RENZO'S POV
Marahas akong bumuga ng hangin. Ginulo ko ang buhok ko at muling tumingin sa phone ko. Gusto ko lang namang pakasalan si Kisha, kaso iba siya. Kung iyong ibang babae, siguro masaya na pakakasalan sila ng lalaking nakauna sa kanila, siya hindi.
Dapat siguro si Six na lang ang tinawagan ko.. Siya ang unang nag-asawa sa amin kaya sigurado akong mas may alam siyang manligaw. Gusto kong ligawan si Kisha pero hindi ko alam kung paano kaya hihingi lang naman ako ng idea. Iyong dalawang una kong nakausap kasi ay parehong walang matinong sinabi. Isa pa, siya ang pinakaseryoso sa mga kaibigan ko. Baka may maibibigay siya sa aking tips.
Kung kailangan kong ligawan si Kisha, kahit never kong ginawa iyon. Gagawin ko para sa kaniya.
“Six, busy ka?” agad ay bungad ko nang sagutin niya ang tawag.
“Nope, I just got home. Why?”
“Pwede magtanong. Mabilis lang.”
“Go on.”
“Paano ka nanligaw? I mean, paano mo niligawan si Riri?”
“You knew that I did not actually court her the way how a man woos a woman. I offered her a deal.”
“Oh, yeah.” Saad ko. Bakit nga ba nakalimutan ko na mas malala pa siya? Naging f**k buddies nga pala sila noong una ni Riri. Nadulas siya minsang lasing siya. Kaya kahit kami nagulat. Akala ko siya pinakamatino sa amin pero bakit ko ba nakalimutan na gago rin siya?
Iyon nga lang kahit gago ang mga kaibigan ko, matitino na sila ngayong mga kasal na. Si Kenzo lang naman ang hindi nagtitino dahil alam kong may mga labag sa batas pa rin siyang ginagawa. Senador ang father-in-law niya kaya matino lang siya kapag nasa Pilipinas pero Mafia Boss siya kapag nasa Italya.
“Idaan mo sa performance.”
Mali talaga ako ng inisip na matino siyang kausap kaysa kay Kenzo at Warren.
Kung performance ang usapan, sigurado akong ginalingan ko kagabi. Kaso mukhang hindi iyon effective kay Kisha.
“Pero kung gusto mong ligawan si Kisha. Ang masasabi ko lang sa iyo, dapat handa kang magpabugbog. Willing ka bang maging punching bag?”
Napalunok ako sa tanong niya. Parang tinatakot naman niya ako. Pero may point naman siya ngayong araw nga ay dalawang beses na akong muntik barilin ni Kisha.
“Paano mo naman nalaman na si Kisha ang liligawan ko? Nagtatanong lang naman ako.”
“I heard from Kenzo na inaalis na niyang maging bodyguard mo si Kisha pero ayaw mong pumayag. Ibig sabihin, ayaw mo siyang umalis sa tabi mo. And it’s obvious, para kang teenager na nai-starstruck palagi sa crush mo kapag nakikita mo siya. Nakakalimutan mong si Warren ang baby mo," may pang-aasar pang wika nito sa huli.
Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya. Hindi ko sinasabi sa kanila na gusto ko si Kisha pero lahat sila ay nahuhulaan iyon. Sa kakambal ko pa lang nabanggit dahil nga tinanong ko siya kung ano ang dapat kung gawin kay Kisha at nilalagnat siya kaninang umaga paggising niya.
Baby ko si Warren, pero si Kisha ang gusto kong kasamang gumawa ng baby.
“Gusto ko siya,” wika ko.
“Matagal na naming alam, late ka na.”
Asar na tumingin sa phone ko. Na-i-imagine ko ang ngisi niya kahit hindi kami magkaharap na dalawa. Siguro kong magkakasama kami, baka pinagtulungan na nila akong asarin.
“Paano mo nalamang gusto ka rin ni Riri? Anong ginawa mo para magustuhan ka niya?”
“Paano nga ba? Basta siniguro ko lang na walang ibang makakalapit sa kaniya para hindi siya magkagusto sa iba at ako lang ang magustuhan niya.”
In short, binakuran niya.
“Sige na. Salamat sa pagsagot,” paalam ko sa kaniya at pinatay ko na ang tawag.
Paano ko babakuran si Kisha? Siya mismo iyong pader.
Hindi rin ako pwedeng mag-offer kay Kisha gaya ng ginawa ni Six. Baka putulin niya ang junior ko kapag ginawa ko iyon.
Isa na lang ang pag-asa ko. Si Winston. Baka naman matino ang sasabihin niya. Ako ang tinawagan niya noon dahil kailangan niya ng witness sa pagpapakasal ng biglaan kay George pero si Kenzo ang pinapunta ko dahil nasa shooting ako kaya baka mas may alam siya dahil pareho kami ng sitwasyon.
“Anong kailangan mo, Del Prado?” maangas na bungad niya nang sagutin ang tawag.
“Pwede bang humingi ng favor?”
“Sorry, wala akong pera. Sa iba ka na lang umutang.”
See? May matino ba akong kaibigan? Bakit parang lahat sila parang takas mental?
“Gago, may pera ako.”
“Mas mapera kakambal mo,” pang-aasar niya.
“Mas gwapo naman ako.”
“Ulol, iisa lang mukha ninyo. Niloloko mo pa sarili mo. Ano bang kailangan mo?”
“Paano mo niligawan si George?”
“Bakit mo tinatanong? Liligawan mo rin asawa ko? May balak ka bang maging kabit niya? Ipapaligpit kita kapag ginawa mo iyon. Wala akong pakialam kahit na mafia boss pa kakambal mo, huwag ang asawa ko.”
Napasabunot ako ng buhok ko. Parang mas malala ang tama ng isang ito?
“Nababaliw ka na ba?”
“Lagi naman akong baliw sa asawa ko.”
Asar na napabuga ako ng hangin. Parang mauubos ang pasensya ko kay Winston.
“Sige, huwag na lang. Mas wala kang kwentang kausap, eh,” reklamo ko sa kaniya.
Tumawa ito ng malakas mula sa kabilang linya.
“Ano ba kasi iyon?”
Huminga ako ng malalim.
“Paano mo nga niligawan si George?”
“Ginalingan kong gumiling.”
“Matigas ang katawan mo.”
“Sa pagsasayaw lang ba gumigiling? Nagpapakainosente ka. Hindi bagay sa iyon.”
“Wala ka bang ginawang matino?” tanong ko sa kaniya.
Baka naman may ginawa siya kasi kilala si George sa pagiging cold niya pero napalambot ni Winston nag puso niya.
“Kapag tinanong mo si George, sasabihin niya wala. Pero sa totoo lang, marami akong ginawa. Una, nagpapansin ako. Mas mabuti nang naasar siya sa akin kaysa hindi niya ako pansinin. Tapos, lahat ng napapansing iba sa kaniya, tinataboy ko. Tapos ginagawa ko lahat ng alam kong magpasaya sa kaniya. Alam mo hindi mo naman kailangang magtanong. Diskarte mo na iyan. Basta ipakita mo lang sa kaniya na seryoso ka, dapat consistent ka rin,” seryosong sagot niya.
Napatango ako sa sinabi niya. May point siya. Bakit nga ba nagtatanong pa ako sa kanila? Dapat alam ko na ang gagawin ko. Ako ang manliligaw, diskarte ko na kung paano ko siya liligawan.
“Walang anuman, bye,” saad ni Winston at pinatay ang tawag. Kahit hindi pa naman ako nagpapasalamat sa kaniya.
Napailing na lang ako. Sigurado na akong mga baliw ang mga kaibigan ko o baka inaasar lang nila ako dahil hindi naman sila ganito madalas kapag seryosong usapan na. Kapag magkakasama kami, ang babae naman nila lalo na kapag nasa paligid ang mga asawa nila. Iyon nga lang kapag kami-kami na lang ay magulo na talaga kami.
Tinabi ko ang singsing na nasa bulsa ko. Muli ko iyong nilagay sa box pero nilagay ko lang iyon sa may cabinet sa gilid ng kama ko. Hindi man siya tinanggap ngayon ni Kisha, maisusuot ko rin ito sa kaniya.
Muli akong tumingin sa may pinto. Marahil ay nagluluto pa rin si Kisha. Huminga ako ng malalim at inayos ko pa ang buhok ko bago nagpasyang lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya matapos niyang tumangging magpakasal sa akin kahit na ginawa ko na ang lahat para pumayag siya.
Kung ayaw niyang pakasalan ako, liligawan ko siya. Pero kapag nakakita ako ng pagkakataon, sisiguraduhin kong makakasal pa rin kaming dalawa. Huwag siyang mag-alala, liligawan ko pa rin naman siya kahit kasal na kami.
Pero sa ngayon ang kailangan ko munang gawin ay paamuin si Kisha. Kinakabahan na naman ako. Kung hindi kasi baril niya ang sasalubong sa akin, kamao niya. Bakit kasi magaling sa martial arts ang babaeng gusto ko? Tapos sanay pa sa bugbugan? Pakiramdam ko tuloy, makakatanggap ako ng blackeye sa kaniya kapag naasar siya sa akin.
Naabutan ko siyang nagluluto pa rin pero mukhang malapit nang matapos kaya lumapit ako sa ref para kunwari ay may hinahanap ako doon pero nakikiramdam ako sa kaniya.
“Gutom ka na ba?” tanong niya.
Mabilis akong humarap sa kaniya at ngumiti. Pinansin niya ako, ibig sabihin hindi siya galit sa akin.
“Oo.”
Pwede ba kitang kainin? Dagdag na tanong ng isipan ko pero syempre hindi ko pwedeng i-voice out iyon kundi malalagot ako.
“Niluto ko mga paborito mong kainin.”
“Pero mula ngayon ikaw na ang paborito kong kainin.”
At iyon nga. Lumipad ang sandok na hawak niya at tumama sa noo ko. Parang nakakita ako ng maraming star.