KISHA'S POV Ang ganda ng upo ko sa sofa habang nanonood ako ng animated film at kumakain ng sitserya nang may biglang tumawag. Na-kidnap daw si Renzo. Hindi ko alam kung nagsasabi ba ng totoo ang tumawag dahil kung totoo iyon, bakit wala akong natatanggap na tawag mula kay Winnie o kay Jules. Dapat kanina pa sila tumawag sa akin kung talagang may dumukot kay Renzo. Bad mood ako ngayon tapos may malakas pang mang-trip na tatawag sa akin ng ganoon. Wala akong oras para makipaglokohan sa kanila. Limang milyon? Humihingi sila ng limang milyon. Pero kung hindi naman totoo ang tawag. Paano nila nalaman ang numero ko? Hindi pa rin ako tumatayo sa pwesto ko. Iniisip ko kung papatulan ko ba o hindi ang tawag. Sinubukan kong tawagan si Renzo pero hindi siya sumasagot gayong dati ay isang ring pa

