kung ano nga ba talaga ang nagpapaabala sa kanya. Siguro iyong personal na problema niya rin. Ako... meron din. "Atat bumisita." Turo niya sa sariling anak na nakikipaglaro sa mga kapatid ko. Nagugulat pa rin ako sa nangyayari kay Sapphire. Parang kailan lang ng tinatarayan niya ako. Akala mo e pasan ang problema ng mundo kung makapagtaray. "Pumapayat ka..." puna niya sa pagitan ng mahabang katahimikan. Napakislot ako sa gulat ng parang sa multo na ipinulupot niya kamay sa bewang ko. Alam ko namang sinusukat niya lang iyon ngunit naging malisyosa kaagad ako. Kinilabutan ako. Lalo na dahil hindi ko naman pinaghandaan. Natawa siya sa obvious kong reaksyon. Tinikom ko na nga lang ang sariling labi para wala nang masabi pa. "We should date sometimes." Sabi niya pa. Umiling ako kaso hinigit niya ako palapit sa kanya. Nanggigigil yata e kasi ang higpit ng pagpulupot ng braso niya sa likod ng aking bewang. "Nia, we really should. Kahit wag ka na munang umuwi sa bahay. Date lang, kahit date lang." pilit niya pa. Naningkit ang mga mata ko at hindi ko alam kung bakit biglang pumasok na lang sa isipan ko iyong Rhea. Bakit nga ba pumasok na lang bigla iyon?! "Sino si Rhea?" Mula sa pagkakagulat ay napalitan iyon ng malakas na tawa mula sa kanya. "Nia... nanay lang iyon ni Sapphire. Walang ibang kahulugan... Nanay lang. E ikaw ang gusto ko." Nagkasalubong ang mga kilay ko, "Natanong ko ba?" Mas lalo siyang natawa at idinantay ang isang kamay sa ibabaw ng isa kong hita na tinitigan ko lang ng matagal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD