Chapter Five

2822 Words
"Aano ba 'yan chingu nag ke-crave ako sa ice cream." Sabi ni Romeliza saka siya tumayo mula sa pagkakadapa sa kama. "San ka pupunta?" Tanong ni Marie na nakatutok sa laptop. "Bibili lang sa grocery ng ice cream, do you want?" Alok niya sa kaibigan. "Ne...." Sabi nito. Bumaba naman siya ng kama at kinuha ang blazer at isinuot 'yon. Kinuha na rin niya ang waller saka lumabas ng kwarto. Wala naman ang mama niya ngayon kaya pwede siyang lumabas ng gabi, ala-sais pa lang naman eh siguro naman marami pang tao sa labas ng subdivision. Pajama na kulay pink at t-shirt lang ang suot niya, nakalatag lang din ang buhok niya na hanggang balikat. Naglakad lang siya palabas ng subdivision na ilang metro lang naman ang layo. Nagpaalam siya sa guard na nagbabantay sa subdivision. Mabilis siyang naglakad papunta sa maliit na Grocery nang matanaw niya na ito, tatlo lang ang tao sa loob, isang matanda at dalawang lalaki. Tapos nag-iisa lang 'yong cashier na babae sa loob. "Ba't kaya walang guard dito." Bulong niya saka pumasok sa loob ng grocery. Kumuha siya ng ice cream flavored with chocolate, kumuha na rin siya ng mga snacks at chocolates. Ilang sandali pa ay lumapit na siya sa cashier na babae. "Annyeonghaseyo ajumeoni.." Nakangiting bati niya sa babae. "Oh hi, ikaw pala." Natutuwang sabi nito sakanya ng makita siya. "Mag-isa ka lang po dito ajumeoni?" Tanong niya dito. "Oo, mamaya pa darating si Henry eh." Sabi nito habang nakatutok sa kaha. "Ba't wala si manong guard?" Tanong niya uli dito. Binabalot na nito ang mga pinamili niya. "Andiyan lang 'yung sa labas baka may binili lang diyan sa kanto." Sabi nito saka binigay sakanya ang resibo. Kumukuha siya ng pera sa wallet nang maramdaman niyang may lumapit sakanya. "Ilabas mo yang nasa kaha mo.." Narinig niyang sabi ng isang boses lalaki sa likuran niya. Hindi niya 'yon pinansin dahil abala siya sa pagkuha ng pera niya mula sa wallet. Kumuha siya ng limang daang buo at saka nakangiting humarap kay ate. Nakita niyang namumutla ito habang may pagmamadaling kumuha ng pera sa kaha. Kunot noong lumingon siya sa likuran niya. "Huwag kang sisigaw.." Banta nung isang mukhang sanggano, nanlaki ang mata niya pagkakita sa baril ng mga ito. Napatingala siya sa mga mukha nito. Eottoke! Mooseowo...' Tumalikod siya sa mga ito habang naglulumikot ang mga mata niya. "Pre maganda tong babae sa tingin mo?" Narinig niyang sabi ng isa. Naramdaman niyang may humaplos ng buhok niya mula sa likod. "Jugeullae?!" Galit na baling niya dito. Bahagyang umatras ang mga ito. "Ano daw?" Natatawang sabi ng kasama nito. Tumalim ang mata niya sa mga ito. "Mukhang palaban ah..." Nakangising sabi nito saka tinutok ang baril sa mukha niya. Omo! Mas gugustuhin ko pang mamatay sa kamay nung Ellifard na 'yon eh! "Dito na natin galawin." Sabi naman ng isa. Nanlaki ang mata niya nang hawakan ng mga ito ang magkabilang braso niya. "Ano ba! Bitiwan niyo nga 'ko!" Sigaw niya habang nagpupumilit na pumiglas sa hawak ng mga 'to. "Kunin mo 'yung pera!" Utos ng lalaking may hawak sa braso niya. Binitawan naman siya ng kasama nito. "Wag kang magulo kung ayaw mong pasabugin ko 'tong mukha mo.." Nakangising sabi ng may hawak sakanya habang nakatutok sakanya ang baril nito. Nakita kong nakayuko ang matandang babae na 'yon sa harap niya, nakatapat sila ngayon sa pinto ng grocery. Namamag-asa siyang may dadaan pero wala, walang katao-tao sa labas. Ginapang ng takot ang dibdib niya. Hinawakan ng lalaki ang buhok niya, nakangiwing iniwas niya ang mukha dito. Kumuyom ang kamao niya nang mula sa gilid ng mata ay papalapit na ang mukha nito at balak siyang halikan. Bahala na!' Natigilan siya nang may pumasok sa Grocery. Nanlaki ang mga mata niya nang makilala niya kung sino 'yon. Ellifard!' Parang nakahinga siya ng maluwag, napatingin ito sa direksyon niya naglakbay ang mata nito sa kamay ng nakahawak sa braso niya. Nanliit ang mga mata ito. "Wag kang gagalaw diyan sa kinatatayuan mo kung ayaw mong sumabog ang mukha nito." Sabi ng may hawak sakanya. Umawang ang labi niya nang gumapang papunta sa gilid ng ulo niya ang baril nito. Tumaas ang sulok ng labi ni Ellifard. Ang gwapo talaga niya....' "Just do what you want. Manonood lang ako dito." Nakangising sabi nito. Nanlaki ang mga mata niya. Ay binabawi ko na!' At talagang umupo lang ito! Kapag namatay ako dito mumultuhin ko ang kalahi-lahian mo!' Napakagat-labi siya nang maramdaman ang pagpisil na 'yon sa balikat niya. Napapikit siya ng mariin habang kuyom ang kamao. Sasalubungin ko siya ng suntok sa mukha!' Pero hindi niya pa nagagawa 'yon nang matumba siya sa sahig. Unti-unti siyang dumilat. Nakita niyang bihasang nakikipaglaban si Ellifard sa dalawa. Kinakabahan siya dahil may mga baril ang mga ito. Napasiksik ako sa sulok habang nakatakip ang dalawa kong kamay sa tenga niya nang sunod-sunod na pumutok ang baril ng mga ito. Sinipa ng malakas ni Ellifard ang isang lalaki tumalsik 'yon sa linya ng mga mesa. Nawasak 'yon, nag somersault sa ere si Ellifard at nasapol nito sa mukha ang isa pa. Grabe ang galing niya.... Nakita niya si nanay na nakahawak sa dibdib. Payuko siyang lumapit dito. "Nay okay ka lang? " Nag-aalalang tanong niya nang makalapit siya dito, nahihirapang huminga na tumango ito saka tumayo. Inalalayan niya ito. Nanlaki ang mga mata nito habang nakatingin sa likuran niya. "Sa likod mo Neng!" Sigaw nito habang nakaturo sa likuran niya. Lilingon sana siya nang may sumalubong sa paningin niya, kasabay non ay ang pagpulupot ng braso sa katawan niya at pagtakip sa tenga niya. Kahit may nakatakip sa tenga niya ay narinig niya pa rin ang malakas na putok ng baril na 'yon. Biglang kumabog ang dibdib niya. Bahagya niyang tinulak ang dibdib nang yumakap sakanya.. "Just don't f*****g move.." Madiing sabi ng boses na 'yon. Tumingala siya dito. Ellifard...' Nakita niyang nakangiwi ito, hinawakan nito ang mga mata niya at sinubsob ang mukha niya sa dibdib nito. May narinig siyang something na parang wooosssh! Ewan niya kung ano 'yon. Ilang sandali pa ay lumuwag na ang yakap nito sakanya. Akmang lilingon siya sa likuran nito. "Wag kang lumingon." Galit na sabi ni Ellifard sakanya. Sinunod naman niya ito, nakatingin lang siya sa mukha nito. Walang emosyon ang mukha nito. Nanlaki ang mata niya nang makita ang baril na hawak nito. Nilagay nito 'yon mula sa likod nito. Kinuha ni Ellifard ang palad niya at hinila papalapit sa katawan nito. "Okay ka lang ba?" Tanong nito sakanya nahahamigan niya ang pag-aalala sa boses nito. Tumango naman siya dito, bumaba ang tingin nito sa braso niya. Nagulat pa siya nang makita ang pasa sa braso niya. Napapiksi siya ng hawakan 'yon ni Ellifard. "s**t!" Narinig niyang bulong nito. Muli siyang napatingin dito. Hinila siya nito saka inakbayan, sabay silang lumabas ng grocery nang marinig ang paparating na pulis. Nakita niya sa labas sila manang pati na yong kahera. Curios siya kung ano talagang nangyari sa loob , lilingon sana siya ng hawakan ni Ellifard ang panga niya. "Ang kulit sabi nang 'wag lumingon eh!" Galit na sabi nito, napanguso na lang siya. Pumasok naman ang mga pulis sa loob ng grocery. "Halika dito sa kotse ko." Narinig niyang sabi ni Ellifard at hinila siya papaunta sa kotse na nakaparada sa gilid ng grocery. Binuksan nito ang pinto ng kotse at pinapasok siya sa loob. "Diyan ka lang, wag kang lalabas. 'Wag ka ring lumingon kung ayaw mong makita ang galit ko." Malamig na sabi nito sakanya nang makapasok siya, tumango naman siya dito. Sinara nito ang pinto ng kotse saka ito bumalik don sa grocery, lilingon sana siya sa grocery nang bigla namang tumingin si Ellifard sa direksyon niya. Muli siyang tumingin sa harap ng sasakyan. Ano bang nangyari?' Napansin niyang wala ang side mirror ng sasakyan, kaya lalong hindi niya alam kung ano ng nangyayari sa grocery na 'yon. Ilang sandali pa siyang naghintay, naiinip na siya kaya naisipan niyang tumingin sa grocery. "Ang kulit mo.." Nang bumungad naman sa paningin niya si Ellifard.. "Kekeke..... ang tagal mo eh." Sabi niya dito. Umikot ito sa kabila at saka sumakay sa driver seat. Nasundan niya na lang ito ng tingin. Nakita niya ang hawak nitong side mirror, binato nito 'yon sa likod ng sasakyan. Nanlaki ang mata niya nang makita ang braso ni Ellifard. "Anong nangyari sa braso mo?!" Gulat na sabi niya. Hindi siya nito pinansin, binuhay lang nito ang makina ng kotse. Omo!' "Teka nabaril ka---- "Just f*****g shut up." Sabi nito, walang emosyon ang mukha nito habang nakatingin sa harap ng kotse. Kinikilabutan siya sa mga dugong nasa braso nito, natatakot siya na baka maubusan ito ng dugo. "Sa labas ka tumingin." Utos nito sakanya, tumingin naman siya sa labas ng bintana habang palihim na sinisilip ito. "Salamat Ellifard ah?" Sabi niya dito. "Hindi mo kailangang magpasalamat, dahil ako ang papatay sayo." Inismiran niya lang ito. Wee... di ko nga feel eh. -----*** "MASAKIT?" Tanong ni Romeliza kay Ellifard. Pinalabas siya nito ng kotse dahil lilinisin daw nito ang sugat. Ang galing nga eh, parang hindi ito nasaktan halatang sanay na. Muli siyang tumingin sa harapan niya, dinala siya nito sa baywalk. Hanggang ngayon hindi pa rin niya alam kung anong nangyari sa grocery. Buhay pa kaya 'yon mga 'yon?' "I'm done.." Sabi ng katabi niya saka tumingin sa dagat na nasa harap nila. Inipit niya sa likod ang buhok niya nang biglang lumakas ang hangin. Nagulat pa siya nang hawakan ni Ellifard ang buhok niya, binalingan niya ito. Kinuha nito ang manipis na ipit sa wrist niya saka nito itinali sa buhok niya. "Kamsamnida.." Nakangiting sabi niya. Kumunot ang noo nito. "Sabi ko salamat.." Sabi niya agad dito. "Tss... ano nga palang ginagawa mo sa labas? Gabi na ha?" "Eh ikaw? Anong ginagawa mo don? Gabi na ha?" Balik tanong niya dito. Nawalan ng emosyon ang mata nito na parang hindi nagustuhan ang tanong niya. Napanguso naman siya. "Nabili kasi akong ice cream namin ni Marie. Nag-crave kasi ako bigla sa chocolate ice cream." Nagulat siya nang bigla itong tumayo. "San ka pupunta?" Tanong niya dito pero hindi siya nito pinansin. "Wag kang aalis diyan..." Narinig niyang sabi nito saka ito naglakad palayo. Napanguso na lang siya. Napayakap na lang siya sa sarili niya habang nakatingin sa malayo. Nakakaramdam siya ng kapayapaan habang nakatingin ako sa tubig. Idagdag pa ang ilaw ng mga poste sa baywalk. Kahit papano naalis ang takot na naramdaman niya kanina. "Oh..." Nag-angat siya ng tingin, nakita niya ang isang plastic na dala ni Ellifard. Kinuha niya 'yon mula sa kamay nito. Napangiti siya ng makita ang tatlong ice cream cone. "Wow. San ka bumili?" Tanong niya dito saka ito binalingan. Umupo naman ito sa tabi niya. May inilabas ito mula sa isang plastic na dala pa nito. Hawak nito ang bulak at alcohol, kinuha nito ang braso niya at dinampian ng bulak ang pasa niya. "Wag makulit.." Saway nito habang patuloy na nilalagyan ang sugat niya. Napapa-iwas siya dito sa tuwing dumidiin ang bulak sa pasa niya. Nang matapos na ito ay pinagtuunan niya ng pansin ang plastic saka kumukha ng isang ice cream cone. Inabot niya ang isa kay Ellifard. "Oh, gusto mo?" Tanong niya sa binata. Knuha naman nito 'yon sa kamay niya saka tinanggalan ng balot. Kinuha niya pa ang isang ice cream at akmang tatanggalin niya na ang balot non nang may i-abot sakanya si Ellifard. "Akina 'yan." Sabi niti at kinuha ang hawak niya, binigay nito sakanya cornetto na tinanggalan nito ng balot. Napangiti na lang siya. Tahimik lang sila habang kumakain. Paubos na ang ice cream na hawak niya nang bigla niyang naalala ang kaibigan. "Naku po si Marie!" Bumaling siya kay Ellifard. "May cellphone kaba diyan? Pahiram naman ako oh.... tatawagan ko lang yong kaibigan ko." May kinuha naman ito mula sa likod ng pantalon nito at inabot sakanya ang isang cellphone. Napatingin siya sa brand ng cellphone.. Daebak! Ang ganda! Buti na lang tanda niya ang number ni Marie, mabilis niya itong tinawagan. Ilang segundo ata ang lumipas ng sinagot nito ang tawag. "Yeoboseo? " Bungad ng kaibigan niya. "Chingu!" "Lizang?! Ji geum eo-di-ya?!" Sigaw nito sa kabilang linya. Humagikgik siya. (Where are you right now?!) "Namasyal lang ako kung san-san. Uuwi din ako mamaya." Sabi niya. Parang nakahinga naman ng maluwag ang kaibigan niya. "Umuwi kana akala ko kung ano nang nangyari sayo." "Mi ahn ham ni da chingu... nibili kita ng ice cream." Nakangiting sabi niya dito para hindi ito magtaka. (I'm sorry friend) "Okay... bilisan mo ha. Kung kailan gabi na saka kapa gumala!" Sabi nito. "Ne! Ba-bye! annyeong!" Sabi niya saka pinatay ang tawag, inabot niya 'yon kay Ellifard. Nakakunot ang noo na kinuha nito mula sakanya ang cellphone. "What the is that?" Tanong nito. Siguro ang tinutukoy nito ay yung pag-uusap nila ni Marie. "Nag-aaral kami ng mga language ng mga korea, kasi someday pupunta kami sa south korea at ma me-meet namin ang mga BTS." Kinikilig na sabi niya habang kumakain ng ice cream na natunaw na. Medyo napalayo siya nang punasan nito ang sulok ng labi niya. Medyo nailang naman siya sa ginawa nito. "Wag na kayong umasang papatulan kayo non.." Sabi nito. Ang sama!' Pinalo niya ito sa balikat. "Aray!" Daing nito saka napahawak sa balikat. Nanlaki ang mata niya. Oo nga pala may sugat siya! "Omo! Mianhae okay ka lang?" Nag-aalalang sabi niya kay Ellifard, kasi naman eh binabasag nito ang pangarap niya. Umayos ito ng upo habang nakahawak sa balikat. "Don't f*****g touch me." Nakangiwing sabi nito, bahagya naman siyang lumayo dito. Malaki ang iniwan niyang space sakanilang dalawa. Napayakap na naman siya sa sarili nang biglang umihip ang malamig na hangin. "Come here." Utos ng katabi niya. Walang pagdadalawang isip na lumapit siya dito. Nagulat siya nang akbayan siya nito pero hindi siya umimik. Buti na lang at konti na lang ang tao sa lugar na 'yon, tiningala niya si Ellifard. "Ellifard ba't ang tatas mong magsalita? May accent ka" Tanong niya dito, medyo malaki kasi ang tono ng salita nito. "My padre is italiano, my madre is pilipina.." Sagot nito habang nakatingin sa malayo. Ay.... daebak parang dolce amore ang peg!' "Ahm... ellifard, sorry ha? 'Yong f*******: na peke ako gumawa non. Na push lang naman ako kasi wala pa daw akong boyfriend kaya nag creat ako ng something-something don, malay ko bang magiging totoo yon." "How did you get my picture? My real name?" He asked. Nanlaki ang mata niya. "Buong name mo talaga 'yon?" Tanong niya dito. Tumango naman ito. "Ay daebak! Nag search kasi ako sa google ng name na unique tapos 'yong surname, sa favorite kong author." Natutuwang sabi niya dito. "Desconte? The one who write a Flower under the sun?" Sabi nito, tumango naman siya. "Oo siya nga!" Sabi niya pa dito. Tumango-tango naman ito. "That author is my sorella.." Sabi nito. "Sorella?" "My sister." Tipid na sagot nito. Nanlaki ang mata niya. Omo! Ibig sabihin...' Hindi niya napigilang yakapin ito. "Wow! Daebak! jebal! jebal! Ipakilala mo naman ako sakanya oh? Gusto ko siyang makita! Sige na! Avid fan niya ako eh,! sige--- Natigilan siya nang ma-realize ang ginawa. Bahagya siyang lumingon dito, naamoy niya pa ang pabangong gamit nito. Kagat-labing kinalas niya ang mga braso sa leeg nito. "Sorry hehe." Nahihiyang sabi niya, nagulat siya nang muli siyang kabigin nito papalapit sa katawan nito. "Just stay..." Magkasiklop lang ang dalawa niyang kamay habang nakasubsob sa dibdib nito. Eottoke! Nagtataksil na ako kay Jimin! "That story is about heart-wrenching pain of wanting someone you can't have... like a forbidden love. Galing sa pransya ang plot ng kwento." Sabi ni Ellifard, napatingala siya sa mukha nito. "Totoo 'yan.... pero na co-confuse ako sa ending eh. Hindi na ba bumalik si Celestia? Pano na si Marco? May book two pa ba yon?" "I don't know... My sorella is hopeless romantic, she's avid of reincarnation, a love in second time around." "Pakilala mo 'ko ha?!" Masayang sabi niya, tumingin naman ito sakanya. Ilang inches lang ang pagitan ng mukha nila. Bahagya siyang yumuko. "Do you want?" Tanong nito. Muli siyang tumingin dito. "Ne!" Sabi niya habang tumatango-tango. Nakatitig naman ito sa mukha niya. "Sei bellisima." Anito. "Ha?" Takang tanong niya nang hindi niya nang maintindihan ang sinabi nito. Nakita niyang ilang beses itong kumurap, tinanggal nito ang braso na nakaakbay sakanya saka tumayo. "Halika na, iuuwi na kita anong oras na." Sabi nito at hinawakan ang palad niya. Napasunod na lang siya dito. Ano ba 'yong sinabi niya? Ganito pala 'yung feeling kapag hindi mo naiintindihan 'yung kausap mo.' Napaigtad siya nang pisilin nito ang palad niya at hawakan 'yon ng mahigpit. Napatitig siya kay Ellifard, hindi niya maiwasang mapangiti habang nakatingin dito. Tumingin naman ito sakanya, mabilis siyang tumingin sa malayo. Ano ba naman Lizang mata mo!' Muli siyang tumingin kay Ellifard. Kung hindi siya nagkakamali nakita niyang nakangiti ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD