Chapter Fourteen

2583 Words
Panay ang linga ni Romeliza sa buong paligid, tinignan niya ang mama niya na nasa kusina. Abala ito sa paghuhugas ng pinggan, sinilip niya ang orasan na nasa dingding. Alas-syete na ng gabi, dahan-dahan siyang humakbang papunta sa pinto at binuksan 'yon. Ilang sandali pa ay payuko-yuko siya habang palapit sa gate. Narinig niya ang malakas na tunog na 'yon na nagmumula sa garahe nila. Tingin niya ay nandon ang kuya niya at inaayos ang sasakyan nila. Kagat niya ang ibabang labi habang papalapit sa gate. Nang makarating siya don ay mabilis siyang lumabas saka tumingin sa bahay nila. "Mianhe umma, babalik din po agad." Bulong niya saka nagmamadaling tumakbo palayo doon. Nag-aabang sila sa Justin sa labas ng subdivision. Inayos niya ang sarili habang naglalakad palabas ng subdivision nila. Samu't-sari ang nararamdaman niya dahil ngayon niya lang ginawa ang mga bagay na 'to. Pero sabi nga ni Justin sakanya, 'wag daw siyang matakot kung ano man ang gawin niya. "Oh Romeliza? Sa'n ka pupunta?" Takang tanong ng guard ng subdivision. "Ahm..." Naglumikot ang mata niya. "....s-sa grocery lang ho, 'wag po kayong mag-alala before nine nandito na po ako." Nakangiting sabi niya. "Oh ganon ba, o sige. Ingat kana lang diyan, madaming maloko ngayon. Noong nakaraan nga nanakawan 'yong grocery diyan sa malapit eh. Buti na lang at walang napahamak." Napangiti na lang siya sa sinabi nito. 'Tinulungan kasi kami ni Ellifard...' Yumuko siya kay manong guard. "Sige ho, dito na 'ko." Tinalikuran niya na ito saka siya naglakad sa tabi ng kalsada. Natanaw naman niya sa malayo ang big bike ni Justin. Kumaway ito sakanya, napabilis naman ang paghakbang niya papalapit sa mga ito. Nakita niyang may dala ring big bike sila Shaine. "San tayo pupunta?" Tanong niya sa mga ito. Tinignan naman siya ni Rosette mula ulo hanggang paa. "Don't tell me na 'yan ang suot mo?" Natatawang sabi nito. Tumingin naman siya sa suot, puting blusa na close neck at palda na hanggang ibaba ng tuhod niya. Nakasuot din siya ng dolly shoes. "Okay naman 'tong suot ko ah?" Takang sabi niya sa mga ito. "Sa tingin ko kailangan mo muna ng make-over." Sabi ni Shaine. "Gumilid kana lang upo.." Sabi naman sakanya ni Justin. Tumango naman siya dito saka siya sumampa sa likod nito. Humawak naman siya sa balikat nito. Nakita niyang sumakay na rin si Rosette sa likod ni Shaine. 'Ang galing alam nila mag-drive...' Napangiti na lang siya nang umandar na ang sinasakyan niya. Napapikit na lang siya habang sinasamyo ang sariwang hangin. 'Si Ellifard kaya? Magaling din mag-drive nito? Siguro sinasakay niya rin 'yung girlfriend niya.' Huminga siya ng malalim nang maalala niya ito. Kahit sila Justin ang kasama niya palagi pa ring lumilitaw sa isip niya si Ellifard. Mariin niyang pinikit ang mga mata. 'Hindi maganda kung palagi kong iisipin ang lalaking 'yon...' ***----*** "WOW, you look great." Naiilang na tinignan ni Romeliza sarili sa salamin. Isang mini-black dress ang pinasuot sakanya nila Shaine at Rosette. Hapit 'yon sa katawan niya at kita ang cleavage niya. Cup D's ang ipinatong ng mga ito sa suot niyang push bra kaya parang nagmukhang malaki 'yon. Alam niya kasi flat siya. She felt uneasy. "Hey dagdagan natin ang lipstick mo." Sabi ni Rosette at nilagyan ang labi niya ng pulang lipstick. Inayos pa nito ang buhok niya na kinulutan sa dulo. Bahagya niyang hinila pababa ang laylayan ng dress. "Kailangan ba talaga ganito 'yung suot?" Takang tanong niya kay Rosette. "Yup..." Sagot naman ni Shaine, napatingin siya dala nitong stilletoe. Lumapit ito sakanya at bahagyang lumuhod sa sahig. "A-ano 'yan?" Takang tanong niya dito. "Partner ng dress mo. Suotin mo na." Sabi nito, naiilang na sinuot niya 'yon. "T-teka? Eh... b-baka naman mahulog ako dito. Ang taas ng takong eh." Sabi niya dito. Hanggang sa mai-suot na nito 'yon sakanya, napahawak siya kay Rosette na nasa tabi niya. "Yan! Perfect." Nakangiting sabi ni Shaine at hinagod ng tingin ang suot niya. "She look seductive, i'm sure na mas lalo siyang magugustuhan ni Justin." Narinig niyang bulong ni Rosette kay Shaine. Ningitian siya ni Shaine. "Halika na don't worry masasanay ka rin diyan. Hindi naman ganon kataas 'yan eh..." Aya ng mga ito sakanya. Sumunod naman siya sa mga ito. "Justin!" Tawag ni Shaine sa binata habang papunta sila sa hagdan. Nakita niyang natigilan si Justin nang makita siya. "Wow..." Natutuwang tinignan nito ang kabuuan niya. Bigla naman siyang nakaramdam ng hiya. Inalalayan siya nila Shaine pababa ng hagdan. Tinaas niya ang damit dahil bumababa 'yon, natatakot siya na baka biglang lumuwa 'yon. "You ready?" Tanong sakanya ni Justin. Huminga siya ng malalim saka tumango dito. Nilahad nito sa harap niya ang kamay, tinanggap naman niya 'yon. 'Wala ng atrasan 'to kung saan man nila ako dadalhin...' ***----*** "HEY dude!" Napatingin si Romeliza sa lalaking sumalubong sakanila. Tinapik nito sa balikat si Justin pagkuwa'y tumingin sa direksyon niya. "Bago mo?" Tanong dito nang lalaking 'yon. Hindi na niya narinig ang sinagot ni Justin dahil biglang umalingangaw ang tugtog na 'yon. Lumapit naman uli sakanya si Justin at hinawakan ang braso niya. "Halik pumasok tayo sa loob." Bulong nito sakanya. Pumisil naman ang palad niya sa braso nito habang papasok sila sa loob. Naroon na naman ang pakiramdam na parang naninikip ang dibdib niya. "Hey don't worry, you will be alright." Bulong sakanya ni Justin. Hinanap naman niya sila Shaine at Rosette pero hindi niya makita ang mga ito. Bigla na lang kasing humiwalay ang mga ito sakanila pagkapasok pa lang nila sa club. "Dito ka muna ha? Kukuha lang ako ng drinks." Sabi sakanya ni Justin saka siya inalalayang umupo sa mataas na upuan. Tumango naman siya dito habang pinapanood niya ang mga sumasayaw sa gitna ng dance floor. "Bumalik ka agad ah.." Isa-isa niyang tinignan ang buong paligid, maging ang mga waitress na nagse-serve ng mga alak sa bawat mesa. Huminga siya ng malalim para mapayapa ang loob niya. 'Conquer your fear Romeliza...' Yun ang palaging umuukil sa isip niya. "Oh.... hi." Napatingala siya sa taong humarang sa pinapanood niya. "Do I know you?" Tanong ng matangkad na lalaki sakanya. Umiling naman siya dito at tumitig sa singkit nitong mata. "Hindi po eh... sino kaba?" Tanong niya dito saka kumurap-kurap, para kasing may kakaiba sa mukha nito na masarap titigan ng matagal. Hinagod naman nito ng tingin ang buong mukha niya saka tumango-tango. "I'm Delifico. Nice meeting you miss." Pakilala nito. Ngumiti naman siya dito. "Ako po si Romeliza.." Ngumiti naman ito, napatitig na lang siya sa singkit na mata nito. "...Oh I have to go. May pupuntahan pa 'ko eh." Tumango naman siya dito. Hinabol na lang niya ito ng tingin, nakita niyang kinuha nito ang cellphone at mukhang may tinatawagan. Muli niyang tinuon ang tingin sa gitna ng dance floor. Napapangiti siya dahil habang tumatagal ay nagiging komportable siya. Idagdag pa na nagugustuhan niya ang pinatutugtog ng DJ. "Maam drinks?" Alok ng waiter sakanya. "Ah... may tubig po kayo?" Sabi niya dito. "Meron po... here." Sabi nito na kinuha ang isang baso sa tray na dala nito at nilapag sa harap niya. "Kamsa..." Nakangiting sabi niya dito saka dinampot ang baso. Uminom naman siya ng tubig. "Nainip kaba?" Napalingon siya sa bagong dating. Umupo sa katapat niyang upuan si Justin, may nakaipit na sigarilyo sa pagitan ng daliri nito. Nilapag niya ang basong tubig. "Alak 'yan?" Tanong niya kay Justin. Tumaas lang ang sulok ng labi nito saka humithit ng sigarilyo. Pinanood niya lang ito. "Hey you wanna dance with me?" Nakataas ang sulok na sabi ni Justin. Ngumiti naman siya saka tumango, bumaba naman ito sa upuan at nilapitan siya. Bumaba na rin siya sa upuan at nagpahila dito papunta sa gitna ng dance floor. Halos masagi pa siya ng mga sumasayaw doon. Napaigtad siya nang hawakan ni Justin ang magkabilang bewang niya. "Relax..." Matiim ang tingin na sabi nito sakanya. Naamoy niya sa hangin na lumalabas sa bibig nito ang amoy ng sigarilyo at alak. Lumapit ito sa katawan niya. "Ah... ano, J-justin." Bulong niya kasabay ng pag-iinit ng mukha. Bigla siyang nailang dahil sa sobrang lapit ng katawan nito. "Masasanay ka rin kung palagi mo 'tong gagawin Romeliza." Malalim ang tinig na sabi nito sakanya. Napatingala siya dito, umatras siya ng isang beses nang mapansin niyang unti-unti nitong nilalapit ang mukha sakanya. Hinawakan niya ang dibdib nito at bahagyang tinulak. Ngunit mas lalo lang nitong hinapit ang bewang niya. Napangiwi siya nang maramdaman ang labi nito sa pisngi niya. 'Omo! Omo! Omo!' Napatalon siya nang bigla itong humiwalay sakanya kasabay ng hiyawan sa paligid niya. Napahawak siya sa bibig nang makitang nakahandusay sa sahig si Justin. "Oh my God.." Usal niya. "Gago ka!" Napatingin siya sa lalaking nakatalikod sa gawi niya. Hinatak nito sa kwelyo si Justin at pa ulit-ulit na sinuntok sa mukha. Hindi naman niya kilala kung sino ang lalaking 'yon dahil nakatalikod ito sa gawi niya. "S-sandali bitawan mo si--- Hindi niya natuloy ang sasabihin nang may humawak sa braso niya. Napalingon naman siya sa taong 'yon "Halika lumabas na tayo dito." Sabi ng lalaki sakanya at saka hinila siya. "S-sandali.... ay.. anong ginagawa mo dito Serionifo?" Takang tanong niya sa lalaki pero hinihila lang siya nito palabas ng club. "Sandali! Si Justin baka anong gawin sakanya no'ng lalaki!" Pilit niyang hinihila ang braso mula dito. May sumalubong naman sakanilang dalawang kalalakihan na mukhang pamilyar sakanya. "Si Ellifard?" Tanong nito kay Serionifo. "Ellifard? Nandito siya?" Takang tanong niya dito. "Nasa loob Grey, bilisan niyo at baka mapatay niya si Justin." Sabi ni Serionifo. Teka? Siya 'yung lalaking 'yon? "Ah... sandali!" Sabi niya nang hilahin na naman nito. Natanaw niya ang van na itim sa dikalayuan. Nakita niya ang dalawang lalaki na nakasandal doon. Kilala niya ang isa, ito 'yung nagpakilala sakanya kanina eh. "Pumasok ka sa loob bilis!" Sabi ni Serionifo. Binalingan naman niya ito. "Teka? Ano ba kasing ginagawa niyo dito?" Takang tanong niya dito. Hinubad naman ni Serionifo ang jacket at binalot sa katawan niya. "Sa tigas ng ulo mo mapapahamak ka eh." Sabi nito at halos itulak siya papasok sa loob ng van. Sumunod naman siya, umatras siya sa dulo. Isinara naman ni Serionifo ang pinto ng van habang siya ay mag-isa sa loob. Naguguluhang tumingin siya kina Serionifo, nag-uusap ang mga ito sa labas ng van habang lumilingon sa direksyon ng club. "Ano ba naman 'to ayaw naman nila akong pansinin eh, kinakabahan tuloy ako." Usal niya saka tumingin sa club na 'yon. Lumabas mula sa loob non ang tatlong matangkad na lalaki. Nanlaki ang mata niya nang makilala niya ang isa sa mga 'yon. "Anong ginagawa niya dito...." Bulong niya saka bahagyang yumuko nang papalapit na ang mga ito sakanila. Hindi siya tumingin sa pinto ng van nang bumukas 'yon. 'Omo.... eottoke.' Halos mag-rambulan ang mga daga sa sikmura niya nang tumabi sakanya si Ellifard. Ang iba naman ay sumakay sa likod ng van at ang iba ay sa harap. Bale silang dalawa lang ni Ellifard ang magkatabi. Naramdaman niya ang panginginig ng katawan lalo't naririnig niya ang pagtaas-baba ng dibdib ng katabi. Nasisilip rin niya ang kuyom ng kamao nito na may sugat. "f**k!" Galit na sabi nito at saka sinuntok ang sariling hita. Bahagya pa siyang umatras palayo dito. "Calm down Ellifard..." Sabi ng isang lalaki na nasa harapan. "Paano ako kakalma Grey kung...." Hindi nito natuloy ang sasabihin, malakas na tinadyakan lang nito ang trash can na nasa harap nila. "Tangina.." Gigil na bulong nito. Nararamdaman niya ang galit sa katawan nito kaya hindi niya magawang umimik. "Iuwi muna natin si Miss Tan sakanila Maxeau." Sabi no'ng Grey sa katabi nito. "Hindi, ihatid niyo kami sa condo ko." Matiim na sabi ng katabi niya. Doon siya nag-angat ng tingin. "I-ihatid niyo na lang ako pauwi." Halos pabulong niya. "Hindi ka uuwi..." Matigas na sabi ng katabi niya. Umirap na lang siya sa hangin pero hindi na siya umimik. "Ano? Saan ba Grey?" Tanong no'ng Maxeau habang nagmamaneho. "Sa condo ko Maxeau.." Hindi naman umimik ang nasa driver seat. Mas lalong nanlamig ang palad niya. Ilang sandali pa ang lumipas ay naramdaman niyang huminto na ang van na sinasakyan niya. Mula sa gilid ng mata ay nakita niyang bumaba ang katabi niya. "Bumaba ka Romeliza." Sabi sakanya ni Ellifard. Hindi naman siya gumalaw sa kinauupuan. "Bababa ka o hihilahin pa kita?" Madiing sabi nito sakanya. "Tsk Ellifard... just let her go. Bukas mo na siya kausapin, kumalma ka muna ngayon." Sabi ni Grey. Ngunit hindi nakinig si Ellifard, hinawakan nito ang braso niya. "Apayo! Eto na nga 'diba?!" Inis na sabi niya habang pababa ng Van. Muli na naman siya nitong hinila papasok sa building na 'yon. Mas lalong tinambol ng kaba ang dibdib niya. "S-sandali Ellifard ano ba kasing gagawin natin diyan?" Kinakabahang sabi niya dito, hinila na siya nito papasok sa elevator. "You want some experience right? I will give that to you, hindi 'yung hahanap kapa sa ibang tao." Galit na sabi nito sakanya nang nasa loob na sila ng elevator. Ilang minuto lang ay tumunog na ang elevator. "E-ellifard..." Tawag niya sa pangalan nito nang hilahin uli siya nito palabas. Tumapat sila sa isang pinto, pinindot naman ni Ellifard ang password. Hinawakan niya ang kamay nito. "Ellifard uuwi na 'ko..." Halos pagmamakaawa niya dito pero hindi siya nito pinakinggan. Nang bumukas na ang pinto ng condo nito ay hinila siya nitong muli papasok. Sinara ni Ellifard ang pinto gamit ang isang paa nito. Humihigpit ang hawak niya sa kamay ng binata nang dalhin siya nito sa isang kwarto. "S-sandali Ellifard..." Napatili siya nang bigla siya nitong itulak paupo sa kama. "T-teka! S-sandali... Ellifard 'wag!" Tili niya nang tanggalin nito ang jacket na nakabalot sakanyang katawan pagkuwa'y tumalikod ito at lumabas ng kwarto. Nanginig naman ang katawan niya. Hindi nagtagal ay muling pumasok sa kwarto si Ellifard. Napatingin siya sa bitbit nito. "Gusto mong ma-experience kung paano 'to 'diba?" Malamig na sabi nito saka humithit ng sigarilyo at sinundan ng pag-inom ng alak. Nanlaki ang mata niya nang bigla siya nitong itulak pahiga sa kama at kargahin paitaas sa headboard. "S-sandali----Hmmmp!" Nanlaki ang mata niya nang sakupin nito ang labi niya. Naramdaman niya ang likido na pinasa nito sa loob ng bibig niya kasabay ng makapal na usok na lumabas sa pagitan ng labi nilang dalawa. Napangiwi siya nang malasahan ang mapait na 'yon. She cough hard. Hawak ang dibdib na tumagilid siya ng higa habang patuloy ang pag-ubo niya. Hinawakan nito ang magkabilang braso niya at itinahaya siya ng higa. "I'm not done." Malalim ang tinig na anas nito at muling sinakop ang labi niya. Nakaawang ang labi niya kaya naramdaman niya ang pag-galugad ng dila nito sa loob ng bibig niya. Naramdaman niya pa ang hikaw sa dila nito at ang natitira pang pait ng alak. Nakadagan ito sakanya habang hawak ang magkabilang pisngi niya, kaya gustuhin man niyang gumalaw ay hindi niya magawa. Napahikbi na lang siya sa ginagawa nito. Unti-unti itong tumigil sa paghalik sakanya. Bahagyang lumakas ang hikbi niya... "f**k!" Bulong nito at lumayo sakanya. Tumagilid siya ng higa habang yakap ang sarili. "I will punish if you would do that again Romeliza. Kung experience naman pala ang gusto mo andito naman ako para ibigay sayo 'yon." Matalim na sabi nito saka lumabas ng kwarto. Humihikbing tumingin siya sa pintong nilabasan nito. Pinunasan niya ang luha. She lick her lower lips. Napangiwi siya nang may malasahan pa siyang alak na sumabay pa sa lipstick niya. Muli siyang humikbi. "Ang pangit ng lasa...."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD