Chapter Eleven

1105 Words
"Asan na siya?" Panay ang linga ni Romeliza sa paligid ngunit hindi niya nakita maging ang anino ni Ellifard. Tumingin siya sa cellphone para tumingin ng oras. "Five-thirty na darating pa kaya 'yon?" Bulong niya at saka umupo sa upuang nandon. Tumitig siya sa cellphone niya, kanina niya pa inaabangan na tumawag ito pero nabigo lang siya. Huminga siya ng malalim saka tumingin sa paligid. Minsan ay napapatitig siya sa mga taong naka-itim na t-shirt. "Mahilig kasing mag itim na t-shirt 'yung lalaking 'yon." Nakangiting bulong niya. Sumandal muna siya sa upuan. Panaka-naka ay tumitingin siya sa cellphone. Nang inabot siya ng mahigit isang oras sa paghihintay ay tinawagan niya na ang numero ni Ellifard. Kumabog ang dibdib niya nang mag-ring 'yon, akala niya ay sasagutin siya nito pero ganon na lang ang gulat niya nang p*****n siya nito. "Jinjja?!" Inis na bulong niya at inis na pinasok sa bag ang cellphone. Huminga siya ng malalim at muling nag-abang. Pero padilim na ngunit hindi pa rin niya nakikita kahit dulo ng buhok ni Ellifard. Nagdadabog na tumayo na siya. "Sa susunod kala mo hindi na ako mag-aabang---- Natigilan siya nang marinig ang pag-beep ng cellphone. Mabilis niyang kinuha 'yon, nakita niya ang one message galing kay Ellifard. Binuksan niya 'yon, halos magsalubong ang kilay niya nang mabasa ang message nito. "Bakit kailangan kong pumunta dito?" Nakangusong bulong niya nang mabasa ang address na binigay nito. Huminga siya ng malalim saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Hindi niya alam kung bakit hindi niya matiis ito.... ***----*** UMAWANG ang labi ni Romeliza nang makita ang club na 'yon. Sunod-sunod ang taong nagpapasukan sa loob, kagaya pa rin noong una siyang pumunta dito. "Bakit naman niya 'ko pinapupunta dito?" Bulong niya saka siya bumaling sa driver. Inabot niya ang bayad dito. "Salamat Ahjussi!" Nakangiting sabi niya sa driver saka bumaba ng taxi. Humakbang naman siya papunta doon sa loob ng club. "Ha? May eche-bureche pa? Ang higpit naman ng club niyo." Nakasimangot na sabi ng babaeng kasabay niya. Napatingin naman siya sa isang babae at isang lalaki na nasa harap niya. 'Kahawig ni Johnny bravo..' Natawa siya sa naisip nang makita ang lalaki. "Si Mr. Cannibara lang po." Sagot ng babae. Napatingin naman siya sa babaeng may hawak na paper. Sinilip niya ang pini-pirmahan nito. Nang matapos na ito ay mabilis itong tumalikod, nasundan na lang niya ito ng tingin. "Ay miss, bawal po naka-uniform ng school dito." Napatingin naman siya sa babae. "Ah may naghihintay po sakin dito eh." Sagot niya sa mga ito. "Naku mahigpit ang rules namin dito. Bawal ang mga naka-uniform dito baka kami naman ang masita 'pag nagkataon." Nakagat niya ang ibabang labi. 'Pano ba 'to? Nasan ba kasi si Ellifard?' "It's okay..." Napatingin siya sa bagong dating. Girlfriend ni Ellifard, napatingin siya sa suot nitong black dress. Nakasuot pa ito ng stilletoe na lalong nagpatangkad dito. Tumingin naman siya sa suot na uniform. "Si Ellifard ang nagpapapunta sakanya dito." Sabi pa nito sa dalawa. Napatingin siya sa mukha nito. "Come on, follow me." Malamig na sabi nito pagkuway tumalikod. Sumunod naman siya dito. Umiilag naman siya sa tuwing sumasagi sakanya ang mga taong nandon. Napatingin siya sa taas, pagkuway sa paligid niya. Muli na naman niyang naamoy ang bagay na 'yon na humahalo sa alak. Nakita niyang hinagod siya ng tingin ng mga taong nandon. "Carla tama na 'yan. Hindi 'yan ang girlfriend ni Maxeau." Natigilan siya nang makita ang babaeng nakasabay niya kanina. "Wag mo 'kong pigilan Grey mage-eskandalo ako dito!" Pananakot ng babaeng katabi nito. Nakita niyang lumapit ang girlfriend ni Ellifard sa isang matangkad at maputing lalaki. Nakita niyang tumuon ang tingin ng mga ito sakanya. "Where's Ellifard?" Tanong ng girlfriend ni Ellifard. Napayakap naman siya sa bag na hawak. "Uy? Ikaw 'yung girlfriend ni Ellifard 'diba?" Tumitig naman siya sa lalaking 'yon. Natatawang lumapit ito sakanya. "Hinahanap mo si Ellifard?" "Nasa VIP room siya, mukhang tinawag si Clifford." Sabat ng matangkad na lalaking 'yon. Natakot naman siya sa klase ng titig nito sakanya. "Who is she Christina?" Tanong ng isang lalaki. Tumaas ang sulok ng labi ng babae. "Ellifard's toy.." Sagot nito. Nagbaba naman siya ng tingin sa sahig. "Ah..." Hinawakan siya ng katabi sa siko. "....dito ka muna sa tabi." Sabi nito sakanya. Tumabi naman siya at bahagyang nagtago sa katawan nito. Inirapan siya ng Christina na 'yon. "Bakit mo siya dinala dito?" Takang tanong ng isa pang lalaki na may nunal sa sentido. "Wala lang Grey. May gusto lang akong patunayan sakanya." Nakangising sabi ng Christina na 'yon saka kinuha ang isang stick na sigarilyo. Napakurap naman siya at mas lalong sumiksik sa lalaking nasa tabi niya. Biglang nanikip ang dibdib niya, hindi niya alam kung bakit. Idagdag pa ang pagdagundong ng malakas na tugtog na umaalingangaw sa paligid niya. "Hey Serionifo, ihatid mo na siya pauwi." Utos ng isang singkit na lalaki. Umawang ang labi niya nang makita niya si Ellifard. Sumigaw ang katabi niya. "Uy Ellifa---- "Babe!" Sinalubong ito ni Christina at niyakap sa leeg. "Anong nangyari dito?" Tanong ng isang bagong dating na lalaki ngunit nakatuon lang ang tingin niya kay Ellifard na hinihila ni Christina sa gitna ng sayawan. Sinundan niya ng tingin ang mga ito. Nakatalikod sa gawi niya si Ellifard kaya hindi siya nito nakita. Nakayakap dito si Christina habang nasa bewang naman nito ang mga kamay ni Ellifard. Unti-unting lumuwag ang hawak niya sa bag. Nakita niyang humithit ng sigarilyo si Christina at ipinasa ang usok non sa labi ni Ellifard. Hindi niya alam kung ilang beses siyang kumurap habang nakatingin sa mga ito, nilibot niya ng tingin ang buong paligid. At lahat ng bagay na nakikita niya... ay hinding-hindi niya magugustuhan. Parang may kung anong bagay sa paligid niya na lalong nagpapasikip ng paghinga niya. Walang imik na tumalikod siya at naglakad palayo sa mga ito. "Hey ay! Hey miss Tan!" Hindi niya pinansin ang tumawag sakanya. Nakahinga siya ng maluwag nang makalabas siya sa lugar na 'yon. "Gusto mo ihatid kita?" Napatingin siya sa lalaking kasabay niya. Nanginginig ang labi na ngumiti siya dito. "P-pwede bang ihanap mo na lang ako ng masasakyan? Gusto ko na kasing u-umuwi eh." Halos pabulong na sabi niya dito. Tinitigan naman siya nito. "Sige sumunod ka sakin." Sabi nito. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata, hindi niya alam kung bakit kahit saglit lang niyang nakasama si Ellifard napalapit agad ang loob niya dito. At nasasaktan siya dahil alam niyang kahit kailan hindi niya masasabayan ang ginagawa nito. Napalunok siya ng laway saka ilang beses na tumikhim para hindi tuluyang tumulo ang luha niya. 'Siguro simula ngayon.... kailangan ko na siyang iwasan..'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD