bc

Write About the City

book_age18+
170
FOLLOW
1K
READ
independent
brave
drama
sweet
humorous
female lead
city
small town
friendship
slice of life
like
intro-logo
Blurb

ON GOING

Write About the City brings you the 3rd book of Remember Me Fondly and We, The Sad Sack.

"Love, J and Lucas."

Get to know this group of crazy peeps. Live vicariously through them. You want beach life? Wanna get that sunkissed skin for the nth time? Light 'em bonfire, open that can of beer or cider, be in that moment.

---

Book 1: Remember Me Fondly (completed)

Book 2: We, The Sad Sack (completed)

Book 3: Write About The City (on going)

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - This is just a bad day
MAKAILANG ULIT NANG HINALUNGKAT NI JESSIE ang bag niya ngunit hindi niya mahagilap ang ticket. Gusto na niyang sabunutan ang sarili dahil lalo lang siyang natataranta. Kinakabahan na siya. Hindi niya alam kung saan siya pupulutin pagkatapos nito.  “Passengers for flight SQ 921 to Singapore, please proceed to gate 115,” pumailanlang ang boses ng announcer.  Inilapag na niya ang bag sa sahig at itinaktak ang mga laman niyon palabas. Tinitigan niya ang mga nagkalat na gamit at dahan-dahang ibinalik iyon sa bag. Hatak ang maleta ay naghanap siya ng mauupuan. Ngunit wala. Naghanap siya ng makakainan. Puno ng tao, wala rin naman pala siyang pera. Tumambay na lang siya sa banyo. Ilang tao na ang kumatok sa cubicle kung saan siya nakaupo at umiiyak.  Nang wala na siyang mailuha ay lumabas siya ng cubicle at nag-ayos. Namumugto ang kanyang mga mata. Itinago niya iyon sa makapal na eyeshadow at mascara. Hinanap niya ang eyeliner ngunit iyon ay pudpod na, walang epekto kung tatasahan. Galit niya iyong itinapon sa basurahan.  Paikot-ikot lang siya sa airport, kahit saan na lang siya dalhin ng mga paa niya. Nilapitan niya ang isang guardia at nakiusap na ipahiram ang telepono nito.  “Cam,” bungad niya. “Listen. Nanakawan ako. Wallet, phone. Iyong pina-print ko sa iyong ticket, wala sa bag. Last call na kanina. Wala akong pera, pasundo naman.” Beep. It went straight to voicemail. Hindi niya man lang naisip na banggitin ang pangalan niya kung mag-iiwan lang din naman siya ng mensahe mula sa isang unknown number. Hindi pa ba tanga na matatawag iyon. Nakipag-unahan siya sa isang bakanteng upuan. Ibinigay na lang niya iyon sa kaagaw niya dahil may kasama itong batang pumapalahaw. Pagod na ang mga paa niya sa paglalakad kaya naman minabuti na niyang maupo sa sahig. Nagpapasalamat siya sa ingay na ginagawa ng bata dahil nahahatak ang atensyon niya rito imbis na magpakalunod siya sa miserable niyang araw.  Hindi pa rin pala sapat iyon dahil nang matulala ay nagtuloy-tuloy ang agos ng kamiserablehang nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang isipin na ‘this is just a bad day, not a bad life’, pero nakadepende ang mga susunod na taon ng buhay niya sa flight na ito. Maaga siyang umalis para mapaaga ang dating niya sa airport, ngunit napakalaking aberya ang naganap dahil na-holdap ang taxi na sinakyan niya. Hinabol niya iyong nagnakaw ng wallet at phone niya, sinigawan niya pa ang driver na kung hindi ito tatakbo, bantayan nito ang naiwan na mga maleta niya. Naka-sandals siya ngayong araw. Hindi naging sagabal ang suot niya sa pagtakbo ngunit sa dami ng masisikutan at tao at mga sasakyang nagsidaanan, tuluyang nawala sa paningin niya ang hinahabol niya. Binalikan niya ang taxi. Nilaslas pala ang gulong bago bumatsi ang holdaper. Hindi lang iyon, kulang na ang maleta niya. Iyong pang-7 kilos na lang ang natira sa kanya, at ang shoulder bag niyang suot.  Nakasakay siya makalipas ang sa pakiramdam niya ay oras ang lumipas, at pagdating niya ay sarado na ang check-in, tinatawag na ang mga pasahero. Ang kapiraso niyang pag-asa na makita ang ticket niyang pina-print sa kapatid ay tuluyang naglaho. Backup iyon para sa PDF ng ticket na nasa phone niya. Marami nang pasahero ang dinaanan siya at naririnig niya ang pagtunog ng scanner kapag pine-presenta ng mga ito ang ticket bago makapasok. Karamihan sa mga pasahero ay cell phone ang gamit sa pagpasok, itinatapat lang ang screen ng phone sa scanner at saka lang sila makakapasok. Siya na wala ang kahit ano sa dalawa ay walang pag-asang makatapak sa loob ng eroplanong dapat ay kanina niya pa nasakyan. Napayukyok siya at niyakap ang sarili. Isinandal ang noo sa maliit niyang maleta at hinayaan ang sariling humikbi. Sinabayan niya ang bata sa pag-iyak. “Al… stop crying. Ginagaya ka na ng babae.” Narinig niyang sabi ng tatay sa bata. May kumalabit sa kanya ngunit hindi niya iyon pinansin. Mapursige ang nangangalabit kaya tiningala na niya ang kung sinumang nang-iistorbo sa kanya. Bumungad ang isang kamay na may hawak ng panyo. Tinanggihan niya iyon at nagpasalamat. Inabot niya ang bag at kumuha ng tissue. Doon siya nagpahid ng luha at suminga. Ang lalakeng may kasamang bata ang nag-abot ng panyo, pinapanood na siya ng dalawa, tumigil na sa pag-iyak ang bata. Namimilog ang mga mata nito sa kuryusidad, may tumutulo ring uhog dito. Siya naman ang nag-abot ng tissue. Niyuko ng tatay ang anak at agad nitong pinunasan ang ilong ng bata. “Why are you crying?” piping tanong ng bata. None of your business, ang unang rumehistro sa isipan niya.  Pinapanood ng lalake ang bata. “Why are you crying, Al? Maybe you could tell her why you’re like this so she could tell you in return why—” Binalingan siya ng lalake. “Sorry, miss. It’s none of our business, actually. Pina-practice ko lang siyang makipag-huntahan sa tao, mapa-bata o matanda.” “It’s fine,” simpleng sagot niya.  “I’m gutom na po.” Narinig niyang sabi ng bata. “Maybe she could come with us, too. Are you hungry na po ba?” anang bata sa kanya. Tiningnan niya ito. This time, she paid attention. The kid must be 4 or 5 six years old. His resemblance to his father is kinda off, but she could see that they are related. Somehow, she automatically thought of them as father and son. Hindi naman maipagkakaila ang warmth sa paghawak ng mas nakakatanda sa dalawa, at malambing din naman ang bata sa kasama nito.  Napangiti siya sa narinig. “I am, yes.” Binalingan nito ang nakatatanda. “Is it okay?” Siya naman ang tiningnan ng lalake. “I hate seeing people cry. Okay ka na ba, miss? Gusto mo ba kaming saluhan sa pagkain? Ako nga pala si Edgar.” “Ako po si Alfons! Maraming tumatawag sa akin ng Al. Pwede niyo ho akong tawagin sa ganoong paraan.” Malapad ang ngiti ng bata. Marunong ito sa parehong lengguwahe, aniya sa isip. “Ako si Jessica. Pwede niyo akong tawaging Jessie.” “Nice to meet you po!” ani Al. “Pleasure to meet you, Jess… I mean, Jessie,” si Edgar na inabot ang kamay. Inabot niya iyon. “You, too, Edgar.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.4K
bc

He's Cold Hearted

read
160.8K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.8K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
581.2K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
404.0K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook