Chapter 17

1138 Words
KISHA'S POV Agad na akong nagtungo sa bahay nina Kenzo. Alam kong nasa PIlipinas siya kaya siya na lang ang kakausapin ko. Iyong boss namin, ayaw niyang sagutin ang tawag ko. Pinatay niya ang tawag nang tumatawag ako. Hindi ko alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon. At alam kong kapag siya ang kinausap ko, malamang na hindi siya papayag sa gusto ko o magbibingi-bingihan lamang siya kaya si Kenzo na lang ang kakausapin ko. Mas lalo namang hindi pwedeng si Renzo dahil magulong kausap ang isang iyon. Alam ko rin na hindi siya papayag. Nang makilala naman ako ng guard ay agad na nila akong pinapasok. Naabutan ko si Karen na nasa sala habang may hawak siyang phone at may kausap. Awtomatiko siyang ngumiti nang makita ako. “I'll call you later,” paalam nito sa kausap at pinatay ang tawag. “Kisha, hi. What are you doing here?” nakangiting bati niya at lumapit sa akin. Bineso niya ako. “Nandito ba si Kenzo? Pwede ko ba siyang makausap saglit?” Napangiti siya sa sinabi ko. Ang ganda talaga niya. Kahit walang kolorete ang mukha niya, pwede mo pa rin siyang ihanay sa mga babaeng kay pinakamagandang mukha sa showbiz. Kahit matangkad ako sa height ko na 5'6", mas matangkad pa rin siya sa akin. She's a supermodel. What should I expect? She's also a senator’s daughter, but I heard that she was a black sheep before. “Why? May ginawa ba si Renzo?” tanong niya na para bang alam na agad niya ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. “No, pero gusto kong makausap ang asawa mo dahil siya ang kumuha sa akin para bantayan ang kakambal niya,” paliwanag ko sa kaniya. Tumango siya sa akin. “May problema ba?” “I want to resign.” Halatang nagulat siya sa sinabi ko dahil bahagya siyang napanganga. “What? Oh no, you can't. I mean, why? Wait lang. Tatawagin ko lang si Kenzo. Maupo ka muna,” parang natataranta pang saad niya at inalik niya akong maupo sa napakalawak nilang sala. Mabilis na niya akong iniwan bago pa ako makaupo. Nagmamadaling umakyat siya hagdan para tawagin ang asawa niya. Naupo naman ako sa sofa. Sinilip ko pa ang ilalim ng sofa at napangisi ako nang makita ko ang baril na nakalagay sa ilalim. Tiningnan ko ang mga painting sa paligid. Sigurado akong isa sa mga nakasabit na painting ay may baril sa likod noon. Nakita ko ang camera na nakatutok sa akin. Alam kong maliban doon ay may mga hidden camera pa sa buong lugar. Isa na siguro ang bahay na ito sa pinakamahirap pasukin. Dahil kung magnanakaw ka, sigurado akong hindi ka makakalabas ng buhay dito. Hindi ko pa nalilibot ang buong bahay, pero sigurado akong maraming secret room dito. Sa klase nang buhay na meron si Kenzo, hindi na nakakagulat ang bagay na iyon. Napatingin ako sa lalaking bumababa ng hagdan. Kamukhang-kamukha siya ni Renzo. Ang pagkakaiba lang, hindi ngumingiti at seryoso ang mukha niya. Idagdag pang madalang ito magsalita. Sa tingin pa lang niya, kung normal na tao lang, maaring matakot na. Hindi kagaya ni Renzo na puro kaartehan sa katawan ang alam. Kung kulay si Renzo at Kenzo. Black si Kenzo at Pink naman si Renzo. Magkamukhang-magkamukha sila pero magkaibang-magkaiba ang personalidad nilang dalawa kaya hindi mahirap hulaan kung sino si Renzo at sino si Kenzo. Nanatili akong nakaupo hanggang sa makalapit siya at naupo rin sa pangisahang couch. “What do you need, Gomez?” malamig na tanong niya sa akin. “ I want to resign as your brother's bodyguard.” Tumaas ang isang kilay niya. “Why?” “Mukha namang hindi niya kailangan ng bodyguard.” “How sure are you?” “Sa tingin ko kaya naman niyang protektahan ang sarili niya pero kung gusto mong manatiling may nagbabantay sa kaniya. Pwedeng pumalit sa akin ang ibang kasamahan ko.” Nag-cross legs siya at bahagyang ngumisi sa akin. “But I prefer that you’re the one watching over him because I know he listens to you. I feel more at ease. Also,we both know that he only wants you.” “Pero ayoko na.” “Why?” “Gaya ng sinabi ko. Mukha namang kaya niyang protektahan ang sarili niya kung sakali. Isa pa, wala naman akong nakitang threat sa kaniya,” pagdadahilan ko. “You can't say that. I am paying you to secure his safety. I hired you because I want you to protect him in case someone wants to hurt him. You can't say there is no threat in his life right now. How about in the future? What if he suddenly gets kidnapped?” Marami naman siyang tauhan. Bakit hindi iyon ang utusan niyang magbantay sa kakambal niya? “That's why I will ask one of my colleagues to replace me.” “But can your colleague handle my brother?” Hindi agad ako nakaimik sa tanong niya. Sa pagkakaalam ko kasi ay sumuko ang dating mga naging bodyguard ni Renzo, dahil si Renzo daw mismo ang papatay sa mga ito hindi ang trabaho nila. Nagtino lang ito noong ako na ang magbantay sa kaniya. “Damon can handle him.” “You mean your ex? He will be dead.” Kumunot ang noo ko sa kaniya. Alam kong pinabackground check niya ako kaya alam na niya ang tungkol sa akin. Damon is really my ex, but we are friends now at isa siya sa pinakamagaling na agents ng Lion kaya tiwala ako sa kaniya. “What do you mean?” Ngumisi lang si Kenzo pero hindi niya sinagot ang tanong ko. Nakatingin lang siya sa akin at para bang may kung anong naglalaro sa utak niya. “Your colleague, especially your ex can't guard him. That would be a disaster.” “Damon is a good in his job.” “That's why it's a waste if he will be dead,” seryosong sagot ni Kenzo. “Hindi naman masyadong mapanganib ang pagbabantay kay Renzo para mapatay agad si Damon. He is good in combat too.” Huwag niyang minamaliit si Damon. Magaling iyon sa trabaho niya at may tiwala ako sa kaniya kaya nga siya ang naisip ko na papalit sa akin kung sakali. Umayos ng upo si Kenzo. Sumandig siya sa kinauupuan niya habang nakatingin pa rin sa akin. Pinilit kong salubungin ang tingin niya. Medyo naiilang pa ako, dahil aminado akong naging crush ko siya dati. He is my f*****g ideal man. Rich, handsome, smart, dangerous and powerful. I really used to admire this man. He smirked. Para bang nababasa niya ang iniisip ko kaya mabilis akong umiwas ng tingin sa kaniya at kunwari ay tumingin sa paligid. “I don't know who will be dead, me or your ex,” he said while grinning.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD