“What took you so long? I was worried so I was about to go and look for you inside?” nag-aalalang tanong ni Hendrick nang marating ko na ang kinaroroonan niya. Hindi ako sumagot agad at sumakay na muna ako sa kotse niya. “Let’s go! Ikukuwento ko na lang sa iyo on the way,” sabi ko naman. Pinaandar na niya ang sasakyan pagkatapos tumango. “So, bakit nga ba ang tagal mo?” tanong niya. Bigla ko namang naalala na tinatawagan ko siya kanina pero hindi siya sumagot. “Ikaw nga, eh. Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot!” irap ko sa kaniya. “We had an emergency meeting because of the missing student,” sabi niya. Napukaw naman agad ang interes ko dahil iyon ang pinag-uusapan namin nina Jonalyn kanina. “Oo nga. Nabalitaan namin kanina. Siya iyong cheerleader namin,” medyo tumagilid ako ng u

