Chapter 20

1718 Words
RENZO'S POV “Ikaw?” tinuro pa nila ako habang hindi naniniwalang nakatingin sa akin. “Ginagago mo ba kami? Nababaliw ka na ba? Sinong nasa matinong pag-iisip ang magpapakidnap ng sarili?” tanong ng lalaking medyo mahaba ang buhok habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. “Ako.” “Oo, ikaw talaga. Baliw yata ang pota,” mura pa ng lalaking naninigarilyo kanina at saka natawa. Hindi ko alam ang mga pangalan nila at wala na rin akong balak na alamin dahil pagkatapos nito ay hindi na rin kami magkikita pa. Kapag natapos nila ang pinapagawa ko, kailangan magtago na sila dahil hindi sila pwedeng makita ni Kisha. Kapag nakita sila ni Kisha, mabubuko ako at baka mas malagot ako. “Enzo, anong kalokohan ba ito?” tanong ni Winnie na parang stress na stress na siya. “Umuwi ka na. Ako na ang bahalang kausapin sila,” utos ko kay Winnie pero mukhang tutol siya. Mas mabuti kung umuwi na siya dahil tapos naman na ang inuutos ko sa kaniya. Para rin hindi na siya mag-alala pa sa gagawin ko dahil alam kong sumasakit na ang ulo niya sa akin ngayon. “Hindi pwede, paano kung may gawin ang mga iyan sa iyo?” Pinanlakihan pa niya ako ng mga mata pero nginitian ko lang siya. “Wala silang magagawa sa akin. Sige na.” Bumontonghininga ito pero mukhang ayaw pa ring umalis pero binigyan ko siya nang isang tipid na tango kaya wala nang siyang nagawa. “Tawagan mo ako kapag nakauwi ka na. Itigil mo iyang kabaliwang binabalak mo,” paalala pa niya sa akin bago sumakay ng van. Tumango lang naman ako sa kaniya pero hindi naman ako nakikinig sa sinasabi niya. Nang makaalis na sina Winnie ay muli akong humarap sa apat na lalaki. Nakahanay na silang nakatayo sa harap ko ngayon. “Simple lang nag gagawin ninyo. Magpapanggap kayong dinukot ako at tatawagan ninyo ang taong magliligtas sa akin,” paliwanag ko sa kanila sa dapat nilang gawin. Nagkatinginan sila bago tumango sa akin. “Sino ang tatawagan namin?” Inabot ko sa kanila ang isang maliit na papel kung saan nakasulat ang numero ni Kisha. Ngumisi si Kidnapper No. 4. Dahil hindi ko sila kilala, si Kidnapper number 1 ay ang may anak na fan ako. Si Kidnapper No. 2 ay ang lalaking naninigarilyo. Si Kidnapper no. 3 ay ang nakaupo sa slide kanina at si Kidnapper no. 4 ay ang nakasandal sa slide kanina. Ganoon na lang ang itatawag ko sa kanila. Nagtungo sa may likuran ko si Kidnapper No. 2 pero inalis ko ang kamay niya sa balikat ko. Ang baho ng amoy sigarilyong naamoy ko mula sa kaniya. May putok din yata siya dahil masakit ang sakit sa ilong ng amoy niya. “Sige, kami na ang bahala,” nakangising saad ni Kidnapper No. 3 at muling tiningnan ang papel na inabot ko. “Sisiguraduhin namin na perpekto ang pag-arteng gagawin namin,” wika naman ni Kidnapper no. 1. Pero hindi ko inaasahan ang gagawin ni Kidnapper number 2 na nasa likuran ko nang bigla niya paluin niya ako sa sa may batok ko dahilan para mawalan ako ng malay. Nang magising ako ay pinilig ko ang ulo ko. Nagulat ako nang makita kong nakatali ako na ako sa isang upuan. Hindi ako makagalaw dahil nakatali ang mga paa ko at ang kamay ko naman ay nakatali sa likod ko. Tumingin ako sa buong paligid at nakita kong tila nasa isang lumang bodega kami. Luminga-linga ako para hanapin ang mga kidnapper na binayaran ko at nakita ko sila mula sa mesang nasa kalayuan na nag-iinuman. Tangina. Sabi ko pipikiin namin ang gagawing pagdukot sa akin pero bakit kailangan pa nila akong alisan ng malay gayong sasama naman ako ng maayos sa kanila. Medyo masakit din ang batok ko. Sinubukan kong magsalita pero hindi ko nagawa dahil may tape din ang bibig ko kaya mas lalo akong napamura. Ito ba ang sinasabi nilang perpektong pagdukot? Hindi man lang nila ako tinanong kung dapat ba nila itong gawin sa akin o hindi? Basta na lang sila kumilos ng walang maayos n autos mula sa akin. Kapag nakawala ako rito, lagot talaga sila. Matalim na tumingin ako sa kanila habang pinipilit kung makawala. Lumikha ng ingay ang bangkong kinauupuan ko kaya napatingin sila sa akin. Napahinto sila sa paglalaro ng baraha. Tumayo sila at lumapit sila sa akin. “Gising ka na pala,” nakangising saad ni Kidnapper no. 4. Masamang tumingin ako sa kanila at ginalaw ko ang mukha ko para ipaalis ang nakatakip sa bibig ko. Agad naman nilang nakuha ang ibig kong sabihin. Inalis nila ang tape na nakatakip sa bibig ko. “Pakawalan n'yo ako,” utos ko sa kanila. “Bakit naman namin gagawin iyon?” nakangising tanong ni Kidnapper No. 1. “Baka nakakalimutan ninyo. Boss ninyo ako dahil ako ang magbabayad sa inyo,” paalala ko sa kanila at pilit kumakawala sa pagkakatali ko pero mahigpit iyon kaya hindi ako makawala. Tumawa sila. “Boss? Hindi ka namin boss. Hostage ka namin ngayon,” saad ni Kidnapper No. 2 at hinawakan pa ang baba ko. “Mayaman at sikat ka, hindi ba? Ibig sabihin, kapag tinawagan namin ang numerong binigay mo. Mas malaking pera ang makukuha namin.” Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanila. Talagang criminal ang mga nakuha ni Winnie. Ibig sabihin ba ang balak kong aarte lang sila na kikidnapin ako ay tinotoo na nila? Gago ba sila? Mukhang may iba pala silang plano. “Sige, tawagan ninyo siya,” hamon ko naman sa kanila. Wala na akong pakialam kahit talagang dinukot na nila ako. Mukhang Kidnap for ransom na ang nangyayari ngayon. Hindi na ito arte lang. Pero hindi ako natatakot sa kanila. Sanay na akong makakita ng mga kriminal na tao. Dahil sa pamilyang pinagmulan ko, ako pa lang yata ang hindi lumalabag sa batas. Kinuha ni Kidnapper no. 4 ang phone niya at tinawagan si Kisha. “Hello? Hawak namin si Enzo Del Prado. Limang milyon kapalit ng ulo niya,” diretsang saad ng lalaki pero napakunot ang noo nito at tumingin sa phone niya. Napangisi ako. Mukhang malaking pera talaga ang gusto nila. Kaya pala hindi na nila ako pinatapos at dinukot na agad kahit hindi pa nila alam kung magkano ang offer ko dahil may halaga na silang ipinatong sa ulo ko. Limang milyon? Ganoon lang kaliit na halaga ang tingin nila sa akin? Nakakainsulto, ha. “Anong sabi?” tanong naman ni Kidnapper no. 3. “Minura ako tapos pinagpatayan ako. Huwag daw siya ang pagtripan ko.” Matalim na tumingin siya sa akin. “Sigurado ka bang tama itong numerong binigay mo?” tanong niya sa akin. Pinakita pa niya ang numerong binigay ko sa kanila. Iyon lang talaga ang phone number na memoryado ko. Kahit phone number ko, hindi ko memorize. “Ang bobo mo naman, 186 kasi ang huli, hindi 786,” saad ko naman. “Tangina, anong one.” Pinakita niya ang mismong papel kung saan nakasulat ang numero para ipagpilitan na tama siya. “Sever iyan, oh. May maliit na kuwit sa itaas.” “One iyan,” giit ko. Ganoon lang talaga ako magsulat ng one, may maliit na linya rin sa itaas. “Ang pangit mong sumulat. Ang liliit na hindi pa maintindihan,” reklamo pa nito. Aba, siya ang kauna-unahang nanlait sa sulat ko. Samantalang ang daming pumipila makahingi lang ng autograph ko. “Tawagan mo na lang siya nang makaalis na ako rito,” naiinip na sagot ko. Ang dami pa niyang satsat. Hindi ko alam kung saan galing iyon pero amoy imburnal. Hindi ko rin alam kung saan nila ako dinala ngayon basta parang lumang bodega ang kinaroroonan namin. Muli naman siyang tumawag. Ni-loud speaker pa niya kaso parang gusto kong matawa marinig ko ang boses nang operator na nagsasabing wala na raw itong load. Mas lalo itong napamura habang hindi ko alam kung matatawa ako. Nag-eenjoy akong panoorin ang mga katangahan nila. Inagaw ni Kidnapper No. 4 ang papel kung saan nakasulat ang numero ni Kisha at siya naman ang tumawag. Wala na akong pakialam ngayon kahit na tinotoo nila ang kidnapping na sana ay arte lang. Dahil ang mahalaga lang naman sa akin ay dumating si Kisha at iligtas ako. Sigurado naman akong kapag dumating si Kisha, kahit gaano pa kalalaki ang katawan nila— wala silang laban. “Anong pangalan nito?” matapang na tanong sa akin ni Kidnapper NO. 4 habang tinatawagan niya si Kisha. “Kisha.” Ngumisi siya nang may sumagot sa tawag niya. Ginalaw-galaw ko naman ang ulo ko dahil nangangalay na ako sa pwesto ko. Hindi naman pwedeng pumalag ako dahil si Kisha ang hinihintay ko. Hindi ko alam kung anong oras na pero sigurado akong gabi na dahil madilim na sa labas base sa mga butas na nakikita ko. Tumingin ako sa may pintuan. Mukhang sira na ang pinto at bahagya lang nakasandal, isang mahinang tulak lang ay babagsak ang pinto kaya madaling makakapasok ang sino man sa loob. Medyo malawak ang paligid, pero halatang lumang-luma na dahil may mga bakal nang sobrang nipis na dahil sa kalawang at malapit nang bumigay. “Hello? Ito ba si Kisha?” “Yes, sino ito?” rinig kong saad ni Kisha mula sa kabilang linya. Naka-loud speaker iyon kaya rinig ko rin ang usapan nila. Mas napangisi ito nang makumpirma niyang si Kisha nga ang sumagot. “Hawak namin si Enzo Del Prado, magdala ka ng limang milyon bago sumapit ang alas dose ng gabi kapalit ng ulo niya.” “Wala akong limang milyon. Putulan n’yo na,” walang pakialam na tugon ni Kisha sa kabilang linya kaya nanlaki ang mga mata ko. Magsasalita pa sana ako pero namatay ang tawag. Damn, hindi ba niya ako ililigtas? Hahayaan niyang putulin ng mga ito ang ulo ko? Wala talaga siyang pakialam sa akin? Sabay-sabay na tumingin sa akin ang mga kidnappers. Mukhang galit na galit sila dahil walang balak na magbigay ng perang hinihingi nila si Kisha. Napalunok naman ako. Kung kanina puno ako ng kumpiyansa, bigla akong kinabahan ngayon. Baka tuluyan talaga ako ng mga gagong ito. Hindi ako papayag na matagpuang lumulutang sa ilog kinabukasan habang walang ulo. Kisha naman, huwag kang ganiyan. Save me, bebeloves.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD