KISHA
Huminto ako sa tapat ng gate ng isang subdivision. Sa unang gate pa lang, dalawang armadong guwardiya na ang sumalubong sa sasakyan akin. Hindi sapat ang sticker o ID para makapasok sa loob. Kailangan naka-register ang plaka, naka-log ang pangalan, at ma-scan ang sasakyan sa ilalim at loob bago bumukas ang bakal na gate. Isang maling detalye lang, automatic lockdown ang buong perimeter.
Nang ma-check ang identity at masigurong walang kakaiba ay saka lang ako pinayagang makapasok.
Sa unang tingin, parang ordinaryong high-end subdivision lang ito. Moderno ang desinyo ng mga bahay. Ang mga normal na bahay sa gitna ng subdivision ay hindi talaga mga bahay. Ang isa, kung titignan mo mula sa labas, parang two-story contemporary home lang pero iyon pala ang main security hub, punong-puno ng surveillance monitors at encrypted communication lines. Habang ang bungalow style na may tatlong palapag ay ang lab house.
May isa namang mukhang may indoor gym pero iyon ang training ground. Sa basement nito naroon ang combat rooms, firing simulators, at interrogation chambers na soundproof. Lahat ng bahay na nakapalibot sa malaking court ay may kani-kaniyang function habang ang mga ibang bahay na nasa paligid ay ang mga tinitirahan ng mga agents na gaya ko.
Huminto ako sa harap ng isang bahay sa gitna. Bawat sulok ng subdivision ay puno ng camera kaya alam ko na bago pa ako dumating dito ay nakikita na ako ng nasa loob.
“Hi, Kish,” napalingon ako sa bumati sa akin at nakita ko si Lilibeth mula sa katapat na bahay. Naka-lab gown pa siya. She's a chemist at mahilig siyang mag-experiment ng kung ano-ano sa. She looks innocent, but she's a little bit psycho, kaya nga iniiwasan siya ni Nate dahil minsan na niyang pinainom nag huli ng gamot na ginawa niya.
Ngumiti ako sa kaniya bago pumasok ako sa loob. Normal na sala lang ang nabungaran ko nang pumasok ako. Lumapit ako sa malaking painting na nasa wall at tinulak iyon. Pinto iyon papunta sa security area ni Nate.
Naabutan ko si Nate na nakaupo sa isang mataas na upuan habang nakaharap sa multi-monitor display. Kita doon ang bawat sulok ng subdivision maging ang paligid sa labas nito. Meron ding ibang monitors na mga codes ang lumalabas. Wala akong naiintindihan sa mga iyon.
“What are you doing here?” tanong niya sa akin kahit hindi naman siya lumilingon sa gawi ko.
“I want to talk to the boss.”
“He is out in the country. Kaalis lang niya ng bansa kagabi.”
“Connect me to him. Gusto ko siyang makausap.” Alam kong alam niya kung nasaan ito at pwede siyang kumonekta sa computer ni Sir Leon para makausap ko siya.
Saka lang humarap sa akin si Nate. Nagtataka ang mga tingin niya.
“The last time I checked, ayaw na ayaw mong makausap si Sir Leon dahil ang sabi mo ay sumasakit ang ulo mo sa mga sermon niya. Lagi mo nga siyang tinatakasan, hindi ba? Anong meron at hinahanap mo siya ngayon?”
Madalas talagang nagtatago ako kay Tanda, pero sa pagkakataong ito kailangan ko ng approval niya.
“I want to resign?” tamad na sagot naupo ako.
Mas lalong siyang nagulat sa sagot ko.
“Why?”
I shrugged my shoulders.
“I don’t think he needs me. I have been guarding him for almost a year, and I don’t see any threat,” simpleng sagot ko.
Wala akong balak na sabihin kahit kanino ang namagitan sa amin ni Renzo at nakukulitan ako sa kaniya.
Nagdududang tumingin sa akin si Nate.
“Are you sure? You know what kind of life Kenzo has. Kahit sabihing hindi sangkot si Renzo sa mundong ginagawalan ng kakambal niya, maari pa rin siyang madamay.”
Yeah, Kenzo is The Pentocorvo House's Boss. At ang kakambal niyang si Renzo naman ay isang normal na artista lamang, pero ang inaalala ni Kenzo dati ay baka madamay si Renzo sa mundong meron siya kaya kinuha niya ako para bantayan ito. Pero tahimik naman na ang Lolo nila dahil si Kenzo na ang Boss ng Pentocorvo kaya wala na ring dahilan para bantayan ko si Renzo.
“Then you can guard him if you want. You can replace me.”
“No.”
Bigla siyang tumalikod sa akin at muling humarap sa maraming monitors na nasa harapan niya. He is one of the tech men in our agency. Hacking, tracing, and watching—that’s his forte. And I find it boring, mas masarap pa ring makipaglaro kay kamatayan kaysa magtinulpok ng keyboard na nasa harapan niya at maupo lang maghapon.
“Tell him I want to resign as Renzo's bodyguard,” saad ko at tumayo na ako.
Muling humarap sa akin si Nate.
“Alam mong hindi siya papayag. You need a valid reason that must be acceptable for him before he lets you leave your assignment. Alam mo naman na pwede lang nating iwan ang assignment natin kapag tapos na ang trabaho natin o sila mismo ang magsabi na ayaw na nila sa serbisyo mo.” Ang assignment ko na tinutukoy niya ay si Renzo.
Ngumiti ako sa kaniya.
“Then tatapusin ko na siya para tapos na ang trabaho ko.”
Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin.
“Ikaw lang ang kilala kong bodyguard na ang binabantayan mo ang pinagbabantaan mo ng buhay. You know you can’t hurt him. He is Kenzo Pentocorvo’s twin brother. That man is not an ordinary man like he is trying to show,” makahulugang saad niya. “Umamin ka nga sa akin. Anong nangyari? Bakit bigla kang umaayaw?”
Binigyan ko siya ng asar na ngiti bago tumalim ang tingin ko sa kaniya.
“It’s boring.”
Napailing siya sa sagot ko.
“Well, kausapin mo si Sir Leon or mismong si Kenzo. Silang dalawa lang ang makakapag-decide kung pwede ka bang mag-resign o hindi.”
I sighed. Kapag sa boss namin ako nagsabi, siguradong marami siyang tanong. Pipilitin niya akong magsabi ng totoo. Pero kung si Kenzo naman ang kakausapin ko. Siguradong magtataka rin siya. Pero sa tingin ko, mas madaling makipag-usap sa kaniya kaysa kay Sir Leon.
“Pero kung talagang decided ka na, ikaw mismo ang tumawag kay Sir Leon.”
Tumingin ako kay Nate pero sinunod ko ang sinabi niya. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at sinubukang tawagan si Sir Leon pero pinagpatayan niya ako ng tawag kaya asar na tumingin ako sa screen ng phone ko.
“He rejected my call.”
“Baka busy.”
“Busy? Maybe he is just sipping his coffee right now.”
Ngumisi si Nate sa akin.
“Damn this old man.”
“You are the only one I know who can curse our boss.”
I smirked at him, but I did not comment.
Muli kong iniwan si Nate. Si Kenzo na lang ang kakausapin ko. Sana lang pumayag siya.
RENZO’S POV
“Nasaan si Kisha?” agad ay tanong ni Winnie nang makarating kami sa lugar kung saan gaganapin ang photoshoot.
Siya ang manager ko at nauna na siyang pumarito sa akin. He is gay, but he is a good friend of mine too. Well, I prefer to have him as my manager that to have a girl manager.
“Masama ang pakiramdam niya,” sagot ko na lang.
Alam kong okay na si Kisha pero kagabi kasi napapansin ko pa rin na medyo hirap pa rin siyang lumakad kaya hindi ko na siya pinasama ngayong araw. Mas mabuting sa bahay na lang siya para mas makapagpahinga pa siya.
Kumunot naman ang noo sa akin ni Winnie.
“Bodyguard mo siya. Hindi ba dapat na kasama mo siya kahit saan ka pumunta?”
“Yes, but you know that I actually don’t need a bodyguard. Kaya kong protektahan ang sarili ko.”
Ngumisi ako sa kaniya pero inikutan lang niya ako ng mga mata.
Alam kong mainit pa ang ulo sa akin ni Kisha dahil sa mga pang-aasar ko sa kaniya kagabi. Kaya hindi ko muna siya sinama. Nagpapagood shot lang ako para mamaya, pwede ko na ulit siyang kulitin. Sana lang talaga mamaya, hindi na ako tamaan ng ano mang mahawakan niya.
Ang hirap kapag physical attack ang love language. Parang mababaldado agad ako.
Tinawag na ako para magbihis ng susuutin ko sa photoshoot kaya agad akong lumapit. Magtatrabaho muna ako para sa future namin ng magiging misis ko.