“My twins! Oh my God!” umiiyak agad na bulalas ni Mommy nang mabungaran na kami ni Axton sa pintuan ng mansiyon. “Thank the Holy Father for bringing you all safe and sound,” patuloy ang paghagulgol niya kaya hindi na rin namin napigilan ni Axton ang pagluha. Akala talaga namin ay katapusan na namin kanina kapag nalaman ng mga lalaki sa labas na naroroon lang kami. Biglang umalpas ang damdaming pinipigilan namin dahil sa init ng yakap at halik ni Mommy sa aming dalawa. “Ate, Kuya!” bulalas naman ng kambal din naming mga kapatid na sina Maggie at Maliyah. Niyakap din namin sila. Nasa madamdamin kaming tagpo nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sa pag-aakalang baka si Hendrick iyon ay mabilis akong kumalas sa pagkakayakap ng mga kapatid ko. Pero nakadama ako ng pagkadismaya nang makitang

