Chapter Nine

1233 Words
"I've told you hindi 'yon gagawin ni Ellifard.." "So, kalat na nga ang sumpa.." Hindi pinansin ni Ellifard ang mga kaibigan, tumingin lang siya sa direksyon ni Maxeau na sinusuri ang trono. "Hoy maxeau para kang timang diyan!" Sabi ni Delifico at saka nilapitan si Maxeau. "Well... nagtataka lang naman ako kung panong pagkatapos ng lahat ng umuupo dito magugulat kana lang marami ng magbabago. Kagaya ni Sebastian at Grey, tapos ngayon parang si Eros malapit na rin gayong kadarating lang dito. Ngayon naman si Clifford na mukhang pinagtataksilan na 'ko. Pagkatapos si Ellifard na mukhang tinatamaan na." Nagtatakang sabi ni Maxeau na tumawa pa. Tumingin naman sakanila si Delifico saka ngumisi. Tinaas nito ang hintuturo na parang sinasabing wag silang maingay. Patuloy pa rin sa pagsuri sa upuan si Maxeau. Umayos ito ng tayo saka lumabi habang nakapamulsa. "Wala naman akong makita eh baka naman hindi totoo.." He mimicking, doon nakakuha ng tiyempo si Delifico at tinulak si Maxeau paupo sa upuan na 'yon. Nagtawanan ang lahat. "GAGO KA DELIFICO!" Sigaw ni maxeau saka mabilis na tumayo sa trono, hinabol nito si Delifico na tumatawang tumatakbo. "THE NEW KING OF THE UNDERGROUND MAXEAU!" Natatawang sigaw ni Delifico, Napangisi lang siya at kinuha ang cellphone sa bulsa. "Yeoboseo..." Napangiti siya nang marinig niya ang bungad nito. "What are you doing right now?" Tanong niya sa dalaga. "Ellifard?!" She exclaimed. Mahilig talagang sumigaw ang babaeng 'to... "Yeah it's me.... so what are you doing?" Tanong niya uli dito. "I'm just creating something, i creat a smiling face in my potatoe.... ang cute nga eh parang 'yong sa commercial?" Natutuwang sabi nito. Napangiti na lang siya sa sinabi nito. Hindi niya alam kung kailan pa siya natuwa sa mga immatured na babae. "Oh really.... pwede ko bang makita mamaya ang gawa mo?" "Neh! Kailan ka pupunta dito?" "Maya-maya ng konti." Sagot niya dito. Nakita naman niyang naghahabulan paikot sila Delifico at Maxeau. "f**k YOU KA! TANGGAL KANA SA MIYEMBRO!" Sigaw ni Maxeau. "Who's that? The one who said f**k you?" Tanong ni Romeliza sa kabilang linya, mahina siyang napamura saka naglakad palayo sa ingay. "Yung mga aso kasi dito samin nag-aaway.." Sabi niya habang papunta sa elevator. Tinap niya ang itim na card sa gilid. "Ayiiee. Ellifard abot hanggang tutuli 'yong ngiti oh." Tudyo ni Serionifo, He pointed his middle finger to him. Tumawa lang ito. "Ah....ellifard 'pag pumunta ka naman dito, bili mo 'ko ng ice cream ha? Saka marshmallow..." "Sure, ang takaw mo sa ice cream mamaya magka-diabetes ka niyan." Sabi niya pa. Natanaw niya si Grey na kausap ang asawa nito. Mamaya na lang niya ito lalapitan. Tahimik siyang lumabas ng club. "Hindi naman eh, saka madalang lang akong kumain non sige na ha?" "Okay ikaw pa malakas ka sakin eh.." Sabi niya dito. Ilang sandali itong natigilan sa kabilang linya. "Romeliza are you still there?" "Ah... s-sige oppa! Kamsa." Napapailing na lang siya nang patayin nito ang tawag. Natatawang dumeretso siya sa kinapaparadahan ng kotse. "Ellifard?" Natigilan siya nang marinig ang tinig na 'yon. Mabilis siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Natigilan siya nang muling makita ang maamong mukha na 'yon. "Christina?" May kung anong emosyon na lumukob sa pagkatao niya. Unti-unti itong ngumiti sakanya. "H-how are you?" Nakangiting sabi nito. Napatitig siya sa mga mata nito.... "OKAY ikaw pa malakas ka sakin eh..." Halos maglulundag-lundag si Romeliza sa kama sa tuwing naririnig niya ang sinabi ni Ellifard. Hindi niya alam pero sa tuwing tumatawag si Ellifard o 'di kaya ay nakikita niya. May kung anong lumulundag sa sikmura niya sa tuwing nakikita ang mukha nito. Nakangiting bumaba siya sa kama at pumunta sa tokador. Binuksan niya 'yon, natigilan siya nang makita ang bagay na 'yon sa isang box. "Nami-miss ko pa rin 'to... but some other time na lang kita uli gagamitin." Nakangiting sabi niya saka niya isinara ang aparador. "Ginagalit talaga ako ng grupong 'yan eh!" Napatingin siya sa pinto nang marinig ang sigaw na 'yon. Tumayo siya at saka lumabas ng kwarto, dahan-dahan siyang bumaba at saka sumilip sa awang ng hagdan. Nakahawak sa ulo ang papaniya at inaalo naman ito ng mama niya. "Ba't di mo na lang bitawan ang kasong 'yan mahal.." Sabi ng mama niya. "Hindi pwede mahal.... maraming masisirang buhay. Hawak nila ang mataas samin kaya hindi ko sila mapakialaman. Kung nandito lang uli ang taong 'yon na tumulong sakin noon wala sana tayong problema." Naawang umakyat siyang muli sa kwarto. Tahimik na sumampa siya sa kama at nangalumbaba habang nakatingin sa loptop.... "Kawawa naman si abeoji." Bulong niya. Tumingin siya sa orasang nakasabit sa dingding. Kinuha niya ang cellphone saka kinontak ang number ni Ellifard. Napangiti siya nang sagutin nito 'yon. "Hello?" Natigilan siya nang marinig ang boses babae na 'yon. "Sino 'to?" Tanong ng babae sa kabilang linya. May kung anong bagay naman na dumagan sa dibdib niya. "A-ah si Ellifard?" Halos pabulong na sabi niya. Natigilan naman ang nasa kabilang linya. "Ahm... nasa c.r eh. Katatapos lang namin.. you know what I mean." May talim sa boses na sabi nito. Napakurap naman siya at bahagyang ngumiti. "Ah... g-ganon ba? Sige sorry ha." Sabi niya saka pinatay ang tawag. Natulala siya sa kawalan, muli siyang sumilip sa orasan. "Pupunta naman siguro siya kahit kasama niya ang girlfriend niya." Bulong niya. Pero hindi niya alam kung bakit hindi non mabago ang bigat na nararamdaman niya. Huminga siya ng malalim saka umupo sa gilid ng kama habang yakap ang malaking teddy bear. "Pupunta siya... pupunta siya." Bulong niya habang nakatingin sa teresa. NAPANGIWI si Ellifard nang maramdaman ang kirot ng sentido. Akmang tatayo siya nang maramdaman ang nakadagan na 'yon sa dibdib niya. Mabilis siyang lumingon. Natigilan siya nang makita si Christina, niyugyog niya ang balikat nito. "Hey, wake-up Christina." Unti-unti naman itong nagmulat ng mata saka tumingin sakanya. "Inaantok pa 'ko Ellifard." Sabi nito at muling yumakap sakanya. Umupo naman siya sa kama at hinagilap ang sando. "Bakit dito ka natulog? 'Diba sabi ko doon ka sa isang kwarto?" Sabi niya dito habang sinusuot ang damit. Umupo naman ito. "Alam mo naman na takot ako kapag mag-isa sa kwarto 'diba?" Sabi nito. Tumitig naman siya dito saka siya napailing. Bumaba siya sa kama. "Sige na bumaba kana sa kusina maghahanda muna ako ng breakfast." Sabi niya dito habang papasok sa banyo. "Ipagluluto mo 'ko?!" "Oo, now get up yourself. Mauna kana don sa baba." Sabi niya dito saka kinuha ang toothbrush. "Ayieh! Salamat!" Tili nito at niyakap pa siya. Nasundan na lang niya ito ng tingin nang lumabas ito ng kwarto niya. Naiiling na tumingin uli siya sa salamin. Natigilan siya nang may maalala. "s**t!" Mabilis siyang nagmumog at nagmamadaling lumabas ng banyo. Hinagilap niya ang cellphone saka hinanap ang number ni Romeliza. Kinontak niya ito hindi naman siya nabigo nang ilang ring lang ay sinagot na nito ang tawag niya. "Hello?! Ahm.. Romeliza i'm sorry naka--- "Okay lang 'yon Ellifard ano kaba." Natatawang putol nito sa sasabihin niya. Ilang beses niyang minura ang sarili. "I'm really sorry, mamaya pupunta ako school mo hintayin mo 'ko ha?" Ilang sandali itong hindi natigilan. "Ayos lang naman 'yon Ellifard. Kung busy ka ngayon 'wag kana munang tumuloy." Siya naman ang natigilan. "So you don't want to see me?" Malamig na sabi niya dito. Hindi naman ito nakapagsalita. "Basta magkikita tayo mamaya, hintayin mo 'ko." Sabi niya dito saka pinatay ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD