Chapter Seventeen

2054 Words
"HALA! Ellifard tignan mo oh. Ang ganda..." Namamanghang nilibot ni Romeliza ang buong paligid ng club. Mukhang may nabago, mas lalong in-improve ang facilities ng club. Black and blue 'yon. Hindi niya alam na maganda palang combination ang dalawang color na 'yon, mukha kasing class na club 'yon para sa paningin niya. Hindi kagaya nang pinagdalhan sakanya ni Justin. Pumunta naman sila ni Ellifard sa isang mini bar. "Mojito and orange juice. Wala kang ihahalo sa juice." Order ni Ellifard, siya naman ay panay ang tingin sa buong paligid. Natigilan siya nang matanaw mula sa dikalayuan ang mga kaibigan ni Ellifard. Lumapit ang mga ito sakanila. "Hey dude!" Nakangiting tawag ni Maxeau nang makalapit ito sa kaibigan. Inakbayan naman ni Delifico si Ellifard. "Goodevening miss Tan." Nakangiting sabi ni Serionifo na tumabi sakanya. Ngumiti naman siya dito saka siya tumango. Naramdaman naman niya ang paghawak sakanyang kamay ni Ellifard. Natatawang lumayo si Serionifo, tumingin naman siya kay Ellifard na binubulungan ni Delifico. Natigilan ito saka bumaling sa kaibigan. "Where is she?" May sinenyas si Delifico mula sa malayo. Bumuga ng hangin si Ellifard at saka binalingan siya. "Ahm.. may pupuntahan lang ako ha? Saglit lang ako." Tumango naman siya dito. Binalingan ni Ellifard si Maxeau. "Ikaw muna bahala sakanya. Wala kasi akong tiwala kay Serionifo." Sabi nito sa kaibigan. "Uy ba't nasali ako diyan?!" Angal ni Serionifo. Tinignan naman siya ni Ellifard. "Huwag kang aalis dito ha? Babalik agad ako." Sabi pa nito. "Oo nga dito lang ako." Nakangiting sabi niya. Sumenyas naman ito kay Delifico saka ito tumalikod kasama ang kaibigan. Nasundan na lang niya ng tingin ito. "Here's your drinks miss." Sabi ng bartender at nilapag sa harap niya ang isang juice. Ngumiti naman siya dito saka tumango. "Kamsa..." Nakangiting sabi niya. Napatingin siya sa isang baso na tingin niya ay alak ang laman. Binalingan na lang niya sila Serionifo. "Saan nga pala siya pupunta?" Tanong niya dito. Bumaling sakanya ang binata. "Diyan lang 'yon babalik din agad 'yon." Nakangiting sagot nito. Tumango-tango naman siya saka uminom ng juice. Natigilan siya nang makita ang ginagawa ni Maxeau, umawang ang labi niya nang makita niya ang malaking usok na lumabas mula sa bibig nito. "Daebak! Ang galing mo!" Namamanghang sabi niya kay Maxeau. Halos mabulunan naman si Serionifo at natatawang binalingan si Maxeau. "Tsk! Sabi sa'yo pagdating sa mga techniques magaling ako eh. King of Vape ata 'to." Mayabang na sabi ni Maxeau. Napatingin siya sa hawak nito. "Hindi mo nga kaya 'yung technique ni Christina eh." Natatawang sabi ni Serionifo. Natigilan naman si Maxeau at pinandilatan ang kaibigan. "Ayos lang 'yon, hindi naman kami ni Ellifard eh." Sabi niya pero naramdaman niya ang pinong sakit na gumuhit sa dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit nasaktan siya nang marinig niya ang pangalan ni Christina. Banayad na binuga niya ang hangin mula sa dibdib. "Ah.... so, hindi pala kayo?" Takang tanong pa ni Maxeau at binalingan si Serionifo na nagkibit-balikat lang. Tumingin siya sa direksyon na dinaanan kanina ni Ellifard. "Ah... pupunta muna ako ng c.r." Sabi niya sa dalawa. "Dumeretso ka saka kumaliwa nandon 'yung guestroom." Sabi ni Maxeau. Tumango naman siya dito saka siya bumaba ng upuan. Sinundan niya ang sinabi ni Maxeau ngunit natigilan siya nang tumapat siya sa isang pulang pinto. Bahagya 'yung nakaawang kaya sumilip siya. Kumunot ang noo niya nang makita si Ellifard, nakatalikod ito sa gawi niya. Sumunod na nakita niya ay si Christina na kaharap lang nito. She look like mess. "Do you really love me Ellifard?" Natigilan siya sa tanong na 'yon ni Christina. Hindi niya alam kung bakit nahigit niya ang hininga habang hinihintay ang sagot ni Ellifard. "I like you Christina.." Umawang ang labi niya sa narinig mula dito. May kung anong bagay na humiwa sa loob ng dibdib niya. Bahagya siyang umatras palayo sa pinto. "....you're a fighter, gusto mo palagi kang panalo 'yun ang bagay na hinahanap ko sa isang babae. At sa lahat ng bagay na gusto ko madali mong nasasabayan kaya nahirapan din akong bitawan ka. Kaya nang umalis ka ng hindi nagpa-paalam sakin aaminin ko na nasaktan ako...." Nakita niyang ngumiti si Christina, huminga siya ng malalim saka pilit ang ngiti na lumayo sa pinto na 'yon. Hindi niya alam kung bakit nasaktan siya sa narinig mula kay Ellifard, unang-una sa lahat wala naman siyang karapatan na masaktan lalo't alam naman niyang magkasintahan ang dalawa. Isa pa, wala namang sinabi na kahit ano sakanya si Ellifard. Hindi naman nito sinabi na gusto siya nito sa tuwing hahalikan siya nito. Naramdaman niya ang mainit na bagay na gumulong sa gilid ng mata. Kumibot-kibot ang labi niya at pinunasan 'yon. Ang masakit para sakanya, ang nararamdamang umaasa na siya kay Ellifard. ***----*** "UMMA?! Ba't ito na lang baon ko?" Inirapan siya ng ina. "Kasalanan mo 'yan, baka nakakalimutan mo noong isang araw bigla kana lang tumakas nang hindi nagpapaalam. Dapat nga grounded ka eh." Napanguso na lang si Romeliza saka pumadyak. "Umma... kahit limang piso dagdagan mo na 'to may bibilhin lang ako." Nakangusong ungot niya sa ina. Muli siya nitong inirapan at tinutok ang mga mata sa t.v "Yan kasi gala ka eh!" Natatawang asar ng kuya niya. Binelatan niya lang ito. "Wawa hindi sinagot ni Chelsie..." Pang-aasar niya sa kapatid. "Wawa walang pang-Bangtan." Umirap lang siya dito saka muling binalingan ang ina. "Umma...." Bumuga ng hangin ang kanyang ina. "Naku kang bata ka! Sige kunin mo sa tabi ng rice cooker 'yung limang piso." Nakangiting tumakbo siya papasok sa kusina pero sumabay naman sakanya ang kapatid. "Umma si kuya oh!!" Sigaw niya nang makipag-agawan ito sakanya. Binunggo niya ito sa braso saka kinuha ang limang piso ngunit hinawakan nito ang kamay niya at pilit na inaagaw ang barya sakanya. "Akina 'yan ako unang nakakita diyan kanina eh!" Sabi nito habang binubuklat ang palad niya. "Umma! Umma oh!" "Polando pabayaan mo 'yang kapatid mo nangunguna ka na naman!" Sigaw ng mama niya. Tinawanan niya ang kapatid. "Wawa Polando daw oh..." Pang-aasar niya at malakas na binunggo ito. Tumalsik naman ito, mabilis siyang lumabas ng kusina saka tumakbo papunta sa pinto. "Umma papasok na po ako!" Sigaw niya habang palabas ng bahay. Dumeretso siya sa garahe, naabutan niya si manong. "Annyeonghaseyo." Bati niya saka siya pumasok sa loob ng sasakyan. Sakto namang nag-ring ang cellphone niya, natigilan siya nang makita niya ang pangalan ni Ellifard sa screen. Pinatay niya 'yon saka siya tumingin sa harap ng sasakyan. Binubuhay na ni manong ang makina nang mag-ring uli ang cellphone niya. "Oh... iha may tumatawag. Sagutin mo at mukhang importante." Sabi ng driver. "Hayaan niyo na ho nong." Nakangiting sabi niya. 'Hindi naman ako importante sakanya eh...' Nang magsawa na ang tumatawag ay namatay na lang 'yung ng kusa. Ngunit ilang minuto lang ay nag-ring na naman 'yon. Huminga siya ng malalim saka in-off ang cellphone. Nilagay niya 'yon mula sa loob ng bag. "Manong mamaya ba susunduin mo 'ko?" "Ah oo naman, ikaw lang naman ang hindi nagpapasundo sakin eh." Sabi ni manong. Ngumiti siya dito, si Ellifard kasi ang sumusundo na sakanya. Kaya nga lang, patago. "Mamaya ho sunduin niyo 'ko ha?" Sabi niya saka tumingin sa labas ng bintana. Kailangan niyang iwasan ang binata habang maaga pa, hindi magiging maganda kung palagi niya itong nakikita at nakaka-usap..... dahil alam niyang sa huli siya lang ang masasaktan. ***----*** NAIINIS na pumadyak si Romeliza nang ma-dismiss ng maaga ang klase nila. Nagkaroon kasi ng emergency ang prof nila kaya kinailangang umalis nito. Napanguso na lang siya nang makitang masasaya pa ang mga kaklase niya. "Ibang klase talaga 'tong mga 'to.." Bulong niya saka siya tumayo at binitbit ang mga gamit. Sinilip niya relong pambisig, sumimangot siya nang makitang alas-tres pa lang ng hapon. Nanlalatang lumabas siya ng room. "Hindi pa pumasok si Marie...." Bulong niya at kinapa-kapa ang cellphone sa loob ng bag. Ilang beses niyang pinag-isipan kung bubuksan 'yon. Nag-aalala kasi siya na baka tumawag si Ellifard. "Buksan ko na nga lang." Bulong niya saka pinindot ang gilid ng cellphone. Ilang sandali pa ay bumukas na 'yon, nanlaki ang mata niya nang saktong mabuksan niya 'yon ay lumitaw agad ang pangalan ni Ellifard. "Jinjja?!" Gulat na usal niya saka siya tumingin sa paligid pagkatapos ay sa cellphone. Patuloy pa rin sa pag-ring ang cellphone niya. "Wag mong sabihin kanina kapa tumatawag?!" Nang mamatay na ang tawag ay bumungad naman sakanya ang text message. Nabasa niya ang pangalan ni Marie. 'Chingu pumasok ka? Tumawag sakin si Ellifard tinatanong kung nasaan ka daw.' Umawang labi niya, isa na namang message ang lumitaw pero hindi na galing kay Marie. 'WHY DON'T YOU f*****g ANSWER MY f*****g CALL?!' Nanlaki ang mata niya sa nabasa. Grabe capslock pa talaga... Nagulat pa siya nang bigla na namang tumawag si Ellifard. Nakagat niya ang labi at mabilis na pinatay ang cellphone. "Kung maka-f**k ka sakin kala mo pinapakain mo 'ko ha?!" Gigil na sabi niya at nagdadabog na naglakad. "Romeliza!" Natigilan siya sa paglalakad nang marinig ang sigaw na 'yon. Mabilis siyang lumingon, nanlaki ang mata niya nang makita si Justin. "Eottoke..." Mabilis siyang tumalikod at binilisan ang paghakbang palayo rito. "Hey!" Napapikit siya nang maabutan siya nito at hawakan siya sa braso. "Ah... mianhae! Hindi ko talaga alam na darating si Ellifard noong araw na 'yon eh." Nagmamadaling paliwanag niya dito. Narinig niyang tumawa ito kaya dumilat siya. "It's okay..." Natatawang sabi nito. Tumitig siya dito. "Talaga? Hindi ka galit sakin?" Nakangiting tumango ito. "Yeah, hindi ko alam na kaibigan pala ni Grey 'yon. Kung nalaman ko lang edi sana umiwas na pala ako sayo." Sabi nito. Tumango-tango naman siya. "Sandali? Nasaan sila Shaine at Rosette." Nagkibit-balikat lang ito. "Siguro kasama ng mga boyfriend nila." "Eh ikaw 'yon diba? Sabi kasi ni Marie girlfriend mo daw 'yung dalawa." "Not actually, they are just my fling. Pabor naman para sakanila ang bagay na 'yon eh." Nakangiting sabi niya. Nagpatuloy naman siya sa paglalakad habang ito ay sumasabay sakanya. "Pwede ba 'yon? Dalawa sila sayo?" Tanong niya pa dito saka ito tinignan sa mukha. "Ang takaw mo sa babae..." Sabi niya pa. Natawa naman ito sa sinabi niya, paatras itong naglakad habang nasa magkabilang bulsa nito ang mga kamay. "Sila rin naman ang may gusto eh, actually si Shaine talaga ang unang naging girlfriend ko kaya lang masaya ako kapag kasama si Rosette." Natigilan naman siya at binalingan ito. "Girlfriend mo si Shaine, ibig sabihin minahal mo siya. Pero masaya ka kapag kasama si Rosette. Anong kaibahan ng dalawa para pagsabayin mo sila?" Nagtatakang tanong niya. Tumaas naman ang sulok ng labi nito. "Kayang sabayan ni Shaine ang mga gusto ko. Compatible kami sa lahat ng bagay, pero minsan hindi ako nakakaramdam ng kontento. Parang may hinahanap akong bago.." Naalala niya si Christina. 'Di kaya ganon din ang nararamdaman ni Ellifard sakanilang dalawa ni Christina? "Habang si Rosette naman kakaiba, kung si Shaine ginagawa ang gusto ko si Rosette malabo. Mas matigas pa ang utak non sakin eh, at 'yon ang nagutustuhan ko sakanya. Hindi natitinag. So, it's so hard for me to let them go.." "So... you didn't love them?" Tanong niya dito. Natawa ito saka umiling. "Minahal ko din si Shaine noong una, pero hindi naman nagtagal ang nararamdaman ko sakanya." Anito saka humarap sakanya. "Lahat naman ng tao hindi kuntento sa isa, kahit kumpleto na ang nasa harap nila gusto pa ring humanap ng iba. You know why? Because love doesn't exist. Sa una mo lang masasabi na nag-e-exist 'yan dahil masaya kapa. Masyado kapang na-overwhelmed sa nararamdaman mo pero once na masaktan kana. Magbabago rin ang tingin mo." Tinitigan naman niya ito. "Bakit naranasan mo na ba 'yan?" Natigilan naman ito saka tumikhim. "Ako? Hindi no, base lang 'yon sa nakikita ko sa paligid ko." Natatawang sabi nito. Ingusan niya ito. "Siyanga pala? Hatid na kita? Hindi ba magagalit si Ellifard?" Umiling naman siya saka ningitian ito. "Sige hatid mo na 'ko." Ngumiti naman ito, sabay silang lumabas ng gate at tinungo ang kinapaparadahan ng big bike nito. Inipit niya sa gitna ang palda saka sumampa sa likod ng big bike nito. Nang makasakay na rin si Justin ay humawak siya sa tagiliran nito. Bigla niyang naalala ang sinabi ni Justin. 'Ibig sabihin hindi kuntento si Ellifard kay Christina.... dahil kung mahal niya si Christina hindi niya 'ko hahalikan na lang basta...'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD