Chapter Three

2568 Words
"Marie if ever na magkaroon na tayo ng work at maka-ipon na tayo balak mo pa rin bang pumunta sa south korea?" Tanong ni Romeliza sa kaibigan. Napapansin na kasi niya na palagi nitong kasama ang boyfriend nito at nababahala siya na baka makalimutan na nito ang pangarap nilang dalawa. "Ne.. why are you asking?" Tanong nito habang kumakain ng ice cream. Nakangusong binalatan niya ang cornetto. "Kasi palagi mo na lang kasama 'yang si Nyx. Baka naman makalimutan mo na si Kookie, sinong makakasama ko doon kapag nalunod kana diyan sa boyfriend mo?" Tanong niya dito. Nagsalubong naman ang kilay ng kaibigan niya. "Nalunod?" Umirap siya dito saka niya nilantakan ang ice cream na hawak. Panay lang ang lakad nila sa tabi ng baywalk. Dito ang destination nila ng kaibigan kapag galing sila sa school. "Kasi noong nakaraang gabi nakita ko kayo sa kotse niya." Sabi niya saka tumigil sa paglalakad at hinarap ito. Bigla na namang lumitaw sa isip niya ang ginagawa ng mga ito noong gabing 'yon. "...At sumilip ako sa kotse niyo. I saw you infront of his pants and he's moaning your nam---Brgsaj! Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang takpan ng kaibigan niya ang bibig niya. Lumingon ito sa paligid saka nanlalaki ang matang tinignan siya. "Bepeu!" Gulat na sabi nito, tinanggal niya ang kamay nito sa bibig niya saka nakangusong tinignan ang kaibigan. Namumula ang dalawang pisngi nito. "Kaya sinasabi kong nalulunod kana sa boyfriend mo. Kailan pa?" Tanong niya sa kaibigan. Umiwas naman ito ng tingin sakanya. "N-noong... pumunta ako sa condo niya para dalhin 'yung rolex niya na naiwan sa bahay." Sabi nito saka nito tinaas-taas ang kamay "...tapos non, ayun na. Happy-happy." Tinignan niya ang kaibigan. "You're not innocent anymore bepeu." Sabi niya saka tinalikuran ito. Humabol naman ito sakanya at hinawakan ang braso niya. "Lizang! Mianhe chingu." Sabi nito saka hinaplos ang braso niya. Napangiti na lang siya, kahit naman parehas silang isip bata ng kaibigan alam naman nila ang mga ganong bagay. "Anong sabi niya sayo?" Tanong niya sa kaibigan. "Sabi niya magpapakasal daw kami after ng graduation." Natutuwang sabi nito. "Pero pupunta pa rin tayo ng korea?" Tanong niya. Nakangiting tumango ito. "Ne! Siyempre! Ano ba! Pangarap natin 'yan eh." Sabi nito na binuggo-bunggo pa ang siko niya. Nagpatuloy naman sila sa paglalakad. Masaya naman siya sa kaibigan, kaya lang nakakalungkot lang dahil hindi na siya ang palaging makakasama nito. "How does it feel?" Tanong niya sa kaibigan. Lumingon naman ito sakanya. "Ang ano?" Tanong nito. Kumibot-kibot ang labi niya para pigilan ang ngiti sa kaibigan. "Noong unang mag-seasaw kayo ni Nyx, I'm just curious." Tanong niya. Namilog ang mga mata nito. "Romeliza!" Napahagikgik na lang siya. Natutuwa siya kapag inaasar ang kaibigan, pero kapag siya ang inaasar nito napipikon siya. Mabilis kasi siyang mapikon. "How does it feel? Is it hurt?" Tanong niya pa. Ilang sandali itong nag-isip saka ngumisi. "Sa una. Pero ang sara--- Mabilis siyang bumitaw dito saka tumakbo. Narinig niya ang tawa nito. Natigilan siya sa pagtakbo nang makita ang fishball sa gilid ng baywalk, mabilis siyang lumapit doon. "Magkano po kwek-kwek?" Tanong niya. "Sampung piso apat ineng." Sabi ng ale sakanya habang iniinit ang tinda nito. Binalingan niya si Marie. "Halika!" Bulong niya habang sumesenyas ang kamay dito. Kumuha naman siya ng plastic na mangkok saka nagtuhog ng kwek-kwek na mainit na. "How much madam?" Napatingin siya sa tumabi sakanya. Natulala siya nang makita ang maamong mukha ng lalaking 'yon. Pinasadahan niya ng tingin ang katawan nito. Naka-faded jeans ito at plain na t-shirt black. Nakita niyang kumuha ito ng mangkok na plastic saka nagtuhog ng fishball at kwek-kwek. Mabilis niyang iniwas ang tingin dito nang bumaling ito sakanya. "Hi..." Bumaling siya dito. Nakangiting tumango siya dito. Nakita niyang sinuyod nito ng tingin ang suot niya. "Cosplayer?" Anito. Tumingin siya dito. "Ah..." Umiling siya. "..hindi, mukha lang pero uniform namin 'to sa school." Hanggang tuhod kasi ang haba ng itim nilang medyas at long-sleeve na white on the top. "Ah... sorry." Tango-tangong sabi nito saka kumain ng fishball. Kumain na rin siya, tumabi naman sakanya si Marie saka binulungan siya kung kilala daw niya ang lalaking katabi niya. Umiling lang siya sa kaibigan. "Sandali parang nakita na kita?" Narinig niyang sabi ng lalaking katabi niya. Bumaling siya dito. Tinitigan nito ang mukha niya. "Ah.. ikaw 'yung girlfriend ni Ellifard?" Namamanghang sabi nito saka nilapag ang mangkok. Nilapit pa nito ang mukha sakanya. "Ikaw nga!" Natatawang sabi nito saka kinurot ang magkabilang pisngi niya. Nagsalubong ang kilay niya. Natatawang binitawan nito ang pisngi niya. "...Ikaw 'yung sumpa niya!" "Serionifo!" Sabay silang napalingon sa sumigaw na 'yon. Nanlaki ang mata niya nang makita ang lalaking papalapit sakanila. Mabilis siyang tumabi kay Marie at nagtago sa likuran nito. "Kanina pa kita hinahanap aalis na tayo." Sabi ni Ellifard pero nakatingin sakanya. Pinasadahan nito ng tingin ang buong katawan niya pagkuway tumitig sa mukha niya. "Girlfriend mo 'to 'diba?" Natatawang sabi ni Serionifo. "Excuse me? NBSB ang kaibigan ko!" Sabi ni Marie. Binalingan ni Ellifard ang kaibigan saka binulungan ito. Nakita niyang napanguso ang Serionifo na 'yon. "Oo na.. aalis na nga 'diba?" Sabi nito saka tumingin sakanila. "I have to go girls." Anito saka kinindatan sila. Tumalikod na ito. Ilang sandali itong nakipagtitigan sakanya pagkuway tumalikod na at sumunod sa kaibigan nito. "Aish. Grabe talaga 'yong lalaking 'yon! Siya na nga kumuha sayo kahapon tapos kung umakto ngayon parang walang kasalanan!" Inis na sabi ni Marie. Hinawakan niya ang braso ng kaibigan saka binayaran niya ang kinain. "Halika na uwi na tayo." Sabi niya sa kaibigan saka ito hinila. Lumingin muna siya sa direksyon ni Ellifard. Nakita niyang nakapamulsang huminto ito sa paglalakad. Mabilis niyang binawi ang tingin dito nang makita niyang lilingon ito sa direksyon nila. "Ppali! Ppali!" Sabi niya sa kaibigan habang malaki ang hakbang. "Teka?! Wala ka namang kasalanan don ah!" Sabi ng kaibigan niya. Pinandilatan niya ito ng mata. "Meron pa rin! Hindi ko kasi nabanggit sakanya na ako 'yung taong gumawa ng f*******: niya. Kagabi lang niya nalaman nang ihatid niya 'ko sa bahay. Siguradong mananagot ako don ngayon!" Sabi niya kaibigan. Umirap naman ito. "Alam mo--- Tumigil naman ito sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone nito. Kinuha nito ang cellphone. "Hala! Nakalimutan ko may usapan pala kami ni Nyx ngayon!" Gulat na sabi ng kaibigan niya nang mabasa ang text message. Humarap siya dito. "Ha? Ano naman 'yon?" Tanong niya dito. "Bibisita kasi kami ngayon sa ate niya." Nagmamadaling sabi nito habang nagtitipa sa cellphone. "Ganon ba? Sige na umalis kana!" Tumingin sakanya. "Pano ka?" "Ayos lang ako, maglilibot pa 'ko dito mamaya uuwi din ako." Nakangiting sabi niya dito. "Sige... tatawagan kita mamaya ah!" Sabi nito saka nilagay ang cellphone sa tenga. "...hello? Hey pogi sorry!" Sabi nito saka sinenyasan siya na aalis na. Nakangiting tumango naman siya dito habang hinahabol ng ito ng tingin. Napapailing na nagpatuloy siya sa paglalakad pero tumigil din siya at saka tumingin sa direksyon na dinaanan ni Ellifard. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi na niya ito nakita doon. Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad habang nakatingin sa tubig. Lumapit siya doon saka tumanaw sa malayo. Papalubog na ang araw kaya masarap sa mata niya ang titigan 'yon kahit pa iba na ang amoy ng hangin na nalalanghap niya. Natigilan siya nang maramdaman na parang may nakatingin sakanya. Lumingon siya sa paligid. Maraming tao doon kaya hindi niya alam kung sino ang mga tumitingin sakanya. Niyakap na lang niya ang bag saka tumingin sa malawak na tubig sa harapan. Natigilan siya nang marinig ang sipol na 'yon. Mabilis siyang lumingon sa tabi niya. "Ay mama ligo tayo dito oh!" Sabi ng bata na karga ng isang babae. "Tsk anak hindi pwede! Sige ka may dugong diyan!" Sabi ng babae dito na mukhang nanay ng bata. Napangiti naman siya, naaalala kasi niya ang papa niya sa tuwing gusto niyang maligo sa ilalim ng tubig tatakutin siya nito na may dugong daw doon na kamukha niya. Busy na kasi ito kaya hindi na sila gaano nag-uusap. "Halika na nga umuwi na tayo at baka ma-traffice tayo sa daan." Sabi ng babae. Napangiti siya habang nakatingin sa bata na umiiyak. Kinarga 'yon ng babae saka ito tumalikod. Natigilan siya nang makita ang sapatos na 'yon. Mabilis siyang nag-angat ng tingin. Nanlaki ang mata niya nang makitang nakatayo doon si Ellifard. Sumisipol ito habang nakatingin ito sa tubig. Bumaling ito sa direksyon niya. "Bakit?" Supladong tanong nito nang mahuli siyang nakatingin dito. Iniwas niya ang tingin dito saka siya tumingin sa malayo. Ba't hindi ko siya napansin?' Muli siyang lumingon dito, saktong nakatingin pala ito sakanya. Nagsalubong ang kilay niya. "Bakit?" Tanong na naman nito. "Bakit nakatingin ka?" "Hindi ikaw ang tinitignan ko." Sabi nito. Lumingon naman siya sa kabilang side para hanapin kung sino ang tinitignan nito. Muli siyang bumaling kay Ellifard. "Tinitignan mo si manong?" Tanong niya dito. Hindi siya sinagot nito, tumingin lang ito sa malayo. Nakangusong umalis siya sa kinatatayuan saka naglakad palayo kay Ellifard. Maglilibot na lang siya sa paligid niya, sinukbit niya sa likod nag bag. Pero nakailang hakbang pa lang ata siya nang maramdaman niyang may sumusunod sakanya. Palihim siyang tumingin sa likuran niya. Ba't sumusunod siya sakin?' Binilisan niya ang paghakbang palayo dito habang palihim na tumitingin sa likuran. Naririnig niya ang pagsipol nito. Huminga siya ng malalim saka tumigil sa paglalakad at nilingon ito. Nakita niyang tumigil ito sa paglalakad at mabilis na tumingin sa malayo. "Aish!" Bulong niya saka muling nagpatuloy sa paglalakad. Nakita naman niya ang lalaking patakbo sa direksyon niya. "Ay!" Napa-pikit siya nang maramdamang may humila ng bag niya mula sa likuran. "f**k you!" Unti-unti siyang dumilat nang marinig ang sigaw na 'yon. Mabilis siyang lumingon sa likuran niya. Nakita niyang hawak ni Ellifard ang bag niya mula sa likuran. Nakatingin ito sa lalaking tumatakbo palayo. Tumingin siya kay Ellifard. Binalingan siya nito. "Sa susunod tumingin ka nga sa daan mo." Sermon nito sakanya. "Iiwas naman ako don kay kuya ah!" Sabi niya dito at pilit na lumalayo dito. Pero hindi pa rin nito binibitawan ang bag niya. Nilingon niya uli ito. "Bitaw na aalis na 'ko." Sabi niya dito. Tinulak siya nito pero mahina lang. "Lakad na." Malamig na sabi nito habang nakahawak pa rin sa bag niya mula sa likod. Humakbang naman siya habang tumitingin dito. Nakakapit ito sa bag niya habang ang isang kamay nito ay nasa bulsa nito. Nakatingin ito sa malayo. Parang batang nawawala siya dahil sa hawak nito sa bag niya. Napanguso na lang siya. Muli siyang lumayo dito pero hinila lang nito ang bag niya, at dahil naka-sukbit 'yon sa likod niya ay nadadala ang katawan niya sa tuwing hihilahin nito ang bag niya. Mukha tuloy itong naka-akbay sakanya. At sa tuwing sumisilip naman siya dito ay nahuhuli niyang nakatingin ito sakanya. Naku naman baka tuluyan na 'ko nito ah...' ----*** "PUMASOK kana." Nakangusong binalingan ni Romeliza ang binata. Nakasandal ito sa kotse nito habang nakatingin sakanya. "Bakit hinatid mo pa 'ko? May pupuntahan pa 'ko eh." Sabi niya dito. Kanina niya pa sinasabi na may pupuntahan siya pero nanatili lang itong nagmamaneho. Ni hindi nga siya kinausap nito sa buong biyahe nila. Hindi niya maintindihan ang utak ng lalaking 'to. Pumalatak ito saka humawak sa bridge ng ilong nito na para bang naiinis na sakanya. Inisang hakbang nito ang pagitan nila saka hinila ang braso niya. "Fine! Let's go." "Sandali! Sandali!" Hinila niya ang braso mula dito saka ito tinignan. "...hindi mo na kailangan sumama sakin! Pupunta lang ako kay Marie!" Nagsalubong naman ang kilay nito. "You're lying, kasama ng kaibigan mo ang boyfriend niya. Saan ka pupunta ha?!" "Doon nga ako pupunta sa bahay nila!" Halos pumadyak na siya sa harap nito pero natigilan din siya. "...teka? Nakikinig ka sa usapan namin? Ba't hindi kita napansin?" "Wala ka ng pakialam don. Saan ka nga pupunta?" Parang gusto niyang mangiyak na sa harap nito. Ayaw pa naman niya sa lahat ay 'yung hindi naniniwala sa paliwanag niya. Sinukbit niyang mabuti ang bag saka tinalikuran ito pero hindi para pumasok sa bahay nila. "Isa! Romeliza bumalik ka dito." Matigas na sabi nito. Nakangusong binalingan niya ito saka inirapan. Muli niyang pinagpatuloy ang paglalakad. Kapag ganitong oras uutusan lang naman siya ng mama niya kaya kina Marie muna siya pupunta. May mga report kasi silang gagawin at research. Kapag siya lang kasi ang mag-isang mag-review walang nangyayari, puro update lang sa BTS ang ginagawa niya. "Omo!" Napatili siya nang marinig ang busina na 'yon. Bumaling siya don. "Pupuntahan mo ba boyfriend mo ha?" Sabi ni Ellifard habang nakadungaw sa bintana ng kotse nito. Hindi niya ito pinansin, binilisan niya ang paghakbang. "Kapag hindi mo 'ko sinagot bibitbitin kita papasok sa kotse ko at itatapon kita sa loob ng bahay niyo." Tumigil siya sa paglalakad at binalingan ito. "Niga mwonde?" Inis na tanong niya dito. Kumunot naman ang noo nito. Huminga siya ng malalim. "...ano bang pake mo? Hindi kita kilala para magpaliwanag ako sayo kung san ako pupunta." Sabi niya dito. Nakita niyang natigilan ito. Muli siyang tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na niya naramdamang sumunod na ito. Nakagat niya ang ibabang labi. "Sumobra ba 'ko? Kasi naman siya eh." Nako-konsensyang bulong niya. "Baka nakakalimutan mong may karapatan ako dahil boyfriend mo 'ko." Halos mapatalon siya nang marinig ang boses na 'yon. Mabilis siyang bumaling sa likuran niya, tinignan niya ang kinaroroonan ng kotse nito saka siya tumingin sa mukha ng binata. Ang bilis naman nitong maglakad. "Anong sabi mo?" Tumaas ang sulok ng labi nito. "Ellifard Desconte starting relastionship with Romeliza Tan June ,2016." Iniwas niya ang tingin dito. "Joke lang naman 'yon eh." Bulong niya. "Kahit na biro 'yon malaking kasiraan sa pangalan ko 'yon." Grabe kasiraan talaga? "Now, can you tell me where you were going?" Tanong uli nito. "Kina Marie, may kailangan kasi kaming tapusin ngayon. Sila auntie Mila ang maabutan ko don kaya aabangan ko na lang si Marie. Isa pa...." Tumingin siya sa direksyon ng bahay nila saka bumaling kay Ellifard. "...ayokong utusan ni Umma. Palaging ako na lang kasi inuutusan niya eh andiyan naman si Hyung." Nakangusong bulong niya. Kumunot ang noo nito saka tinitigan siya. "You're impossible." Bulong nito saka inabot ang kamay niya. "Halika. Ihahatid na kita don." Anito saka hinila ang kamay niya papunta sa kotse nito. Hindi na lang siya umangal tutal, medyo madilim na eh baka mahirapan siyang makahanap ng taxi sa labas ng subdivision. Una siyang pumasok sa kotse, hinintay naman niya si Ellifard na makasakay na. "Sabihin mo na lang sakin kung saan ang address ng kaibigan mo." Malamig na sabi nito saka binuhay ang makina ng kotse. Tumitig siya sa mukha ni Ellifard. Nakita niya ang ilang pekas na nagkalat sa mukha nito at hindi niya alam kung bakit mas lalo 'yung bumagay dito. May maliit na pierceng din sa may kakapalan nitong kilay. Naglakad ang mata niya patungo sa leeg nito. Ang dami niyang nunal sa leeg... siguro habulin 'to.' Naglakbay naman ang tingin niya papunta sa braso nito hanggang sa kamay nito. "Eyes up Romeliza." Napakurap siya saka iniwas ang tingin nito. Tumingin siya sa labas ng bintana, pero palihim pa rin siyang sumisilip dito. Hindi niya alam pero habang tumatagal parang gusto niyang titigan ito ng titigan. Para kasing may kung anong natutuwa sa loob niya. Omo, ganito din 'yung nararamdaman ko kay Jimin!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD