"Hey man! Who's that girl?"
Hinila ni Ellifard ang babaeng hawak patungo sa sofa.
"Umupo ka diyan!" Utos niya dito. Tahimik na umupo naman ito sa sofa saka nilibot ang tingin sa buong lugar. Pumunta naman siya sa mini bar na nasa sulok. Sumunod sakanya si Delifico.
"Don perigno." Sabi niya sa bartender. Mabilis naman ang kilos nito, nilingon niyang muli ang babae 'yon. Panay pa rin ang libot ng mata nito sa buong paligid. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan nito. Naka-bunny hair ito, naka boots na kulay pink at naka dress. She's cute, the cute little angel who kick his f*****g face!
"Sabi ko sino ang babaeng yan at dinala mo pa dito sa underground?"
Nilingon niya si Delifico. Nilapag naman ng bartender ang baso sa harap niya, kinuha niya 'yon.
"Pain in my ass." Sagot niya sa kaibigan at diretsong ininom ang alak.
"Muntik na daw kayong mahuli ah?"
Humigpit ang hawak niya sa kopita.
"Yeah, Mr. Cuiseom is a f*****g liar. Buti na lang at bago pa namin ipakita ang supplies nakilala namin ang isa sa mga tauhan niya na isang pulis. He tried to sabotage us and i'll f*****g kill him!"
"Hey dude."
Napalingon sila sa bagong dating.
"Hi Mr. Sebastian." Nakangising bati ni Delifico.
Ngumiti naman ito, halatang masaya ito.
"What happened to your face?" Tanong nito nang makita ang mukha niya. Muling bumalik ang galit na kanina pang gustong sumabog sa dibdib niya.
"Dahil diyan ooh." Si Delifico ang sumagot, lumingon si Sebastian sa babaeng nakaupo sa itim na sofa. Nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa tauhan nila na gumagamit malapit lang sa tabi nito. Nanliit ang mata niya.
"Hey!" Tawag niya sa mga 'yon. Tumingin naman ang mga ito sa direksyon niya. "... Umalis kayo diyan." Sabi niya sa mga ito, mabilis na sumunod naman ang mga ito sa utos niya. Dala ang mesang maliit na tumayo ang mga ito. Natatawang tumingin sakanya Sebastian.
"Wow man.... what's that?" Na-aamuse na sabi nito.
"He's a new king Sebastian. The accident king of the underworld like Clifford.."
Naiinis na tumayo siya at iniwan ang mga ito. Nilapitan niya ang babaeng 'yon.
"Hey!" Tawag niya dito. Inosente ang mukhang tumingala ito sakanya. Natigilan siya nang makita niya ang mga mata nito....
***----***
AYOKO sa lugar na 'to, gusto kong umalis. Hindi ako tumatagal sa mga lugar na ganito....
Nag-init ang sulok ng mga mata ni Romeliza habang nililibot ng tingin ang lugar. Parang may maitim na bumabalot sa lugar na 'yon na hindi niya maintindihan.
"Umma." Bulong niya.
"Hey!"
Dahan-dahan siyang nag-angat ng mukha nang marinig niya ang boses na 'yon. Nakita niyang natigilan ang lalaking 'yon na may pangalang Ellifard. Nakatitig ito sa mata niya. Kumurap-kurap siya at inayos ang sarili.
"Gusto ko na pong umuwi." She almost begged at him. Tumitig muna ito pagkuwa'y hinawakan ang kanyang pulso. Hinila siya nito patayo. Nakita niya ang mga taong nandon. Pinanood niya ang ginagawa ng mga ito at hindi niya gusto ang mga nandon. Parang mas malala ang nakikita niya ngayon kumpara noon. Nagulat siya nang may magtakip ng mata niya. Kinapa naman niya ang mga mata. Nagulat siya nang may malambot na tela na nakatabing don. Kasunod non ay ang paghawak sakanyang kamay at hinila siya. Inabot naman niya 'yon dahil wala siyang makita.
"Ah h-hyung excu- - - -
"Just f*****g shut up. " Sabi nito. Napangiwi siya nang marinig ang mura nito. Nakaalalay ito sakanya kaya kahit hindi niya nakikita ang daan ay ayos lang. Tumigil naman sila sa paglalakad. Ilang sa sandali lang ay narinig niya ang malakas na ugong na 'yon
Ellifard Desconte Activate'
Desconte?
"Ay!" Napatili siya nang parang umandar ang kinatatayuan niya. Naramdaman niya ang pinisil-pisil ni Ellifard sa palad niya. Nakaramdam siya ng kiliti sa ginawa nito at may kung anong humalukay sa sikmura niya. Baka dahil sa malambot ang kamay nito kaya ganon? Ilang minuto lang ang lumipas ay huminto na ang ugong na 'yon maging ang sahig na kinatatayuan niya. Muli na naman siya nitong hinila.
"Ayusin mo paglalakad mo." Narinig niyang sabi ng boses na 'yon. Pano niya maayos eh nakapiring siya?!
"Uuyy si Ellifard.. " Narinig niyang sabi ng isang boses na 'yon sa gilid niya.
"f**k you Maxeau! Gusto mo bang makita nitong babaeng 'to ang hideout natin?!" Galit na sabi ng katabi niya at muling hinila na naman siya.
"Aray nakakasakit kana!" Angal niya. Patuloy pa rin ito sa paghila sakanya.
"Indenial king!"
Narinig niyang sigaw ng boses na 'yon. Ilang saglit pa ay may nagtanggal na ng piring niya sa mga mata. Ilang beses siyang pumikit saka tinignan ang paligid. Mukhang nasa isang parking lot na sila. Binalingan niya si Ellifard na binubuksan ang kotseng itim na nasa gilid niya.
Wow keganda naman...'
Napatili siya nang hablutin siya nito at itinulak siya papasok sa loob.
"Aray! Libre mag dahan-dahan!" Naiinis na sabi niya dito pero hindi siya nito pinansin. Umikot ito sa kabilang side at pumasok sa kabilang pinto. Napatingin naman siya sa labas nang makita niya ang mga nagkakagulo na 'yon sa harap ng club. Nakita niyang pinukol ng bote ng isang lalaki ang lalaking nakahandusay sa lupa. Nanlaki ang mga matang binalingan niya ang katabi.
"Yojeum ireunjom eotteoseoyo?" Tanong niya dito. Kumunot ang noo nito.
"What?" Nakalukot ang mukhang tanong nito. Ay sorry naman! Sarap mag-feeling na koreana eh!
"Sabi ko anong nangyayari?" Tanong niya na ang tinutukoy ay ang away sa harap ng club. Binuhay nito ang makina ng sasakyan.
"Don't f*****g mind them."
Grabe ang arrogante nito...
"Parang hobby mo na ang magmura no?" Sarcastic na sabi niya, malamig lang ang mukha na pinaandar na nito ang sasakyan.
"Yes. Because i f*****g love it." Ayan nagmura na naman. Inismiran niya ito saka siya tumingin sa labas ng bintana. Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang munting kulog na 'yon sa tiyan niya.
Hindi pa pala ako kumakain.'
Nilingon niya ang katabi.
"Ah... Hyung, may pagkain kaba diyan? Bae go pa." Makapal ang mukhang sabi niya. Kumunot ang noo nito.
"Ah sabi ko nagugutom na 'ko." Sabi niya.
Hindi naman siya nito pinakinggan, patuloy lang ito sa pagmamaneho. Nakasubangot na tumingin na lang siya sa labas ng bintana. Hawak niya ang tiyan habang pinapanood ang nasa paligid niya.
Maya-maya ay naramdaman niyang huminto ang kotseng sinasakyan niya. Napatingin siya sa katabi. Bumaling naman ito sakanya habang nagtatanggal ng seatbelt
.
"Huwag kang magtatangkang tumakas, tandaan mo makikita at makikita pa rin kita at uubusin ko ang lahi mo." Banta nito sakanya saka lumabas ng sasakyan. Hinabol niya lang ito ng tingin.
"Grabe siya.... ako ang may kasalanan pero lahi ko ang uubusin baliw lang." Bulong niya. Sumandal na lang siya sa upuan saka pumikit. Itutulog ko na lang niya ang gutom. Ilang segundo lang siguro siyang nakatulog nang dumating naman ito, dumilat siya. Napatingin siya sa dala nito, napasinghot siya sa hangin ng aircon nang maamoy niya 'yon. Halos ibato naman nito sakanya ang plastic na dala nito. Napanguso na lang nang silipin niya ang laman non ay lumawak ang ngiti niya. Chicken, french fries at burger ang laman non, may softdrinks pa! Tumingin siya sa katabi.
"Thank you" Nakangiting sabi niya dito.
"Sige kumain ka lang ng kumain." Nakangising sabi nito sakanya at muling binuhay ang makina ng koste. Kinuha naman niya ang isang manok saka nakangiting nilantakan na 'yon.
"....because after that you'll dead." Dugtong nito. Nawala bigla ang ngiti niya, nanlalaki ang mga matang tumingin siya dito.
Grabe siya oh..
***----***
"HEY woman! wake up!"
Nagising si Romeliza mula sa malakas na pagyugyog sa balikat niya. Kinusot niya ang mga mata saka tumingin sa katabi niya.
"Mwo? Nan jago shipeo." Sabi niya dito saka muling bumalik sa pagkakasandal. Ngunit muli siyang niyugyug nito.
"Umuwi kana ano ba?" Sikmat nito sakanya. Bigla siyang umayos ng upo, napatingin siya sa paligid niya. Binalingan niya si Ellifard. Nakatingin lang ito sa harap ng sasakyan. Mukhang wala itong balak bumababa para pagbuksan siya.
"Pwede na 'kong umuwi?" Malawak ang ngiting tanong na lang niya. Tinignan siya nito ng masama.
"Anong gusto mo? Iuwi kita sa bahay ko?"
She pouted. Nagbibiro lang naman eh!
"Eto na bababa na." Sabi niya saka niya binuksan ang pinto sa tabi niya isinara niya 'yon pagkababa niya. Lilingon sana siya kay Ellifard para tanungin kung pano nito nalaman ang address niya nang bigla naman nitong pinasibad ang ang kotse. Nahabol na lang niya ng tingin ang papalayong kotse nito.
"Grabe 'di lang siya arrogante! Bastos pa!" Sigaw niya. Nagdadabog na pumasok siya sa loob ng kabahayan.
"San ka galing kang bata ka?! Anong sinasaabi ng kaibigan mo na may kumuha sayo? Alam mo bang kanina pa kami nag-aalala ha?" Bumungad sakanya ang sigaw ng mama niya. Nakangiwing tumingin siya dito.
"Umma! mianhe... at saka pinakawalan naman niya 'ko eh. Nan jo-joke lang 'yong taong yon kilala ko po 'yon." Palusot niya baka lalo lang itong mag-alala at isumbong pa siya sakanyang papa. Nagdududang tumingin ito sakanya saka tinignan ang buong katawan niya.
"Sabihin mo diyan sa kaibigan mo hindi magandang biro 'yan ah! Hala sige! Pumasok kana don! Pasalamat ka at hindi ko pa nasasabi sa papa mo!" Sabi nito. Nakangiting yumakap siya sa ina saka umakyat papunta sa kwarto. Wala naman siyang kailangang sabihin sa mga ito dahil wala namang ginawa si Ellifard maliban sa dinala siya nito sa lugar na 'yon. Dumeretso muna siya sa banyo at nagbabad sa bathtub, mahigit isang oras siyang nagbabad doon saka na siya umahon. Mabilis siyang kumuha ng damit at nagbihis. Binuksan muna niya ang loptop para i-check ang mga friends niya. Pero panay lang ang scroll niya, nakaramdam siya ng katamaran kaya naisipan niyang i-log out 'yon. Nakangiting binuksan naman niya ang isang f*******: na ginawa. Bigla niyang naalala si Ellifard.
"Hala.... nakalimutan kong sabihin sakanya kanina. " Bulong niya.
Nakita niya ang 100 notification at may limang message pa sa messenger. Kinakabahan na kinlick niya ang message. Kumabog agad ang dibdib niya nang makita ang message mula kay Ellifard. Kagat-labing binuksan niya ang message.
Active now...'
Naku naman!
Now i know...'
Yan ang nakalagay sa mensahe nito. Napalunok siya at nagtipa sa keyboard. It's now or never Romeliza!
Anong now i know hehe?' She asked then she click the enter. Ilang segundo lang nag-reply na agad ito.
Ellifard Descont starting relastionship with Romeliza Tan June ,2016? May girlfriend pala ako ba't di ko alam 'yon?'
Namula naman sa hiya ang mukha niya.
Hala pano ba to!
Kahit hindi niya ito nakikita alam niyang sarcastic ito. Huminga muna siya ng malalim saka ito ni-replyan.
Ellifard-ah mianhe, pwede ko namang burahin yan eh..'
Nakita niyang nag-ta-type na ito ng message bago pa niya ipadala ang message niya dito.
And why don't you f*****g telling me?'
She bite her lower lips. Omo! She's really dead!
Sorry na, buburahin ko na. Ipapaalam ko sa mga friends ko 'to promise!'
Reply niya. Ilang sandali niya itong hinintay na mag-reply ngunit hindi na ito sumagot. Hindi niya alam kung galit ba ito o ano eh. Naghintay pa siya ng ilang minuto pero sineen lang siya nito. Sinara na lang niya ang laptop saka siya tumingala sa kisame.
"Siguradong hindi niya na 'ko palalagpasin kapag nagkita kami.."
***----***
"ANG dumi mo talagang maglaro Ellifard!"
Tinawanan lang ni Ellifard si Delifico. Nakangising nilabas niya ang huling baraha. Mas lalong lumawak ang pagkakangisi niya. It's Ace diamond and ace diamond is higher than the Queen of diamond. Nilapag niya 'yon sa harap ni Delifico.
"f**k!" Bulong nito saka nilapag ang baraha sa harap niya.
"Pano ba 'yan?" Nakangising sabi niya habang nakalahad ang kamay. Nakasimangot na kumuha ito ng cheque sa wallet nito saka nito inabot sakanya. Nakangisi siya sa presyong nakita.
"I swear i gonna kick your ass back to Italy!" Piko na sabi nito. Tinawanan niya lang ito. Kahit kailan talaga napaka-pikonin nito. Tinalikuran niya ito saka siya pumunta sa mini-bar.
"Halika dito Seniorifo makabawi man lang ako!" Narinig niyang tawag ni Delifico.
"Ayoko nga daya mo rin eh!" Sagot nito habang naglalaro sa cellphone.
Lumapit naman sa kinaroroonan niya si Maxeau, hawak nito sa isang kamay ang bote ng Martini. Nakita niyang abala naman ang iba. Si Clifford may kausap sa cellphone, while Rhedentor are using heroin. Si Thartarus naman ay nanunuod sa flat screen na naka-set sa wall.
"Pakiramdam ko mababawasan na tayo." Ani Maxeau. Tinignan niya lang ang mga kaibigan. Totoo ang sinasabi ni Maxeau, si Eros ay tuluyan ng umalis sa grupo. Si Clifford naman mukhang aalis na rin. Parang kailan lang ay ayaw bitawan ng mga ito ang mga naka-atang na pwesto. Si Grey naman ay minsan na lang kung pumunta dito, ganon din si Sebastian. Mukhang masaya na nga ang mga ito sa buhay asawa. He find it boring and He don't find himself in that kind of place. Sucks.
"Wow! May girlfriend kana pala Ellifard?!" Natatawang sabi ni Serionifo habang nakatingin sa cellphone nito. Natigilan naman ang lahat pagkuway lumapit kay Serionifo.
"Oh. Cute ah." Puri ni Serionifo. s**t! Lumapit siya sa mga ito.
"Wait. Ito yung babaeng dinala mo kahapon ha?" Sabi naman ni Delifico. Kinuha niya mula sa kamay ni Serionifo ang cellphone nito. Nanliit ang mga mata niya.
"Ayieh.. sabi ko na nga ba! Ikaw na ang susunod!" Natatawang sabi ni Maxeau. Binato niya 'yon sa isang mesa.
"f**k you Ellifard!! That's my new f*****g phone!" Galit na sigaw ni Serionifo nang makitang sira ang ang cellphone nito.
"I f*****g buy a new one, isaksak ko pa sayo.." Malamig na sabi niya.
"Oh.. Tumatalab na ang sumpa?" Pang-aasar ni Delifico. Biglang lumitaw sa balintataw niya ang mukha ng babaeng 'yon at pakiramdam niya ay nasa palad niya pa ang kamay nito.
Fuck! It's not good.'
Tinalikuran niya ito saka siya tumungo sa kinaroroonan ng upuan na 'yon. Sinipa niya 'yon.
"Ouch!" Hiyaw niya nang maramdaman ang sakit sa ginawa niyang pagsipa doon. Hinawakan niya ang trono na 'yon at akmang huhugutin.
"Hindi mo mahuhugot 'yan, malalim ang pagkakatanim diyan ni Grey. " Nang-aasar na sabi ni Serionifo.
"Akina ang gas susunugin ko 'to" Sabi niya sa mga ito. Tinawanan lang siya ng mga ito.
"Bakal yan baka nakakalimutan mo." Sabi naman ni Clifford na nakasandal sa pader.
"Iba talaga kapag nag-isip si Maxeau." Natatawang sabi ni Serionifo.
"Accept your fate, Buona fortuna Ellifard." They said then laugh.
Merda! No way! I'll kill that woman first!'