RENZO’S POV “Paano ninyo nalamang nandito ako?” tanong ko sa kanila. Sabay-sabay naman silang tumingin sa kakambal ko na naupo ngayon sa mahabang sofa sa gilid. Bakit ba nagiging tsismoso na rin si Kenzo? “Hindi na sana kayo nag-abala pa. Kunting bugbog lang naman ito. Hindi malayo ito sa bituka,” saad ko. Parang gusto ko nang paalisin si Kenzo at Six bago pa bumalik si Kisha. Hindi pwedeng maabutan niyang nandito ang dalawang ito. “Anong kunti? Tingnan mo nga iyang sarili mo. Mukhang pinag-praktisan ka ng tod,” wika ni Warren. Ngumisi ako sa kaniya. “Nag-aalala ka ba sa akin, baby ko?” pang-aasar ko sa kaniya. Nandidiring tumingin naman siya sa akin. As if naman, gusto ko talaga siya. Trip ko lang talaga siyang asarin. “Mukhang kulang ka pa sa bugbog,” saad niya. “Kung si Warre

