KISHA'S POV Napakunot ang noo ko nang makita ko si Renzo na nakadapa sa back seat. Hinahaplos pa niya ang pwetan niya na parang nasasaktan habang dumadaing kaya napailing na lang ako. Hindi ko alam kung matatawa o maawa ako sa kaniya pero pinilit kong maging seryoso ang mukha ko at huwag magpakita ng kahit anong emosyon sa kaniya. Hinila ko ang likuran ng damit niya para makalabas siya sa kotse. Mabilis naman siyang umakbay sa akin na para bang nagpapatulong siyang lumakad kaya wala na akong nagawa para akayin siya papasok. Kinuha ko ang sombrerong nasa unahan ng kotse ko at sinuot ko sa kaniya para takpan ang mukha niya. Mahirap kung may makakakilala sa kaniya. Agad naman siyang inasikaso ng isang nurse at doctor habang nakatayo lang naman ako sa tabi niya dahil para siyang batang aya

