bc

Hot Broken Heiress (SPG/R18+)

book_age18+
8.1K
FOLLOW
120.0K
READ
billionaire
HE
age gap
arrogant
badboy
mafia
billionairess
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

❗❗❗ First part of the Billionaire Series - Second Generation... ❗❗❗Dahil sa pagkabigo sa pag-ibig ay ninais ni Ayanna Aguilar ang lumayo sa lahat. Kahit masakit, kahit mahirap dahil malalayo siya sa lahat ng mahal niya sa buhay. Ngunit para sa kaniya ay ito lang ang tanging paraan para hindi na siya lalo pang masaktan at para na rin hindi na mahirapan ang mga taong mahalaga sa kaniya.Pumunta siya sa lugar kung saan walang nakakakilala sa kaniya or a total stranger. Ngunit naging dahilan naman ito para mabingit sa kapahamakan ang buhay niya.Sa oras na akala niya ay wala ng pag-asa darating ang isang lalaking hindi niya inaasahang magpapabago ng buhay niya - si Hendrick Castriano.Iniligtas siya ni Hendrick mula sa mga gustong gawan siya ng masama ngunit imbes na magpasalamat sa binata ay inaway pa niya ito at sinabihang pakialamero.Itinago ni Ayanna ang tunay niyang estado sa buhay kaya ipinagpatuloy niya ang mamuhay mag-isa na walang nakaaalam na isa siyang billionairess - A Broken Heiress...

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Ayanna’s POV “Jackpot! Ang ganda, mga pare!” nakakalokong pahayag ng lalaking naka-jacket ng itim at puti ang panloob na t-shirt. May suot itong sumbrero at may nakaipit pang sigarilyo sa mga daliri nito. “Miss, hindi ka tagarito ano? Bago ka?” nakangising tanong pa noong isa. Limang lalaki ang mga naririto at pawang mga lasing. May iba silang dayalektong ginagamit kanina na hindi ko maintindihan. Tapos kalaunan ay nagtatagalog din naman sila. Mula sa terminal ng bus na sinakyan kong papunta rito ay naglakad ako para makahap ng hotel na puwede ko munang matuluyan. Inabutan na ako ng gabi ay wala pa akong nahahanap. Dapat pala nag-google muna sana ako kanina, ngayon ay wala man lang signal dito. “May dadalawin po akong kamag-anak dito sa Cagayan. Kaya lang naliligaw po yata ako. May alam po ba kayo na puwede kong matuluyan dito? Para bukas ko na lang po ulit hahanapin iyong address?” pagsisinungaling ko. Dinahan-dahan ko ang pagsasalita para hindi nila mahalata ang accent ko. Kailangan kong itago ang totoong ako at mamuhay lang na isang ordinaryong tao. Walang kayamanan, walang koneksyon at walang kasikatang tinataglay. “Ganoon ba? Sumama ka na lang sa amin. Puwede kang matulog sa bahay ko,” nakangiting sagot naman noong lalaking nakasuot ng kulay blue na t-shirt. Sinubukan nilang lumapit sa akin pero umatras ako. Ngayon ay nakadarama na ako ng matinding kaba dahil alam ko – sa mga tingin pa lang nila – ay mayroon silang hindi magandang iniisip. And I will never allow myself to be one of those victims who were raped and murdered by some assholes. I can still remember what happened to Tita Charry. She was ravaged and brutally killed by evil men. “Ah, hindi na po. Kaya ko na po ang sarili ko. Sige, maiwan ko na po kayo,” tanggi ko at tinalikuran ko na sila para umalis agad sa lugar na iyon. Ngunit nagulat ako nang humarang iyong dalawang lalaki sa daraanan ko. Nagtawanan naman iyong ibang mga kasama niya. “Teka lang, Miss, nag-uusap pa tayo, eh. Masiyado ka namang nagmamadali,” nakakalokong saad noong lalaking nakasumbrero. “Huwag ni’yo akong lalapitan!” banta ko agad sa kanila nang tangkain nilang dikitan ako. Mabilisan kong nilingon ang paligid at walang sinumang tao sa malapit o kahit sa may kalayuan. Malalayo rin ang mga kabahayan at puro bukirin ang nakikita ko. “s**t! What f*****g place is this one?” pabulong kong tanong sa sarili. “Mukhang mataray itong bisita natin. Kailangan yata ng lambing,” tumatawang pahayag noong isa pang lalaki kaya lalo akong kinakabahan. Mas kinukutuban ako dahil nag-uusap sila sa salita nila saka nagtitinginan nang makahulugan. “No!” napatili ako nang biglang hawakan ng dalawang lalaki ang magkabilang braso ko. Pagkatapos ay tinakpan ng isa iyong bibig ko para hindi ako makalikha pa ng ingay. “Sa ibang bagay ka na lang magsisigaw mamaya, baby girl. Sasama ka sa amin at paliligayahin ka namin,” saad noong isa kaya nanghilakbot ako kaya magkasunod na patadyak na inapakan ko ang mga paa noong may hawak sa akin. “Aray! T*****n**!” sabay silang dumaing at nabitiwan ako. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para kunin ang trolly bag ko at tumakbo nang mabilis. Hirap na hirap man ay binilisan ko ang pagtakbo. Ngunit mas mabibilis sila at naabutan din agad ako noong dalawang lalaki. Ngunit mabilis kong nagamit ang itinuro sa akin ni Tito Marcus na self defense. Bumagsak ang dalawa pang lalaki kaya nakatakbo akong muli. Sa totoo lang, kayang-kaya ko namang gulpihin ang mga lalaking ito. lahat kaming magpipinsan ay naturuan ng tamang self defense at martial arts nina Tito Marcus at Tito Stan. Puwera pa iyon sa mga hired trainer na nagturo sa amin noong nasa high school na kami. Pero ayaw kong makasakit ng tao lalo na at hindi ako tagarito. What if may iba pang mag kasama iyang mga iyan? Kaya mas gugustuhin ko na lamang silang takasan. Habang tumatakbo ay hindi ko nakita ang isang bulto sa harapan ko at malakas akong bumangga roon. “s**t!” nabitiwan ko ang bag ko at talagang nasaktan ang mga dibdib ko sa lakas ng impact niyon. “Miss? Okay ka lang?” tanong ng isang baritonong boses. Ngunit hindi ko na siya nagawang sagutin o lingunin man lang dahil palapit na iyong mga humahabol sa akin. Ngunit napahinto ako nang makitang harapin ng lalaking nabangga ko iyong mga humahabol sa akin. Doon ko lang napansin na matangkad pala ito. Halos kasing tangkad ng Daddy ko at napakaganda ng pangangatawan. Kahit madilim na ay kitang-kita ang pagkakahakab ng katawan niya sa suot niyang puting t-shirt. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko nakikita ang mukha niya. “Hoy, huwag kang makialam dito. Kailangan naming makuha ang babaeng iyan dahil ninakawan kami. Scammer pala iyan eh,” biglang sabi noong kalaking nakasumbrero kaya nanlaki ang mga mata ko. “Hoy! Ang kapal po ng mukha ninyo! Ako scammer? Kayo ang mga halang ang kaluluwa dahil gusto ni’yo akong gawan ng masama!” bulyaw ko sa kanila. Hindi sumagot ang mga ito at tinangkang tabigin iyong lalaking nakabangga ko kanina ngunit naging mabilis ang mga kilos nito. Sa isang iglap ay binubugbog na niya ang mga ito at napapanganga ako sa galing nito sa martial arts. Marami na akong nakitang exhibition mula sa mga tito ko pero matikas at maliksi ang galaw nitong lalaki. Sa huli ay bumagsak lahat sa lupa ang mga lalaking nambabastos sa akin kanina at halos hindi na makagulapay sa tindi ng bugbog na inabot nila roon sa lalaki. Sinubukan naman nilang manlaban ngunit sadyang magaling ito kaya hindi sila umubra rito. Napasinghap ako noong bigla itong humarap sa akin. Inaninag nitong mabuti ang mukha ko saka sumilay ang matamis na ngiti habang lumalapit sa kinaroroonan ko. “Okay na, Miss Beautiful. Wala ka nang dapat pang ipag-alala. Hindi ka na magugulo ng mga iyan,” malambing nitong saad sa akin. Pero sinamaan ko siya ng tingin. “So? Ini-expect mo ba na magpapasalamat ako sa iyo? Tapos kikiligin kasi mala-knight in a shining armor ang dating mo? Hmp!” tinalikuran ko na siya at tumuloy na ako sa paglalakad. “Hey! What an ungrateful lady!” Napahinto ako sa sinabi niya. Kunot ang noong humarap akong muli sa kaniya. “I am not ungrateful. Alam mo, kung sino ka man, kumita na iyang mga eksenang ganyan sa mga pelikula at Chinese series. If I know, pakana mo lang ang mga lalaking iyan para makilala ako at magkaroon ako ng utang na loob sa iyo. Well, sorry, hindi bebenta sa akin ang gimik mo! Goodbye!” angil ko sa kaniya at muli na siyang tinalikuran “May I at least know your name, Miss Ungrateful?” tila may pang-aasar na tanong niya. Ngunit hindi ko na siya pinansin pa at nagdire-diretso na ako ng lakad para makalayo sa lugar na iyon Ang akala ko ay susundan niya ako ngunit mabuti na lang talaga at hindi. Ayaw kong magtiwala sa kahit na sino kaya mas mabuti na talaga ang ganito. Sa huli ay sa isang mini hotel muna ako tumuloy. May branch din pala ang Diamond Paradise Hotel ni Tito Hunter dito sa Cagayan. Pero hindi ako puwede roon dahil siguradong madali akong mate-trace ni Daddy o kaya ay ni Tito Marcus. Kinabukasan ay sinubukan kong humanap ulit ng kahit studio type na apartment. Puwede rin naman akong mag-dorm doon sa lilipatan kong university, kaya lang ayaw ko ng may kasama sa kuwarto. Mas gusto ko sana iyong solo ko lang talaga iyong room. Magtatanghalian na nang mayroon akong makitang malapit sa university. Siguro ay hindi ko ito nakita kahapon kasi nga maggagabi na. Tapos medyo liblib pa dahil nasa dulo nitong eskinita. “One month advance at one month deposit lang naman nag patakaran namin dito, Miss. Tapos sa iyo ang kuryente at tubig. Pero kumpleto na iyan sa mga gamit sa bahay mula sa mga sofa, kama at gamit sa kusina,” paliwanag sa akin ng matandang babae. Tango lang naman ako nang tango sa mga sinasabi niya. “Sige po, kukunin ko. Mas gusto ko nga po itong nasa second floor,” sagot ko pa. “Puwedeng cash at puwede ring Gcash ang bayaran,” dagdag pa niyang paliwanag. “Gcash? Ano po iyon?” gulat kong tanong. Ngayon ko lang kasi narinig ang bagay na iyon. “Gcash hindi mo alam? Kaloka kang bata ka,” hindi makapaniwalang bulalas ng matanda. Pero lalo lang kumunot ang noo ko. Actually, lumaki ako na halos hindi gumagamit ng cash dahil nga may kani-kaniya kaming credit card na magkakapatid. Kaya bago lang sa pandinig ko ang sinabi niya. “Sorry po. Wala po kasing ganiyan sa amin. Cash na lang po ako magbabayad,” hinging paumanhin ko. Siya naman ngayon ang may mas matinding pagtataka sa mukha. “Ha? Eh, bakit, saan ka ba galing?” usisa niya. Bigla naman akong kinabahan. Ang plano ko pa naman ay magpanggap na mahirap at napalayo lang sa mga magulang at mga kapatid para mag-aral. Balak ko ring mag-apply for scholarship, tutal matataas naman ang mga grades ko at sigurado akong kayang-kaya kong i-maintain iyon. “Sa malayong probinsya po. Lahat po ba ng unit nitong apartment ay occupied na?” pag-iiba ko sa usapan. Ngunit bago pa siya makasagot ay napasinghap ako nang makita kung sino iyong bagong dating. Nagulat naman ang matanda sa reaksyon ko kaya nilingon niya kung sino iyong tinitingnan ko sa may bandang likuran niya. “Ikaw?” asik ko agad sa lalaki. “Sinusundan mo ba ako?” galit ko pang dagdag na tanong. Ito iyong pabidang lalaki na kunwari ay tumulong sa akin kagabi pero malakas talaga ang hinala ko na gimik lang nila iyon. “Excuse me, kilala ba kita?” aroganteng tanong naman niya sa akin. Naningkit ang mga mata ko at hindi ko nagustuhan ang tanong niya. If he is trying to embarrass me here, then he got the wrong person to pick on. “At anong pinalalabas mo aber? Ikaw iyong pakialamerong lalaki kagabi, hindi ba?” may panunuyang tugis ko sa kaniya. Mahina naman siyang natawa kaya medyo napanganga ako sa paglitaw ng dalawang maliliit na dimples sa gilid ng bibig niya. Bigla tuloy kumirot ang puso ko dahil naalala ko si Charlie. Iyon ang isa sa mga nagustuhan ko sa physical features niya. Nagngitngit tuloy lalo ang kalooban ko sa lalaking ito. Kung hindi dahil sa kaniya ay ko hindi maalala ang first love ko na siya ring dahian ng una at malala kong heartbreak. “Oh! Natatandaan ko na! Ikaw si Miss ungrateful. Tinulungan na nga, mayabang pa, tapos hindi pa marunong magpasalamat!” sarkastikong angil naman niya sa akin. Saka ako hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa. “Magkakilala kayo?” naguguluhang tanong ng matanda. Nabaling naman ang tingin nitong mayabang na lalaki sa kaniya. “Medyo,” nakangisi niyang tanong sa matanda. “Tita Joanna, stalker yata ang babaeng iyan. Alam niyang dito ako nakatira kaya–” “Hoy! Ang kapal din naman ng apog mo, ano? Iyang isang katulad mo, ii-stalk ko? Bakit guwapo ka ba? Feeling guwapo puwede. Saka umalis ka na nga, inaabala mo lang kami!” taboy ko sa kaniya. Malapit nang maubos nag pasensiya ko sa lakas ng hangin niya. Baka hindi ako makapagtimpi ay masapak ko na talaga ang lalaking ito. “Aba, hija, guwapo naman talaga iyang si Hendrick. Crush ng bayan nga iyan lalo na sa university,” pagtatanggol naman sa kaniya nitong kahera. “Naku, Aling Joanna, nadadala lang po sa kayabangan siguro,” pabalang ko namang sagot. Sumeryoso naman ang mukha ni Hendrick – iyon pala ang pangalan niya. Parang nasabi na niya yata kagabi pero nakalimutan ko. “Ikaw lang ang nagsasabing mayabang ako. And FYI diyan lang ako nakatira sa kabilang unit at mag-iisang taon na ako rito. Ikaw itong kararating lang pero parang reyna kung umasta. Ingat ka, kasi baka lalo kang mapahamak kung palagi kang nagtataray!” makahulugang pahayag niya. Hindi naman ako nakaimik kaagad pero hinding-hindi ako magpapatalo sa kaniya. “Wala akong ginagawang masama kaya sure akong hindi ako mapapahamak. Unless may mga tao talagang halang ang kaluluwa sa paligid,” pasaring ko naman sa kaniya. Lumamlam ang mga mata niya at nagsalubong ang kilay. Pero hindi ko na siya pinansin at tumingin na muli kay Aling Joanna. “Okay na po sa akin ito, Aling Joanna. Bale magkano po lahat ang babayaran ko?” ilalabas ko pa lang sana ang kulay pulang Prada wallet ko pero biglang nagbago ang isip ko. Hindi nila puwedeng malaman ang tunay na pagkatao ko. Siguradong makakahalata sila kapag makita nila ang brand ng wallet. At least itong bag ko, iisipin nilang imitation lang. pero sabagay, puwede ko rin lang naman sabihin na imitation lang ito kung sakali. Kaya sa huli ay inilabas ko pa rin. “Bale 3,500 ang renta monthly. So, one month advance at one month deposit kaya bale 7,000 pesos lahat,” nakangiting tugon naman ng matanda. Ngunit nakakunot ang noo ko nang makitang hindi pa rin umaalis si Hendrick. “Ano pang ginagawa mo rito?” asik ko sa kaniya. Tumaas naman ang isang kilay niya. Diyan sa kabilang unit ang puwesto ko, nakaharang ka sa daan kaya paano ako makakapunta sa unit ko?” pabalang naman niyang sagot kaya lalong nag-init ang ulo ko. “Bulag ka ba? Ang luwang-luwang ng daanan diyan sa likuran ni Aling Joanna, dito ka dadaan sa kinatatayuan ko? Lumayas ka na nga sa harapan ko! Nakakainit ka ng ulo! Ang laki-laki mong tao pero parang wala kang utak!” buwisit na buwisit na bulyaw ko sa kaniya. Naningkit naman ang mga mata niya at tumiim ang mukha. Napakapapansin kasi. Parang gumagawa lang talaga ng dahilan para buwisitin ako. “Alam mo ang taray mo, masakit ka na rin magsalita, ha? Sayang maganda ka pa naman, kaya lang nakaka-turn off kasi masiyado kang masungit. Sige ka, mabilis kang tatanda niyan,” pang-aasar pa niya kaya kumuyom na ang kamao ko. “Aling Joanna, ito na po ang bayad ko. Kailangan ko na pong pumasok bago ako makagulpi ng mayabang at papansin na lalaki,” gigil kong baling sa matanda, saka iniabot ang bayad sa kaniya. Natutuwa ako dahil hindi ako nabubulol magtagalog ngayon. Isa pa ay napapanatili ko rin na normal at hindi slang ang pagsasalita ko. Malaki pala ang nagagawa ng galit, kasi pati dila ko natutuwid magtagalog. “Bye, Miss sungit na, Miss ungrateful pa!” habol na pang-aasar pa ni Hendrick habang lumalakad papunta sa unit niya. “Madapa ka sana!” inis kong bulong. “Ay kabayong bakla!” gulat na tili ni Aling Joanna dahil natalisod si Hendrick at muntik nang bumagsak sa sahig. “Oh my gosh, and bilis ng karma!” napapahagalpak sa tawang sambit ko. Hindi ko talaga mapigilan ang matawa lalo at napasimangot siya. Narinig ko rin siyang mahinang nagmura pero alam kong hindi iyon para sa akin. “f**k! Nakakahiya!” narinig kong usal pa niya saka marahas na nagbuga ng hangin. Hanggang sa makapasok na ito sa unit niya, kami naman ni Aling Joanna ay nagpipigil pa rin ng tawa “Naku, hija, may asin ka sa dila,” tawang-tawang banggit ni Aling Joanna kaya maging ako ay napapahagikgik talaga. “Mabuti nga po sa kaniya iyon. Dapat nga nasubsob pa siya para mabawasan ang pagiging mahangin niya,” belewalang saad ko. “Naku, huwag gano’n, hija. Mabait naman iyang si Hendrick. Sa totoo lang gustong-gusto ng lahat iyan kasi maginoo, guwapo at matulungin sa mga kapitbahay,” papuri ni Aling Joanna sa mayabang na lalaking iyon. “I don’t think so, Aling Joanna. Maybe he was just trying to prove something and be popular among everyone,” hindi ko napagilang masambit. Tapos ay biglang nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kong hindi pala ako puwedeng nag-e-English dahil baka makahalata sila. “Ang ganda naman ng accent mo, hija. Parang hindi ka galing ng probinsiya,” biglang komento ni Aling Joanna. Pilit naman akong ngumiti ng maluwang para itago ang kaba ko. “Talaga po? Mahilig po kasi akong manggaya ng mga accent. Saka nag-aaral po talaga ako ng mabuti sa English kasi gusto ko pong maging TV anchor. Kaya nga po broadcast journalism ang course ko,” sagot ko naman. Tumango-tango ang matanda. “O siya, sige, maiwan na muna kita para maiayos mo na ang mga gamit mo. Kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ako o i-chat. Naroon lang din sa may baba ang bahay ko, katabi nitong apartment,” bilin pa niya sa akin. Tango lang din naman ako nang tango. “Salamat po, Aling Joanna saka–” “Tita Joanna na lang, hija,” putol niya sa akin. “Lahat kasi ng tenant ko rito ay iyan ang tawag sa akin,” dagdag pa niya. “Okay po, Tita Joanna. Please po, kung sakaling may maghanap sa akin o magtanong tungkol sa akin, sabihin ni’yo po walang nakatirang gano’n dito. Saka po simula ngayon, huwag ni’yo na po akong tatawaging Ayanna, ‘Aya’ na lang po,” pakiusap ko naman. Agad namang nagsalubong ang mga kilay niya. “Bakit naman? May pinagtataguan ka ba?” nagtataka niyang tanong. Tumango naman agad ako. “Opo. Ang pamilya ko. May masakit na pangyayari po kasi akong tinatakasan kaya… kaya po ako napunta rito,” malungkot kong pag-amin. Hindi ako puwedeng maglihim sa kaniya dahil kung hindi ay mabilis lang akong mahahanap ni Daddy. “Gano’n ba? Kaya pala kahit nakangiti ka ay malungkot ang mga mata mo. Pero alam mo, ang ganda-ganda mo, hija. Aba dadaigin mo pa ang mga artista. Iyang kutis mo, ang kinis. Pakiramdam ko nga hindi ka totoong anak mahirap, eh,” pansin pa ng matanda. Medyo napalunok naman ako. “Maganda, maputi at makinis lang po talaga ang Mommy–ay nanay ko. Guwapo rin naman po ang tatay ko kaya, kahit papaano ay maayos ang hitsura ko,” muntik pa akong mautal. Mahirap talaga kapag hindi ka sanay magsinungaling. Ang bilis-bilis tuloy ng t***k ng puso ko at para akong isang kriminal. “Sabagay. Sige, alis na ako. Welcome to Greenwood apartment,” saad pa niya. “Salamat po,” kumaway na lamang ako sa kaniya. Pagpasok ko sa unit ay agad kong iginala ang paningin ko sa loob nito. Mas Malaki pa ang kuwarto ko kaysa rito. Hindi ako makapaniwala na sa isang buong unit ay nandito na ang lahat. Isang kuwarto, maliit na kusina, isang banyo, mumunting salas at napakaliit na laundry area. “Damn! Can I really do this? I don’t know any household chores nor how to cook my own food,” sambit ko sa sarili nang pasalampak na naupo ako sa nakapaliit na sofa. Sa mansion namin ay dawalang set pa ang malalaking sofa. Muli ay naiiyak na naman ako. Hindi ko mapigilang alalahanin ang nakaraan – kung paanong nasadlak ako sa kalagayan kong ito ngayon? I distanced myself to everyone - literally everyone. I know it broke my Mom's heart and it pained my Dad deeply. The decision saddened my siblings, too. But I just can't... I can't ignore the pain. I can't bear to see the man I love being happy with someone close and dear to my heart. I never want Lily to have a hard time because of me. But I can't stand seeing Charlie smiling brightly, knowing that the reason of his happiness wasn't me... ANNOUNCEMENT: Guys, nagkamali ako ng timeline sa story ni Marco about sa age nina Ayanna at Lily. Tama po ang mga nakapansin na readers, twenty-one (21) na dapat si Ayanna habang eighteen (18) pa lang si Lily. Pasensiya na kayo sa pagkakamali ko. Medyo nakakalutang kasi talaga kapag nasa SNR. Pero alam kong hindi excuse iyon at dapat may notes ako. Yes po, may notes ako pero talagang aminadong mahina sa Math at mahina sa numbers. Diyan talaga ako madalas magkamali. Kaya aayusin ko na lang po dito sa story nila kasi mahirap na i-edit iyon doon sa story ni Marco. Magugulo iyong story. Supposed to be rin ay mauuna ang story nina Lily at Charlie na Billionaire’s Loving Arms, pero maraming nagre-request na unahin si Ayanna. Kaya pinagbigyan ko na lang din po. Sana ay maunawaan ninyo at suportahan ang unang kuwento ng Billionaire Series Second Generation. Ito naman po ay tatawaging Desired Love Series. Kung may bagong readers po ako, pa-follow naman po ako. Search ni’yo lang Miss Thinz. Sa mga hindi pa nakakabasa ng Billionaire Series, kapag na-open ni’yo ang account po ay makikita ni’yo po lahat sa bio ko ang mga stories ko. Muli po ay maraming-maraming salamat sa pagtangkilik.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook