Chapter Fifteen

2622 Words
"Oh suotin mo muna 'yan." Napatingin si Romeliza sa hawak ni Ellifard. Kinuha niya 'yon mula sa kamay nito. Isang boxer short at puting t-shirt na malaki ang binigay nito. "Bilisan mo magbihis kana. Bukas na lang kita ihahatid sainyo." Sabi nito sakanya. Tahimik na bumaba naman siya ng kama saka pumunta sa banyo. "Sandali, nasaan ang mga gamit mo?" Tanong nito sakanya. Binalingan niya ito. "Na kina Shaine, doon niya 'ko binihisan eh." Sagot niya dito. "Tsk tsk..." Palatak nito na humawak pa sa bridge ng ilong nito. Pumasok na lang siya sa banyo saka sinara 'yon. Tinignan niya ang sarili sa salaming nandon. Nagkalat ang lipstick sa labi niya, maging ang mascara at eyeshadow ay nagkalat din sa ilalim ng kanyang mata. Binuksan niya ang gripo saka naghilamos pagkatapos non ay hinubad na niya ang mga damit. binuksan niya ang shower at tinapad ang katawan sa ilalim non. Iniiwasan niyang mabasa ang buhok niya. Muling pumasok sa isip niya ang ginawang katangahan kanina. "Wag kang magbabad masyado sa tubig gabi na." Narinig niyang sabi ni Ellifard sa labas. Mabilis naman niyang tinapos ang paglilinis ng katawan. Ilang sandali pa ay lumabas na siya ng banyo nito. Patay ang ilaw sa labas kaya hindi na niya pinatay ang ilaw sa banyo para magkaroon kahit papano ng liwanag. Hindi naman niya nakita doon si Ellifard. Humakbang siya papunta sa paanan ng kama, nakita niya si Ellifard na nasa labas ng teresa nito. Naamoy niya ang usok ng sigarilyo sa hangin kaya umupo na lang siya sa kama. "Tapos kana?" Napaigtad pa siya nang marinig ang tinig ni Ellifard. Lumapit ito papunta sa harapan niya. "Now, can you tell me what are you doing in that place?" Malamig na tanong nito sakanya. Napayuko naman siya. "Pwede bang matulog muna ako?" Sabi niya dito. "I want your answer now Romeliza." Hindi siya umimik, pinagsiklop niya ang mga kamay sa hita. Narinig niyang bumuga ito ng hangin. Napatingala siya sa mukha nito nang hawakan nito ang kamay niya. Hindi siya umimik nang hilahin siya nito patayo. Ito ang umupo sa paanan ng kama. "Halika nga dito..." Masuyong sabi nito at hinila siya paupo sa hita nito. "Don't do that again okay?" Sabi nito sakanya. "G-gusto ko lang naman ma-exper---- "Masaya ba?" Putol nito. Naalala niya ang ginawa nito kanina. Umiling siya dito. "Curiousity kills the cat, so next time kapag may isang bagay ka na gustong maranasan na alam mo namang hindi maganda 'wag mo ng subukan maliwanag ba? Hindi ka lumaki sa ganon Romeliza. Madi-dissapoint mo lang ang pamilya mo." Napanguso naman siya. "Oo, 'di na mauulit." "Talagang hindi na mauulit." Sabi pa nito. Bigla tuloy niyang naalala ang sermon sakanya ni Marie. Hindi siya nakinig sa kaibigan, gusto lang naman niya na magawa 'yong mga bagay na ginagawa din ng ibang kagaya niya. Napapiksi siya nang hawak ng binata ang isa niyang hita, bahagya nitong inangat ang hita niya at paharap na pina-upo siya nito. Nakaramdam siya ng pagka-ilang sa pwesto nila, lalo't pa't nararamdaman niya ang bagay na 'yon sa pagitan niya. "Did he kiss you?" Bulong nito sakanya. Tumingin siya sa mukha ni Ellifard. "Nino?" "Si Justin.." Matalim na sabi nito. Umiling siya. "Hindi.." Sagot niya saka tinuro ang pisngi. "...dito niya lang ako nihalikan oh." Tumaas naman ang sulok ng labi nito at hinaplos ang pisngi niya. "Good.." Bumaba ang kamay nito sa magkabilang bewang niya. "Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo kahapon. Pati na rin ang kaibigan mo, sinabi niya na nagulat siya sa ginawa mo." Malamig na sabi nito. Bigla siyang nakonsensya nang maalala ang kaibigan. "Sorry na... nadala lang naman ako sa sinabi nila Justin sakin eh." Huminga ito ng malalim at hinaplos ang isang pisngi niya. "Kaya nga sa susunod, kung sino man ang mag-aya sa'yo 'wag kang papayag maliwanag ba?" Napatitig siya sa binata. "..Eh bakit ikaw? Si Christina? Bakit hinahayaan mo siya na gawin 'yon?" Sabi niya dito. Nakita niyang natigilan ito. Natawa ito ng mahina. "Malaki ang pagkakaiba niyo ni Christina. At iba ka sa lahat tandaan mo 'yan." Napanguso naman siya. "Ano ako?! Alie--- Nanlaki ang mata niya nang sakupin nito ang labi niya. Napadiin ang hawak niya sa balikat nito. Ilang beses siyang kumurap habang pilit na hinahanap sa sarili ang tamang gawin niya. Unti-unti niyang pinulupot ang mga braso sa leeg nito at banayad na sinabayan ang galaw ng labi ni Ellifard. Napapikit siya ng mariin nang mas lalo siyang hapitin ng binata papalapit sa katawan nito. Bahagya siyang lumayo dito nang maglakbay ang isang kamay nito sa loob ng suot niyang t-shirt habang ang isang kamay nito ay sa kanyang hita. "Ellifard..." Anas niya, lumukob ang isang kamay nito sa isa niyang dibdib na natatakpan pa ng bra. Sandali itong tumigil sa paghalik sakanya. "Sandali." Anito saka itinaas ang t-shirt niya. Tinanggal nito ang hook sa harap ng suot niyang bra. "Ellifard!" "Sinong nagpa-suot nito sayo?" Takang tanong nito. Tinanggal nito ang pagkakatali ng push bra niya sa harap. Niyakap niya ang dibdib. "S-sila... Shaine." Namumula ang mukhang sabi niya dito. Pinatungan pa naman nila Shaine ng bra na hindi niya size ang suot niyang push bra. "Tsk!" Palatak nito ibinaba ang t-shirt niya. "They are bad influence Romeliza, next time be more careful. Mas magandang mabaliw na lang kayo diyan sa k-pop niyo kaysa masira lang ang buhay niyo." Sermon naman nito. Napangiti na lang siya dito. "Oo na.." Ngumiti ito at muling kinabig ang batok niya. Agad naman niyang tinugon ang halik nito, halos hindi siya makalayo kahit ilang minuto dito dahil sa tuwing gagawin niya 'yon lalo lang dumidiin ang halik nito. "Hmmm..." Napaungol siya nang lumukob ang isang kamay nito sa isang dibdib niya. Nakaramdam siya ng kiliti sa ginawa nito. Ang init na nararamdaman niya ay lalong tumindi dahil sa ginagawa nito. Tinanggal na nito ang kamay sa dibdib niya at humaplos 'yon pababa sa pang-upo niya. "Ellifard!" Gulat na sabi niya sa loob ng bibig nito nang dumiin ang bahaging 'yon nang katawan nila. "I like your butt.." Nakataas ang sulok ng labi na sabi nito at hinaplos ang pang-upo niya at muling ididiin sa katawan nito. Nakagat niya ang ibabang labi habang pumipisil ang kanyang palad sa balikat nito. Naramdaman niya ang pamumuo ng init sa ibabang bahagi ng katawan niya. Inihiga siya nito sa kama at binalutan ng kumot ang katawan niya. "Matulog kana, anong oras na." Sabi nito saka tinaas ang kumot papunta sa leeg niya. Hinalikan muna nito ang labi niya at saka bumaba sa kama. "Saan ka pupunta?" Tanong niya dito. "Sa c.r lang." Sabi nito saka pumasok sa banyo. Umayos na lang siya ng higa saka pumikit, nakakaramdam na siya nang antok nang maramdaman niyang gumalaw ang kama sa likuran niya. Hindi na siya nag-abalang dumilat dahil namimigat na ang talukap niya. Ang huli niyang natandaan ay ang pagyakap ng matigas na braso na 'yon sa katawan niya... ***----*** "HMM, ayoko niyan!" Nilapag naman ni Ellifard ang honey syrup at binalingan siya. "Masarap 'to kapag nilalagay sa ibabaw ng pancake." Sabi nito sakanya, umiling siya habang panay ang kain ng binalatang orange. "May nutela ka? 'Yun na lang ilagay mo sa ibabaw, masyado kasing matamis 'yan eh," Sabi niya na hindi tumitingin kay Ellifard. "Wow, so what do you think to Nutela? Sour." Sarcastic na sabi nito. Tumingin naman siya dito at ningitian ito. Umiling lang ito saka tumalikod. Bumaba na rin siya sa upuan at tinapon sa trash can ang mga balat ng orange. Panaka-naka ay sinisilip niya ito. 'Ang ganda ng katawan niya...' Bulong niya nang makita ang malapad na balikat nito. Hindi naman ganon kalaki ang katawan nito, lalaking-lalaking ang tindig ni Ellifard. Maganda nga 'yon dahil hindi niya gusto ang mga masyadong malaki na katawan, 'yon bang dahil sa dami ng abs nagmumukha ng creepy. Bigla na lang niyang naalala ang hikaw sa dila ni Ellifard. "Masakit ba magpahikaw sa dila Ellifard?" Tanong niya dito. "Bakit mo natanong?" Sabi nito habang nagpe-prepare ng breakfast niya. "Hmmm... kasi--- Nilingon siya nito. "Kasi ano?" Napanguso na lang siya sa matiim na tanong nito. "Tinatanong ko lang naman, wala akong balak magpalagay no." Lumapit na ito sa mesa habang dala ang isang pinggan. Bigla siyang nagutom nang makita niya ang pancake na may nutela sa ibabaw. Nilapag nito 'yon sa harap niya. "Good. Dahil ako ang hihila diyan sa dila mo." Sabi pa nito. Ngumiti lang siya at inumpisahan ng kainin ang pancake na hinanda nito, muli siyang napatingin kay Ellifard na papunta naman sa refrigerator. Kumunot ang noo niya nang makita ang infinite tattoo sa obliques nito. "Daebak! May tattoo ka pala diyan?" Natutuwang sabi niya habang nakasalpak sa bibig ang kutsara. Kinuha naman ng binata ang pitsel at isang baso pagkatapos ay nilapag sa harap nila. "Anong ibig sabihin niyan Ellifard? Usually kasi sa mga nagpapa-tattoo may meaning para sakanila kapag nagpapalagay sila. O baka naman pabibo ka lang?" Natawa naman ito ng mahina. "Freedom..." Sabi nito saka tinignan siya. "...malaya ka sa lahat ng bagay na gusto mong gawin. 'Yon ang iniisip ko noon nang magpalagay ako ng ganito." Napanguso naman siya. "Eh ba't ako hindi pwede? Mas mahigpit kapa kay Abeoji." Binulong niya ang huling sinabi. "Hindi mo pwedeng basta na lang gawin ang isang bagay lalo't hindi ka naman nasanay sa ganon." Tumingin siya sa mata nito. "Eh gusto ko naman lahat eh. Sabi mo nga malaya kang gawin ang gusto mo, madali namang matutunan 'yon diba?" Tumiim ang tingin nito sakanya. "Sige, gusto mo bang gawin natin uli ang ginawa ko sayo kagabi?" Malamig na tanong nito. 'Yung alak?' Muli siyang napangiwi dahil naalala niya ang lasa non sa dila niya. "Ayoko, pero doon sa club ang saya pala. Nag-enjoy ako sa mga sumasayaw." Natutuwang sabi niya at unti-unting lumitaw sa isip niya ang mga taong 'yon. "Turn up! Turn up! Let's go party!" Natatawang sabi niya habang sumasayaw. Bigla tuloy niyang naalala si Taehyung noong nasa LA ang mga ito, napag-push up tuloy ito ng wala sa oras ni Coolio. Bigla tuloy niyang na-miss ang mga bangtan niya. Natigilan siya nang marinig niya ang malulutong na tawa ng kaharap. Nagtatakang pinanood niya itong tumatawang mag-isa. "Mwo?" Takang tanong niya dito. Tumigil naman ito sa pagtawa pero patuloy pa rin sa paggalaw ang balikat nito. "You never failed to amuse me." Pigil ang tawang sabi nito saka tinalikuran siya. Nakangusong pinagpatuloy na lang niya ang pagkain. "Baliw na si Ellifard." Bulong niya habang kumakain ng pancake. Mabilis niyang inubos 'yon habang si Ellifard naman ay naghuhugas ng pinggan. Nagkape lang kasi ito, nang matapos siya ay bumaba na siya sa upuan at nilagay sa lababo ang pinggan niya. "Hindi ba nadi-dissapoint ang mga magulang mo sayo Ellifard? Kasi ginagawa mo 'yung mga 'yon." Sabi niya dito. Tumigil naman ito sa pagpupunas ng lababo na gawa sa marmol. "Ang dami mo talagang tanong." Nakataas ang sulok na labing sabi nito. Napalabi naman siya. "Curious lang." Sabi niya pa. Nilapag naman nito ang puting tela at nilapitan siya. Hindi siya pumalag nang hawakan nito ang magkabila niyang bewang at iginaya siya paupo sa lababo. "But i like your curiousity.." Matiim ang tingin na sabi nito sakanya. Iniwas niya ang tingin dito nang lumapit ito sa kanyang katawan. "Masama ba 'yon?" Nagawa niya pang itanong dito. Nakahawak siya sa balikat nito habang ang braso nito ay nakapulupot sakanyang makabilang balakang. "Depende kung kailan bubuka 'yang bibig mo sa tuwing may itatanong ka. You have so many question did you know that?" Nakatawang sabi nito. Grabe naman... "Pero kapag may gusto kang malaman ako ang tanungin mo." Nakangiting sabi nito at hinaplos ang gilid ng kanyang leeg. Napatitig naman siya sa mapupula nitong labi. Nakita niya pa ang isang butas sa lower lip ng binata. Kunot-noong hinawakan niya 'yon. "Jjamkan.." Sabi niya at hinaplos ang butas na 'yon. "Omo... may butas ka dito? Ibig sabihin may hikaw ka noo--- Napamulagat siya halikan nito ang labi niya, agad na pumulupot ang kanyang braso sa leeg nito. Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata habang tinutugon ang halik nito. Bahagya siyang napalayo nang kagatin nito ang ibaba niyang labi. Naramdaman niya ang paghaplos ng kamay nito sakanyang katawan. Hindi niya alam kung bakit habang tumatagal nagugustuhan niya ang ginagawa nito. Kahit wala sa isip niya na maranasan ang mga bagay na 'yon hindi niya kayang tumanggi kay Ellifard. "E-Ellifard... sandali. P-parang may tao sa labas." Halos pabulong na sabi niya. "Don't mind f*****g them..." Anas nito habang naglalakabay ang labi sa leeg niya. Napasabunot siya sa buhok nito nang maramdaman ang kamay nito sakanyang dibdib. Lalong tumindi ang init na kanyang nararamdaman. Patuloy pa rin niyang naririnig ang nagdo-doorbell sa labas. Napatingala siya sa kisame habang hinahabol ang paghinga, ni hindi lumayo kahit isang saglit sakanya si Ellifard patuloy lang nitong pinanggigigilan ng halik ang leeg niya. "S-sandali may tao talaga eh..." Sabi niya kay Ellifard at tinulak ito sa dibdib. Tumigil naman ito sa ginagawa at tiningala siya. "Dito ka lang, paalisin ko lang sila." Sabi nito at binitawan siya. Nang lumabas na ito sa kusina ay inayos niya ang sarili. Kinuha niya ang isang mansanas na nasa tabi ng lababo saka kinagatan 'yon habang inaabangan si Ellifard. Sinayaw-sayaw niya ang mga paa. "Romeliza?! Romeliza?" Ilang sandali pa ay may isang lalaki na pumasok sa kusina. "Oh... annyeong Serionifo." Nakangiting bati niya nang makita si Serionifo. May dalawa pang lalaki na sumunod dito. Nakilala niya si Maxeau at Delifico. Tinignan nito ang ayos niya. "Sabi sa'yo buhay pa eh." Nakatawang sabi ni Maxeau kay Serionifo. Tinignan naman ni Serionifo ang ayos niya. "Hindi ka ba niya sinaktan?" Tanong nito. "Nisaktan?" Umiling siya dito. "...hindi. Pero nikagat niya labi ko," Sabi niya pa sabay turo sa ibabang labi. "Oh man..." Sabi ni Delifico saka tumalikod. Pumasok naman sa kusina si Ellifard, kasunod nito 'yung Grey. Lumapit sakanya si Ellifard at hinapit ang bewang niya. Binalingan nito ang mga kaibigan. "Ano? May itatanong paba kayo?" Nakangising sabi nito sa mga kaibigan. Natatawang tumalikod sila Serionifo. "Anong ginagawa nila dito?" Tanong niya kay Ellifard. Muli naman siya nitong nilingon. "Akala kasi nila may ginawa akong masama sa'yo." Natatawang sabi nito at dinampian ng halik ang jawline niya. Nabitawan niya ang hawak na mansanas pagkuwa'y lumapat ang palad niya sa dibdib nito. "Uy! Tama na muna 'yan bigyan mo kami ng kape dito!" Sigaw ni Grey mula sa labas ng kusina. Tinulak naman niya ang binata. Pumalatak naman si Ellifard at lumayo sakanya. Binuhat siya nito pababa sa lababo. "Doon ka muna sa taas ng kwarto, tinawagan ko ang kaibigan mo para dalhin dito ang damit mo." Sabi nito at inayos ang laylayan ng suot niyang short. "Pupunta si Marie?" Tumango ito. "Tinawagan daw kasi siya ng mama mo, kaya para hindi sila mag-alala sinabi ni Marie na doon ka pumunta sa bahay nila. Buti na lang at natawagan ko ang kaibigan mo nang sabihin sakin ni Delifico na nandon ka sa club na 'yon." Biglang bumaha ang konsensya sa puso niya nang maalala ang magulang. Inakbayan naman siya ni Ellifard palabas ng kusina at sinamahan siya papunta sa hagdan. Natanaw niya ang mga kaibigan nito na nasa sala. "Anyeonghaseyo..." Bati niya sa mga ito, ngumiti naman sakanya sina Maxeau at Serionifo. "Anyong din." Sabi ni Maxeau, natatawang sinuntok ito sa balikat ni Serionifo. "Hindi bagay sayo!" "Akyat na, nandon 'yung laptop ko gamitin mo muna.." Sabi uli ni Ellifard. Nakangiting umakyat na siya sa hagdan habang lumilingon sa ibaba. Nakasunod ang tingin sakanya ni Ellifard. Dumeretso siya sa kwarto ng binata, sinara niya ang pinto saka siya dumapa sa kama. Kinapa niya ang unan saka 'yon niyakap. Bigla siyang nakaramdam muli ng antok kaya pumikit muna siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD