Chapter Four

2960 Words
"Auntie Mila?! Auntie! Si Lizang po ito!" Pa ulit-ulit na pinindot ni Romelize ang doorbell saka tumingin sa malaking bahay. "Sigurado kabang may tao diyan?" Tanong ng nasa likuran niya. Binalingan niya ito, nakasandal ito sa kotse habang nakahalukipkip. "Baka nasa likod ng bahay si Auntie, mahilig kasi magsalang ng labahin 'yon kapag gabi eh." Sabi niya dito saka muling nag-doorbell. Ilang sandali lang ay may nagbukas na ng gate. Bumungad ang mukha ng kuya ni Marie. "Annyeong kuya Seth." Nakangiting sabi niya sa kuya ni Marie. "Oh... ikaw pala Romeliza." Nakangiting sabi nito. Bahagya siyang sumilip sa likuran nito saka bumaling sa mukha nito. "Andiyan na si Marie?" Tanong niya. Umiling lang ito. "Wala pa eh. May gagawin ba kayo ngayon?" Tanong nito saka napatingin sa likuran niya. "Ne. Kailangan din naming asikasuhin 'yung thesis namin eh. Yung iba kasi naming group hindi nag-aasikaso kaya mukhang kami lang ni Marie ang gagawa." Nakangusong sabi niya. Nakakainis 'yung ganong grupo. "May kasama ka pala.." Sabi nito. Tumingin siya kay Ellifard, magkasalubong ang kilay nito. "Ah... oo nga pala siya pala si Ellifard. Hinati---- "Boyfriend niya." Matiim na agaw ni Ellifard sa sasabihin niya. Pinanliitan siya nito ng mata kaya hindi na lang siya umimik sa sinabi nito. Isa pa, parang nagustuhan niya pa ang sinabi nito. "Talaga? Wow, may pumatol sayo?" Natatawang sabat ni Seth. Napasimangot siya sa sinabi nito. "Grabe ka sakin ah!" "Nagbibiro lang." Natatawang sabi nito saka hinawakan siya sa braso niya. "...halika na abangan mo na lang siya sa loob." Nagpahila naman siya dito. "Sandali lang." Napalingon sila ni Seth kay Ellifard. Lumapit ito sakanila saka hinablot ang braso niya na hawak ni Seth. "Aray ah!" Angal niya dito. "Sinong tao diyan sa loob ng bahay niyo?" Tanong ni Ellifard kay Seth. "Ang mga magulang ko bakit?" Sagot ni Seth. Lumuwag naman ang pagkakahawak nito sa braso niya saka bumaling sakanya. "Kaya mo namang maglakad mag-isa 'diba? Hindi mo na kailangan magpahawak." Supladong sabi nito saka binitawan ang braso niya. Napanguso na lang siya saka pumasok sa loob ng gate. "Suplado talaga nito." Bulong niya kay Elllifard. Pabalik na ito sa kotse nito. Natatawang sinara ni Seth ang gate. "Ang seloso naman ng boyfriend mo." Sabi nito. Pumasok na lang siya sa kabahayan, saglit siyang tumigil sa paglalakad saka tumingin sa gate. Unti-unting sumilay ang ngiti sakanya.. ---** "ANAK? Anak gumising kana anong oras na?! Papasok kapa oh!" Pakapang kinuha ni Romeliza ang unan saka 'yon tinakip sa tenga. Muli na naman niyang narinig ang sunod-sunod na katok sa pinto ng kwarto niya. "Anak?! Ano ba?" Naiinis na tumingin siya sa orasan. "Umma! Alas-siyete pa lang ng umaga eh, alas-nuwebe pa 'yong pasok ko." Ungot niya sa ina at muling pumikit. "Hindi! Gumising ka na at dalhin mo 'tong putong ginawa ko sa Tita Hilda mo." Napa-ungol naman siya sa sobrang inis. Tinatamad na umupo siya sa kama habang nakapikit. "Umma! Andiyan naman si hyung eh! Siya na lang magdala!" "Uy inuutusan ako ni mama na magsampay ng nilabhan!" Sabat ng boses na 'yon. Napapadyak naman siya sa kama. "Dackchyeo!" Naiinis na sabi niya sa kuya niya. "Hala ma! Nagmumura oh!" Doon na siya nagmulat ng mata. "Hindi sabi ko shut up ka!" "Tumigil na kayo sa pag-aaway ang aga-aga pa! At ikaw Lizang tumayo kana diyan at magbihis pumunta kana ron!" Sigaw ng mama niya, papalayo na ang boses nito. Tinatamad na bumaba siya ng kama. "Umma! According to psychology, ang mga taong biglang ginigising daw ay nagkakaroon ng damage sa utak." Sabi niya habang kumukuha ng damit na susuotin. "May damage na talaga 'yang utak mo!" Sabat naman ng kuya niya. "Jugeullae?!" Ang hilig talagang mam-bully nito! Kinuha niya ang pink na dress at underwear saka siya pumasok sa banyo. Halos kalahating oras siyang nagtagal sa loob bago sya lumabas. Kinuha niya ang suklay saka lumabas sa kwarto. Nakita niya ang kuya niya na pinamimilian ang mga labahin. Nakabukod ang puti at ang de-color sa sahig. Dahan-dahan siyang lumapit sa likuran nito. Tinulak niya ito sa likod. "Anak ng!----Lizang!" Sigaw nito nang sumobsob ito sa labahin. Natatawang bumaba siya sa hagdan, dumeretso siya sa kusina. Naabutan niya ang ina na binabalutan ang isang bilao. Lumapit naman siya dito habang nagsusuklay. "Anong meron kina tita?" Tanong niya sa ina. "Umuwi na kasi 'yung tiyuhin ng asawa niya kaya may pakain sila doon. Kaya ito naisipan kong gawan sila ng puto dahil hindi ako makakapunta doon. May usapan kasi kami ni Andre ngayon." Sabi ng mama niya saka nilapit sakanya ang bilao. Kinuha naman niya 'yon saka niya nilapag ang suklay sa mesa. "Sige na at baka nag-aayos na ng pagkain ang mga 'yon. Andiyan si mang Gideo sa labas sumabay kana dahil dadaan 'yon sa asawa niya." Sabi nito na ang tinutukoy ay ang driver nila. Nakangusong lumabas naman siya ng kusina. "Gusto ko pang matulog eh." Bulong niya habang nakahawak ang kamay niya sa lace na suot niya sa leeg. Ang favorite band BTS ang naka-display doon. Paglabas niya ng bahay ay naabutan niya si mang Gideo na pinapagpagan ng towel na maliit ang salamin ng sasakyan. Lumapit siya dito. "Annyeong kuya." Bati niya dito saka siya pumasok sa loob ng van. "Oh gising kana pala." Sabi nito saka pumasok na rin sa loob. Tahimik na tumingin siya sa labas ng bintana. "Ay siyang pala may pumuntang lalaki kaninang madaling araw. Hinahanap ka." Kunot-noong bumaling siya kay manong. "Sino daw po? Anong oras?" "Hindi nagpakilala eh. Kausap ko pa nga 'yung gwardiya ng subdivision, tinanong niya kung naka-uwi kana daw at kung sino daw ang kasama mo. Ala-una ata ng madaling araw 'yon, hindi naman namin napaghinalaan kasi mukhang mayaman naman." Anito. Kumunot ang noo niya. "Wala naman akong kilalang lalaki eh." Sabi niya. Tumango-tango lang si manong. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na sila sa tiyahin niya. "Ahjussi magta-taxi na lang po ako pauwi punta na po kayo sa asawa niyo." Nakangiting sabi niya sa driver nang makababa siya. "Ganon ba, oh sige. Mag-iingat ka." Tumango naman siya dito saka siya tumalikod. Tumingin siya sa malaking bahay pagkuway pinindot ang doorbell. Ilang sandali pa ay natanaw niya ang katulong ng kanyang tita Hilda. Binuksan nito ang gate. "Annyeong." Bati niya sa katulong. "Oh Lizang.." Nakangiting sabi ng katulong saka niluwangan ang pagbukas ng gate. Pumasok naman siya. "Andiyan sila Tita?" Tanong niya. "Nasa likod, naku busy nga lahat eh. Alam mo naman na kapag dumadating si Sir Mark palaging may pahanda si sir." Nakangiting sabi nito. Sumunod naman siya dito habang papasok sila sa kabahayan. "Ay eto po 'yung ipinabibigay ni umma." Inabot niya sa katulong ang bilao. "Ah sige at ilalagay ko 'to sa kusina." "Lizang-ah!" Napatingin siya sa may-ari ng boses na 'yon. Nanlaki ang mata niya nang makita si Danica. "Eonnie!" Natutuwang sinugod niya ito ng yakap. Nagbakasyon ito sa probinsya kasama ng lola nito. "Omo Yeppeuda.." Nakangiting sabi niya habang tinitignan ang buhok nito na kulay asul. Nakangiting inakbayan siya nito. "Iba kapa rin magsalita!" Natatawang sabi nito saka binulungan siya. "....gomawo." Sabay silang nagtawanan. "Ang tangkad mo na samantalang isang taon ka lang don kina Lola. You're eating a vegetable no?" Sabi niya habang papunta sila sa likod ng bahay. "Oo, saka isa pa matangkad na talaga kami no." "Babalik kapa don?" Tanong niya dito. Umiling ito. "Hindi na isa pa kawawa naman si kuya Tunaco dito no." Natatawang sabi nito. Ngumiti naman siya. Pagdating nila sa likod ng bahay ay nakita niya ang ibang kamag-anakan doon. Ang ibang katulong ay hindi halos magkanda-ugaga sa pag-aayos ng mga lamesa. "Ay sandali lang Lizang ha? Puntahan ko lang si daddy." Tumango naman siya. Nang humiwalay na ang pinsan ay palihim siyang umiwas sa mga kamag-anak. Dumeretso siya sa swimming pool area. Payuko siyang sumilip doon. "Ang dami namang lalaki dito." Bulong niya habang nakatingin sa mga kalalakihang nasa tabi ng swimming pool at nagku-kwentuhan. Nanliit ang mata niya nang makita ang isang lalaking naka-chekered ng itim, may katabi itong babae. Actually halos lahat ata ng nandon ay may babaeng kasama. "Mingming! Mingming!" Sigaw ng isang lalaking 'yon. Nanlaki ang mata niya nang makita ang hawak nito. "Si pipi...." Halos kapusan siya ng hininga nang makitang hawak ng lalaking 'yon sa leeg ang pusa ni Tita Hilda. Nilublob ng lalaking 'yon ang pusa sa tubig. Lumabas siya mula sa pinagtataguan. "Pipi!!" Sigaw niya. Hindi niya pinansin ang paglingon ng mga nandon sa direksyon niya. Tumalim ang mata niya sa lalaking 'yon. Nakakunot ang noo nito. Kuyom ang kamao na lumapit siya dito saka kinuha ang pusa dito. "No mi cheoss oh?! Niga mwonde?" Galit na sabi niya sa lalaking 'yon habang hawak ang pusa. "Ha?" Awang ang labing tanong nito. Kahit matangkad ito sakanya papatulan niya 'to. "Baliw kaba ha?! Bakit sinasaktan mo ang pipi ko?!" Galit na sabi niya dito. "Oh my gash.." Narinig niyang sabi ng mga babaeng nandon. Hindi niya pinansin 'yon. Bumaba ang tingin ng lalaking 'yon sa hawak niya. "Romeliza?" Napalingon siya sa bagong dating. Mabilis siyang lumapit dito. "Kuya Inuyasha nilulubog niya sa tubig si pipi." Sumbong niya sa pinsan. Kumunot ang noo nito saka tumingin sa pusang hawak pagkuway sa lalaking 'yon. "Anong ginawa mo Thartarus?" Inirapan niya ang lalaking 'yon. "Wala ah, naglalaro lang kami ng..." May sinusupil na ngiti ito. "...pipi niya." "Kasi naman Thartarus ang dami mong paglalaruan bakit 'yung pipi pa niya." Natatawang sabat ng isang boses na 'yon. "Tandaan mo buhay din 'to! Dapat hindi sinasaktan?!" Sabi pa niya at inambahan ito. "...itulak kita diyan eh!" Nakita niya ang pagpipigil ng tawa nito saka yumukod. "Sorry na po sa pipi mo." "Ah... pumasok kana sa loob Romeliza. 'Wag kang mag-alala pagsasabihan ko 'tong taong 'to." Nakangiting sabi ni Tunaco. Umirap muna siya sa lalaking 'yon saka tumalikod. Pero saktong napatingin siya sa direksyon ng mga lalaking 'yon. Nanlaki ang mata niya nang makita si Ellifard. Kaya pala kahit nakatalikod siya kanina sakin mukhang pamilyar eh..' Napatingin siya sa mesa ng mga ito. "Is that weed kuya Tunaco?" Nagtatakang tanong niya nang makita ang bagay na 'yon katabi ng mga sigarilyo. Humawak naman sa likuran niya ang pinsan. "Sige na pumunta kana kay Danica." Bahagya pa siyang tinulak ng pinsan. Muli silang nagkatitigan ni Ellifard. Gumagamit siya non?' Napatingin siya sa kamay nitong may hawak na sigarilyo pagkuway sa babaeng nakahawak sa braso nito. Saka niya lang binawi ang tingin dito nang maihatid na siya ng pinsan sa garden. "Sa susunod 'wag kang pupunta kapag may mga kasama ako ha? You're too innocent for that Romeliza." Sabi ng pinsan niya. Napanguso naman siya. "Gumagamit ka non? Alam ba nila tiya?" Pinandilatan siya nito. "Wala kang sasabihin sakanila maliwanag ba?" Napanguso naman siya. "Wala naman akong pake sayo eh." Natawa naman ito saka ginulo ang buhok niya. "Sige na umakyat ka don sa kwarto ni Danica. Matagal din kayong hindi nag-usap, babalik na 'ko roon." Tumango naman siya saka tinalikuran ito. "Ibig sabihin gumagamit din si Ellifard non? Pero bakit?" Takang tanong niya habang papasok sa kabahayan. Umakyat siya sa hagdang nandon. "May sinasabi naman sila sa buhay pero bakit kailangang sirain nila buhay nila?" Takang tanong niya pa habang papunta sa kwarto ng pinsan. "....isusumbong ko si Kuya Inuyasha kay tita." Nakangusong bulong niya saka kumatok sa pinto ng pinsan. "Bukas 'yan!" Pinihit naman niya ang doorknob saka sumilip sa loob. Naabutan niyang nagli-lipstick ang pinsan. Pumasok siya sa loob habang dala ang pusa. "Oh anong nangyari kay pipi?" Tanong ng pinsan niya. "Nilublob sa tubig no'ng kaibigan ni kuya Inuyasha." Nakangusong sabi niya. Inabutan naman siya ng pinsan ng malinis na towel. "Si Thartarus na naman siguro. Mahal talaga niya ang lahat ng hayop." Naiiling na sabi nito. Umupo naman siya sa gilid ng kama saka pinunasan ang pusa. Sampung taon pa lang siya nang dalhin niya sa bahay ni Danica si pipi, hindi kasi pwede sakanila dahil may asthma ang mama niya. Noong mag-bakasyon si Danica dinala din nito ang pusa. Natigilan siya nang maalala si Ellifard. Binalingan niya si Danica. "Kilala mo ang mga kaibigan ni kuya Inuyasha?" Tanong niya dito. Paborito talaga niyang tawaging Inuyasha ang kuya Tunaco niya. Para kasing buhay na tao si Inuyasha na isa sa paborito niyang anime na kamukhang-kamukha nito pati boses lalo't humaba lang ang buhok nito. "Oo bakit?" Sabi nito habang inaayos ang buhok sa salamin. Maingat niyang nilapag si pipi sa sahig saka bumaling sa kaibigan. "Kilala mo rin si Ellifard?" Tumango naman ito. "Oo, naku babaero naman lahat ng kaibigan ni kuya." Sabi nito saka nagpahid ng blush on sa pisngi. "..... bakit mo nga pala natanong?" Kumibot-kibot ang labi niya. "Wala lang." Bulong niya saka tinitigan ang pusa na papunta sa pinto. Hindi maalis sa isip niya ang hawak ni Ellifard kanina. "Teka? Don't tell me gusto mo si Ellifard?" Nanlaki ang mata niya saka tumingin sa pinsan. "Hindi ah! Tinanong ko lang naman." Ngumisi naman ito sa repleksyon ng salamin. "Sakanilang lahat matino naman 'yan si Ellifard eh. Kaya lang unpredictable na tao, minsan may topak. Minsan naman loko-loko tapos mamaya galit na. Siguro may issue sa ugali ang lalaking 'yon." Tumango-tango siya, 'yun nga ang napapansin niya dito. "Ah siyanga pala! Papasok pa 'ko!" Sabi niya at mabilis na tumayo. "Ha? Hindi mo pa nakaka-usap si mommy." "Pakisuyo na lang eonnie, kailangan kong pumasok ngayon eh." Sabi niya pinsan. "Sige... mamaya pupunta ako sainyo ha?" Nag-thumbs up siya dito. "Ikulong mo si pipi dito sa kwarto mo. Mamaya mapag-initan na naman ng baliw don sa pool eh." Sabi niya pinsan saka niya binuksan ang pinto. "Okay po madam." Ani ng pinsan niya, mabilis na siyang nakapag-paalam dito saka siya lumabas ng kwarto nito. Halos patakbo siyang pumunta sa hagdan. Wala siyang nakitang tao sa ibaba, mukhang abala pa rin ang mga ito sa garden. Patakbo siyang tumungo sa pinto. "Ay--ay!" Halos mapatili siya nang halos matumba-tumba siya. Buti na lang at may humawak sa braso niya. Mabilis siyang lumingon sa taong humawak sa braso niya. Nanlaki ang mata niya nang makita si Ellifard, bumaba ang mata niya sa kamay nito na nakahawak sa braso niya pagkuway sa paa naman nito na nakatapak sa sintas ng rubber shoes niya. "Ang bilis mong maglakad hindi kita napapansin?" Takang tanong niya dito. Binitawan naman nito ang braso niya. "Pano para kang bata kung humakbang." Walang emosyon na sabi nito saka bahagyang lumuhod sa harap niya. Hinawakan nito ang sintas ng rubber shoes niya. "Uy anong ginagawa mo?" Gulat na tanong niya nang tanggalin nito ang rubber shoes niya. Napanganga siya nang makitang sira ang ilalim non. "May kaya naman kayo pero hindi mo afford bumili ng bagong rubber shoes." Sabi ng binata. Binawi niya ang rubber shoes sa kamay nito. "Gift sakin 'to ni auntie galing korea." Sabi niya pa at akmang isusuot 'yon. "Ellifard!" Tawag niya sa pangalan nito nang kunin na naman nito ang hawak niya. Tumalikod ito sakanya at bahagyang yumuko. "Pumasan ka sa likod ko." Sabi nito. Napatingin naman siya sa likod nito saka siya tumingin sa paligid. "Pasan na Romeliza." Tawag uli ni Ellifard. Lumapit naman siya sa likod nito saka yumakap sa leeg nito. Walang kahirap-hirap na binuhat siya nito. "Wala ka bang sundo ngayon?" Tanong nito habang palabas sila ng kabahayan. Umiling lang siya. "Wala, balak ko kasi mag-taxi na lang." "Hindi kaba makikisali sa mga kamag-anak mo dito?" Tanong uli nito sakanya. "Hindi, may pasok kasi ako ngayon eh." Sagot niya uli. Tumigil naman ito sa paglalakad pagkuwa'y bumaling sakanya. Napatingin siya sa iilang pekas sa pisngi nito. "Freshmen?" Umiling siya. "Aniyo, ga-graduate na kami ni Marie next year." Umiling lang ito saka nagpatuloy sa paglalakad. "Pero kung umasta ka para kang kinder." Napanguso naman siya sa sinabi nito. Suminghot siya sa hangin nang maamoy niya 'yon. "Ang baho mo amoy pinaghalong alak at sigarilyo ka." Sabi niya dito. Natawa ito ng mahina, nang makarating na sila sa kotse nito ay bumaba na siya sa likod nito pero hindi niya inaapak sa lupa ang medyas. Puti pa naman 'yon at talagang papagalitan siya ng mama niya. "Teka? Ihahatid mo 'ko?" Tanong niya kay Ellifard. Binuksan nito ang pinto sa harap. "Oo. Pumasok kana." "Eh pano 'yung mga kasama mo don baka hanapin ka?" Sabi niya pa dito. Tumingin muna ito sa malaking bahay pagkuwa'y binalingan uli siya. "Hayaan mo na sila." Sabi lang nito. Tahimik na lang na pumasok siya sa kotse nito. Sinuot niya ang seatbelt. "May alcohol kaba diyan?" Tanong nito nang makapasok na sa sasakyan. Tumango naman siya saka kinuha ang alcohol sa maliit na bag. Inabot niya 'yon kay Ellifard. Nakita niyang nilagyan nito ng alcohol ang kamay saka braso. "Oh.." Inabot uli nito sakanya ang alcohol. Kinuha naman niya 'yon habang nakatingin dito. "Do I smell like s**t?" Tanong nito. Umiling lang siya. Tumaas lang ang sulok ng labi nito saka binuhay ang makina ng sasakyan. "Gumagamit ka ng ganon Ellifard?" Sabi niya na ang tinutukoy ay 'yung nakita niya kanina. Nakita niyang natigilan ito. "Oo." Sagot nito. Tumango-tango lang siya saka tumingin sa labas ng bintana. May gusto pa sana siyang itanong dito pero 'wag na lang. Nakakahiya eh. "Romeliza..." Napalingon siya sa katabi. "Bakit?" Huminga ito ng malalim habang nakatutok ang tingin sa daan. "Kalimutan mo na lang kung ano ang nakita mo kanina...." Kumunot ang noo niya. "Bakit naman?" Takang tanong niya dito. Actually hindi naman issue sakanya 'yon eh, saka hindi naman siya magsusumbong. "Basta. Ayokong may isipin ka tungkol sakin." Walang emosyon ang mukha na sabi nito. "Wala naman akong dapat isipin sayo dahil hindi naman kita kilala." Sagot niya dito, nakita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito pero hindi na nagsalita. Tama nga si Danice, ang unpredictable ng taong 'to...'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD