RENZO'S POV Nakadapa ako sa sahig habang nakatali pa rin ang mga paa ko sa bangko. Hindi na ako gumalaw sa pwesto ko habang nakatingin ako kay Kisha na nakatingin rin sa akin. Lihim akong napapangisi pero pinakita ko sa kaniya na pinahirapan nila ako at nahihirapan na akong huminga. “Sino ka?” tanong ni Kidnapper no. 2 sa kaniya. “Tumawag kayo sa akin at humihingi ng limang milyon, kaya hindi ba dapat kayo ang tanungin ko? Sino kayo? Bakit dinukot n'yo ang lalaking iyan?” malamig na tanong ni Kisha. Lihim akong nagchi-cheer sa kaniya. Ang angas talaga ng bebe girl ko. Wala man lang akong nakikitang takot sa mga mata niya habang nakatingin sa mga gagong dumukot sa akin. Ngumisi ang mga kidnapper sa kaniya. “Nasaan ang pera?” tanong ni Kidnapper no. 3. “Pera? Hindi naman ako nangakon

