Chapter Eight

2028 Words
"Umiinit na tayo sa taas, kailangan muna nating ihinto ang transaction ng mga supplies lalo't may isa tayong tao na hindi mahahawakan sa leeg." Paikot-ikot si Grey sa buong lugar. Pinaglaruan naman ni Ellifard ang papel na nasa harap. "Patayin na kaya natin ang matandang 'yon, madali lang naman diba?" Sabi naman ni Maxeau. "Yeah, but we need to be careful. Hindi siya madaling patumbahin.. he's a f*****g warrior." Sabi ni Delifico. Tinaas niya ang kamay. Bumaling naman ang mga ito sa direksyon niya. "Ako na ang bahala sa matanda." Malamig na sabi niya dito. Tinitigan siya ni Grey. "Are you sure about that?" Tanong nito sakanya. "You know me well Grey.." Sabi niya dito, tumango-tango naman ito. "Bueno, the mission is yours..." Sabi nito saka may itinulak sakanya ang puting folder. "But after that, you need to read the info about Mr. Tan.." Sabi ni Grey habang nakatitig sakanya. Kinuha naman niya ang folder at binasa ang nasa loob non. Kumunot ang noo niya saka tumingin kay Grey. Nakatingin pa rin ang mga ito sakanya. "He is....." "Yes he is...." Dugtong nito sa sasabihin niya. "Diba sabi mo don't mix pleasure in business.." Sabi ni Eros. Ilang saglit muna siyang tumititig sa litratong 'yon saka niya sinukbit sa bewang ang S and W 50 mag. niyang baril. Tumayo siya habang dala ang folder. "I can take care of this..." Sabi niya saka tinalikuran ang mga ito. "Wala kang ititira Ellifard.." Hindi niya pinansin ang sinabi ni Grey... "MATULOG kana ha? Hubarin mo na 'yan kapag nakauwi na 'ko." Ngiti lang ang sinagot ni Romeliza sa kaibigan, nag-eenjoy pa siya sa suot kaya baka ipantulog niya muna ito. Nang makalabas na si Marie ng kwarto niya ay humiga na siya habang yakap ang malaking pink teddy bear. Nakangiting pumikit siya. Mababaw pa lang ang tulog niya nang makarinig siya ng mga yabag. Hindi na lang niya 'yon pinansin. Pero nakaramdam naman siya na parang may nakatingin sakanya. Unti-unti siyang dumilat. Nanlaki ang mata niya saka siya napaupo sa kama. May nakatayo kasi sa balkonaheniya na karugtong sa kwarto niya. Nakaitim ito... bigla naman siyang kinilabutan. "Omo... bampira." Bulong niya, madilim pa man din ang kwarto niya at sinag lang ng buwan sa balkonahe ang ilaw niya. Nakita niyang pumasok ang aninong 'yon. "Bakit gising kapa?" Nanlaki ang mata niya nang magsalita ito. "Ellifard?" Tanong niya nang makilala ang boses na 'yon. Lumapit ito sa kama saka umupo sa tabi niya. "Ba't nandito ka?" Tanong niya saka tumingin sa teresa. "May gagawin sana ako eh... " Sabi nito. Kumunot naman ang noo niya saka tumingin dito. "Ano naman 'yon?" "Pero naisip ko hindi ko ata kaya.." Malalim na sabi nito. 'Ano ba 'yon? Hinawakan niya ang braso nito. "May problema kaba?" Malambing na tanong niya dito, naging mabait ito sakanya kaya baka pwede naman siguro siyang makatulong dito. Hinawakan nito ang kamay niya na nakahawak sa braso nito at hinila siya papalapit braso nito. Napaluhod pa siya sa kama nang iangat siya nito. Pumulupot ang braso niya sa leeg ni Ellifard. "I'm sorry.." Bulong nito. 'Hala? Bakit naman siya nag so-sorry?' Naramdaman niya ang pagyakap nito sa katawan niya. Sa tingin niya ay may problema talaga ito. "Ano bang problema mo? Baka may maitulong ako." Sabi niya dito. Bahagya naman itong humiwalay sakanya. "Talaga? Tutulungan mo 'ko?" Nakangiting sabi nito, natigilan naman siya. Ngayon niya lang nakita ang ngiting 'yon kay Ellifard. At hindi niya alam kung bakit sumaya siya sa ngiting 'yon. Nakangiting tumango siya. "Oo naman ano bang pwede kong itulong?" Nakangiting sabi niya. Nakatitig lang ito sakanya. "Saka ko na sasabihin." Sabi pa nito. Curios naman siya pero hindi na siya nagtanong. "You look cute in your dress.." Puri nito. Ngumiti naman siya saka tumayo sa kama. "Talaga? Kamsamnida oppa!" Masayang sabi niya. Basta lang itong tumitig sakanya. Umupo siya sa kama. "Gusto kong pumasyal sa baywalk." Nakangiting sabi niya dito. "Talaga? Gusto mo? Pero gabi na eh." Sabi nito. Napanguso na lang siya. Hinawakan naman nito ang kamay niya. "Pero kung gusto mo kakain na lang tayo sa fast food chain. How 'bout that? Gabi na kasi dapat matulog kana." Masuyong sabi nito. Doon na siya ngumiti saka tumango. Nagpahila naman siya nang tumayo na ito. Pumunta sila sa balkonahe, nalula siya medyo may kataasan kasi ang balkonahe niya. Tumingin siya kay Ellifard. "Natatakot ako Ellifard.." Tumingin ito sa ibaba saka siya binalingan. "Tulog naba ang mga magulang mo?" Tanong nito sakanya. "Si umma baka gising pa, si Abeoji naman tulog na. Si kuya baka nag re-review.." Binitawan nito ang kamay niya at saka sila pumasok sa kwarto. Napasunod naman siya dito. Binalingan siya nito. "Diyan ka lang.." Sabi nito sakanya saka lumabas mismo sa pinto ng kwarto niya. Nagtataka man nakatayo lang siya doon habang inaabangan ito. Ilang saglit pa ay pumasok na si Ellifard. "Halika na bumaba na tayo." Sabi nito sakanya. "Ha? pano sila umma baka maki---- "Hindi tulog na tulog sila.." Sabi niya Ellifard saka itinaas ang isang parang mukhang tirgas. Bigla siyang kinabahan. "A-anong ginawa mo sakanila?" Lumapit ito sakanya at hinawakan kanyang kamay. "Wag kang mag-alala wala akong ginawa sakanila at wala akong balak gawin sakanila. Pinahimbing ko lang ang tulog nila." Sabi nito. Nakahinga naman siya ng maluwag. "So aalis na tayo?" Nakangiting tumango siya. Sabay silang bumaba. Nang matapat sila sa kwarto ng kanyang magulang sa ibaba ay binitawan niya muna ang kamay ni Ellifard. "San ka pupunta?" Tanong nito, nilingon niya ito. "Sandali lang ako." Nakangiting sabi niya saka niya binuksan ang kwarto ng mga magulang. Magkayakap na natutulog ang mga ito, sumampa siya sa kama. "I love you umma." Nakangiting sabi niya saka niya hinalikan ang ina sa pisngi. "I love you Abeoji sorry po ha? Uuwi din ako.." Ang papa naman niya ang hinalikan niya sa pisngi saka sya bumaba sa kama. Nakita niyang nakatingin lang sakanya si Ellifard sa labas ng kwarto habang nakapamulsa. Nakangiting kumapit siya sa braso nito. "Halika na..." Yaya niya, tinitigan muna siya nito saka nito sinilip ang mga magulang niya. Muli siya nitong binalingan. Inakbayan siya nito saka sabay silang lumabas ng bahay. Nakita niya ang isang kotseng nakaparada sa harap ng bahay nila, inalalayan naman siya nitong sumakay don. Ito na rin ang nagkabit ng seatbelt niya nang makapasok na sila sa loob ng sasakyan. "Are you ready?" Tanong nito sakanya. Nakangiting tumango naman siya... "DAEBAK! Ang ganda naman ng bahay niyo?" Namamanghang nilibot ni Romeliza ang paningin sa mala-palasyong mansion nila Ellifard. "Halika pumasok na tayo.." Sabi nito sakanya habang hawak ang kamay niya. Nag-message ito sakanya sa f*******: na magkita daw sila, pumayag naman siya saktong pauwi na siya non galing school. "Where's madre?" Narinig niyang tanong ni Ellifard sa isang lalaki. Abala naman siya habang nakatingin sa hardin ng mga ito. "Umalis ho sila ni Senyor kanina." Sabi nito na nakayuko. "Hey, are you ready to meet my sorella?" Tanong ni Ellifard. Nanlaki naman mata niya saka ito binalingan. Kaya pala pinadadala nito kanina ang librong binabasa niya. "Talaga? Nandito siya?" Tanong niya, tumango ito saka siya hinila papasok sa mansion. Nilibot naman niya ng tingin ang kabuuan ng mansion. Natutuwa siya sa mga bagay na kumikinang sa loob non, para pa ngang oras-oras kung linisin 'yon dahil sa sobrang linis eh. "Ang ganda naman ng bahay niyo Ellifard.." Puri niya, umakyat sila sa mahabang hagdan. Maya-maya pa ay tumapat sila sa isang malaking pinto. "Sorella? sorella?!" Katok ni Ellifard doon. Maya-maya ay kusang bumukas ang pinto.... Omo! Daebak talaga! Napanganga siya nang makita loob ng kwarto. Ang laki non at ang lawak na parang prinsesa ang nakatira. Pumasok sila sa loob, napalingon siya nang kusang magsara ang pinto. 'Omo...' Natanaw naman niya ang isang babaeng kulot at mahaba ang buhok na nakatalikod sa direksyon nila. Nakatapat ang lamesa nito sa malaking bintana na salamin. "Wow! Ang ganda sa labas ng bintana niyo Ellifard!" Namamanghang sabi niya. "What are you doing here Fratello? Sabi ko naman sayo na wag mo 'kong pupuntahan dito kapag nagsusulat ako.." Sabi nito na matatas ang salita. Nakatalikod pa rin ito sa gawi nila at nakaharap sa computer. "Someone wants to talk to you." Sabi Ellifard, itinigil ng babae ang ginagawa saka lumingon sakanila. Napatingin ito kay Ellifard at sumunod ay sakanya, nanlaki ang mga mata nito. "Celestia?!" Gulat na sabi nito, nagulat naman siya. Bigla niyang naalala ang pangalan ng bida sa kwento. "Tama! Si Celestia at Marco.... nabasa ko ang ginawa mong story, naku! ang ganda mo pala sa personal!" Natutuwang sabi niya. Tumingin ito kay Ellifard saka muling lumingon sakanya. Bumitaw siya kay Ellifard at lumapit dito. Nilahad niya ang kamay sa harap nito. "Hi..... i'm Romeliza Tan your avid fan." Nakangiting sabi niya, tinanggap naman nito ang kamay niya habang nakatitig sa mukha niya. Parehas nito ang kapatid na si Ellifard, hindi niya alam kung anong meron sa mukha niya at tinititigan ng mga 'to eh. "I'm Veronica Desconte nice meeting you.." Nakangiting sabi nito at binitawan ang kamay niya, pinakita niya ang librong dala niya sa backpack. "Gusto ko sanang humingi sayo ng authorgraph pwede ba?" Nakangiting sabi niya. "Sure.... come here." Sabi nito at saka tumalikod, tumingin muna siya kay Ellifard. Tumango ito sakanya. Sumunod naman siya kay Veronica. May hawak itongg sign pen, binigay naman niya ang libro. "Ahm... pwede ba 'kong magtanong? Ano pa lang nangyari kay Celestia? Binalikan niya ba si Marco?" Nakangiting tanong niya habang sinusulatan nito ang libro. Natigilan ito saka tumingin sakanya. "Hindi ko alam eh..." Titig na titig na sabi nito sakanya. 'Hala? Ba't di niya alam?' "Teka? Totoong buhay ba 'yong sinusulat mo?" Tanong niya dito, wow daebak 'pag nagkataon. "Hindi .... pero napapanaginipan ko silang dalawa." Sabi pa nito. Nanlaki ang mata niya. "Jinjja!" Inabot nito sakanya ang libro, kinuha niya naman 'yon at binalik sa bagpack. Tumingin siya dito. "Pano mo silang napapanaginipan ? Edi ibig sabihin napanaginipan mo din 'yong pagkamatay ni Celestia?" Tanong niya uli. Tumango naman ito. Ang galing.... "Sino nga ba may gawa non? Gumaling ba siya nang dalhin siya ng mga magulang niya sa ibang bansa? Naku sorry ha? na-involve na 'yong buhay ko sa kwento nila." Natatawang sabi niya. Tumayo ito saka tumingin sa malayo. "Hindi mo magugustuhan malaman kung sino ang pumatay kay Celestia." Sabi nito saka humarap sakanya. "Ay ganon ba't 'di mo sinulat?" Tanong niya uli, ngumiti ito ng mapait. "They don't want...." Sabi nito. 'Grabe.. napaka-mysteryosa ng kapatid ni Ellifard..' "Ganon ba.... sige 'di ko na tatanungin hehe." "Hey want some juice?" Nilingon naman nila ang nagsalita. May dalang tray na may dalawang baso si Ellifard. Nilapag nito 'yon sa lamesa at saka lumapit sakanya. "Nakapag-autograph kana?" Tanong nito sakanya, nakangiting tumango siya saka tumingin sa kapatid nito. Titig na titig ito sakanilang dalawa. "It's clear..." Anas nito habang nakatingin sa kuya nito at muling titingin sakanya. Nagtaka naman siya nang makitang namumutla ito. Lumapit si Ellifard sa kapatid. "Sorrella what happened?" Nag-aalalang tanong ni Ellifard. Nakangiting umiling si Veronica. "I'm okay Fratello.... i'm----i'm just tired." Sabi pa nito saka umupo sa couch. Inalalayan naman ito ni Ellifard. "Magpahinga ka naman buong magdamag kang tutok sa computer eh." Sermon ni Ellifard. 'Ang cute naman nilang magkapatid' Napangiti siya habang pinapanood ang mga ito. "Yeah i know.." Sabi ni Veronica saka tumingin sakanya. Lumapit uli sakanya si Ellifard. "Umuwi na tayo baka kailangan magpahinga ni miss Veronica." Bulong niya kay Ellifard. Tumango naman ito saka humarap sa kapatid. "Aalis na kami sorella, magpahinga ka na lang muna." "Oo nga sorella ni Fratello magpahinga kana" Nakangiting sabi niya, wow ang sarap pa lang magsalita ng salita nila sosyal lang hihihi... Tumango naman sakanila si Veronica. Inakbyan naman siya ni Ellifard saka sila tumalikod. "ANO ba 'yong Fratello? Parang pusod ng bata Ellifard.." "Fratello is brother in italia... kulit mo!" Tumawa naman ang babae... Hinabol ng tingin ni Veronica ang mga ito habang palabas ng kwarto niya. Hindi siya pwedeng magkamali. They look like them ... they look like Celestia and Marco. Kinuha niya ang libro at binuklat ang huling pahina. I can wait for you forever..... even in my next life ... Mon amour.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD