Chapter 4

1725 Words
KISHA’S POV Mabilis na kinuha ko ang baril at kinasa ko iyon bago ko itinutok sa noo ni Renzo. Tinatanong ko siya ng maayos pero ginagago niya ako. Nakita ko namang napalunok siya habang nakatingin sa akin. “Kisha, baka pumutok iyan,” kinakabahang saad niya sa akin. “Tandaan mo, ang trabaho mo ay protektahan ako, hindi patayin.” See? Naaalala niyang bodyguard niya ako, pero puro kahalayan ang sinasabi niya kanina sa akin. “So? Pwede naman kitang ibaon pagkatapos para wala nang makakita sa iyo.” Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko pero inikot ko ang kamay ko at ngayon ay ako na ang nakahawak sa kamay niya. Pinilipit ko iyon. “Aray ko! Ouch!” Pinakawalan ko rin siya pero kinalabit ko ang gatilyo habang nakatutok ang baril sa may paa niya kaya napalundag siya. “Kisha, tama na please. Huwag iyang baril ang paglaruan mo. Itong akin, na lang pumuputok din ito,” pilyong saad pa niya kaya sasapakin ko sana siya pero mabilis siyang nakaiwas. Hindi ko inaasahan ang kasunod niyang gagawin. Nagpunta siya sa likuran ko at mabilis akong niyakap. Pilit akong kumakawala sa kaniya. Ikiniling ko ang ulo ko at itataas ko na sana sa harapan ko ang paa ko para pa-back flip ko siyang sipain sa ulo pero napahinto ako nang kinuha niya ang kamay ko at sapilitang sinuot ang singsing sa daliri ko. Malakas na siniko ko lang siya sa tiyan kaya nabitawan niya ako. Humarap ako sa kaniya. Namimilipit ito habang hawak ang tiyan. “Hindi pa tayo kasal pero battered husband na agad ako sa iyo,” reklamo niya habang napapangiwi. “Hindi kita pakakasalan.” Ngayon pa nga lang ay hindi na kami magkasundong dalawa. Tapos gagawin ko pa siyang asawa ko. Wala na akong lagnat kaya hindi na ako nahihibang. Tinaas niya ang kamay. “Hindi ka na pwedeng tumanggi. Suot mo na ang singsing.” Tumingin ako sa daliri kong may suot na singsing na sapilitan niyang sinuot sa akin. Sa lahat ng nag-propose siya lang iyong kahit hindi pumayag ay sapilitan pa ring sinuot ang singsing na para bang walang karapatang tumanggi sa kaniya. Huhubarin ko sana iyon pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. “Okay. Seryoso na talaga. As in, seryosong-seryoso na ako,” saad niya kahit kanina pa naman niya sinasabing seryoso siya pero puro kagaguhan lang naman ang ginagawa niya. Huminga siya ng malalim at tumingin sa mga mata ko. Parang kinakabahan siya habang nakatingin sa akin. Hinihintay ko naman siyang magsalita. Alam ko naman na kahit ano pang inis ko sa kaniya, hindi ko siya pwedeng saktan ng seryoso dahil bodyguard niya ako. Totoo ang sinabi niyang ang trabaho ko ay protektahan siya. Masiguradong ligtas siya. Kaya kahit gusto ko na nang patagasin ang tagiliran niya, hindi ko ginagawa. “I really want to marry you. Hindi dahil may nangyari sa iyon. Huwag mong isipin na papakasalan kita dahil lang sa namagitan sa atin. Well, as a gentleman, dapat talaga kitang panagutan. pero maliban doon gusto kitang pakasalan dahil gusto kong maging asawa ka,” pag-amin niya ramdam kong medyo nanginginig pa ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. “Why me?” Sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa kaniya dahil sikat na sikat siyang artista. Bakit ako ang gusto niyang maging asawa? Nauumay na nga akong kumain ng mga chocolates na binibigay sa kaniya ng mga co-stars niya na gustong magpapansin sa kaniya. Madaming babaeng mas maganda at mahinhin kaysa sa akin. Pero bakit ako? “Bakit sa dami ng babae, ako ang gusto mong maging asawa?” Ngumiti siya sa akin. Iyong ngiting nakakalusaw sa mga fans niya pero hindi iyon tumatalab sa akin. “Alam kong alam mo kung bakit. Imposibleng hindi mo nahahalata.” Mas nilapit niya ang mukha niya sa akin habang nakatingin lang ako ng tuwid sa kaniya at hindi kumukurap. “…Gusto kita.” Napakurap ako sa sinabi niya. Pinaglalaruan na naman ba niya ako? “I know you will not believe me, but I really like you, Kisha. I want you to be wife.” He cupped my face. “I don’t like you,” diretsang sagot ko. Wala akong nararamdaman sa kaniya kundi asar. Lagi niyang inuubos ang pasensya ko. “Then give me a chance to prove myself. Marry me, if after a year and you still don’t like me. I will let you go.” “You are ridiculous.” Hindi ba dapat ay ligawan niya ako? Bakit kailangang magpakasal pa kaming dalawa? Hindi biro ang kasal. Pero gusto pa yata niyang gawing trial and error. “Maybe, I am. Pero anong magagawa ko? Gusto talaga kita. This is the first time na nagkagusto ako sa isang babae. Hindi ako marunong manligaw, pero liligawan kita araw-araw. Basta pakasalan mo lang ako.” “I have no time for your joke, Renzo.” “Mukha bang nagbibiro pa rin ako? Hindi mo ba alam na parang maiihi na ako rito habang nagtatapat sa iyo?” Tumaas ang isang sulok ng labi ko. “I am sorry, pero hindi ako pakakasal sa iyo.” Hinubad ko ang singsing na suot ko at isinampal ko iyon sa dibdib niya. “Gutom lang iyan. Gabi na, magluluto na ako ng dinner natin.” Saka ako tumalikod sa kaniya at lumabas ng kwarto niya. Eksakto namang may nag-doorbell kaya nagtungo ako sa pinto. May isang lalaking medyo may edad ang nabungaran ko. Nakasuot ito ng formal na damit. Medyo napapanot na rin ang ulo nito at may makapal na salamin. May dala siyang attache case. “Hi, I am Judge Morillo. Mr. Pentocorvo asked me to come,” formal na saad nito. Ibig sabihin, ito ang judge na pinatawag niya para ikasal kami. Totoo palang nagpatawag pa siya ng judge. Akala ko bluff lang iyon. “I am sorry, the wedding is off,” seryosong sagot ko sa kaniya. Nagtatakang tumingin sa akin ang judge. Pero nang makita niyang seryoso ang mukha ko ay napailing na lang ito. “Okay, just tell him to call me kapag nagbago na ang isip ng bride,” anito bago ngumiti sa akin at tumalikod. Hindi na magbabago ang isip ko. Pati iyong tao, inabala ni Renzo. Nagtungo na ako sa kusina para maghanda ng hapunan. Medyo hirap pa akong lumakad pero hindi naman pwedeng manatili na lang ako sa kama at alagaan niya. Kaya ko naman ang sarili ko. I want you to be my wife. Tila nag-e-echo iyon sa utak ko. Hindi ko alam kung seryoso siya dahil puro kalokohan lang naman ang sinasabi niya sa akin. Pero kung sakali mang totoo iyon. Hindi pa rin tamang magpakasal kaming dalawa. He likes me. Well, I am aware of that. Alam kong minsan, sinasadya niyang inisin ako para pansinin ko siya. Pero binabalewala ko lang iyon. Una dahil ayaw ko mag-assume. Pangalawa, trabaho lang ang dahilan ko kaya nasa tabi niya ako. Pangatlo, hindi ako sigurado kung lalaki ba talaga siya o hindi. Minsan maarte at parang babae siyang kumilos pero base sa obserbasyon ko dahil nang-aasar lang siya. Sinasadya lang niyang magbakla-baklaan pero posibleng straight talaga siya. Dahil mula nang maging bodyguard niya ako, kahit kailan hindi ko pa siya nakitang naging intimate sa isang lalaki. Nagsaing muna ako bago ako naghanda ng lulutuin kong ulam. Magpi-prito na lang ako ng chicken breast. Iyon kasi ang paborito niya kaya nag-marinate muna ako bago ko prituhin. Magluluto rin ako ng ensaladang talong. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya ngayon. Hindi pa rin siya bumababa. Gayong dati ay madalas na kahit sa pagluto ko, nanonood siya at ang dami niyang sinasabi. Inabala ko na ang sarili ko sa pagluluto ng hapunan naming dalawa. Nagpapasalamat din naman ako sa kaniya kahit paano kanina dahil inalagaan niya ako. Habang nagsasaing ay binuksan ko ang tv para makinig ng balita. Rinig naman dito sa kusina ang sound ng tv na nasa sala. Bi-level unit ang condo ni Renzo kaya malaki ang lugar at malawak ang living room niya. May dalawang malaking kwarto kung saan ginagamit niya ang isa at akin naman ang isa. Habang nagpi-prito ako ng chicken breast ay rinig na rinig ko ang nagsasalita sa TV. ‘Here is our latest chika. Enzo Del Prado at Artemis Haxell, muli nga bang magtatambal sa pelikula. Ang tanong ng mga fans, matuloy na rin kaya ang naudlot nilang love story? Marami ang nagsasabing muntik nang maging sila dati, kaya ngayong muli silang magkakasama sa trabaho. Excited ang mga fans hindi lang sa bago nilang pelikula kundi dahil marami pa rin ang umaasang sana ay lumayag na talaga silang dalawa lalo na at umaapaw talaga ang chemistry nilang dalawa. Pero ang tanong ng iba, single pa nga ba ang sila? Ito po si LJ Chiki, ang laging updated sa mga trending chika ng inyong paboritong mga artista!’ Kinuha ko ang remote at pinatay na ang tv. Wala namang kwenta ang mga balitang narinig ko. Hindi na bago sa akin ang makarinig ng tsismis tungkol kay Renzo. Madalas na siyang ma-link kung kani-kanino. Minsan nga kahit sa lalaking artista nali-link siya kaya marami na rin talaga ang nag-iisip na bakla siya. Kaya sanay na ako sa mga issue niya. Pero ang gusto kong marinig ngayon ay iyong sa flood control dahil sa laki ng tax na binabayaran ko, nilulustay lang pala ng mga buwayang politiko. Hanggang ngayon, wala pa ring nakukulong. Mabuti na lang, hindi pulitiko ang tatay ko. Wala ring nakakalam na nepo baby ako isang prominenteng tao ang ama ko dahil hindi ko naman ginagamit ang apilyedo niya at walang nakakaalam na anak niya ako. Sariling pera ko rin ang ginagamit ko pero minsan, aminado akong ginagamit ko ang connection ni Dad. Sumulyap ako sa taas para tingnan kung bababa ba si Renzo dahil parang ang tahimik niya bigla. Mula nang bumaba ako para magluto ay hindi siya lumalabas ng kwarto gayong dati kahit palayasin ko siya sa kusina, nakasunod pa rin siya sa akin. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Hindi naman siguro niya dinidibdib ang pagtanggi ko. Kabaliwan kasi ang gusto niyang mangyari. Hindi kami pwedeng magpakasal. Hindi ko naman siya mahal, idagdag pang ayaw ko sa artista. Masyadong maingay ang mundong ginagalawan niya. Ayoko ng ingay, ayokong pinag-uusapan ang buhay ko at higit sa lahat ayoko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD