"Wow Ang ganda naman nito..."
Nakangiting hinarap ni Romeliza ang saleslady.
"Olmayaeyo?" Nakangiting tanong niya sa saleslady habang hawak ang cute na dress na kulay pink.
"500 lang po bilhin niyo na miss alam niyo bang maraming bumili na niyan swerte ka po nakahabol ka at may natira pa. Galing pang korea yan maam."
Nagningning naman ang mga mata niya pagkarinig sa Korea.
"Sige ho bibilhin ko na." Nakangiting sabi niya at saka siya kumuha ng pera sa wallet niya. Sumunod naman siya sa saleslady papunta sa cashier. Inabot niya ang buong five-hundred.
"Gomawo..." Nakangiting sabi niya nang ibigay na sakanya ang paper bag na may lamang damit na pinamili niya. Pumunta naman siya sa kabilang store kung saan ang mga accssesories. Dimelight ang ilaw sa loob ng store na 'yon kaya maganda sa paningin ang pagkaka-arrange ng mga bracelete at necklace. Nakangiting pumasok siya sa loob at tumingin sa mga estante. Napatingin siya sa G-shock na kulay itim. Bigla na naman niyang naalala si Ellifard. Ganito kasi ang klase ng relo nito.
"Ano pong sainyo maam?" Nakangiting tanong ng saleslady. Ngumiti siya dito saka tinuro ang G-shocks.
"Magkano po 'yan?" Tanong niya.
"20.000 po maam, waterproof po ito."
Nabura ang ngiti niya nang malaman ang presyo.
'Ang mahal pala..'
"Bibilhin niyo po ba maam? Meron po kaming mga class-b, water resistant naman po 'yon." Sabi pa ng saleslady. Umiling lang siya dito.
"Ah okay lang po maliit lang po kasi 'yung wrist ko hehe." Nakangiting sabi niya. Naglakad naman siya papunta sa mga headband.
"Hi miss may kasama ka?"
Lumingon naman siya sa nagsalita. Nakita niya ang dalawang lalaki sa tabi niya.
'Omo! Ang cute nila but not my type..'
Bahagya siyang lumayo sa mga ito pero naramdaman niyang sumunod ang mga ito sakanya.
"Hey babe nandito ka lang pala..."
Biglang namang may umakbay sakanya. Nagtaas siya ng tingin.
"Ellifard!" Natutuwang sabi niya. Walang emosyon na tumingin ito sa dalawang lalaki. Medyo umatras ang mga 'to pagkakita kay Ellifard. Napakalaking tao kaya ni Ellifard, hanggang dibdib nga lang ata siya nito eh.
"May problema ba?" Malamig na tanong ni Ellifard sa dalawang lalaki. Umiling ang mga ito saka mabilis na tumalikod.
"Uy anong ginagawa mo dito?" Tanong niya kay Elliard. Binalingan naman siya nito.
"Wala lang may sinundan lang ako.." Sabi nito sakanya. Napatango lang siya at 'di na nagtanong. Humarap siya kay Ellifard.
"Halika na wala na 'kong bibilhin dito eh.." Nakangiting sabi niya kay Ellifard. Nagulat pa siya nang kunin ni Ellifard ang backpack niya mula sa likod pati na rin ang mga pinamili niya.
"Ako na magdadala.." Sabi nito at saka sinukbit sa isang balikat ang bag niya at sa isang kamay naman nito ang mga pinamili niya.
"Halika na..." Sabi nito saka pa siya inakbayan. Minsan kahit napaka-tough ni Ellifard nararamdaman naman niyang sweet itong tao.
"Hindi mo ba tatanungin kung san ako galing nitong nakaraang araw?" Tanong nito nang makalabas na sila sa store. Nag-angat siya ng mukha dito.
"Bakit ko kailangang itanong 'yon?" Inosenteng tanong niya dito. Bakit nga ba? Wala naman siyang karapatan eh, kailan lang niya ito nakilala. Her Abeoji alway's said , don't talk to strangers. Pero nasisira na niya 'yon sa tuwing nagkikita sila ni Ellifard.
"Hindi mo man lang ako naalala nitong nakaraang araw na wala ako?"
Umiling siya dito. But to be honest lagi niyang hinihintay ito. Napatitig siya sa emosyong dumaan sa mata nito. It was something like .... inis? Nagulat siya nang bigla siya nitong bitiwan. Inabot nito sakanya ang mga pinamili niya.
"Oh.. Ikaw maghawak wala kang katulong." Inis na sabi nito. Kinuha naman niya 'yon, napanguso na lang siya.
'Wala naman akong sinabing dalhin niya eh'
Tumalikod ito at iniwan siya. Grabe hindi niya talaga maintindihan ang topak nito. Sometimes he's sweet, sometimes he's tough, sometimes he's very protective and most of all sometimes he had so much topak. Nakita niyang huminto ito at muling binalikan siya. Muli nitong kinuha ang mga dala niya at inakbayan siya.
"Halika na. Kakain pa tayo.." Sabi nito. Nakangangang napatingala siya sa mukha nito.
O diba ang lakas!
"BABY I, I wanna know. What you think when you're alone.
Is it me yeah?
Are you thinking of me yeah?"
Nakangiting pilit na tumitingin si Romeliza sa mga nagko-concert sa stage. Pagkatapos kasi niyang mamili dito sila dumeretso ni Ellifard sa luneta park. Nagulat nga siya dahil ang daming tao kahit pagabi na eh. Nang maalala niya si Ellifard ay tumingin siya dito. Hindi niya alam kung nag-eenjoy ba ito. Wala kasing emosyon ang mukha nito habang nakatingin sa stage. Muli siyang tumingin sa stage, pero nahihirapan siya dahil ang tatanggkad ng mga nasa harap niya.
We've been friends now for a while, I wanna know that when you a smile.
Is it me yeah?
Are you thinking of me yeah? Oh, oh..
Girl what would you do, would you wanna stay if I were say...
Umawang ang labi niya nang maramdaman ang paghapit sa bewang niya ni Ellifard. Napatingin siya dito.
"Pumasan ka sakin para makita mo." Sabi nito sakanya saka bahagyang tumalikod. Kahit pa naiilang ay pumasan siya sa likod nito.
I wanna be last, yeah
Baby let me be your, let me be your last first kiss...
I wanna be your first, yeah
Wanna be the first time take it all the way like this.
And if you oohh.. only knew ooooh...
I wanna be last yeah, baby let me be your last, your last first kiss..."
Bahagya siyang sumilip sa mukha ni Ellifard.
"Ano ba? Hindi ko makita eh bumaba ka ng konti ate!" Sigaw ng boses na 'yon. Bigla naman siyang nataranta.
"Kung hindi mo makita doon ka sa unahan!" Balik na sigaw ni Ellifard.
'Naku naman!'
Kinalabit naman niya si Ellifard sa balikat.
"Uy ibaba mo na lang ako, marami kasing nanonood sa likod ko eh." Bulong niya dito.
"Don't mind them just enjoy the show.." Parang wala lang na sabi nito. Nakutkot naman niya ang kuko saka muling tumingin sa harap ng stage. Kahit pa nahihiya siya ay na-enjoy naman niya ang nag-concert. Nang matapos na ang palabas ay ibinaba na siya ni Ellifard at saka hinawakan sa kamay. Pumunta naman sila sa fountain na umi-ilaw. Dati kapag busy si Marie, siya lang ang mag-isang pumupunta dito. Nag-eenjoy kasi siya sa luneta park kapag gabi eh.
"Madalas ba kayo ng kaibigan mo dito?" Tanong sakanya ni Ellifard.
"Oo, noon no'ng wala pa siyang boyfriend. Pero ngayon bihira na lang kaming gumala eh, kaya ako na lang mag-isang pumupunta dito." Sabi niya habang nanunood sa mga ilaw ng tubig.
"Ikaw lang mag-isa? Are freaking out of your mind? Hindi mo ba alam na delikado?" Sunod-sunod na tanong nito.
"Wala namang nangyayaring masama sakin eh." Nakangusong sabi niya dito.
"Wala pa. So, hihintayin mong may mangyaring masama sa'yo bago ka magtino?"
Doon na siya tumingin dito. Madilim ang mukha nito.
"Teka? Ba't galit ka?" Nakangusong tanong niya dito. Binawi nito ang tingin sakanya.
"Ewan ko sa'yo." Supladong sabi nito habang nakatingin sa malayo.
"Suplado talaga nito.." Bulong niya saka tumingin sa paligid niya. Napangiti siya nang makita ang ilang mag-couple na naka-upo sa damuhan.
'Ano kayang feeling na magkaroon ng oppa?'
Gusto din kasi niyang maramdaman 'yung may makakasama ka habang naglalakad-lakad ka. O 'di kaya 'yung may bulaklak parating ibibigay sa'yo, may aabangan kang mot-mot ba 'yon? Palagi kasi niyang naririnig 'yon kay Marie.
"Kailan kaya ako magkakaroon ng boyfriend.." Nakangiting bulong niya.
"Anong sabi mo?"
Bigla naman siyang tumingin kay Ellifard.
"Ah Ellifard..."
"Bakit?" Salubong ang kilay na sabi nito. Kinutkot naman niya ang kuko saka tumingala dito.
"Girlfriend mo ba 'yung babaeng katabi mo noong nakita kita sa swimming pool nila kuya Tunaco?" Tanong niya dito. Nakita niyang natigilan ito.
"Bakit mo tinatanong?"
Umiling lang siya dito.
"Wala lang... kasi gusto ko sanang itanong kung nagkaroon kana ba ng girlfriend?"
Nag-iwas naman ito ng tingin sakanya.
"Noon, pero lahat 'yon pinakilala lang sakin ng mga kaibigan ko." Sagot nito habang palihim na sumusulyap sakanya. Tumango-tango naman siya saka tumingin sa malayo.
"Ikaw? May kakilala kaba?" Tanong niya uli dito.
"Ha?"
Muli niya itong tinignan saka ningitian. Humawak pa siya sa braso nito.
"Baka may kakilala ka? Pakilala mo naman ako oh."
Nagsalubong ang kilay nito.
"At bakit naman?"
Nahihiyang ngumiti siya dito. "Eh kasi.... gusto ko ng magkaroon ng boyfriend eh. Baka may kaki----
Binaklas nito ang kamay niya mula sa braso nito.
"Nasisiraan kana.." Malamig na sabi nito saka tinalikuran siya.
"Uy! Uy Ellifard!" Nakangusong humabol siya dito.
"BESSY! I have a good news for you!"
Inalis ni Romeliza ang mga mata sa loptop saka nilingon si Marie. Nanlaki ang mga mata niya nang makita hawak ng kaibigan. Tumayo siya sa kama.
"Daebak! Nabili mo na? Omo.... chingu Jajjang!" Natutuwang sabi niya habang nakatingin sa hawak ni Marie. Isa 'yong cute dress with cute pink button on the top. Limited lang 'yon at sa online lang nila nakita. That cute dress is made in korea, balita nga na ang model non ay si Suzy bae her favorite korean artist!
"Oh sayo 'tong isa... siyempre kailangan meron ka rin." Nakangiting sabi nito. Napatili siya at patalon na bumaba ng kama. Niyakap niya si Marie at hinalikan ito sa pisngi.
"Kamsa chingu!" Natutuwang sabi niya habang tumatalon. Kinuha niya ang hawak nito saka siya dumeretso sa banyo.
"Isusuot mo na?!" Sigaw ng kaibigan sa labas.
"Anyo! Ita-try ko lang kung kasya sakin!" Sabi niya dito habang hinuhubad ang suot na damit.
"Free size siya chingu!" Sabi ni Marie. Ngumiti siya at saka sumilip sa kaibigan.
"Na shinnanda!" Sabi niya dito saka siya muling pumasok. Mabilis niyang sinuto ang damit saka siya lumabas ng banyo.
"Omo yeppeuda! You're so cute chingu!" Natutuwang sabi ni Marie nang makita siya. Nakangiting umikot-ikot siya. Ang ganda nga! Lumapit siya sa kama saka tumalbog-talbog.
"Hubarin mo na 'yan gaga.... susuotin mo 'yan kapag namasyal tayo para chingu couple!"
"Mamaya na nag-eenjoy pa 'ko dito eh. " Nakangiting sabi niya sa kaibigan. Maya-maya ay may nagbukas naman ng pinto. It's her brother.
"Katahimikan mga bata! nag-aaral ako!" Masungit na sabi nito saka sinara ang pinto. Humagikgik sila ni Marie.
"Ay sandali lang ha? May sasabihin pala ako kay tita.." Sabi ni Marie, paglabas nito ng kwarto ay inayos niya ang suot na dress. Tumingin siya sa labas ng bintana. Kita niya ang papalubog na araw at napakaganda non sa paningin niya. Bigla niya tuloy na-miss ang baywalk.
"Gusto ko uling pumunta don.."