Chapter 14

1318 Words
KISHA “Dito ka lang, bibili lang ako ng gamot.” Kinuha ko ang susi na nasa ibabaw ng cabinet sa gilid. May malapit namang botika dito kaya bibili na lang ako ng ointment para hindi mamaga ng pasa niya. Lalo na at kinokonsensya niya ako. Para rin makaiwas ako sa kaniya dahil naghahalo na ang hiya at inis ko sa kaniya. “Teka lang. Sasama ako. Hindi ka pwedeng umalis mag-isa,” pigil niya sa akin. “Bakit hindi?” “Baka mapahamak ka. Gabi na, madaming gago sa labas.” Ngumisi ako sa kaniya. “May mas gagago pa ba sa iyo?” sarcastic na tanong ko sa kaniya. Lumabi siya. Para talaga siyang pato, madalas kapag ginagawa niya iyon. Akala naman niya cute siya kapag naka-pout. “Hindi naman ako gago.” Tumaas ang isang kilay ko. “Medyo lang.” Pinakita pa niya ang daliri niya na nagpapakita ng small pinch habang alanganing nakangiti. “Sasama ako sa iyo. Sasamahan kita. Alam kong masakit pa ang katawan mo kaya kailangang bantayan kita,” giit pa niya. Kumunot ang noo ko sa kaniya. “Saglit lang ako. Bibili lang ako ng ointment, hindi naman pwedeng condom ang itapal natin diyan sa pasa mo.” “Basta sasama ako,” giit niya.“Baka mapahamak ka.” “Nakalimutan mo na ba kung sino ako?” Bodyguard niya ako. Kaya kong protektahan ang sarili ko kaya hindi niya ako kailangang alalahanin. Hindi naman ako lampa at titili na lang kapag may nanggago sa akin sa daan. Mabilis siyang umiling. “Syempre hindi. Ikaw si Kisha, ang babaeng papakakasalan ko,” malapad ang ngiting sagot niya. Muli kong binalik ang susi sa kinalalagyan noon kanina at asar na tumingin sa kaniya. Mukha namang hindi ko na kailangang bumili ng gamot niya dahil nagagawa na nga niyang magsalita ng walang kwentang bagay. “Sa tagiliran kita nahampas pero mukhang ulo mo ang analog,” sarcastic na saad ko sa kaniya. “Hindi. Nagsasabi lang ako ng totoo, maniwala ka sa akin. Mananalo ako sa deal natin. Magiging misis kita,” pumo ng kumpiyansang saad niya, kumindat pa. Asar na kinusot ko ang ilong ko. Parang nag-iinit ang kamao ko na tumama sa mukha niya. “Nahihibang ka na. Hinding-hindi ako magpapakasal sa iyo, kaya ikalma mo iyang alaga mo kung ayaw ming humiwalay iyan sa katawan mo ” Nalalaki ang mga matang tinakpan niya ang pagitan ng dalawang hita. “Kisha, huwag na huwag mong puputulin ang bagay na magdadala sa iyo sa langit. Ma—” Mabilis niyang tinikom ang bibig nang makita niya ang matalim kong tingin. Alam kong madaldal siya pero nauubos na talaga pasensya ko sa kaniya. “Ang ibig kong sabihin, maawa ka sa akin. Hindi pwedeng maputol si Junior. Kasi paano tayo magkakaanak kung saka—” bigla niyang tinampal ang bibig. “Ako pala, paano ako magkakaanak. Sayang lahi ko, hindi ba? Kaya baka gusto mo magpalahi, willing ako.” Nakatingin lang ako ng diretso sa kaniya. Naniningkit ang mga mata ko sa asar. Sa tingin ko, sinasadya talaga niyang asarin ako. “Lagyan mo na lang ng cold compress iyan. Hindi ka naman mamatay sa pasa lang. Tapos matulog ka na,” saad ko na lang para matapos na ang usapan namin at makapagpahinga na rin ako. Wala na akong balak patulan pa siya. “Hindi ba dapat ikaw ang maglalagay kasi ikaw ang dahilan kung bakit may pasa ako?” Nameywang ako. “Malaki ka na, kaya mo na iyan. Saka kasalanan mo naman, kaya nahampas kita,” paninisi ko sa kaniya. "Anong kasalanan ko? Malay ko bang pagkakamalan mo akong magnanakaw. Bumaba lang naman ako dahil hindi ako makatulog. Alam mo bakit hindi ako makatulog kanina? Kasi sa tuwing pipikit ako, nakikita kita sa utak ko,” seryosong saad niya. Kaya siguro hindi ako makatulog kasi iniisip niya ako. Ganoon daw iyon, eh. "Kung ganoon, huwag mo akong isipin." Pumadyak pa ito sa sahig. Para talaga siyang bata minsan. Kaya masakit siya sa ulo. Minsan naman para siyang babae. Ang hirap niyang initindihin. “Hindi ko mapigilan, lalo na at nakahubad ka sa...” Mabilis itong tumakbo paakyat sa hagdan nang maramdaman niyang lalapit ako sa kaniya para saktan siya. Hinabol ko siya. Pero sa katangahan niya, nadapa siya kaya naabutan ko. Dumulas kasi ang isang paa niya pagyapak niya sa hagdan. Gusto kong matawa sa katangahan niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Muntik pang siyang humalik sa hagdan, mabuti at naituon niya ang kamay niya. "Kisha, relax." Itinaas niya ang dalawang kamay na parang ipapanangga kung sakaling sasaktan ko siya. Hinawakan ko siya sa kwelyo at hinila patayo kaso mas mataas siya sa akin. Kaya napayuko pa siya dahil sa ginawa ko. Isang araw pa lang ang lumilipas pero parang ang dami na agad niyang nagawang kalokohan. “Talaga bang pinagnanasaan mo ako? Bakla ka, hindi ba?” Hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko. Nadi-distract kasi ako sa mukha niyang sobrang lapit sa akin. Tapos ramdam kong sinasadya pa talaga niyang ilapit ang mukha sa akin kaya umaatras ang mukha ko para ilayo. Napasimangot ito. “May nangyari na sa atin, iniisip mo pa ring bakla ako? Kinain ko na nga ang tahong mo. Ilang beses na kitang dinala sa langit, napatunayan ko na sa iyong tinitigasan ako sa iyo. Ano pa bang proof gusto mo? Gusto mo bang ulitin natin?” Tangina talaga. Malambot kasi siyang kumilos minsan kaya hindi ako sigurado kung straight ba siya o hindi. Pero sa lumalabas sa bibig niya ngayon. Sigurado na akong hindi nga siya bakla kundi isang manyakis. Pinakatitigan ko siya. Makinis ang mukha niya. Siya ang soft version ng kakambal niya. Marami rin ang nag-aakalang bakla siya, pero dahil sa nangyari kagabi at sa mga sinabi niya ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit nagpapanggap siyang hindi tunay na lalaki minsan. Dahil kahit ako, minsan, pinagdududahan ko talaga ang p*********i niya. Iniisip kong sayang siya kung lalaki talaga ang gusto niya. Pero napatunayan ko kagabi na hindi talaga siya bakla. “Hindi ako bakla. Kahit i-try mo ulit ngayong gabi,” hamon niya sa akin at dumipa na parang pinapaubaya ang sarili niya sa nais kong gawin sa kaniya. Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Tinulak ko siya palayo. Tumalikod na ako sa kaniya. “Kisha,” tawag niya sa pangalan ko kaya napahinto ako pero hindi ako lumingon sa kaniya. “Matulog ka na.” Nakakapagod din makipagsagutan sa kaniya sa mga walang kwentang bagay. Natikman lang niya ako pero naging bastos na bunganga niya. “Pwede bang tumabi sa iyo?” Saka ako marahas na napalingon sa kaniya. “Hindi, hindi ka naman bakla, eh,” sarcastic na saad ko. “Bakla ako. Bakla na lang pala ako,” mabilis na bawi niya sa sinabi niya kanina. “Basta sa tabi mo ako matutulog.” Gago talaga. “Subukan mo. Sisiguraduhin kong magkakape ako bukas pero sa lamay mo.” Bigla itong natigilan. “Sabi ko nga matutulog na ako. Sige good night na.” Humakbang na siya papunta sa kwarto niya pero biglang lumingon sa akin. “Okay lang sa akin kahit isipin mo rin akong nakahubad,” pahabol pa niya bago pumasok sa kwarto niya. Napatingin na lang ako sa pinto ng kwarto niya. Mukha namang ginagago lang ako ni Renzo. Gaano ba siya ka-bored sa buhay niya at pati ako ay pinagti-tripan niya? Wala na sigurong dahilan para manatili pa ako rito. Bored na rin naman ako sa trabaho ko bilang bodyguard niya. Wala namang banta sa buhay niya at kaya rin naman niyang protektahan ang sarili niya. Kaya kaysa araw-araw niyang pinapainit ang ulo ko mas mabuting mag-resign na ako. Hindi ko na nga napakinabangan ang day off ko, nawala pa virginity ko. At sa nanagyari mukhang wala nang balak si Renzo na bigyan ako ng katahimikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD