KISHA'S POV Nagtungo ako sa kusina ko at binuksan ang fridge para kumuha ng malamig na tubig. Napatingin din ako sa laman ng ref ko, maliban sa ilang hotdog na alam kong matagal nang naka-stocks, isang buong manok at ilang itlog ay wala na iyong laman. May mga gulay pero nabubulok na iyon mabuti na lang at naka-plastic kaya mabilis kung kinuha at tinapon ko na. Madalang lang naman akong manatili sa bahay ko kaya hindi talaga ako nag-iimbak ng pagkain sa refrigerator pero kung dito titira pansamantala si Renzo, mapipilitan akong mamili ng pagkain. Kinuha ko ang isang bottled water at saka ko muling sinarado ang ref. Umiinom ako ng tubig habang lumalabas ako ng kusina. Nakita ko naman si Kenzo na paalis na. “I'll go now. Ikaw na ang bahala sa kakambal ko. Don't be too harsh on him,” paa

