“Ang lakas ng loob mong mag-absent, ha?” komento niya habang nagbibihis ako. “Teka, sure ka ba na puwede ako rito? Uuwi din ako mamayang gabi,” sabi ko. Natigilan naman siya. “What? Pagkatapos mo akong patikimin ng hindi ko makakalimutang karanasan, bigla-bigla mo na lang akong iiwan?” parang batang sumbat niya. Taas ang kilay ko siyang tiningnan saka biglang natawa. Ngayon ay parang naaasiwa ako sa ginawa ko sa kaniya kagabi. Ano ba kasi ang pumasok sa isip ko at nagawa ko iyon? “Ang arte mo, Hendrick. Hindi bagay sa iyo,” umirap ako at tumuloy na sa harap ng malaking salamin para ayusin ang buhok ko. Napanganga ako nang makita ang mga kiss marks at love bites sa leeg at balikat ko. “What?” tanong niya kasi pinaningkitan ko siya ng mga mata. “Hindi ko puwedeng itali ang buhok ko! Wal

