KISHA’S POV Dumaan muna kami sa isang restaurant para mag-almusal. Ako na ang umorder ng pagkain namin habang siya naman ay tumitingin lang sa paligid. Wala kami sa mamahaling restaurant ngayon, isang parang malaking tapsilogan lang itong pinuntahan namin. Marahil ay hindi siya sanay sa ganitong lugar, pero wala naman akong narinig na reklamo sa kaniya. Pritong boneless na bangus, tapsilog at steam vegetables ang inorder ko para sa aming dalawa. Kita kong kinikilig pa ang waitress na nagdala ng order sa table namin nang tumingin kay Renzo na parang wala namang pakialam. Kanina pa siya tahimik. “Remove your hat,” saad ko sa kaniya nang akmang susubo na siya pero naka-suot pa rin siya ng sombrero. Tumingin naman siya sa paligid. Siguro ay inaalam niya kung may makakakilala sa kaniya. “

