Chapter One

2427 Words
"Senyorito! Kailangan niyo pong isuot ito darating na ang Donya mamaya lang!" Ellifard wanted to punch the wall when he heard that. Bwisit! Hindi ba pwedeng tigilan siya ng mga ito kahit saglit lang?! Madilim ang mukhang binuksan niya ang pinto. Hawak ni manang ang Armani niya. Padaskol niyang kinuha 'yon mula sa kamay ni manang saka sinara ang pinto. "Senyorito bilisan mo ha!" Sigaw nito mula sa labas ng pinto. Hindi na siya nagsalita, tinignan niya ang hawak. "Cazzo, mi sento male!" Gigil na bulong niya. f**k this! Tinapon niya sa sulok ang Armani saka pumunta sa teresa ng mansion. Dumungaw siya sa ibaba. Nakita niya ang luxury car ni Cathiya, his baby sister. Mabilis siyang sumampa sa mataas na bato ng balkonahe niya at dahan-dahang sumampa sa bubong na nasa kabila lang. Dahan-dahan siyang kumapit sa mga mahahawakan niya habang humahakbang papunta sa bubong na 'yon. Nakahinga siya ng maluwag nang makalipat na siya doon. Napatingin siya sa taas kung saan nandon ang kwarto niya. Wew! Buti na lang at sanay siya sa mga matataas. Kapag may oras kasi siya ay nag ka-climbing sila ni Clifford. Tinantiya niya ang taas papunta doon sa bubong ng kotse ng kapatid niya. Nagbilang siya hanggang lima bago siya tumalon sa bubungan ng luxury car. Napangiwi siya nang madaganan niya ang braso. Shit!' "Vaccanfulo! I can take care of myself!" Sabi ng tinig na 'yon na may accent ng italia. Kumunot ang noo ni Ellifard nang marinig niya ang malakas na boses ng kapatid. Hindi siya sumilip dahil baka may makakita sakanya. Naramdaman niyang may pumasok sa loob ng kotse. "But senyorita---- Hindi na natuloy ng lalaki ang sasabihin dahil sinara na nito ang pinto ng kotse. Fuck! Napakapit si Ellifrad sa magkabilang gilid ng bubong ng luxury car ni Cathiya nang umandar na ang sasakyan. Medyo umupo siya sa bubungan. Ang kina-iinis lang niya ay ang mahabang daan palabas ng mansion. Nakita niyang nanlaki ang mata ng mga nakasalubong nilang dalawang katulong sa daan. Hawak ng mga ito ang makakapal na puting kumot habang sumusunod ang tingin sakanya. "Senyorito!" Sigaw ng mga ito. Mahina siyang napamura. "Wag niyong hayaang lumabas ang dalawa!" Fuck! Napalingon siya sa likod. Malutong siyang napamura nang makita ang mga humabol sakanila. Tumukod siya upang makasilip sa gilid ng kotse saka niya kinatok ang bintana ng kapatid. "Cathiya! Open this!" Sigaw niya sa kapatid. Binuksan naman nito ang bintana at dumungaw sakanya. Nanlaki ang mata nito nang makita siya. "What the f**k are you doing there kuya?!" Matatas na sabi nito. Napangiwi na lang siya. "Your mouth baby! Buksan mo na lang 'to at nangangalay na ako" Sabi niya dito. Pumasok uli ito sa loob at binuksan ang isang maliit na pinto sa bubong ng Luxury car nito. Mabilis naman siyang pumasok sa loob at sinara 'yon. "Sa susunod magdahan-dahan ka ng pagmamaneho!" Sermon niya dito. She just shrugged her shoulder. Napatingin sila sa daan buti naman at bukas ang malaking gate ng mansion. Ngunit hindi pa sila nakakaliko nang biglang dumating ang isang sasakyan. He bit his lips. It's his madre limousine.. "Fratello." Narinig niyang sabi ng katabi. He just grinned at her. "You're in trouble Sorella." Humarap siya dito. Mukhang hindi makakagala ang senyorita. "...Grazie for riding sorella, addio!" Pagkasabi niya non ay mabilis siyang lumabas ng sasakyan nito at tumakbo palabas ng malaking gate bago pa makababa ang kanyang madre. "IL Maschio!" Napangisi na lang siya nang marinig ang sigaw na 'yon ng kanyang madre. Lumingon siya nang marinig niya ang mga tauhan ng magulang. Humahabol ang ilan sakanya lalong binilisan niya ang pagtakbo palayo sa mga ito. Maya-maya ay may humarang sa daan niya na isang BMW sports car. Bumukas 'yon at bumungad ang nakangising mukha ni Maxeau. "Hop in, stubborn senyorito." Nakangising pumasok siya sa loob at sinara ang pinto. Nakita niyang humahabol parin ang mga tauhan nila madre. Hindi niya pinansin ang mga ito. Binalingan niya si Maxeau, napatingin siya sa bagay na nakasabit sa leeg nito. "Ang baboy mo! What is that?" Sabi ko saka niya tinuro ang nakasabit sa leeg ito. Lumawak ang ngisi nito. "Well you know.. I love panties." Nakangising sabi nito. Umiiling na tumingin siya sa labas ng bintana. Kinuha niya ang isang stick ng sigarilyo at nagsindi. ***----*** "GOOD luck girigiri You like me Good luck girigiri I like you Good luck nochiji ma Lucky lucky Good luck naneun neoe Lucky lucky eodiseona eodil gana dangdang-han Walking heukppaek sesang soge naneun keolleopulhan Scene girls girls on top deo jashin itkke Boom boom beat drop..." Panay lang ang indak ni Romeliza habang pinapakinggan ang favorite niyang korean girl group. Huluu! Ang ganda nila and i want that kind of body! Maybe I should drink a lot of water and eat vegetables' "Ano ba 'yan Lizang! Patayin mo nga 'yang tugtog mo ikaw lang nakakaintindi eh!" Natigilan siya sa pag-iisip nang marinig ang sigaw na 'yon. Nakangusong bumaling siya sa hagdanan. Nakita niya ang kontrabida niyang kuya na mukhang kagigising lang. "Kuya walang basagan ng trip, ikaw nga pag nagpapa-pogi ka hindi kita pinakikialaman" Sabi niya dito. Pinandilatan siya nito ng mga mata. "Ikaw talag---- "Oh tama na yan baka sa away pa kayo mauwi." Saway ng kanyang mama na may dalang malaking paper bag. Binelatan niya kapatid saka siya tumakbo sakanyang ina. "Eomma, si kuya oh.." Pang-aasar niya pa sa kapatid. "Ikaw kasi pasaway ka din." Sabi ng mama niya, tinawanan lang siya ng kapatid. Nakangusong umupo siya sa sofa. "Ma' sa birthday ko i-treat mo naman ako." Masuyong sabi niya dito. Nilagay naman ng mama niya sa loob ng ref ang mga pinamili. "Ano naman 'yon?" Sabi nito. She smiled widely... "I-treat mo 'ko ng ticket papuntang south korea!" Masayang sabi niya. Nakita niyang nalaglag ng kanyang mama ang isang itlog at si kuya naman ay nabulunan. "Magtigil ka nga diyan Romeliza!" Sabay pang sabi ng mga ito. Nangalumbaba naman siya. Nang-aasar lang naman siya eh.. "I'm just kidding Eomma, bili mo na lang ako ng maraming poster ng BTS!" Kinikilig na tili niya, grabe! everytime talaga na naririnig niya ang name ng banda nila para siyang kiti-kiting 'di mapakali. Avid fan siya ng BTS ilang taon na rin, pero hindi niya pa nakikita ang mga ito sa person dahil nang mag-invade ang mga ito sa Pilipinas ay wala pa siyang ipon non! Iniyakan niya 'yon at halos ibigti na nga siya ng kuya niya eh! Kahit na certified Army siya hindi pa rin niya maiwasang walang tawaging bias sa isang miyembro ng paborito niyang banda. Ang bias ko don ay si Jimin... si Jimin at si Jimin lang, pati na rin ang muscle niya! "Sinasapian ka na naman, umakyat ka na lang sa kwarto mo at don ka mangarap ng gising!" Pang-aasar ng kuya niya na mukhang nahulaan ang iniisip niya. Nakangusong tumayo siya at saka nagdadabog na umakyat ng hagdan. "Wag kang mag-aalala may darating na poster galing sa tita Guivana mo" Narinig niyang sabi ng mama niya. Nanlaki ang mata niya at napapalakpak na tumakbo sa mama niya. Niyakap niya ito. Ang kanyang Ajumma Guivana ay isang factory worker sa south korea. Ito ang palaging sponsor niya sa mga poster ng BTS! "Kahmsahamnida, Eomma!" Masayang sabi niya, sinimangutan naman siya ng kanyang kuya na para bang taga-ibang planeta siya. Hmp! wala kasing kahilig-hilig sa mga bagay! He's a nerd.. Nang-aasar ang tingin na dumaan siya dito at saka siya umakyat papuntang kwarto. Pagpasok niya sa loob ng kwarto ay makikita agad ang mga poster na nakasabit sa kahit nasang sulok ng kwarto niya. Is she childish? Alam naman niya 'yon... but she's comportable of being immatured. Marami ngang nagtatanong kung bakit bente-uno anyos na siya eh isip bata pa rin siya. Bakit ba? Eto siya eh! Padapa siyang humiga sa kama at binuksan ang loptop. Ultimo ang background deskop niya ay Bangtan din. Mabilis niyang binuksan ang f*******: bumungad agad sakanya ang isang litrato galing sa nagngangalang Ellifard. Binasa niya ang nakasulat don. I'll f*****g kill you!' "Grabe galit na galit pa rin siya..." ***----*** "SINO ang balak niyong sumunod na umupo dito ha?!" Parang gustong takpan ni Ellifard ang tenga sa sigaw ni Grey. "Kung gusto mo ikaw na lang uli!" Natatawang sabi ni Maxeau. Galit na hinila ni Grey ang panting nasa leeg nito. "Ayan na lang si Delifico kesa gumala 'yan." Turo naman ni Serionifo. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ng mga ito dito. "Anata o fakku!" Singhal nito kay Serionifo. Mukhang may balak na kasing bitawan ni Eros ang underground. f**k that man! Hindi pa nga nagtatagal aalisan na? Ang alam niya ay matagal na nitong gustong makuha ang underground mula kay Grey. "Ayan na lang si Clifford, tutal napa-upo na rin siya diyan sa trono. Saka magaling makipag-usap 'yan sa suppliers." Natatawang sabi ni Mexaua. Itinaas lang ni Clifford ang gitnang daliri. "Ikaw na lang Ellifard." Sabi naman ni Dellifico. "Palitan niyo muna 'yan." Sabi niya sa mga ito. Hindi niya gugustuhing umupo sa trono na 'yan. "Malakas talaga maka-impluwensya si Maxeau." Natatawang sabi ni Thartarus. "Saan mo ba kasi kinuha 'yan?" Delifico asked. "Binigay sakin ng padre 'yan don sa simbahan malapit samin. Sabi niya antique daw 'yan at may kahulugan. Para makatipid ako kinuha ko." Sabi ni Grey, narinig niya ang malulutong na mura ang mga kaibigan. "Mas lalong walang uupo diyan!" Dellifico said. Nakangiwing tumayo siya. Damn! They're all f*****g noisy!' Aasikasuhin niya na lang ang mga Monster truck sa venue. Mas gusto niya ang ingay ng mga humaharurot na demo derby car kaysa pakinggan ang boses ng mga kaibigan. "Ouch! f**k!" Paulit-ulit siyang napamura ng makatapak siya ng isang matulis na bagay pagdaan ko sa trono. Umupo muna siya doon at tinignan ang paa. Shit!' Kinuha niya ang thumbtacks na nakatusok sa paa at pinakita sa mga kaharap. "Kailan pa nagkaroon ng ganito dito ha?!" Galit na sabi niya sa mga ito. Hindi siya pinansin ng mga ito. Bigla namang nagsalita si Grey. "The new King of the underground Ellifard Desconte." Nakangising sabi nito. Saka lang nag-sink sa isip niya kung saan siya nakaupo. Kumuyom ang kamao niya. "Oh s**t!" ***----*** "KASI naman ikaw para kang timang talagang ginawa mo 'yon?!" Napanguso na lang si Romeliza. Sinabi na kasi niya dito ang ginawa niyang kalokohan. Humawak siya sa braso ng kaibigan. "Mianhae, beupeu." Nakangusong sabi niya dito. Inirapan lang siya nito. "Kwenchanayo, basta sa susunod 'wag mo ng ulitin 'yan ha? Mamaya 'yan pa makapag-pahamak sayo eh." Sabi nito sakanya. "Oo naman, pero alam mo ba galit na galit siya sakin to the point na pati raw ang lahi ko uubusin niya. " Sabi niya sa kaibigan, grabe naman kasi... joke lang 'yon ha? saka picture lang yon eh. "Naku hindi ka naman makikita non sa personal eh." Nakangiting sabi ni Marie at kinindatan pa siya. Nabuhayan naman siya ng loob at nawala ang takot niya. Oo nga no? Bakit hindi niya naisip 'yon? "Magnanakaw! Magnanakaw! Tulong!" Sigaw ng nasa likod nila. Lumingon sila ng kaibigan sa pinanggagalingan ng boses na 'yon. Hindi naman nila alam kung saan ang sigaw na 'yon. Ngunit nakita niya ang isang lalaki na tumatakbo sa direksyon nila. Grabe ang gwapo naman nitong magnanakaw!' "Halika na tumabi na tayo. 'Wag kang mangilam diyan" Bulong ng katabi niya, hindi niya ito pinakinggan. Tumalim ang tingin niya sa mukhang 'yon. Itong mga magnanakaw na 'to kapwa tao ninanakawan! Malapit na sa direksyon niya ang lalaking 'yon. "Excuse me lad---- AW!" Hiyaw nito. Bulls eye! Bago pa kasi ito makadaan sakanya ay sinalubong niya na ito ng sipa sa mukha. Marunong naman siya ng mga martial arts eh. Sinali siya ng kanya ina sa taekwondo noong fifteen years old pa lang siya. Hawak ng lalaking 'yon ang isang mata at pisngi na napuruhan niya. Nakita niyang nagkukulay violet 'yon. Matalim ang mata na binalingan siya nito. "Ibalik mo ang kinuha ni--- "Magnanakaw tulong!" Napatingin uli siya sa direksyon na 'yon. Nakita naman niya ang isang lalaking pilit na inaagaw ang bag sa isang ale at wala man lang gustong tumulong dahil nakita ng mga tao ang patalim sa likod nito. Nagtagumpay na nakuha nito ang bag at saka tumakbo sa direksyon niya. Hindi siya nakagalaw. Hala. Ibig sabihin... Hanggang sa dumaan na sa gilid niya ang magnanakaw na 'yon ay nakatulala pa rin siya. Napatingin siya sa lalaking nasa harap niya na ngayon ay madilim ang mukhang nakatingin sakanya. Nanlaki ang mata niya. Pinasadahan niya ng tingin ang kalahati ng mukha nito na kulay violet. Napaatras siya nang unti-unti itong humakbang papunta sakanya. Naitaas niya ang dalawang kamay. Patay...... Napatingin siya kay Marie na hindi rin makagalaw muli niyang binalik ang tingin niya kay kuya. "Ahm hyung..." Napalunok siya habang umaatras. "...m-mianhae, hin--- Hindi niya na natuloy ang sasabihin nang marinig niya ang paparating na mga pulis sa dikalayuan. "s**t!" Bulong ng kaharap niya at inisang hakbang ang pagitan nilang dalawa. "Ay!" Tili niya nang hablutin nito ang braso niya. Ouch ang sakit ha! Biglang namang may humintong itim na Van sa harap nila. Bumukas ang pinto non. "Bilis Ellifard!" Sigaw nung lalaking nasa loob. Ellifard?! "Magtawag ka ng mga santo dahil babalatan kita ng buhay makikita mo!" Napakadiing banta nito sakanya. Nanlaki naman ang mata niya nang bigla siya nitong hilahin papasok sa loob. "Bitawan mo 'ko!" Sigaw niya dito habang pilit na kumakawala. "Hoy! Bitawan niya yang Bff ko peste kayo!" Tili ni Marie na mukhang natauhan na. Pilit nitong hinihila ang braso ng lalaking nakahawak sakanya. Nagulat siya nang bigla nitong tinulak ang kaibigan niya. Paulit-ulit niya itong pinaghahampas sa likod. "Tulong! tulong!" Sigaw niya, halos buhatin na siya nito papasok sa loob ng sasakyan. Lalabas sana uli siya nang makita niya ang nakasukbit na baril sa bewang nito. "Do you like it." Malamig na sabi niya na ang tinutukoy ay yung baril. Nanahimik naman siya saka sumiksik sa sulok ng kotse. Umupo naman ito tabi niya. "You're so rude Ellifard." Komento nong lalaki na nasa unahan ng kotse. Halos maiwan niya ang kaluluwa nang bigla nitong pinasibad ng takbo ang sasakyan. Napakapit siya sa sulok. "Sinipa niya ang mukha ko. f**k! no one mess up with me!" Galit na sabi ng katabi niya Tinignan naman niya ito. Kumunot ang noo niya. Ay oo nga namumukhaan ko siya!' "Omeged! ikaw si Ellifard?" Sabi niya habang nakaturo pa sa mukha nito. Matalim na tinignan siya nito. "Don't talk to me." Madilim ang mukhang sabi nito. Sumiksik naman siya lalo sa sulok. Omo! Ba't sa dinamidami ng taong pwedeng gumawa nito sakin siya pa! Omo...'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD