KISHA’S POV “I think you two are a perfect match. I wouldn’t mind having you as my sister-in-law,” dagdag pa niya habang nakangisi sa akin. Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Kenzo. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Ngayon ko napatunayan na kambal talaga sila ni Renzo. Pareho silang mag-isip. “Stop being absurd, Pentocorvo. Magulo na ang buhay ko, wala na akong balak na dagdagan pa ang sakit ng ulo ko.” “I’m just giving a suggestion. You could be my twin’s bodyguard, and you could also have him as your husband. I think he would be happy to be the father of your children.” Mariin akong umiling sa sinabi ni Kenzo. Kung baliw si Renzo, parang mas malala pala si Kenzo. Sa daming suggestion na sasabihin niya, ang pakasalan pa talaga ang kakambal niya na para bang simpleng bagay

