KISHA'S POV “How did you know her?” tanong ko kay Renzo habang nagmamaneho ako pauwi. Saglit akong lumingon sa kaniya. “Kaibigan siya ng kakilala ko,” tipid na sagot niya sa akin. “She’s my mother's half-sister. We are not that close,” saad ko pa. “I see.” Saglit akong lumingon sa kaniya. Masyado siyang tahimik kumpara sa karaniwang ugali niya. Maaring dinibdib niya ang sinabi ni Tita Melba. Hindi naman kasi nakakatuwa ang bibig nito. Wala man lang preno kung makapanghusga na para bang kung sino siya kung makapangmata kay Renzo. It's Renzo. A superstar. Mayaman, gwapo at maraming tao ang umiidolo sa kaniya kaya bakit isang basura ang tingin sa kaniya ni Tita Melba. Alam kong magulo mundong meron si Renzo, pero hindi ko maintindihan kung saan galing ang salitang sinabi ni Tita Melb

