Chapter 1 Transferee

4136 Words
Huminga ako nang malalim bago ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa registrar’s office nitong university. This is also my first time to study in a public school. I have to be strong and confident, or else I will lose face. Pinili kong lumayo at umalis sa piling ng mga magulang ko kung saan hindi problema ang pera at iba pang mga bagay. Kaya kailangan kong panindigan ang desisyon kong ito kung talagang gusto kong maka-move on ng tama sa nangyari sa akin. Ngunit kanina pa ako naglalakad ay hindi ko pa rin mahanap ang registrar’s office. Sabi kasi ay puwedeng mag-enroll online. I did, but still I was told that I have to go to the registrar’s office for confirmation. I shook my head and sighed heavily. Sa huli ay napilitan na akong lumapit sa grupo ng ilang mga kababaihang masayang nagkukuwentuhan at nagtatawanan sa isang bench na nalililiman ng isang malaking puno. “Hi, guys, puwede ba kayong maabala saglit?” kinakabahang tanong ko. Nahinto naman sila sa ginagawa at tumingin sa akin – hindi, matamang tumitig sa mukha ko. Iyong isa ay hinagod pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Transferee ka?” tanong no’ng isang babae na nakatali ang buhok pataas. Tumango naman ako. “Yup. Hinahanap ko kasi iyong registrar’s office. Itatanong ko lang sana kung saan iyon?” sagot ko. Halos sabay-sabay naman nilang itinuro iyong dulong bahagi ng building na nasa kanan nila. “Nakikita mo ba iyong building sa tapat ng flagpole? Pasukin mo iyong lobby. Tapos kumaliwa – ay kumanan ka pala sa unang kanto. Sa dulo no’n, nandodoon iyong registrar’s office. Sa bandang kaliwa naman ay iyong accounting office. Sinabi ko na rin kasi I’m sure mayroon kang babayaran doon,” dire-direstong pagbibigay-alam sa akin noong kasama nilang babae. Sa hitsura nito ay mukhang ito ang pinakalider nila. Tumango-tango lang din iyong iba. Napangiti ako sa kanila. “Salamat, ha? Salamat talaga. Sige, mauna na ako,” kumaway pa ako sa kanila. Ngumiti lang sila sa akin. At noong lumakad na ako palayo sa kanila ay saka sila nagtawanan. Dumiretso na lamang ako at hindi na sila pinansin pa. Baka may pinag-uusapan lang silang nakakatawa. Pagdating ko sa sinabi nilang lugar ay wala naman akong nakitang opisina roon. Bagkus ay dalawang pintuan na may nakalagay na Stockroom. Muli akong bumalik sa pinasukan kong lobby kanina dahil baka nagkamali lang ako. Pero nakailang beses na ako ay wala pa rin talaga iyong hinahanap kong opisina. Maging iyong kaliwang pasilyo na sinasabi nila ay wala rin. Napapikit ako at aburidong sinapo ang noo ko. Mukhang napaglaruan ako ng mga malditang mga babaeng iyon. Kaya siguro bigla silang nagtawanan kanina noong nakaalis na ako. Paglabas ko ng building na iyon ay nagpupuyos ang kalooban ko. Kapag nakita ko ulit ang mga babaeng iyon talagang makakatikim sila sa akin. What a bunch of bitches! “Hi, Miss!” medyo napakislot ako nang may marinig na nagsalita. Umikot ako at nakita ang isang matangkad na lalaki at may suot na salamin. “May hinahanap ka ba? Kanina ko pa kasi napapansin na pabalik-balik ka rito,” tanong niya. Medyo ni-relax ko muna ang mukha ko at tipid na ngumiti. “Hinahanap ko kasi iyong registrar’s office. Kaya lang na-prank ako ng ilang malditang estudyanteng napagtanungan ko,” inis kong sagot. Bahagya namang umawang ang mga labi nito at mukhang nagulat. “Gusto mo bang samahan kita? Nasa second floor iyon at wala dito sa ground floor,” alok niya sa akin. Namilog naman ang mga mata ko at agad na napatango. Hindi ko rin napigilan ang mapangiti kasi medyo napapagod at nagugutom na rin ako kakahanap mula pa kanina. May 8:00 AM class ako pero mag-aalas-nuwebe na kaya siguradong hindi na ako makakapasok doon. “Okay lang ba? Hindi ba nakaaabala sa iyo?” may pag-aalinlangang tanong ko. “No problem! I am happy to help. By the way, I am Farren Dominguez. But you can call me Ranz. That’s my nickname,” pakilala niya sa sarili at inilahad pa ang kamay sa akin. Bahagya naman akong natigilan at nag-isip kung sasabihin ko ba sa kaniya ang tunay kong pangalan. But he wanted to help me, so I guess wala namang masama. “Aya!” tinanggap ko ang kamay niya. “I am, Aya. Let’s go?” mabilis ko lang ding binawi ang kamay ko. Tumango naman siya at nagsimula na kaming maglakad. “Bago ka lang ba dito? Ano pa lang course mo?” maya-maya ay tanong niya habang paakyat na kami. “BA in Mass Communication and Journalism. Mula pa noong bata ako, gusto ko talagang maging broadcaster. Natutuwa akong panoorin iyong mga nagbabalita sa TV kaya ito ang kinuha kong kurso,” nakangiting sagot ko. We owned the second largest TV network in the country. My Dad was always bringing me to his office, but I always sneaked out to go to the news studio. Ang saya-saya ko kapag pinapanood ko iyong mga nagbabalita. Kaya lagi kong sinasabi kina Mommy na gusto ko ring maging anchor o reporter. “Ang ganda-ganda mo namang broadcaster kung sakali. Accountancy naman ang course ko. Sinabi ko lang kahit hindi mo tinatanong,” nakangiting tugon niya. “Akala ko nga kanina, celebrity ka, eh!” dagdag pa niya kaya natawa naman ako sa sinabi niya at napailing na lang. Lagi na lang sinasabi ng iba na maganda ako, matalino, sexy at siyempre mayaman. Pero bakit hindi pa rin iyon naging sapat para magustuhan ako ni Charlie? Bakit mas pinili pa rin niyang mahalin ang pinsan ko na malayong mas bata ng ilang taon sa kaniya? Samantalang ako, lagi akong nagpapansin sa kaniya, pero kahit kailan pala ay hindi niya ako nakikita. “Aya, okay ka lang?” untag sa akin ni Ranz, kaya napasinghap ako. Gulat ko siyang tiningnan. “Oo naman. Bakit?” Napakamot ito sa ulo at naguguluhang tumingin sa akin. “Eh, iyon, oh, nalampasan na natin iyong registrar’s office. Pero parang ang lalim kasi ng iniisip mo kaya hindi mo naririnig ang mga sinasabi ko,” paliwanang niya. Naging medyo alanganin din iyong tingin niya. Nilingon ko iyong sinabi niya at totoo ngang nalampasan na namin. Parang biglang gusto kong batukan ang sarili ko. Bakit ba kasi sumagi na naman sa isip ko si Charlie? Marahas akong nagbuga ng hangin at iniiling ang ulo ko para burahin siya sa isip ko. Paano ako makaka-move on kung siya palagi ang laman ng isip ko? “Sorry… may naalala lang ako. Sige, okay na ako rito. Salamat, ha?” sambit ko na lang para mabawasan iyong awkwardness na nararamdaman ko. “No problem! By the way, gaya ng sinabi ko kanina, accountancy ang course ko. Magkatabi lang ang mga building natin. Kaya kapag kailangan mo ng tour guide dito sa campus, tawagan mo lang ako!” sagot naman niya. Lumapad ang ngiti ko at tumango. “Sige. Salamat, Ranz! Nice meeting you,” tugon ko. Pero hindi agad siya gumalaw sa kinatatayuan niya kaya napakunot ako ng noo. “Paano naman tayo magtatawagan kung sakali? Wala naman akong number mo. Puwede bang makuha ang number mo?” medyo nahihiyang tanong niya. Kumabog naman ang dibdib ko. Nakatago na sa apartment iyong iPhone ko at bumili lang ako ng mumurahing android phone. Bumili lang din ako ng bagong sim card at wala pa akong pinagbibigyan kahit sino nitong bagong number ko. At kahit tinulungan ako nitong si Ranz, hindi ko pa rin naman siya personal na kakilala kaya nagdadalawang-isip ako kung ibibigay ko ba sa kaniya ang number ko o hindi. “Hindi ba puwede?” muli ay tanong niya dahil hindi ako nakasagot agad sa kaniya. Bumuntong-hininga ako. Wala akong sinumang kakilala ngayon kaya hindi naman na siguro masama kung siya ang unang maging kaibigan ko rito. “Okay. Sorry. May trust issue na kasi ako ngayon kaya nahihirapan akong magtiwala agad,” inilabas ko ang cellphone ko at hinanap ang number ko. Pagkatapos ay ipinakita ko sa kaniya. Kabibili ko lang ang sim kaya hindi ko pa memorize ang number ko. “Thanks, Aya!” masayang sambit niya at agad na idinayal ang number ko sa cellphone niya. Pagkatapos ay tinawagan niya iyon. “Save mine, Aya! Sana sa susunod malaman ko na ang buong pangalan mo. Bye!” kumaway pa siya sa akin. Gumanti rin ako ng kaway at pinanood ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Pagkatapos ma-verify ang lahat ng papel ko ay papunta na ako ngayon sa second subject ko. Halos takbuhin ko na iyon dahil five minutes na lang at time na. Hingal na hingal ako at medyo pinapawisan nang marating ko na ang classroom namin. Ngunit nanigas ako sa may pintuan nang literal na nabaling ang atensyon ng lahat sa akin nang magsimula na akong pumasok at maghanap ng bakanteng upuan. Fuck! Bakit ba ako kinakabahan? This is just a normal class, Ayanna. Get yourself together or you will end up embarrassing yourself in front of everyone. Sa isip ko ay sermon ko sa sarili. May nakita akong bakanteng upuan sa may gitna ng pang-apat na row. Medyo nakayuko akong nagpunta roon. Huminto ako nang matapat sa upuang iyon at tiningnan ang nakaupo sa tabi niyon. “Hi! May nakaupo ba rito?” marahan kong tanong sa babaeng estudyante. Umiling naman ito. “Wala. Sige, dito ka na lang,” alok nito sa akin. Agad naman akong tumango at sinipat ang paanan ng upuan. Baka kasi uso pa rito ang mga prank na bigla na lang babagsak iyong upuan kapag naupo ka na. Nang masigurong maayos iyon ay ibinaba ko na sa lamesa ang bag ko at unti-unting naupo. “Hi! Bago? Ako si Jonalyn. Ikaw?” tanong niya at inilahad ang kamay sa akin. Bahagya akong tumikhim. Ramdam ko ang maraming pares ng mga matang nakatingin sa akin. s**t! Ang awkward talaga. “Oo. Transferee ako. Ako nga pala si Aya,” kimi kong sagot. “Artista ka ba? Alam mo, ang ganda-ganda mo. Akala naming ay may pumasok na diyosa. Iyong mga boys nga, oh, tingnan mo natulala na yata sa kagandahan mo. Sa iyo lang naka-focus ang tingin nila,” pabungisngis na bulong niya sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko at agad nag-init ang mukha ko. Sinubukan kong silipin ang sinasabi niya at napamulagat ako at mabilis na nagbawi ng tingin nang mapagtantong totoo nga ang sinasabi niya. Ngunit hindi na kami nakapagsalita pa kasi umayos na ang lahat dahil dumating na ang teacher namin. “Nandito na si Professor Hot!” kinikilig na komento ni Jonalyn kaya napatingin ako sa kaniya. Napansin ko ring maging ang ibang kababaihang estudyanteng nandito ay biglang napapangiti at kinikilig. Ngunit nang bumaling ako sa harapan ay napasinghap ako. Umawang din ang mga labi ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. “Iyan ba ang professor natin?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Jonalyn. “Oo, siya nga! Ang hot at ang pogi, ‘di ba? kaya nga walang uma-absent sa klase niyan lalo na ang mga alagad ni Eva!” makahulugang sagot niya. Bumilis nang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Biglang nanumbalik sa akin ang lahat. Mula noong una naming pagkikita hanggang kahapon na dire-diretso ko siyang tinarayan at ininsulto. Pinagtawanan ko pa nga siya noong muntik na siyang madapa. s**t ka talaga, Ayanna! Damn it! “Good morning, everyone!” bati ni Hendrick – no, Sir Hendrick pala. Nakayuko lang ako kasi natatakot ako na baka makita niya ako. Paano kung ipahiya niya rin ako rito? Paano nga ba ako magtatago sa kaniya. May iba pa kayang klase na same ang subject pero different professor? “Good morning, Sir Pogi!” sabay-sabay na bati ng lahat. Ngunit mas nangingibabaw iyong medyo patili at kinikilig na boses ng mga babae. “Oh, I guess we have a new student. Miss, kindly proceed here in front and introduce yourself,” saad nito. Kinalabit agad ako ni Jonalyn kaya napatingin ako sa kaniya. Inginuso naman niya iyong bandang harap. “Magpakilala ka raw sa harap,” bulong niya sa akin. Lumakas pa ang t***k ng puso ko at bumaha lalo ang kaba sa dibdib ko. May nginig ang mga tuhod ko at napapalunok akong tumayo. Ninenerbyos talaga ako habang naglalakad papunta sa harap. Ayaw ko pa ring tumingin sa professor namin. Ayaw kong makita ang ngiting tagumpay niya. Damn him! I hate his smug and arrogant face. Huminga ako nang malalim nang humarap na ako sa mga bago kong kaklase. Karamihan naman sa kanila ay nakangiti lalo na ang mga lalaki. May iba ring mga babaeng tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. “Good morning, classmates. I am Ayanna D. Aguilar,” tipid kong pakilala sa sarili. Babalik na sana ako sa upuan ko nang biglang magsalita ang professor namin. “Will you tell us about your previous school?” utos ni Sir Hendrick kaya napahinto ako sa paglalakad pabalik sana sa upuan ko. Gustong-gusto ko siyang bigyan ng death glare kaya lang alam kong hindi puwede. Kinalma ko ang sarili at pilit na ngumiti. “It’s just a college in our province, Sir,” sagot ko. Sa pagkakataong ito ay napatingin na ako sa mukha niya. Muntik na akong mapalunok. Ang guwapo-guwapo pala niya kapag ganito na ang ayos niya. Malayong-malayo sa hitsura niya kapag nakasibilyan lang siya ng suot. Ngayon ay nakapa-pormal niya at ang linis-linis tingnan. “Okay, Miss Aguilar. You can now take your seat,” medyo nagulat pa ako sa sinabi niya. Pero tumango pa rin ako at bumalik na sa upuan ko. “Hi, Ayanna…” binati pa ako nang isang kaklase kong lalaki na nadaanan ko. Tipid ko lang siyang nginitian. Buong oras ng klase ay hindi ako tumitingin kay Sir Hendrick. Pero ramdam ko na madalas napapadako sa akin ang paningin niya. Nagkukunwari akong nagte-take note sa mga nile-lecture niya pero ang totoo, wala talagang pumapasok sa isip ko. “Jonalyn, ilang taon na ba iyang si Sir?” pabulong na tanong ko sa katabi ko. Nakangiti naman itong lumapit sa akin para bumulong din. “Bakit mo naman biglang tinatanong? Huwag mong sabihing crush mo na rin si Sir, ha?” tudyo nito sa akin kaya umikot naman ang mga mata ko. “Hindi, ano! Parang ang bata pa kasi niya para maging professor. Akala ko nga, matanda lang siya ng dalawa o tatlong taon sa atin,” hindi makapaniwalang saad ko. Sino namang mag-aakalang magiging professor ko pala ang mayabang na lalaking iyon? Nakakainis talaga! “Kung hindi ako nagkakamali 28 o 29 na siya. Actually, dalawang taon pa lang siya dito sa university. Kaya nga tuwang-tuwa kami noong malaman namin na siya ang prof natin sa Media Law and Ethics na subject,” kinikilig niyang sambit. “Miss Aguilar and Miss Martinez, care to share your topic out there?” maawtoridad na tawag-pansin sa amin ni Sir Hendrick. Napadiretso kami pareho ni Jonalyn ng upo. Tumindi ang kabang nararamdaman ko lalo na at sa akin nakatutok ang mga mata niya. “Sorry, Sir,” hinging paumanhin agad ni Jonalyn. Saglit lang siyang tiningnan ni Sir Hendrick tapos bumalik na ulit sa akin ang paningin niya. “Miss Aguilar, will explain to us how mass media can make or unmake a government?” pormal na tanong ni Sir sa akin. s**t, ngayon pa naba-blangko ang utak ko. Tumikhim ako. Lalo akong kinabahan dahil nakatingin na silang lahat sa akin ngayon. “I personally believe that mass media, especially nowadays, is very powerful that it can make or unmake a government. The influence of mass media is almost unlimited in all aspects of life. That’s why we should be responsible with our every word and action, because the true essence of freedom of speech is being responsible with every word we say and every action we take. And as an aspiring journalist in the future, this is what I wanted to have as one of my principles.” Napasinghap ako nang biglang magpalakpakan ang mga classmates ko sa sagot ko. Iningatan ko lang talaga na maging normal ang English ko at hindi mahalata ang accent ko. Maging si Sir Hendrick ay napataas ang kilay at tumango-tango. Napangiti na lamang ako at bumalik na sa upuan ko. Pawis na pawis ang noo at ilong ko, pati na rin ang mga kamay ko. “Very well said, Miss Aguilar. That is why slander and defamation cases are common in the field of journalism. Especially those who are publishing false information and malicious articles…” pagpapatuloy ni Sir sa klase namin. Sa pagkakataong ito ay mas pinag-igi ko na ang pakikinig kasi baka bigla na naman akong tawagin para mag-recite. “Vacant natin ang next period dahil wala si Ma’am. Mamayang ala-una na ulit ang klase natin,” pagbibigay-alam sa akin ni Jonalyn. “Ah, block section tayo?” tumango siya. “Mabuti pa, punta tayo doon sa coffee shop sa labas nitong university. Doon madalas tumambay ang mga estudyante kapag walang klase,” yaya niya sa akin. “Ha? Balak ko sanang maghanap ng trabaho, eh,” sagot ko naman. “First day mo pa lang, iyan na agad ang nasa isip mo? Mag-relax ka kaya muna,” sabi naman niya. Pero umiling ako. “Paubos na ang pera ko. Kapag wala akong mahanap na trabaho, isang linggo pa lang, siguradong hindi na ako makakapag-aral,” katuwiran ko naman. Napabuntong-hininga naman siya. “Sige na nga. Ah, punta tayo kay Dean. Tanungin natin kung puwede kang mag-apply for scholarship o maging student assistant,” suhestiyon niya. Napangiti naman ako. “Gusto ko iyan! Tara!” Pababa na kami sa hagdan nang mapansin ko ang mga pamilyar na mukha na nakaupo sa may gitna. Naningkit ang mga mata ko. Nang masigurong sila nga iyon ay binilisan ko ang pagbaba. “Hoy, Aya, sandali lang! Bakit ka ba biglang nagmamadali?” tawag sa akin ni Jonalyn. Pero hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy lang. “Excuse me,” agaw-pansin ko sa kumpol ng mga kababaihan. Taas ang kilay na tumingin sila sa akin pero bakas sa mukha nila na natatandaan din nila ako. “Yes? May kailangan ka ba?” mataray na tanong noong babaeng maigsi ang buhok. Hinagod pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ganitong-ganito rin iyong tinging ipinukol nila noon sa akin. “Kayo iyong mga napagtanungan ko kaninang umaga, hindi ba? Bakit kailangan ni’yo akong paglaruan?” sumbat ko sa kanila. “I wasn’t able to attend my first period because of your prank!” dagdag ko pa. “And so? Kasalanan ba namin kung uto-uto ka? Saka pa-welcome joke lang namin iyon sa iyo. Masiyado ka namang seryoso at sensitive!” belewalang sagot naman noong parang lider nila at inirapan pa ako. “Fine. Pero sa susunod na gagawan ninyo ako ng hindi maganda, gaganti na ako. Hindi porke transferee ako ay puwede ni’yo na akong i-bully o paglaruan. Tandaan ni’yo iyan!” inis kong banta sa kanila. “Hoy, teka lang! Ang yabang mo naman yata? Baka hindi mo kilala kung sino itong binabangga mo?” mataray na saad naman ng isa pang kasama nila. “Aya, tara na. Hayaan mo na sila,” hinawakan ni Jonalyn ang kamay ko at hinila na ako paalis. Pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. “Bakit? Sino ba iyan?” tukoy ko doon sa ipinagyayabang nilang lider nila. “Guys, transferee iyan from far-flung areas kaya siyempre hindi niya kilala si Krissalyn Federigo. Baka nga wala pang kuryente sa pinanggalingan niya,” pang-iinsulto pa sa akin ng isa pa nilang kasama. Sinundan pa nila iyon ng mga malulutong na tawa. “Tama! Kaya nga siguro maputi at makinis siya kasi sa loob ng kuweba nakatira. Hindi naarawan!” dagdag pangmamaliit pa ng isa. Kumuyom na ang kamao ko. “Si Krissalyn ang pamangkin ng presidente nitong university,” bulong sa akin ni Jonalyn. “So? Wala akong pakialam kung sino pa siya. Ang ibig ko lang sabihin ay wala siyang karapatan at ang mga kasama niya na paglaruan ang isang tao. Nagtanong ako ng maayos sa kanila pero lolokohin lang nila ako,” katuwiran ko naman. “Sa susunod huwag kang hahara-harang sa daan, dahil baka hindi ko matantya iyang pagmumukha mo at–” “What is happening here?!” isang parang kulog na boses ang umalingawngaw sa buong lugar. Napasinghap naman ang mga magkakaibigan sa harap namin at inayos ang mga tayo nila. “Miss Federigo, aren’t you going to answer? You are being so loud here,” sita pa ni Sir Hendrick kay Krissalyn. Napalunok naman agad ito. “Ah, wala po, Sir. Medyo napalakas lang ang boses ko,” kinakabahang tugon ni Krissalyn. Medyo nanginig pa nga ang tinig niya. “Miss Aguilar, is that true?” baling naman niya sa akin kaya napamulagat ako sa gulat. Pero pinalaki akong hindi sinungaling kaya kailangan kong magsabi ng totoo. “No, Sir. Hindi po. Sinisita ko lang sila sa pangpa-prank nila sa akin kaninang umaga. Tapos nagsimula na silang magtaray at tanungin ako kung kilala ko raw si Miss Krissalyn at alam ko daw ba kung sinong binabangga ko. Sumagot ako na hindi ko po siya kilala kasi iyon naman po ang totoo. Tapos, sabi nila galing ako sa far-flung areas kaya hindi ko siya kilala. At noong tatarayan pa niya ako ulit, doon naman kayo dumating,” mabilisan kong pagsasalaysay sa kabuuang nangyari. Palihim nila akong tinapunan ng nanlilisik ng mga tingin pero wala akong pakialam. Huwag nila akong bu-bully-hin dahil hindi ko sila uurungan. “Are you bullying a transferee, Miss Federigo?” paasik na tanong ni Sir Hendrick kay Krissalyn. Muli itong napasinghap at nanlaki ang mga mata. Sunod-sunod pa itong umiling at ngayon ay tila nahihiya na dahil marami ng ibang mga estudyante ang nakikiusyoso sa nangyayari. “For now, I won’t report you to the discipline committee. But, if this happens again, I believe, even your uncle won’t tolerate you. You might suffer from a harsher punishment. Do you understand?” matiim niyang tiningnan si Krissalyn at ang mga kaibigan nito na kanina pa takot na takot na nakayuko. “But, Sir, I was just trying to–” “Do you understand, Ms. Federigo?” putol niya sa sasabihin nito. “Y-Yes, Sir. Guys, let’s go,” masama ang loob na tugon ni Krissalyn at nagmamartsang umalis. Sumunod naman agad sa kaniya ang mga kaibigan sa takot na baka pati sila ay mapagbuntunan ng galit ni Sir Hendrick. “Miss Aguilar, are you ok–” “Aya?!” Napalingon ako nang may pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. Nang lingunin ko ay nakita ko ang humahangos na si Ranz habang patakbong lumalapit sa amin. Napangiti naman ako nang balingan siya. “Hi, Ranz. Bakit ka tumatakbo?” nagtatakang tanong ko. “I heard that you are being pick on by Krissalyn’s group, so I hurry here,” hinihingal pa ring sagot niya. Napangiti naman si Jonalyn nang tumingin sa akin. “Okay na ang lahat, Mr. Dominguez. Hindi mo na kailangang makisali pa sa gulo!” dominanteng pahayag ni Sir Hendrick kay Ranz. Nagulat pa ito dahil mukhang hindi niya napansin na naririto rin ang professor namin. Tumango siya agad dito. “Good morning, Sir! Sorry po, nag-aalala lang ako para kay Aya,” magalang naman niyang paliwanag. Pero nagbuga lang ng hangin ang professor at tumingin muli sa akin. “You, come to my office. I have an important matter to discuss with you!” utos niya sa akin. Noong akmang sasagot ako para mangatuwiran ay naningkit ang mga mata niya. “Now!” muntik pa akong mapapitlag sa maawtoridad na tono niya. Pagkatapos ay lumakad na ito paalis. May naririnig akong bulung-bulungan mula sa mga nakikiusyoso pero hindi ko naman maintindihan. May iba rin kasi silang salita rito. “Jonalyn, magkita na lang tayo mamaya. Sundin ko lang iyon sinasabi ni Sir,” paalam ko sa bago kong kaibigan, saka ako humarap kay Ranz. “Thank you, Ranz. Pero mauna muna ako sa iyo. Bye!” kumaway pa ako sa kaniya at nagmamadaling hinabol na ang mabilis na paglalakad ni Sir Hendrick. Kinakabahan ako na baka ako naman ang pag-initan nito gaya ng ginawa niya kay Krissalyn at sa mga kaibigan nito. O kaya naman ay baka sisingilin na niya ako sa mga pagtataray na ginawa ko sa kaniya noong bagong dating ako rito at saka iyong sa nangyari kahapon. s**t! *** Yes! Finally, nag-umpisa na talaga ang story ni Ayanna. Bardagulan ng ating mga bida is real. Bukas po ako mag-update sa Epilogue ng The Hotelier's Bride, kauuwi lang kasi namin galing sa training at sobrang pagod po ako. Muli po nagpapasalamat ako sa pagtangkilik sa mga akda ko. Happy Reading po!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD