Kinabukasan, ay maaga akong nagising kahit halos hindi ako nakatulog buong magdamag. Tiniis ko ring hindi magbukas ng mga messages ko o tumanggap ng tawag. I was just hurt and confused. I just literally do not know what to do. Kung ano-anong pumapasok sa isip ko, peor isa lang ang sigurado ako. kahit ano pa ang sabihin nila, at kahit ano pa ang ginawa o hindi ginawa ni Hendrick, siya pa rin ang pipiliin ko. Hindi ako susuko hangga’t kaya ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng pagmamahal. Kahit kay Charlie ay hindi ko naramdaman ang ganito. "Naku, Ma'am, tatlong beses na tumawag kagabi si Sir Hendrick. Tinatanong kung nakauwi na kayo. Sabi ko, 'opo' pero sabi niya hindi raw kayo sumasagot sa tawag niya kaya nag-aalala siya. Tumawag po ulit ngayon, Ma'am," pagbibigay-alam sa

