"Hey... wake up sleepyhead."
Unti-unting dinilat ni Romeliza ang mga mata, bumungad sa paningin niya ang mukha ni Ellifard. Ini-angat niya ang ulo.
"Anong oras na?" Tanong niya dito habang nakadapa pa rin sa kama.
"Alas-dose pa lang ng tanghali." Sagot ng katabi niya. Tumingin siya dito.
"Uuwi na tayo?" Tanong niya uli dito. Umiling naman ito at inayos ang bumagsak na buhok sa pisngi niya.
"Mamaya na tanghaling tapat pa lang naman eh. Mainit sa labas, gusto mo na bang umuwi?"
Umiling naman siya at muling bumalik sa pagkakahiga.
"Mamaya ng hapon, si Marie pumunta na?"
Hinapit naman siya nito palapit sa katawan nito saka siya niyakap.
"Mamaya pa darating ang kaibigan mo."
Tumango naman siya at saka pumikit.
"Eh 'yung mga kaibigan mo umuwi na?" Tanong niya. Narinig niyang natawa ito, naramdaman niya ang kamay nito sa likod ng hita niya.
"Oo kanina pa miss Questioner."
Napangiti na lang siya, naglakbay ang palad nito pataas sakanyang pang-upo at pinisil 'yon. Napaigtad siya.
"Ellifard!" Saway niya dito pero nagugustuhan naman niya.
"Inaantok ka paba?" Tanong nito pagkaraan. Tumango naman siya at siya na ang kusang lumapit sa katawan nito. Niyakap naman siya agad nito, humilig siya sa dibdib nito at itinanday ang isang paa sa bewang nito. Muli na naman siyang hinila ng antok lalo na nang haplusin nito ang buhok niya...
***----***
"ANG ganda diba?"
Nakangiting tinitignan ni Romeliza ang hawak ni Ellifard, hawak nito sa kamay ang isang potatoe na may nakaukit na smiling face. Nakaupo sila ngayon sa hood ng kotse ng binata habang nakatanaw sa tubig.
"Yeah, marunong din akong gumawa nito no." Nakangiting sabi nito saka ito sumandal sa salamin ng kotse at tumingin sa kalangitan, tumingala siya sa kalangitan. Ang daming bituin na nakakalat doon..... napangiti siya nang maalala niya sila Celestia at Marco. Magkasama din si Celestia at Marco habang nakatingin sa kalangitan, ang kaibahan lang magkasintahan ang dalawa. Hindi niya alam kung ano ang tawag sakanila ni Ellifard.
Yes, they've kissed at halos may mangyari na sakanila kahapon. Pero para sakanya hindi naman big deal 'yon, wala pa naman kasi siyang alam sa mga relasyon. Ang mahalaga lang sakanya ngayon palagi niyang kasama ang binata.
"Halika nga dito at baka mangalay ka diyan kakatingala."
Nilingon naman niya si Ellifard, ang isa nitong kamay ay nakaunan sa likod ng ulo nito. Tinapik nito ang gilid nito, lumapit naman siya dito at umunan sa braso nito. He wrapped his arm around her body.
"Ilan pala kayong magkapatid Ellifard?" Tanong niya dito.
"Tatlo kami, si Cathiya at Veronica ako naman ang nag-iisang lalaki kayo ilan kayong magkapatid?" Tanong nito.
"Dalawa lang kami ni kuya. Si abeoji hepe ng pulis akala ko nga magre-retired na siya eh hindi pa pala. Si umma naman housewife pero dati siyang teacher."
Naramdaman niya ang paghaplos nito sakanyang buhok.
"Ganon ba... bakit nga ba hindi pa siya nag-retired?"
"Kasi hinahabol niya daw 'yong grupong Dark Society eh. Alam mo ba galit na galit siya don?"
Naramdaman niya ang pagpisil nito sakanyang balikat.
"Bakit naman?"
"Because my abeoji said, they sell a drugs to innocent people. Dahil don nasisira ang buhay nila."
Hindi niya na narinig na umimik ang binata kaya tiningala niya ito.
"Ikaw? Sa tingin mo isa ba 'ko sa mga masamang tao na kilala mo?" Tanong nito, nagtaka naman siya sa sinabi nito. Umupo siya at sinilip ang mukha nito.
"Minsan lang, hindi ko kasi alam ang takbo ng utak mo. Ang hirap mong i pick-up but at the same nagpapasalamat ako kasi kapag napapahamak ako nandiyan ka. Bigla ka na lang sumusulpot you look like my abeoji.." Sabi niya. He smiled.
"Sa tingin mo anong klase akong tao?"
"Kalahating masama kalahating mabait 'yon ka eh... ba't ano bang masama ang ginawa mo bukod sa umiinom, nagsisigarilyo at gumagamit ka?"
Ilang sandali itong natigilan pagkuway nagsalita.
"What if i told you that i killed people before? Naaalala mo 'yong dalawang lalaki na nasa grocery nang muntik ka ng mapahamak. Alam mo bang pinatay ko sila no'ng araw din na 'yon?" Sabi nito habang titig na titig sa mata niya, natahimik naman siya. Nagpatuloy naman ito.
"Ginagawa ko ang bagay na masama sa paningin ng tao. Nakikita mo naman 'yon hindi ba?" Sabi nito. Hindi naman siya nagsalita.
"So.... any comment?"
Huminga siya ng malalim.
"Bakit mo naman ginagawa 'yon? Naghahanap ka rin ba ng experience o curious ka lang kagaya ko?"
Tumaas naman ang sulok ng labi nito.
"Because of my boring life....my parents is alway's busy in their business. Ang mga kapatid ko namang babae may kanya-kanyang mundo. Kaya kung ano ang nasa harap ko ginagawa ko ng walang takot. "
Hinila niya ang patilya nito.
"Aray!" Hiyaw nito sabay iwas ng mukha sakanya.
"Para san 'yon?!" Sabi nito na pinandilatan pa siya ng mata. Tinawanan niya lang ito.
"Maraming pwede gawin para hindi ka ma-boring no? Hindi mo kailangang gumawa ng masama para lang mawala yang lungkot mo." Nakangiting sabi niya saka napanguso nang maalala ang kabaliwang ginawa.
"...gusto ko ngang batukan ang sarili ko kung bakit naisip kong ma-experience 'yon eh." Bulong niya saka napangiti.
"But you know what Ellifard? God created a beautiful world. Oo maraming masama dito sa mundo pero hindi ibig sabihin non hindi mo na nakikita ang kagandahan ng ginawa Niya. Alam mo nung nagta-trabaho pa si umma bilang teacher at si abeoji naman nadedestino sa ibang lugar si kuya naman busy lagi sa labas. Ako lang ang naiiwan, pero hindi ako nakakaramdam ng boring kasi nag-eenjoy akong gawin ang mga bagay sa paligid ko."
Nakangiting sabi niya saka tumingin kay Ellifard na nakatitig pala sakanya. "Kaya gusto kong ma-experience ang mga bagay na ginagawa mo kasi akala ko maganda 'yon. Akala ko natural lang na gawin 'yon, lahat kasi ng bagay para sakin kahit pangit nagmumukhang maganda sa paningin ko. Pinalaki kasi ako nila umma na hindi pinaghihigpitan. Pinuno nila kami ng aral ni kuya, kaya lumaki akong ganito."
Bigla na siyang nakaramdam ng pagkailang sa titig nito kaya kinuha niya mula sa loob ng bag ang dalawang maliit na kahoy. Ibinigay niya ang isa dito.
"What's that?" Takang tanong nito na hindi pa tinatanggap ang inaabot niya.
"Tawag nila dito sundot kulangot. Binili ko kanina nang mapadaan kami ni Marie sa daan. Mukhang siyang masarap kaya binili ko" Nakangiting sabi niyaa. Kinuha nito ang hawak niya saka tinapon. Nanlaki ang mata niya.
"Oy! Sayang 'yon!" Reklamo niya dito. Hinila naman siya nito pahiga sa braso nito.
"Wag kang bumibili ng kung ano-ano, baka mamaya mag-alboroto 'yang tiyan mo."
Napanguso na lang siya sa sinabi nito.
"Hindi kaba natatakot sa mga pinagtapat ko?" Tanong nito pagkaraan. Umiling naman siya dito.
"Aniyo, lahat naman ng tao nakakagawa ng masama eh. Pero pwede namang baguhin 'yon diba?" Sabi niya saka tiningala ito. Tumaas ang sulok ng labi nito at tinitigan ang kanyang mukha.
"Ahm... Ellifard. Punta naman tayo don sa club niyo." Sabi niya dito para tumigil ito sa pagtitig sakanya. Nagsalubong naman ang kilay nito.
"At bakit na naman?"
Napanguso naman siya at nilaro-laro ang kwelyo nito. "Wala lang, gusto ko lang mapanood 'yung mga nandon."
Hindi ito sumagot kaya muli niya itong tiningala.
"Uy Ellifard.." Tawag niya sa pangalan nito dahil mukhang walang balak na sagutin siya.
Huminga ito ng malalim saka umayos ng higa.
"Fine... mamaya pupunta tayo don. Pero hindi ka pwedeng humiwalay sakin maliwanag ba?" Malamig na sabi nito. Napangiti naman siya at saka tumango.
"Neh! Kamsa!" Natutuwang niyakap niya ito.