Chapter 2 - Name's Lucas

2323 Words
“I REMEMBER EVERYTHING,” iyon ang namutawi sa mga labi ni Jessie. “Big fan, walang halong biro. Sobrang patok ng trilogy mo, lahat ng kaibigan ko ay meron silang kopya ng mga libro mo. And when the announcement came that it would be made into a film, tangina, big deal sa amin iyon.” Nakatingin lang sa kanya si Edgar pati ang batang si Alfons na panay ang subo habang siya ay walang tigil sa pagsasalita.  “Okay, imagine this,” aniya na sinamahan pa ng pagkumpas ng kamay sa ere. “I was with a client, I received a text from a friend saying the trilogy will be made into live action films by three different directors, indie, low-budget, filmed at the same time!” She squealed. “Dude, the next thing I knew, nakisabay na iyong isa ko pang kaibigan na kasama ko sa meeting and we were talking about it for a solid fifteen minutes that the client had to interrupt us. And as your big fan,” Muntik niya pa itong hawakan sa braso pero nagkasya na lang siya sa paglapat ng kamay sa ibabaw ng mesa at saka nagpatuloy. “Ni-recommend namin iyong mga libro mo. Guess what happened next.” She reached for her bag and started to look for her phone when it dawned on her. “Gago.” bulalas niya nang mapagtanto na wala pala ang cell phone niya. Dito na siya pinatigil ng kausap niya. “You know Alfons is just four, right? Hindi niya dapat ito naririnig.” mahinang sabi nito.  She cursed under her breath. Again. “So what happens next?” alanganing tanong ng katapat niya. Naihilamos niya ang kamay sa mukha. “I was gonna show you a prenup video. Stupid of me to think I still have my phone. But anyway, you can look it up on YouTube. Simply Eve Weddings & Event Coordination. Nando’n ‘yong clip inspired by your book, Remember Me Fondly.” Nagkasya na lang siya sa silya niya at nilaro ang pagkain.  “You probably shouldn’t play with your food. Baka gayahin ka ng bata,” Edgar warned. “Anak mo?” tanong niya habang nakatingin sa platong hindi bawas ang laman. “Pamangkin ko,” sagot nito. “Single?” diretsong tanong niya. “Since the first book was conceived,” anito. “Since Helen?” hindi makapaniwalang tanong niya. “That’s, like, five years ago.” “No. Lucy. Lucy’s… her name,” he said. It sounded so good coming out of his lips. “How about the others? Cielo, Sara? Totoo rin ba silang tao? Kung oo, ano ang mga tunay nilang pangalan?” usisa niya pa. He smiled. “What for? Let them be Cielo or Sara or f*****g Helen.” Pareho silang natawa. “Bitter ka pa rin?” aniya. He shook his head. “Not anymore,” he said.  “Edgar…” she let the name play through her mouth. “Yeah?” ani Edgar. “No, sorry, I am just playing with the word. You, and Lucy, or Helen as we know it. I mean, such an odd name. Also I never met anyone who is named Edgar.” Alfons sighed for everyone to hear. Tumutok ang mga mata nila rito. “Tito likes to do that all the time,” wika nito. “Pee time!” dugtong nito sabay hila sa manggas ng damit ni Edgar. Hinayaan niyang magpunta ang dalawa sa banyo. Pagbalik ng mga ito ay agad na itinuro ng bata ang plato niya. “Are you gonna eat that?” anito. Hindi siya sigurado. “You can have it.” sabi na lang niya.  Umiling ito. “No, I’m full, but thanks. You shouldn’t waste food, you know?” anang bata at sinukob siya ng hiya. Naramdaman niyang umakyat ang dugo sa mukha niya. “That’s what my Papa says all the time that’s why I only get what I can finish. If I want more, then I’ll tell him or my Tito, who really, really likes to fake his name.” “What?” si Jessie. “And that’s why we’re here today. Hinatid po namin si Papa. He’s flying to Singapore. Work daw po. But he’ll be back during holidays. He says he will try. Should I believe him?” Nanlaki na naman ang mga mata niya sa narinig. Tinitigan niya ang Tito nito na kagaya niya ay hindi alam kung paano magre-react. “What do you mean, Alfons?” kabig ni Jessie. Mabilis naman na sumagot ang bata. “Sabi po kasi ni Papa, don’t believe everything an adult says. Just because someone is old, it doesn’t mean they know what they’re saying. It doesn't mean they know what they’re doing. Iyon po ang sabi ni Papa.” “Alfons, if your father said he will be back, then he will.” Pinisil ni Jessie ang pisngi ng bata. “Paano niyo po nasabi?” tanong pa nito. “Parents…” They are as unforgiving as their children. “Will do anything, anything, in this world for their kids. I have a father who loves me every day. He chooses to love me every day even if it’s hard.” “How hard is it?” anang bata. Natawa siya. “You will know when you grow up.” ang naisagot niya lang. “Is it gonna be hard?” bumaling ang bata sa Tito nito. Hinaplos ni Edgar ang bumbunan ng bata. “It is, it will be.” “Would you be there?” inosenteng tanong ng bata. “Where else would I go?” ani Edgar.  Hinarap na siya ng bata. “Ask him his real name.” Nagtataka man ay sumunod siya sa bata. “Well, are you gonna tell me your legal birth name?” si Jessie. “Alfons…” saway nito. “Faker.” si Alfons. “Look, we have to get going. It was nice meeting you.” Tumayo na si Edgar at ang bata. “May mapupuntahan ka ba?” tanong nito sa kanya.  I don’t think so, aniya sa isip. “Pwedeng maki-text na lang?” aniya.  “Sure.” He then gave her his phone. Nang matapos ay nagpasalamat siya rito. Tumayo na rin siya.  “Split the bill,” she said and took back her words. “Sorry, I can’t split the bill with you. Nawala iyong wallet ko.” She offered no explanation and Edgar left it like that. Niyuko niya ang bata at niyakap ito. “Pleasure to meet you, kiddo. I like you. Be good, okay?” si Jessie. Tumango ito. “I’m trying,” pilyong sagot nito. Jessie and Edgar shook hands.  “Wait!” ani Jessie. Tinuro niya ang malapit na bookstore. Pinasok nila iyon at nang mahanap ang libro ay pumunta siya sa counter at nanghiram ng ballpen. Inabot niya iyon kay Edgar. “Sign this for me, please.” pakiusap niya. “Is it okay...?” Tumingin ito sa cashier. “Babayaran ko ‘yan, ano ka ba. Pirmahan mo na, please.”  He took the pen and signed the book. Ibinalik nito ang libro sa kanya. Mahigpit niya iyong hinawakan. Nagpasalamat siya ng maraming beses hanggang makaalis ito. Binuklat niya ang libro at binasa ang sinulat nito. Jessie, Name’s Lucas. Tumikhim ang cashier. Ipinatong niya ang libro sa harap nito. “Magbabayad ako,” aniya. Inilapag niya ang perang inipit ni Lucas sa libro.  “Ang bilis ng kamay no’n, ah,” bulong niya. “Nakabunot agad ng pera.” Masamang tingin na ang binabato sa kanya ng kahera kaya nanahimik na siya. “LUCAS LUCAS LUCAS LUCAS LUCAS,” ang paulit-ulit na sabi ni Cameron habang hawak nito ang libro. “Lucas.” “Lucas,” kinikilig na sabi niya.  “Do you have his number?” tanong nito. Nanlaki ang mga mata niya. “No…?”  Pumalatak ito. “Hina.” Her sister reached for her laptop and typed things. “Hindi updated ang lahat ng social media accounts niya,” anito. “Sa Twitter bio niya ay may e-mail address so I guess that’s good, right?” Hinarap siya nito. “Should we e-mail him?” Kinuha niya ang laptop mula rito. “Why the f**k not?” Ngunit bago pa siya makatipa sa keyboard ay bumukas ang pinto ng kwartong tinutuluyan nila ngayon. “Sorry, Jess,” anang kaibigan niyang si Mel mula sa pinto. Tumambad sa kanila ang pigura ng tatay niya.  Nagtinginan silang magkapatid at napatayo. “‘Tay…” ang tanging namutawi sa mga labi niya. “Lumabas ka muna, Cameron,” mahinahong sabi nito sa kapatid niya. “Let her stay,” matigas na tugon niya.  Naguguluhan man ay nagpaalam si Cameron. “She doesn’t have to leave the room. I said stay, Cam,” mariing wika niya.  Tumalim na ang mga mata ng tatay niya. “Kung gusto mong marinig lahat ng kapatid mo ang sasabihin ko, sige,” anang tatay nila. Cameron stopped at the door. “You are a mess, young lady.” Turo sa kanya ng tatay niya. “You get back on that plane and get a job and do something in your life!” anang tatay niya. “Cool. Kakanood mo iyan ng Netflix, ‘no? And yes, I’m baiting you. Lalo kang maiinis, lalong mapapalayo ang pag-uusap natin. And no, ‘tay, I can’t just buy another plane ticket! Na-holdup ako, okay? I’ve lost everything. My government IDs, passport, wallet, phone, debit card, pera, dignidad. I had to rush to the airport pero putanginang traffic ‘yan, palala ng palala. Hindi ako nakapag-check in, mas lalong walang chance makapasok at wala rin ang ticket sa akin. I had the printed one and the soft copy. Key word: had.  "They were closing the gates when I was asking this random Tita of the airport kung pwedeng maki-net para ma-download iyong soft copy ng ticket ko. I’m sorry I am such a mess right now, but this is me, this is what you and I have to deal with. ‘Wag kang manghinayang dahil ako naman ang gumastos sa lahat. I’m not bragging, I am stating facts. At kung nagre-react man ako sa sitwasyon na pinapairal ang feelings instead of using my non-existent brain, I am truly sorry. Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon, ‘tay, at ang makita ka at si Cam ay parang isang bag ng Doritos Tex Mex Roulette dahil hindi ko alam kung alin ang makukuha kong reaksyon mula sa inyong dalawa—chill and relax mode or Filipino teleserye kind of drama. Guess which one are you?” “Jess…” ang tatay niya. “She said guess,” singit ni Cam. “You have to guess.” Nilingon ito ng tatay niya na parang hindi ito makapaniwala sa narinig. Nagkibit-balikat lang ang kapatid niya.  “Jess, reschedule it or it will take you years bago ka sipaging muli,” ang tatay niyang mahinahon na ngayon.  Hindi niya ito binigyan ng tsansang bulyawan siya. “Maybe Singapore is not for me,” ang sabi na lang niya at naupo sa kama. “Did I stress that enough? I’m gonna repeat it again and again. It’s not for me. Ipinilit niyo lang ako sa Singapore na iyan. Hindi naman tatakas ‘yan, ang lapit-lapit. At tsaka, ‘di ba, cue Cam—” “Dream big!” sigaw nito na itinaas pa ang mga kamay sa ere. “Tito, I’m not saying Singapore is—” “Ganito na lang,” putol ng tatay niya sa kapatid. “Bahala ka na sa buhay mo, anak. Malaki ka na.” Nanlupaypay na ito. “Matagal na kitang sinabihan na humanap ng tunay na trabaho at hindi paraket-raket—” Siya naman ang pumutol dito. “Coordinating events is not a raket, ‘tay, binuhay ako niyan.” mariing sabi niya. “—Dahil kailangan mong iplano ang buhay mo hanggang sa pagtanda. Kailangan mong makaipon. Hindi naman ako ang makikinabang diyan kundi ang magiging pamilya mo. Mahirap na ang buhay, ‘nak, mahirap lumuwas na isang daan lang ang laman ng pitaka mo at pag-uwi ay butas na ang tiyan mo sa gutom. May kotse at bahay kang binabayaran. Hanggang doon lang ba? Ayaw mo bang palawakin ang future mo? Wala ka naman balak maging matandang dalaga, ano?” Umikos siya. “Tinitira mo na naman ang lovelife ko, bored ka na, ano, ‘tay?” Natawa ito. “Diyan ka magaling, Jess. Hindi mo sineseryoso ang tatay mo, pero sino ang tinatakbuhan mo kapag may aberya ka sa buhay?” “Now I have an answer to that stupid ‘one word to describe your life’,” aniya.  Cameron and her father were eyeing Jessie, ogling her to continue. “Aberya, embossed, Times New Roman,” sarkastikong sabi niya. “Pang-Helvetica ka lang,” si Cameron. “Comic Sans,” ang tatay niya. Nagulat silang magkapatid sa narinig. “What the—” “Jessica,” babala nito. “Tito, what the heck?” si Cameron. “I am not that old,” he emphasized.  “Okay,” ani Jessie at nilapitan ito. “I love you.” aniya. Umiling-iling ang tatay niya. “Same.” “Ang millenial ni Tito!” natatawang sabi ni Cameron. “Bagets!” Bumukas ang pinto at natunghayan nila ang naka-apron na si Mel. “Merienda time.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD