KISHA’S POV Kahit na hindi nagluluto sa bahay si Renzo ay talagang tinotoo niya ang ilang mga gawaing bahay. Tuwing umaga ay maaga na siyang gumigising. Sumasabay siya sa aking mag-jogging. Nalaman na rin ng ibang kasamahan ko ang tungkol sa kaniya pero casual lang naman sa kanila. At dahil likas na friendly si Renzo, parang daig pa niya ang tatakbo sa eleksyon kapag may bago siyang nakikilala. Talagang kinakaibigan niya, kaya ngayon, halos kaibigan na niya ang mga kasamahan ko. Pero si Nate ang madalas na kasama niya. Pinapaamin ko naman si Nate kung ano ang ginagawa nila ni Renzo pero wala raw, naglalaro lang sila ng PS5. Sa isang tao ko lang naman pinapaiwas si Renzo. Kay Lilibeth na talagang nagtitili kapag nakikita si Renzo at para rin siyang sawa kung makalingkis dito. Palagi pa s

