17

2079 Words
Sa tinagal ng panahon, hindi ko alam na ganito lang pala kadali ang lahat na pwedeng bumalik kami sa dati. Noong unang nakilala niya ako sa restaurant. Noong unti-unti ko nang nakikita ang mga magaganda niyang ugali. Siguro nga, pinipilit ko lang ang sarili na maging pormal at wag na ulit siyang pagsamantalahan. Kasi yong pride ko... "Ate naman..." saway ni Clarisse, isang umaga at holiday. Lumiban na muna ako sa trabaho para makasama sila sandali. Ganoon din ang oras ng pagdating nina Ulysses sa umagang iyon. Nakangisi na naman si Sapphire at nakatitig ng mataman sa mga kapatid ko. Hindi ko alam pero habang tumatagal mas nakikita ko ang hindi pagkakatulad nang mag-ama. Natatakot nga akong kumpirmahin kung talaga bang kay Ulysses ito nagmana o hindi. Pilyo si Ulysses ngunit hindi ko pa nakita kung paano itong ngumisi ng tulad kay Sapphire. Na mukhang gagawa ng kalokohan. Hindi naman gano'n iyong isa... pilyo lang talaga. "Clarisse..." saway ko nang nakita siyang nakikipaghabulan kay Sapphire malapit sa pampang... hindi naman kasi ito marunong lumangoy. At lalong mahirap pag inabot sila ng alon. Sa liit ng mga katawan nila. Siguradong isang daan lang noon ay aanurin na sila. Si Andolf naman kasi at nando'n lang sa tabi, nagkakaroon ng sariling sand castle. Samantalang kaming pareho ni Ulysses ay nanonood sa mga bata. Mahirap na ang malingat at kami ang may responsibilidad nito. "It's nice to see us both watching the kids play, Nia." Minsan na nasabi niya sa pagitan ng tahimik at magandang ihip ng hanging dagat. Hindi ko alam kung bakit ginapangan ako ng hiya sa sinabi niya, naramdaman ko na lang kasi na parang kinukuryente nang paonti-onti iyong pisngi ko na parang namanhid din. Hanggang sa nag-init. Iba kasi ang naiisip ko. Hindi sina Clarisse o kaya sina Sapphire o kahit si Andolf. Iba... ibang bata. Yong akin, yong kay Ulysses. Bakit nga ba pumasok sa isipan ko iyon? Ano naman ang dahilan at bakit naging gano'n? Hindi pa nag-iisang taon nang nawala si Papa. At heto ako, mukhang hindi na naman nag-iisip. Hindi pa panahon para doon. At hindi rin sigurado kung kami pa hanggang sa susunod na mga taon. Sa tikas at gwapong lalaki ni Ulysses, sinong babae ang hihindi sa kanya? Siguro, sa panahong handa na ulit ako. Handa na siyang bayaran. At handa nang wag ng magkautang na loob. Siguro makakahanap na ito. Iyong game... iyong kayang tumayo para sa mga responsibilidad. At siguradong, hindi naman ako iyon. "What are you thinking, Nia?" tanong niya sa pagitan ng paglangoy ng mga imahinasyon ko. Napasinghap ako sa gulat. At siya nama'y natawa bago hinalikan ang balikat ko. "I just hope it was me." Biro niya pa. Naitikom ko naman ang bibig, pwede ko namang sabihin na Oo. Ikaw iyon. Pero hindi ko alam kung magiging masaya ba siyang marinig lahat ng tumatakbo sa isipan ko. Sa ngayon... kung anong meron, at kung ano ang kaya kong ibigay. Ibibigay ko. Kesa na magsisi sa huli at gano'n pa rin. Mga alas tres nang nag-aya na si Sapphire na umuwi. Tumango ako dahil kita ko naman ang pagod sa kanila. Maaga pa naman, pero dahil pagod na nga ay kailangan na naming umalis. Gano'n na lang din ang gulat ko nang lumiko kami sa kabilang kanto. Malayo sa lugar kung saan dapat dumaan pauwi sa amin. O baka nga, uunahin muna nito ang pauwi sa kanila. O baka may pupuntahan pang iba. Iyon ang hindi ko alam. Tulog na naman ang mga bata na nasa likod at magkakatabi. Napatitig nga ako kay Ulysses na lumingon sandali nang tumigil ang sasakyan bago napailing at ngumisi. Napahagod nga ito ng pang-ibabang labi na para bang naaaliw sa nakitang tanawin. Napangiti na rin ako kahit hindi alam kung bakit ko ginawa iyon. Natutuwa lang ako kapag nakikitang naaaliw si Ulysses. Gano'n nga siguro kapag gusto mo iyong tao. Napamulagat na lang ako nang lumingon si Ulysses dito at lalong napangisi. Na hindi ko naman kung bakit ganoon. Ngumiti na nga lang ako at siya'y lumingon na naman sa likod. "I feel alive when I saw more kids, Nia. Gusto mo bang..." pinutol nito ang sinasabi ng umusad na ulit ang sasakyan. Napalunok ako. Ayaw kong mag-assume. At ayaw ko ring isipin na baka sa huli, itong gusto namin ay hindi naman masusunod. Sa dami ng mga iba't ibang klasing isda ay baka nga hindi naman ako iyong pinaka-espesyal. Nag-aassume lang ako kasi ganito kung mantrato si Ulysses. "Nia, I want a lot of kids." Sabi niya kalaunan na hindi ko kaagad napaghandaan. Alam ko na iyon naman talaga ang gusto niyang sabihin. Gusto niya ng maraming anak. At asawang kaya siyang bigyan ng ganoon. Pero hindi naman kasi sigurado. Kung anuman man ito, eenjoy ko na lang dahil wala ring kasiguraduhan kung hanggang kailan ito. Kung may pag-asa hanggang huli, maswerte. "Puro panganay?" biro ko, at kinapa ang pisngi niya pagkatapos na magpark sa isang tabi at para mahalikan iyong ibabaw ng labi niya. Nagulat ito at unti-unting natawa. "Nia, when I met you I promised myself that Sapphire will be my last first child in different woman. I want you to be my kids' mom." Napailing ako at natatawa sabay tingin sa labas. At napatingala. Masyadong matayog itong building nasa tapat namin. Malayo sa bayan, at malapit sa isang malaking syudad. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano ni Ulysses. Ngunit sa tingin ko kailangan naming sumunod ngayon. Para sa kanya. Kung anumang ikinasasaya niya. Naalimpungatan ang mga bata, ngunit halata pa rin ang pagod at antok. Nakasunod naman sa amin. Hanggang sa elevator. Ngunit nakakapit sa mga kamay namin. Takot yatang matumba kasi hinihila na sila ng antok. Pagkalabas nga ay nagpapabuhat na si Sapphire. Sina Clarisse at Andolf ay napatitig sa kanya bago tumingala sa akin. Ngunit kalaunan, sa halip na magpabuhat din ay pinilit na lang nilang sumunod sa amin. Hanggang sa isang silid. Hindi ko pa rin alam kung ano ang ginagawa namin doon. Nakasunod lang naman ako. Walan ideya. At lalong hindi nag-eexpect ng kahit ano. Pumasok kami at nagulat ako sa laki ng silid na iyon. Pakiramdam ko mas malaki pa ito kesa sa bahay namin. Mas malawak. At modern. Tinitigan ko nga si Ulysses na ngumiti sa akin. Kaso natigil iyong titigan namin ng nanghihila na sina Clarisse, gustong matulog kahit sa sofa. Umiling nga si Ulysses at sinenyasan kaming sumunod sa kanya. Halos lumuwa na naman ang mga mata ko nang nakita na may anim na higaan na tabi-tabi noon sa isang silid. Hindi ko alam na posible palang may nakalaan pang silid sa ganitong kalaking room sa isang matayog na gusali. Hindi ko alam kung paraa saan ito. At kung bakit kami dinala ni Ulysses dito. Kung anuman... ayaw ko munang mag-isip. Inilatag namin ang mga bata doon saka ako hinigit palabas ni Ulysses. Kumabog ang puso ko sa kaba. Sa pag-aakalang hihilahin niya ako sa isang silid na nando'n. Hindi ko lang alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Ulysses. Wala rin akong ideya kung ano ang ginagawa namin dito. "I'm planning to move out, Nia. Kaya kinuha ko 'to. Saka mas malapit sa negosyo kami dito tayo titira." "Ha?" nagulat ako sa huling sinabi niya. Malumanay na ngumiti ito at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Nanlalamig ako sa kaba. Isasama niya kami? "Yes Nia... Pwede kayo rito. Malayo nga lang sa dati niyong bahay. Pero Nia, when I bought this I was thinking about you and your siblings. Nia, I want us to live together." Malumanay na wika niya. Naramdaman ko kaagad na sinsero siya sa paanyaya. Ang dali lang sabihin na okay, isasama ko ang mga kapatid. Pero paano naman ang bahay? Mababayaran ko ba ang mga utang at hindi ba madadamay si Ulysses? Hindi naman gano'n kadali iyon. Na pwedeng bukas, okay... okay, sasama na ako. Gusto kong magsalita, ngunit walang pumapasok sa isipan ko. Gusto kong sabihin na mahirap. Na hindi pa ito ang tamang panahon. Malapit na naman akong mag-20 at malapit na rin ang death anniversary ni Papa. At siguradon, kakaway na naman ang mga utang na kailangang bayaran. Naitikom ko na nga lang ang labi at tumitig ng matagal kay Ulysses. At hinalikan ko siya, kinagat ko ang pang-ibabang labi niya. Sakto namang bumubuka ang bibig niya ng humiwalay ako sa kanya. Hindi ko naman siya sasaktan kaya ginawa ko iyon. Gusto ko lang... mapanatag. "Isang taon, Ulysses. Isang taon lang... mahihintay mo ba ako? Kaya mo ba?" Iyon lang yata ang kaya kong solusyon ngayon. Isang taon, igagapang ko ang mga utang. Isang taon, at aayusin ko ang lahat. Kapag kaya niya... babalikan ko siya kahit mahirap magtiwala na kakayanin ko nga ba talaga ang isang taon. Masyadong maikli... ngunit masyadong mahaba para sa mga taong naghihintay. "Nia... we'd been together. May mga plano ka ba? Na hindi ko alam?" tanong niya, sa pagitan ng pagkunot ng noo. Umiling ako at sumandal sa sofa. Saka ako tumitig sa naka-off niyang tv. Pwede ko namang sabihin na kailangan kong magbayad. Pero alam ko rin na mangingialam din siya kalaunan. "Nia, kung pag-aaral. Matagal ko nang nasabi sa'yo na kaya kitang pag-aralin." Iling niya. Natahimik naman ako at napabuntong hininga. Hindi ko naman talaga kayang sabihin na okay... iyon nga ang problema ko. Dahil alam ko naman na hindi. "Ulysses... balato mo na sa akin ang isang tao. Kapag hindi mo na kaya. Pwede ka namang magpaalam. Pero sa ngayon, isang taon lang Ulysses. Iyon lang... pagkatapos, bahala ka na." Sabi ko. Na ikinasama niya yata kasi naging iba ang timpla ng mood niya. Hindi kaagad ako nakaimik. Hinintay ko siyang magsalita ngunit kalaunan napabuntong hininga rin siya. At kinuha ng kamay ko para mahawakan niya ng mabuti. "Isa taon, Nia. I'm sure you'll get pregnant on that time frame." Napailing ako, natatawa. Hindi pa. Pinag-usapan na naman namin ang tungkol sa condo na kinuha niya rito, kung ano ba talaga ang plano niya. At tama nga ako, kaya malaki kasi kukunin niya ako pati ang mga kapatid ko. Pero dahil sa plano ko ay mukhang maaantala pansamantala. Kung pwede nga lang sabihin ang lahat-lahat ay ginawa ko na. Kalaunan, pareho kaming naghanda ng makakain sa gabing iyon. Nagtatawanan nga kami kasi hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ni Sapphire. Alam ko na maarte ang batang iyon. At masyadong pihikan sa pagkain. Nakipagkwentuhan din ako kay Ulysses, tungkol sa mga kapatid ko. Na malayo sa ugali ni Sapphire. Hindi naman kasi namimili ng makakain ang mga kapatid ko. Mapagulay man at kumakain naman talaga. Patapos na ako ng nakita si Ulysses na nakatitig sa salaming mesa na nando'n sa kusina. Kumunot tuloy ang noo ko at mukhang malalim ang iniisip niya. Hindi ko alam... kung nag-aalala ba ito. Ngunit nanlalaki na naman ang mga mata ko nang napagtanto at lumabas mismo sa bibig niya ang sagot. "Baka may makarinig," hampas ko sa braso niya, at napatingin sa bungad. Umiling siya at natatawang lumapit. "Hindi, hindi iyan. I am always thinking about what I should make you do Nia. Nakakabore na kasi ang plain sex." Iling niya. Napakagat labi ako at nahihiyang umiling saka kinuha ang pagkakasalansan ng niluluto namin kanina. "What do you think about that, Nia? Some other time, let's try on this table." Napapailing pa rin ako at sumandal sa sink. Ngumisi siya at pinulupot ang dalawang kamay sa bewang ko saka siya dumikit sa akin. "You're young, Nia. But I want you to explore too." Iling niya. Nakangisi at kagat ang pang-ibabang labi. Mas lalo lang yata akong namula. Hindi na nakapagsalita hanggang sa naramdaman ko na bumaba ang mukha niya at hinalikan ako ng mariin. Natigil lang ng nakarinig ng ingay sa sala. Siguro nagising na ang mga bata. At hindi na tama na maglandian kami rito. Nakakahiya kaya, pag nahuli kaming nakaganito. "Some other time..." iiling-iling na sabi niya. Natatawa. Ngunit hindi naman nagpumilit pa. Kung sa tingin ko magiging okay sa akin ang isang taon na paghihintay at pag-aayos ng lahat. Parang hindi naman. Hindi nga nanggugulo si Ulysses. Ngunit may isang hindi ko alam kung ano ba talaga ang plano sa buhay gayong ang alam ko hindi naman ito nag-alaga man lang sa sariling anak noon. Hindi nga kasi ako ginugulo ni Ulysses. Ngunit ang Rhea'ng iyon... bakit gano'n? Bakit ako ang ginugulo niya gayong siya itong nang-iwan at naging pabaya. "Ate, may bisita ho kayong parang model." tawag ni Clarisse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD