RENZO’S POV Tinakpan ko ang ilong ko at tumingala ako upang pigilan ang pagdugo ng ilong ko. “Hindi ko sinasadya,” casual na saad ni Damon habang nakatingin sa akin. Napansin kong nakapalibot na sila sa akin ngayon habang nakaupo ako. Biglang hinawi ni Lilibeth si Nate na nasa tabi ko. “Oh my gosh, Enzo. Are you okay?” Nag-aalalang hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.” Look at me, nakikilala mo pa rin ba ako?” exaggerated na tanong ni Lilibeth at mas inilapit niya ang mukha sa akin. “Ilan ito?” tanong pa niya habang pinapakita ang dalawang daliri kaya hinawi ko iyon. Bigla siyang hinawakan ni Nate sa mukha at hinila palayo. “Ang lapit mo masyado, kulang na lang humalik ka,” saad ni Nate kaya napairap sa kaniya si Lilibeth. Hindi naman ako makapagsalita dahil sa ilong kong nagdu
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


