RENZO'S POV Nang lumabas si Kisha ay napangiti na lang ako. Alam kong asar na asar siya sa akin pero ang cute talaga niya kapag napipikon. Hindi naman na bago sa akin ang pagiging pikon niya. Bumaba ako pero hindi ko siya nakita. Baka nasa kwarto niya kaya hinakot ko na lang ng tahimik ang mga maleta ko. Sinadya ko talagang damihan dahil wala akong planong umalis na rito. Kahit habang buhay na tumira ako dito sa bahay niya. Hindi ako magrereklamo. Kung pwede ko lang hakutin ang lahat ng mga gamit ko ay ginawa ko na pero baka mahalata niya ang plano ko kaya kunti lang ang dinala ko. Anim na maleta pa nga lang pero nagrereklamo na siya. Natapos ko nang dalahin sa kwarto ko ang lahat ng maleta ay hindi ko muna iyon inayos. Muli akong bumaba para hanapin si Kisha pero hindi ko siya makita

