"Dasi Run Run Run nan meomchul suga eopseo. Tto Run Run Run nan eojjeol suga eopseo. Eochapi igeosbakke nan moshae. Neoreul saranghaneun geot bakken moshae..."
Natawa siya nang malakas nang bumirit nang malakas si Marie.
"Lizang-ah! Tinatawanan mo naman ako eh!" Nagpapadyak ito.
"Boses palaka kasi 'yung boses mo chingu!" Natatawang sabi niya sa kaibigan. Sinimangutan lang siya nito, hinawakan naman niya ang braso nito habang sabay silang pumupunta sa stop light para mag-abang ng masasakyan. Hindi kasi siya masusundo ng driver nila ngayon.
"Punta tayo mall chingu, hanap tayo ng mga pwedeng bilhin don. Sabi kasi no'ng saleslady may mga new arrival sila ngayon galing pang korea." Paglalamambing niya sa kaibigan.
"Cheongmal? Pero wala na 'kong allowance eh. Napagalitan pa nga 'ko ni umma, kasi naman kinupit ko 'yung sukli sa meralco bill."
"Okay lang, kahit tingin na lang tayo doon. Gusto ko maghapon tayo don." Pangungulit niya dito.
Kinunotan naman siya nito ng noo. "Bakit gusto mong magtagal don? May pinagtataguan kaba o tinatakasan mo lang talaga si auntie?"
Natigilan naman siya sa sinabi ng kaibigan. Bigla niyang naalala si Ellifard pati na rin ang naramdaman niya sa club na 'yon. Bahagya siyang lumayo sa kaibigan.
"Chingu, umiinom kaba? O 'di kaya nag-so-smoke ka? Na-experience mo ba lahat ng 'yon?" Tanong niya sa kaibigan.
"Hindi pa no, gusto mo bang ibitin ako patiwarik ni abeoji?"
Tumango-tango siya. "Ano kayang pakiramdam na gawin mo 'yon? Masaya ba? Mas masaya ba sa tuwing pinapanood natin 'yung Bangtan boys natin?"
Tumigil naman sa paglalakad ang kaibigan niya at hinarap siya.
"Miss curious Romeliza. May balak kabang gawin 'yan at sinasabi mo sakin ang bagay na 'yan?"
Napanguso lang siya sa kaibigan saka sumandal sa posteng nandon.
"Wala, i'm just curious. May mga tao kasi akong nakikita na ganyan, parang ang saya nila kapag ginagawa 'yon. Tapos pakiramdam ko magugustuhan ka ng mga tao kapag nakita ka nila na ginagawa 'yon. Gusto ko lang ma-experi----AW!"
Napahawak siya sa noo nang pitikin siya nito. Tinignan niya ang kaibigan.
"Mwo?!"
Dinuro siya nito.
"Kahit pa tinatadtad kana ng curiousity 'wag na 'wag mong gagawin 'yan. Makuntento na tayo sa kung meron tayo, you don't need to do that just to please others. Hindi mo kailangan maging maganda sa paningin nila. Sarili natin ang masisira natin hindi sila."
Tama nga naman. Ba't ko ba kasi naisip 'yon?!
Umayos siya ng tayo saka ningitian ang kaibigan.
"Kamsa chingu!" Natutuwang sabi niya sa kaibigan. Nag-cross arm naman ito saka tinitigan siya.
"Bakit ka nga pala na-curious diyan samantalang dati wala ka namang pakialam sa ganyan. May gusto kabang patunayan sa isang tao ha? Malabo namang sila auntie 'yon dahil suportado naman nila ang gusto mo."
Umiwas siya ng tingin sa kaibigan saka hinawakan ang kamay nito.
"Tara uwi na tayo." Sabi lang niya sa kaibigan saka ito hinila.
"Romeli-----
Natigilan sila ni Marie nang may biglang humintong kotse sa harap nila. Kasunod non ay bumaba ang salaming bintana ng kotse na 'yon.
"Hop in." Utos ng lalaking 'yon mula sa loob ng kotse. Nagkatinginan sila ni Marie.
"Romeliza sabi ko pumasok kayo baka mahuli ako dito sa stop light." Sabi pa uli ng driver na 'yon. Nag-aalinlangan na binuksan niya ang pinto sa likod ng kotse nito.
"Dito ka sa harap." Malamig na utos nito. Sinenyasan naman siya ng kaibigan, sumakay si Marie sa likod samantalang siya ay binuksan ang pinto ng kotse sa harap. Pagpasok niya sa loob ay sinuot agad niya ang seatbelt. Banayad na binuga niya ang hangin habang palihim na tumitingin sa katabi.
"Anong ginawa mo kagabi don?" Tanong nito pagkaraan. Nakayukong tumingin naman siya dito.
"Saan?" Halos pabulong na sagot niya. Matiim ang tingin nito sa daan.
"Alam mo kung saan." Madiing sabi nito.
"Ah.... diyan mo na lang ako sa kabilang kanto ibaba. May pupuntahan pa 'ko eh." Sabat ni Marie na mukhang nakakaramdam ng tensyon sakanila. Mabilis niyang nilingon ito.
"Ddeo na jima.." Bulong niya dito. Sinenyasan siya nito. Ilang sandali pa ay huminto na ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
"Chingu!" Tawag niya sa kaibigan nang bubuksan na nito ang pinto.
"Ahm... tingin ko kailangan niyong mag-usap. Hyung, pakibalik na lang ng buo ang kaibigan ko ah." Sabi nito saka lumabas ng sasakyan. Nanlaki naman ang mata niya at akmang bubuksan ang katabing pinto pero naka-lock 'yon. Binalingan niya si Ellifard na muling pinaandar ang sasakyan.
"Anong ginawa mo don sa club ni Grey? Bakit ka bumalik don?" Tanong uli nito. Napanguso na lang siya.
"S-sabi mo kasi eh..." Bulong niya.
"What? Lakasan mo nga 'yung sagot mo." Mukhang naiiritang sabi nito. Pinagsiklop naman niya ang kamay sa hita.
"Inabangan kita sa baywalk pero ang tagal kong naghintay don, pauwi na 'ko non nang mag-text ka sakin sabi mo pumunta ako don. Edi pumunta ako." Sabi niya dito. Hindi pa rin maalis sa pakiramdam niya ang ginawang paghihintay dito.
"Wha----Ako?" Gulat na sabi nito. Doon na siya tumingin dito.
"Oo ikaw, bakit may iba pa bang Ellifard na magte-text sakin? Alangan naman kaluluwa mo." Nakangusong sabi niya dito. Nakita niyang natigilan ito pagkuway dumilim ang mukha.
"Fuck..." Galit na bulong nito. Nagsalubong naman ang kilay niya, hindi na lang niya ito pinansin. Tumingin siya sa labas ng bintana.
"Wala kabang pupuntahan ngayon?" Tanong nito. Umiling lang siya.
"Gusto ko ng umuwi, mag-re-review pa 'ko eh." Sagot niya. Hindi naman ito umimik. Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na sila sa subdivision nang hindi nag-iimikan. Kahit nangangalay ang leeg niya ay hindi niya inaalis ang tingin sa labas ng bintana. Ilang sandali pa ay nasa harap na sila ng bahay. Tinanggal niya ang seatbelt at akmang bubuksan na ang pinto sa tabi nang may bigla niyang naalala na may sasabihin pala siya kay Ellifard. Binalingan niya ito.
"Ah Ellifard p-pwede bang kapag nagkita uli tayo umakto na lang tayo na parang hindi magkakilala." Sabi niya dito. Nagsalubong naman ang kilay nito saka siya nilingon.
Tumikhim muna siya at muling nagsalita. "...kapag nakita kita iiwasan na lang kita o kapag nakita mo naman ako iwasan mo na lang ako." Nakangiting sabi niya dito. Tumitig lang ito sakanya.
"Tutal, hindi naman talaga tayo magkakilala eh. Just act like stranger.." Sabi niya pa. Hindi pa rin ito umiimik.
"Ha? Deal?" Nakangiting sabi niya. Nang hindi pa rin ito nagsalita ay lumabas na siya nang kotse nito saka siya pumasok sa gate nila. Napahawak siya sa dibdib saka siya sumandal sa likod ng gate. Muli siyang sumilip sa butas ng gate, nakita niyang nandon pa rin ang kotse nito. Mabilis siyang umalis sa gate at pumasok sa loob ng bahay.
"Eottoke! Umalis kana, umalis kana." Bulong niya habang papasok ng bahay. Alam naman niya na paglipas din ng ilang linggo makakalimutan niya rin ito eh. Siguro magpo-focus na lang uli siya sa Bangtan niya....
Napangiti siya sa naisip..
***----***
"IS it true? Is it true? You, you neomu areumdawo duryeowo.. Untrue Untrue. You, you, you."
"Make it fast Justin, baka may makakita satin!"
Natigilan sa pagkanta si Romeliza nang marinig ang mga bulong na 'yon. Pasimple siyang naglakad papunta sa likod ng school saka sumilip. Kumunot ang noo niya nang makita ang dalawang babae at isang lalaki. Naka-uniform pa ang mga ito, nakita niya ang hawak ng mga ito.
"Sst!" Sinitsitan niya ang mga ito. Mabilis namang bumaling ang mga ito sa direksyon niya. Mabilis na tinago ng mga ito ang hawak.
"Oi! Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na sabi ng lalaking 'yon. Lumabas naman siya sa pinagtataguan saka lumapit sa mga ito.
"Bawal 'yan dito ah!" Sabi niya sa mga ito. Nagkatinginan naman ang mga ito.
"Pero..." Sabi niya saka pilit na sinisilip ang bagay na hawak ng mga ito. "....pano niyo ginagawa 'yan?" Curious na tanong niya. Hindi niya alam kung pagdating sa isang bagay hindi siya makokuntento kung hindi niya mae-experience 'yon. Tumitig naman sakanya ang lalaki pagkuway tumaas ang sulok ng labi.
"You wanna try? Mukhang curious ka eh." Sabi nito. Tumitig naman siya mga ito saka ngumiti. Bahagya siyang yumuko sa mga ito.
"Annyeonghaseyo, ako nga pala si Romeliza. Diyan ako sa kabilang building, business ad ang course ko." Pakilala niya sa mga ito. Nilabas naman ng mga ito ang hawak.
"I'm Shaine. siya naman si Justin at ito naman si Rosette. Mga accountant kami." Sabi ng babae sakanya. Lumapit naman ang lalaking 'yon sakanya.
"Ilang taon kana?" Tanong nito sakanya.
"Nineteen..." Sagot niya. Nagtawanan naman ang mga 'to.
"So, wala ka pang na-experience sa mga ganito?" Sabi nito saka tinaas ang hawak. Napanguso naman siya.
"Tatanungin ko ba kayo kung pano gamitin 'yan kung alam ko na?"
"Aw man!" Natatawang sabi ni Shaine. Ngumisi naman 'yung Justin at pinasadahan siya ng tingin inabot nito sakanya ang hawak.
"Try it.."
Napatingin siya sa sigarilyo na hawak nito.
"Pero hindi pa 'ko handa ngayon eh. Baka malaman ni umma." Sabi niya habang nakatingin sa bagay na 'yon.
"Okay." Sabi ni Justin saka tinapon sa damo ang hawak at tinapakan 'yon. Binalingan siya nito saka nilahad sa harap niya ang kamay.
"Nice meeting you miss Romeliza." Nakangiting sabi nito habang nakatitig sakanya.
'Di naman masama kung magkakaroon pa 'ko ng kaibigan bukod kay Marie eh...'
Tinanggap niya ang palad nito saka ngumiti dito.
"Nice meeting you din Justin."