Chapter Thirteen

1711 Words
"Romeliza! Romeliza!" Napahinto siya sa paglalakad nang marinig niya ang pangalan. Lumingon siya sa tumawag sa pangalan niya. "Oh.... annyeong." Bati niya nang makita sina Shaine. Nakangiting lumapit ang mga ito sakanya. "Nag-lunch kana?" Tanong ni Rosette. Umiling siya sa mga ito. "Hindi pa eh. Actually hinahanap ko nga 'yung kaibigan ko, hindi ko alam kung nasan na." Sabi niya sa mga ito. "Oh tamang-tama sabay kana samin sa cafateria, nandon si Justin." Pero pano si Marie? Muli niyang nilibot ang paningin sa paligid. "Halika na?" Huminga siya ng malalim saka bumaling sa mga ito. "Neh." Nakangiting tumango siya sa mga ito at sabay silang pumunta sa cafeteria. Sa entrance pa lang ay natanaw agad niya si Justin, may ipagmamalaki naman sa mukha si Justin eh. Matangkad ding tao kagaya ni Ellifard. Natigilan siya nang maalala uli si Ellifard. Nakangiting umiling siya, kailangan kalimutan niya 'to. "Hi..." Nakangiting sabi ni Justin nang makita siya. Tumango siya dito saka siya umupo kasama ng mga ito. "Anong order mo? Sabay mo na sakin." Tanong sakanya ni Rosette. "Ahm 'yung dark chocolate cake nila saka frappe." Sabi niya dito. "Kami 'yon pa rin." Sabi naman ni Shaine. "Noted." Sabi nito saka tumayo. "So how are you Romeliza?" Tanong sakanya ni Justin. Ngumiti siya dito. "Ayos lang.." Sagot niya sa mga ito. Tumango-tango naman ito. Ilang sandali pa ay dumating na ang order nila. Natigilan siya nang makita ang hawak ni Justin, nilagay nito 'yon sa pagkain nito pati na rin sa inumin. Ganon din ang ginawa nila Shaine at Rosette. "Ano 'yan? Betchin?" Takang tanong niya sa mga ito. Natatawang palihim na tinago naman ni Justin ang hawak saka binalingan siya. "Something that can make you forget everything." Nakataas ang sulok na labi na sabi nito. Kumunot naman ang noo niya. "Jinjja? Pano 'yon? Bakit kailangan niyong itago? Is it drugs?" Takang tanong niya uli. Kinindatan siya ni Justin at sinabing 'wag daw siyang maingay. "Pero ba't niyo ginagawa 'yan? Hindi ba bawal din 'yan?" Tanong niya uli. Uminom muna si Justin ng tubig saka tinitigan siya. "You must try everything Romeliza. Hindi naman masama kung hindi ka sosobra eh. 'Yung tama lang..." Sabi nito saka sumandal sa upuan. "....sinasabi ko sa'yo once na masubukan mo 'to hindi mo na 'to aayawan. Being normal like others is boring miss Romeliza." Nakangising sabi nito. Napaisip naman siya sa sinabi nito. "Ayos lang naman kung susubukan mo 'to, hindi lang naman kami ang gumagamit ng ganito eh." Sabi ni Shaine saka tumingin sa paligid. "Ikaw ba? Nakakasiguro ka na hindi gumagamit ang mga nandito?" Sabi pa nito, tumingin siya sa paligid niya. "Teenager ka pa lang, at normal sating mga kabataan ang gumawa ng kakaibang bagay." Sabi naman ni Justin at tinitigan ang buong mukha niya. ".... Ikaw ba? ano bang pinagkaka-abalahan mo?" Tanong nito sakanya. Napanguso naman siya. "K-pop lover ako, palagi lang akong nasa bahay minsan 'pag galing sa school pumupunta ako sa luneta park tapos sa baywalk. Tapos puro mga favorite band ko ang pinagkakaabalahan ko. Isa na don 'yung bangtan. 'Yon lang." Nakangiting sabi niya. Nagkatinginan ang mga ito saka tumawa. "Isa ka sa mga kabataang umaasa lang sa isang bagay na imposible." Sabi ni Justin. Muling nagtawanan sila Shaine at Rosette. Napanguso na lang siya sa mga ito. "Masyado mong inuubos ang oras mo diyan. Nakakalimutan mo tuloy ang mga bagay na mas magpapasaya sa'yo." Ani pa nito. "So, you never been in the clubs? drinking alcohol, boyfriends?" Tanong ni Rosette. "Marami naman akong boyfriend eh. Si Ji chang wook, Jimin, Taecyan, G-drag---- "Oh you must stop dreaming girl." Natatawang putol ni Shaine. Mas lalong humaba ang nguso niya. "Pero.... galing na ako sa isang club. Kaya lang hindi ko nagustuhan eh, parang sinasakal ako sa ganong lugar." Sabi niya sa mga ito. Nagkatinginan naman sila Rosette at Shaine. "You have to conquer your fear Romeliza." Sabi ni Justin saka tumitig sakanya. "Talaga? Pano naman?" Excite na tanong niya, baka kapag na-conquer niya 'yon pwede na siyang pumunta-punta sa club na pinagdalhan sakanya ni Ellifard. "I will help you dear." Ngiting-ngiti na sabi ni Justin. Ngumiti siya ng maluwag sa sinabi nito. ***----*** "SAKAY na.." Napatitig si Romeliza nang makita ang big bike ni Justin. Tumingin siya sa binata. "Baka mahulog ako diyan.." Sabi niya dito. Tumawa lang ito ng mahina saka hinawakan ang braso niya papalapit dito. "Don't worry, basta humawak ka lang sakin." Matiim ang matang sabi nito. Tumingin naman siya kina Shaine. "Pano sila?" Tanong niya. "May driver kami 'wag kang mag-alala. Just enjoy the ride, mukhang hindi mo rin na-experience 'yan eh." Nakangiting sabi ni Shaine. Tumango naman siya. "Romeliza! Romeliza-ah!" Napalingon siya sa tumatawag sa pangalan niya. Natigilan siya nang makita si Marie, mabilis itong lumapit sakanya. "Mianhae, nagbabad kasi ako sa library kailangan kong mag-back read sa nabagsak kong exam." Sabi nito. Ngumiti lang siya dito. "Ayos lang susunduin kaba ng boyfriend mo?" Tanong niya sa kaibigan. Tumango ito. "Neh." Sabi nito saka ito napatingin sa likuran nila. "Bakit kasama mo 'yan?" Bulong sakanya. "Ah...oo nga pala. Sila 'yung bagong kaibigan ko chingu." Sabi niya dito saka bahagyang tumabi. "Hi guys, si Marie kaibigan ko." Kumunot naman ang noo ni Marie saka binalingan siya. "Bakit sumasama ka sakanila?" Bulong nito. "Wala namang masama 'diba?" Takang tanong niya sa kaibigan. Hinawakan nito ang braso niya saka nilayo siya kina Justin. "Hindi mo pa kilala ang mga 'yan Romeliza." Gigil na bulong ni Marie. Kumunot ang noo niya. "Anong 'di kilala? Kilala ko na nga sila eh, si Justin, si Shain---- "That's not what I mean!" Gigil na sabi nito. "....umiwas ka sakanila. They are bad influence, alam mo bang girlfriend ni Justin 'yang dalawa baka mamaya mapabilang ka sa mga 'yan eh. Mas gugustuhin ko pang kasama mo si Ellifard kesa sa mga 'yan." Napanguso naman siya. "Mas malala nga 'yong lalaking 'yon eh." Sabi niya saka ningitian ang kaibigan. "Akong bahala sa sarili ko chingu, don't worry." Sabi niya saka tinalikuran ito. "Romeliza! Romeliza!" Sigaw nito sa pangalan niya. Hindi niya pinansin ang kaibigan. Ningitian niya si Justin. "Halika na." Aya niya, inalalayan naman siya nito na sumakay. Napahawak siya sa uniform nito, bahagya siyang binalingan ni Justin. "Kumapit ka lang sa uniform ko." Nakangiting sabi nito, nakangiting tumango siya dito. Ngunit nabura ang ngiti na 'yon nang may humarang sa daan nila. "Ellifard...." Bulong niya nang makilala ang binata. "Sino ka naman?" Nagtatakang tanong ni Justin. Malamig ang expression ng mukha nito habang nakatingin sakanya. "Bumaba ka diyan." Matigas na utos nito habang may talim ang tingin sakanya. Umiwas naman siya ng tingin dito. "Kilala mo?" Tanong ni Justin. Tumingin siya dito saka siya huminga ng malalim. "Hindi ko kilala 'yan eh." Sabi niya dito saka siya tumingin kay Ellifard na nagsalubong na ang kilay. "Bumaba ka diyan kung ayaw mong kaladkarin kita." Matigas ang tinig na sabi nito. Hindi. Hindi niya ito kilala para utusan siya ng ganon lang. "Hindi kita kilala kaya umalis ka sa daanan namin." Sabi niya dito. Nakita niya ang pagkaka-kuyom ng kamao nito. Binuhay naman ni Justin ang makina ng big bike pero hindi pa rin umaalis sa gitna si Ellifard. "Romeliza.." Matigas na bigkas nito sa pangalan niya. "Tutuloy paba tayo?" Tanong ni Justin. "Who do you think you are?" Inis na sabi niya kay Ellifard. Nakita niyang natigilan ito sa sinabi niya. "Pwede ba? 'Wag kang umasta na parang magkakilala tayo, ni hindi nga kita ka ano-ano eh." Mataray na sabi niya saka yumakap sa bewang ni Justin. Nakita niyang napatingin ito doon. Nilapit niya ang bibig sa tenga ni Justin. "Pwede bang sa gilid tayo dumaan? Hayaan mo siya." Bulong niya dito saka siya umayos ng upo. "Sure..." Pinaandar nito ang big bike saka bumwelo para sa gilid sila makadaan. Nanatiling nakatayo sa gitna si Ellifard, buti naman at hinayaan siya nito. "That's cool.." Natatawang sabi ni Justin habang nagda-drive. Napanguso lang siya dito. "Kinabahan nga 'ko eh. Halos gusto ko ng tumakbo no'ng makita ko siya." Sabi niya dito. Napapansin niya na kung anong sabihin ni Ellifard napapasunod na lang siya. Oh baka talagang uto-uto siya? "Boyfriend mo ba?" Umiling siya. "Hindi no, hindi ko 'yan kilala." Tumango naman si Justin at mabilis na pinaandar ang big bike. Napakapit na lang siya dito. ***----*** "BAKIT 'di ko siya ma-contact?" Muling tinawagan ni Romeliza ang numero ni Marie pero puro out of coverage lang ito. Nakangusong nilapag niya ang cellphone sa kama. "Siguro kasama na naman niya boyfriend niya." Bulong niya habang nakatingin sa balkonahe. Muli niyang naalala ang ginawa nila ni Justin, infareness masarap din palang sumakay sa mga big bike. Hindi naman pala nakakatakot, bukod don mabait sakanya si Justin. Natutuwa pa nga siyang kausap 'yon eh. Unlike Ellifard. Huminga siya ng malalim nang maalala uli ang binata. Natigilan siya nang marinig na mag-beep ang cellphone niya. Dinampot niya 'yon. 'Tulog kana?' Napangiti siya nang mabasa ang message ni Justin. Mabilis siyang nag-reply sa text nito. 'Nagpapa-antok na lang ako. Ikaw?' Ilang minuto lang siguro ang hinintay niya nang mag-reply agad ito. 'Maya-maya na masyado pang maaga. By the way, can I invite you tomorrow night?' Kunot naman ang noo na ni-replyan niya ito. 'San naman?' Sumampa na siya sa kama saka nahiga. 'You will see... sigurado ako na magugustuhan mo rin doon.' Napangiti siya sa nabasa. 'Sige, bukas ng gabi. Matutulog na pala ako baka umakyat na si umma at silipin ako. Goodnight Justin, salamat nga pala kanina. Nag-enjoy ako.' Nilapag niya na ang cellphone sa tabing mesa saka nagkumot. Muli niyang narinig ang pag-beep ng cellphone. Dinampot niya uli 'yon at binasa ang message. 'Welcome, sweetdreams...' Nakangiting nilapag niya 'yon sa mesa. Umupo muna siya at tahimik na nagdasal pagkuway bumalik sa pagkakahiga. Hindi pa siya nakakapikit ng maigi nang marinig niyang may nagpupumilit na buksan ang pinto sa balkonahe niya. Mahigpit niyang niyakap ang teddy bear niya. 'Buti na lang ni-lock 'yon, alam ko kasi na darating na naman siya...' Hindi siya gumalaw, nakatalikod siya sa gawi ng balkonahe kaya kahit sumilip ito ay hindi nito makikita na gising siya. "Romeliza open this..." Bulong ng boses na 'yon. Napasimangot siya. 'Ba't ko gagawin 'yon? Bahala ka diyan..' Pumikit siya ng mariin at hindi pinansin ang binata....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD