RENZO’S POV
Nakasimangot na nakaupo ako sa kama ko. Talagang lumabas na ng kwarto si Kisha at hindi man lang umoo sa proposal ko. Nagmakaawa na ako pero hindi pa rin siya pumayag na pakasalan ako. Umamin na nga ako pero parang wala lang sa kaniya gayong parang pinagpapawisan na ako kanina ng malamig dahil sa kaba. Hindi man lang siya kinilig sa confession ko. Samantalang iyong mga fans ko, kapag nginitian ko parang hihimatayin na sa kilig.
Bakit ba ang hirap niyang paamuin? Mula nang maging bodyguard ko siya, mas madalas na ako pa talaga na nakasunodako sa kaniya kaysa sa siya ang nakasunod sa akin. Alam kong naiirita rin siya kapag dumidikit ako sa kaniya pero sinasadya ko iyon. Sinasamantala ko na bodyguard ko siya para may dahilan akong manatili siya sa tabi ko.
Hindi ko naman talaga kailangan ng bodyguard. Tutol nga ako sa gusto ng kakambal ko na kunan ako ng bodyguard dahil kaya ko naman ang sarili ko. Nakalimutan yata niya na minsan ay nagpapalit kami ng katauhan kaya kahit ayaw kong humawak ng baril, hindi naman ibig sabihin na hindi ako marunong gumamit. Kaso nang makita ko kung sino ang magiging bodyguard ko, nagbago ang isip ko. Gusto ko na bigla magkaroon ng bodyguard. Kailangan ko pala ng bodyguard. Marami nga palang kaaway ang kapatid ko at paano kung mapagkamalan ako. Isa pa gusto kong maging bodyguard si Kisha.
Unang kita ko pa lang sa kaniya. Parang sasabog na ang puso ko sa bilis ng t***k. Ang cool niya, hindi siya gaya ng ibang babae na puro paganda lang ang alam. Sanay na akong makakita ng magagandang babae dahil sa trabaho ko bilang artista pero para sa akin, mas maganda sa lahat si Kisha. Hindi siya mahilig mag-makeup pero lutang pa rin ang ganda niya. Pakiramdam ko nga nagpupuso ang mga mata ko kapag nakikita ko siya. Siya iyong tipo ng babaeng, hindi kailangang mag-effort ng todo para maging maganda. Kaya nga gustong-gusto kong titigan siya.
Kaso manhid yata siya. Hindi niya ramdam ang mga ginagawa ko.
Tumingin ako sa singsing na hawak ko at nahiga ako sa kama habang ang paa ko ay nakasayad pa rin sa sahig. Ang tagal ko nang binili ito. Pinag-isipan ko pa kung ano ang singsing na babagay sa kaniya. Kaya ang tagal kong namili noong binili ko ito. Kaya naghanap ako ng singsing na kahit isuot niya, hindi makakasagabal sa kaniya lalo na kapag nasa training siya para hindi na niya kailangang hubarin kaya wala iyong batong pwedeng sumabit pero infinity ang design noon para alam niyang hindi masukat ang pagkagusto ko sa kaniya. Para rin hindi niya hubarin at makita ng mga lalaking nagkakagusto sa kaniya, ang kaso ayaw naman niyang tanggapin.
Hindi ko alam ang ginagawa niya ngayon. Gusto ko sana na ako ang magluto dahil alam kong masakit pa rin ang katawan niya dahil sa akin pero nagtatampo ako. Isa pa, pagagalitan lang naman niya ako kapag nanggulo ako sa kaniya sa kusina. Mabilis pa naman siyang magalit kaya madalas ay nanahimik na lang ako. Pero mas madalas talaga na dinadaldal ko siya.
Ako iyong boss sa aming dalawa, pero mas may power siya sa akin.
Tumayo ako at lumabas para silipin siya. Nakita ko siyang nakatalikod at nagluluto. Kahit nakatalikod ang sexy pa rin niyang tingnan. Naka-silk na ternong pambahay lang siya kaya kitang-kita ang hubog ng katawan niya.
Napansin ko siyang titingin sa gawin ko kaya mabilis akong tumakbo pabalik sa kwarto ko. Muntik pa akong madapa.
Pero agad akong muling bumangon nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon at binasa ang mensahe mula sa isang private number.
Oldman: I am still waiting.
Bumungtong-hininga ako at hindi pinansin ang mensahe niya. Kahit mamuti ang buhok niya, wala akong balak na pumayag sa gusto niya.
Muli kong binitiwan ang phone ko. Tumingin ako sa pinto. Hinihintay ko na pumasok si Kisha pero mukhang busy pa rin siyang magluto.
Wala akong shooting ngayong araw kaya nasa bahay lang ako. Agad kong kinuha ang phone ko para tawagan ang kakambal ko. Nasa Pilipinas siya ngayon kaya pwede ko siyang istorbohin kahit anong oras.
“Yes?”
“She said no.”
Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya kaya mas napasimangot ako. Mukhang gets na agad niya ang sinabi ko pero nagawa pa niya akong tawagan. Palibhasa siya, alam kong si Karen ang naghabol sa kaniya. Noong hindi pa nga alam ni Karen na ang kakambal ko ang gusto niya, pati ako napagkakamalan niyang si Kennzo kaya minsan wala akong choice kundi magpanggap. Tapos mabilis din silang nagpakasal dahil si Karen ang nag-propose. Samantalang ako, magkamukha naman kaming dalawa pero ako ang naghahabol ngayon. Tapos ayaw pa akong pakasalan ng gusto ko.
Ugali ko na talaga ang mag-rant at magreklamo sa kaniya. Siya talaga ang una kong tinatawagan kapag may nangyayari sa buhay ko. Hindi man halata pero sobrang close kaming dalawa. Feeling cold kasi ang kakambal kong ito, pero protective naman masyado.
“Walang nakakatawa, Ken,” yamot na saad ko sa kaniya.
“You proposed and she rejected you?” pag-uulit pa niya.
“Sige, ipamukha mo pa sa akin.”
“No, I mean. Hindi naman kayo kaya bakit nag-propose ka agad? You should court her first.”
“Hindi ako marunong.”
“Then matuto ka.”
Gusto kong maasar sa kaniya. Makasabi siyang matoto dapat ako gayong siya nga hindi rin maalam.
“Paano ba?”
“Do what pleases her. Earn her trust, and don’t be a jerk. Don’t forget to give her flowers and chocolate. Learn to kick your rival’s ass, too. Most of all, you must be good.”
“Good in what?”
“In bed. What else?”
Napangisi ako sa sinabi niya.
“Liligawan ko pa nga lang gusto mo naman ikakama ko na agad, gago ka ba?”
“You talked as you did not do the deed yet. Nakalimutan mo na ba ng tinanong mo sa akin kaninang umaga?” pang-aasar pa niya.
“Bakit ba ikaw kinakausap ko? Wala ka namang alam sa pagpapaamo ng babae,” reklamo ko sa kaniya.
“You just have to remember that the best way to get the woman’s heart is through her p***y… Ouch! Wife!” narinig ko pa ang pagdaing ng kapatid ko mula sa kabilang. Mukhang nasapak na siya ni Karen dahil sa mga pinagsasabi niya. Kahit kasi Mafia boss siya, takusa din naman siya. Kaya sigurado akong papagalitan na siya ni Karen.
Pinatay ko na rin nag tawag dahil wala naman siyang matinong sinabi. Tuturuan pa ako ng kamanyakan.
Dapat si Warren ang tinawagan ko kasi si Max ang napangasawa niya. Dating siga ang asawa niya, kaya aalamin ko kung paano niya napalambot ang gaya ni Max.
Dinial ko ang numero ni Warren. Ang tagal niyang sumagot.
“Hello?” tinatamad na sagot niya sa tawag ko.
“Hello, baby. Do you miss me?” pang-aasar ko sa kaniya.
“No.”
Natawa ako sa sagot niya. Siya talaga ang madalas kong asarin lalo na at pikunin siya.
“Anong kailangan mo?”
“Paano mo niligawan si Max?”
“Bakit mo natanong? Sinong liligawan mo? Si Kisha ba?” tsismosong tanong niya.
Sa lahat ng kaibigan ko, siya at si Winston talaga ang tsismoso.
“Sagutin mo na lang ang tanong ko.”
“Paano nga ba? Dinaan ko lang sa pagiging gwapo,” mayabang na sagot niya.
“Ginagago mo na ako?”
Tumawa siya mula sa kabilang linya.
“Ang init ng ulo mo. Anong nangyari?”
“Sumagot ka na lang sa tanong ko.”
“Ito na nga. Pumayag akong masapak niya ng ilang beses. Binakuran ko na rin kahit wala akong karapatan. Tapos kunwari nakikipagka-ibigan ako sa kaniya para makachansing ako ng yakap minsan,” natatawang pagku-kwento niya.
“Ang manyak mo naman.”
Bakit ba lahat sila puro kamanyakan ang alam? Boyish dati si Max, kaya nagulat ako noong malaman ko na sila na ni Warren.
“Kay Max lang naman.” Hindi talaga tumanggi.
“Ano pa?”
“Kinidnap ko. Para namang hindi mo alam iyon, nabugbog pa nga ako ni Winston,” paalala niya sa akin.
Oo nga pala.
"Kidnapin mo na lang rin si Kisha kasi mukhang wala ka namang pag-asa sa kaniya,” pang-aasar niya sa akin.
“Sige, salamat sa walang kwentang payo mo,” saad ko at pinatay ang tawag.
Alam naman niyang hindi ko pwedeng gawin ang sinasabi niya. Hindi ko pwedeng kidnapin si Kisha. Dahil baka pagginawa ko iyon ay baka talagang may bumaon ng bala sa katawan ko at paglamayan ako. Kung si Max, titibo-tibo lang at nanapak, si Kisha, namamaril talaga.
Hindi ako pwedeng mamatay, tapos papakasal si Kisha sa iba. Naiisip ko pa lang na magpapakasal siya sa iba, parang gusto ko nang manapak. Hindi ako papayag na magpakasal siya sa iba.
Sa akin lang siya dapat magpakasal. Hindi man siya pumayag ngayon, sisiguraduhin kong mapapapayag ko na siya sa susunod.